Hello Friends!

Sensya na ha. Mejo ang tagal ko yata nawala. (Mejo lang daw hahaha. Joke lang.)πŸ™Š Kasi naman bukod sa gasgas na linyang busy lang. Busy talaga ako sa buhay ko wala namang iba pang dahilan.πŸ’¬

So, eto nga. Ang daming update sa buhay ni Aling Baby talaga.πŸ’ƒπŸ» I’m sure kayo rin kaya…Way to go!! para sa ating lahat! Keep it up. Keribels!πŸ‘πŸΌ

Pero may gusto akong ishare sa inyo…Ang secret ko.😁😬

Atin-atin lang β€˜to ha?

Promise?

Cross your heart?πŸ™…πŸ»

Cross it! Cross it! Hahaha!πŸ˜‚

Kase eto nga. Alam n’yo ba na….may superpower ako?😏πŸ’ͺ🏼

Meron! Totoo!😎

Bahala kayo kung ayaw n’yo  maniwala. Basta meron.πŸ‘…

Yung superpower ko, hindi ko alam kung dapat ko ba ikasaya o ikalungkot. At mas madalas nalulurkey ako at nagugulat na pati ako nadadamay lang.

Inaantay n’yo ba na sabihin ko sa inyo kung ano ang superpower ko?πŸ‘€

Wala talaga akong balak sabihin kasi hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa. :PπŸ˜†

Kaya para sa mga natamaan ng ligaw na bulalakaw. Pasensya na po kayo. Minsan may mga bagay lang na nauuna na ko sa hint bago pa nangyayari. Yun lang cguro yun kaya mas maigi nang manahimik na lang.😐

Hindi ito blind item hahaha! Sabi nga sa relationship status option sa FB: It’s complicated lang. LOL.😜

Para yatang mas lalong lumabo. Hahaha! Basta yun na yun.πŸ˜‰β˜ΊοΈ

Ganito na lang ang suggestion ko para sa  sangkatauhan, gawin lang natin kung ano ang makakapagpasaya sa atin habang we’re alive and kicking. Who knows baka last day mo na pala bukas or next week tapos punumpuno ka pa rin ng poot at galit kung saan-saan at kung kani-kanino. Which means, nagsasayang ka ng panahon β€˜te. Merong mga bagay na sa haba ng panahon na dinededma mo or mga sitwasyon, na kung kelan napuna or napansin mo na, sign na pala yun kasabay ng mga jinx or worst….goodbye na pala. Hindi nga natin alam yan. Walang kasulatan tungkol jan.

Make the most of every day. Lalo na pag nagkaka-edad ka na. Walang ibang magiging masaya para sa’yo sa mga desisyon at preference mo sa buhay kundi ikaw kase everybody is doing the same process with their own lives. So, bakit ikaw kumekebs ka pa rin sa sasabihin ng ibang tao? Gorabels lang mga kapamilya! Go and pursue what your heart wants and desires. Life is short. Ok?

At etong sumpa este superpower na tinatawag kong power para panabla sa negativities na kapartner niya. Na kahit mas madalas na pati ako nabubukulan nito, gusto ko pa ring isipin na mas malaki ang advantage nito para sakin kasi lumalawak ang pananaw ko sa nangyayari. With mas makapit na break fluid para sa madudulas na puna. O cguro lang…baka destined lang talaga na mangyari. Nauuna lang ako kesa sa bentekuatro oras. πŸ˜‚πŸ˜†

Para sa mga nakakwentuhan kong nakapagshare ng mga plano at mga balak na may halong excitement…ipagpaumanhin nio po ang pagiging NR ko ano po? Ayoko lang ma-spoil ang mga ito sa simpleng comment ko ng “good luck..” -wala po akong kinalaman sa kalalabasan ha? Pls. Thanks.

O ayan, yun lang.😊 

Happy birthday po sa inyong lahat!!!🎈

Advertisements