Ginamit

img-set

Sa panahon ngayon, indi lang basta mga kagamitan ang ginagamit. Sa kahaytekan ng mundo…ikaw, ako, sila, tayong lahat kasama na ng status sa buhay at sitwasyong kinalalagyan ay pwedeng-pwedeng magamit…..

LALONG-LALO NA PAG HINAYAANG MAGPAGAMIT.

At pagsawaan.

Ang gamit, indi naman pedeng tumanggi eh. Kakatakot kaya pag halimbawang maliligo ka at yung tabo nag-walk out  kasi ayaw niyang magpagamit diba? Pero ang tao, may kakayanan at karapatang tumanggi at umiwas sa mga ganitong pagkakataon gayunpaman, marami pa rin sa atin ang nabibiktima ng panggagamit. Alam man natin o indi.

Para sa mga taong INDI AWARE na sila ay ginagamit na…marapat na sila ay gawaran natin ng medal, award at masigabong palakpakan – – pero dapat yung tayo-tayo lang makakarinig at makakaalam kasi baka makahalata (hehe..).

  • Indi natin sure kung bunga ito ng kamanhiran o sadyang mababait lang sila sa totoong buhay at indi nila inaalintana ang mga linta na nakakapit sa buo nilang katawan kaya ok lang ang mga ito.
  • Pwede rin naman na ito ang isang mabisang paraan para mapalapit sila sa mga tao. Shempre, meron ba sa inyo ang tumatanggi sa grasya? Like, ayan o…siya na ang umaako sa bill ng kinain nyo. Ikaw ba ay kusang maglalabas ng wallet at bubunot ng iilang daan habang ang mga kasama mo ay bisi-bisihan sa kwentuhan na para bang kahit kung saan-saan na napupunta ang usapan eh, wag lang mapunta sa pagbabayad.
  • Kung minsan, ginagamit din itong taktik para kaawaan. Shempre, sa oras na magkaroon ng indi pagkakaunawaan ang papaboran ay yung ginamit. Sasabihing, “Siya na nga ang nagbigay, siya pa ang may kasalanan.” – Doon tayo sa kanya kumampi.
  • Naturalmente na sa kulturang Pinoy na kung sinu ang martir, doon lahat kakampi. Kasi una sa lahat, mukha silang kaawa-awa. Pangalawa, ginamit nga eh at basta na lang iniwan at Pangatlo, kawawa nga eh at ginamit…what do you expect?

Minsan, kung indi lang pagbabasehan yung huling part ng sitwasyon. Kung sinu yung iniwan. Kung sinu yung ginamit. Kung sinu yung mas na-hurt ang feelings sa nangyari. Mas makakabuti kung makikita mo at uunawain ang puno’t dulo ng lahat. Paniguradong may nagkulang at sumobra. Lahat ng kaguluhan, may pinagmulan. At may paraan para masulusyunan. Pwera na lang kung bumigay na ang isa rito o ang dalawang partido para tuldukan na ang lahat.

Kung titingnan naman natin ang side nung mga AWARE na sila ay ginagamit….(need i say more??)

  • Sila yung tipong pwede nang tayuan ng monumento sa pinakamalapit na parke sa lugar n’yo.
  • Overwhelming magmahal. Ibibigay ang lahat kahit walang kapalit. (Pero parang me kapalit pa rin, kasi mahal ka niya – – bibigay niya lahat – – pwede ka magmahal ng iba – – pero dapat mahal mo pa rin siya kahit papa’no. Kahit konti.)
  • Masokista. Pag mas masakit, mas challenging. Mas ok. Ang motto nila sa buhay, “What doesn’t kill you can only make you stronger.”  Kung dati’y tumutulay lang sila sa alambre, ngayon kaya na nilang kumain ng apoy at bubog na parang spicy chichirya lang.
  • At sa ganitong siste, nanghihina na rin ang pandinig nito o malimit na sarado ang utak sa anumang bagay-bagay na pilit mong gustung ipasok dito. Nafi-filter na kasi nito ang mga pangit at magandang bagay na kaya niyang ma-take. Kadalasan, ang mga nega ang dinededma nito. At wala ka nang magagawa kundi pakinggan ang sarili sa mga ganitong pagkakataon dahil paniguradong kausap mo ang sarili mo dahil indi siya nakikinig sa’yo.

Hindi naman masamang magmahal. Pero lahat ng sobra, yun ang masama – – ke love pa yan o pagkain. Ang mga tao sa paligid tulad ng pamilya, kaibigan at malalapit na kakilala…magpapaalala lang sila at magbibigay ng mga advise (na hindi nila kayang gawin sa sarili nila kaya sa’yo pinapagawa hehe..). Nasa sa’yo na yan kung kelan mo feel simulan. Kung kapag na no budget ka na sa kakagamit niya o yung tipong pag napuno na ang salop. Take your time, anyway time mo naman ang nasasayang at indi kanila. Pero sana naman wag yung sobrang too late na saka ka pa matataraugan kase, nakakahiya naman kung pagsisisihan mo yung nangyari pagkatapos ng lahat.

Kapag meron tayong isang bagay na gustung panindigan, wala na tayong naririnig na iba pang mas mabisang paraan kesa sa kung anu ang nasa isip natin. Sa kagustuhang subukan kung epektib ito, hahamakin natin ang lahat. Shempre nga naman, pag sakses ito…lulununin ng lahat ng mga kumontra ang mga sinabi nila. Parti ka na. Pero pag nag-flop ito – – ikaw ang lululon ng napakalaki mong pride. There’s no other way eh, unless pakamatay ka o kaya jombagin mo sila. Tanggapin mo na, pahiya ka. Ok lang naman yun. Lahat naman tayo dumaan dyan.

Kaya sa usapang gamitan, siya pa rin ang sisingil ng mga ito – – Si Kaibigang KARMA. (What goes around comes around)

Kung atapang atao ka at hinahamon mo siya, try mo rin. Malay mo ikaw pa lang ang unang-unang nilalang sa mundo na magpapatikim sa kanya ng pride niya.

Good luck!

buddypoke Aling Baby

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

17 na mga thought (isipan) sa “Ginamit”

  1. nice one aling baby! iba tlga ang mga blog mo! nakakatuwa basahin.. lam mo ung mga taong ganyan, matindi tlga ang pangangailangan!
    hay naku buti na lang simple lang ako, kahit mayaman.. (boom! biglang yabang hehehe)
    pero panalo ung tabo ha.. sabagay kahit anong pakiusap mo sa tabo walk out tlga un walang tenga hihihi

    natawa tlga ako dun sa tabo hehehe

    Like

  2. nako po.. nakakatakot magamit..

    sa panahong ito
    di tayo basta magtitiwala ng basta basta..

    nako po..

    nakakatakot…
    kaya mamili ng kaibigan at
    mangilatis… paramakaiwas sa mga gantong
    gamitan portion.

    Like

  3. Lahat naman tayo ay ‘user’; Kailangan natin ang isa’t isa (diba? No man is an island.) Yun nga lang merong mga tao na garapalan talaga manggamit… (or magpagamit?) Bahala na si Karma sa kanila. 🙂

    Nice one Aling Baby! 🙂

    Like

  4. sa isang utilitarian society..uso talaga ang gamitan…pag wala ka ng silbi..maaring pulutin ka na lang sa basurahan na parang basahan…
    ito ang mundong ginagalawan natin…kaya ingat na magpagamit at manggamit…
    nagbabalik po sa ere…matapos magbakasyon sa pinas…

    Like

  5. pa comment din,in my own point palagay ko life simply work this way,hirap din kasing sabihin na ginagamit ka lang when you think na dependent na rin sayo yung tao at the same time ikaw sa kanya.nagkakaroon lang ng word na ‘ginamit”nang-gamit’ right after things ends up badly.we just see things differently when the situation changes ad siguro most of the time,ganun lang talaga.

    this is a nice blog…keep on writing!

    Like

Mag-iwan ng puna