May balat (birth mark) ka ba….doon??

 

Sabi nga nila, pag dinapuan ka ng malas — sa ayaw at sa gustu mo….babagyuhin ka nito – big time! Kung ikaw ang nasa sitwasyon, mapapa-amp ka na lang ng paulit-ulit habang napapangisi’t pailing-iling na iniisa-isa ang masaganang araw ng kamalasan.

Gustuhin mang sumakit ng ulo mo, busy naman siya sa pagtatrabaho sa opisina. Wala kang ibang choice kundi i-absorb ang kung anumang ang nakahain sayo para sa araw na ‘yon.

Papano pa kaya kung malaman mong sa tinagal-tagal mo sa mundo, indi mo alam na meron ka palang balat slash (/) nunal sa sa iyung puwitan na matagal nang nakaprente dito nang di mo namamalayan? Sa ilang sunud-sunod na araw na pinuputakte ka ng kamalasan e naisipan mo itung i-check kung meron nga.

At nang itapat mo ang salamin sa dako paroon…..

Na-shak ka sa nakita!

Meron nga. Kaya pala.

Bakit kaya ang basehan sa pagiging malas ay ang pagkakaron ng balat? At sa dinami-dami ng pwestong pwedeng pag-isipan na kamalas-malas eh puwet pa??! Sinu na naman ba ang nagpauso nito? Kunsabagay, kung isang grupo kayo na na-trapik, nasiraan ang sinasakyan, binagyo, may nawalang gamit, o kung anuman na pwedeng isiping minalas…shempre nga naman kung ikaw man yung taong may balat sa puwet, pwedeng-pwede mong i-deny ito dahil sinu ba naman ang taong gagawin to check all your friend’s asses just to prove na meron ngang balat na malas sa mga ito? At kung sakali na makita niya nga, would it make any difference? Matatanggal ba niya ang curse of the balat-sa-puwet? I don’t think so.

Wala akong balat doon…mo-le na malaki meron (haha) at sa tingin ko naman ay indi ako malas. Na-realize ko lang na kapag meron kang balat doon….malas ka dahil ikaw ang magiging tampulan ng tuksuhan at pang-aasar.

Eksheli my friends, walang taong malas. May mga sitwasyon at pangyayari lang na sadyang nangyayari kasi it is meant to happen o kung badtrip ka talaga sa nangyari…isipin mo na lang na:

“Sabi ni Kuya Jesus, kailangang malasin ka ngayong araw na ‘to.”

Kaya next time na may lakad ka at na-late ka dahil sa traffic…indi ka malas, sadyang mabagal ka lang kumilos o kaya e indi ka naniniwala sa word na punctual. Kung iisipin nating maigi ang pangyayari, mari-realize natin na merong mali pero ayaw nating tanggapin na tayo yun kung kaya sinasabing si malas ang may kasalanan. Si malas na walang kamalay-malay. Patawarin nyo na siya dahil wala siyang kinalaman sa mga nangyayari sa pang-araw-araw na buhay natin.

At para sa ating may mga balat slash (/) nunal doon….smile :) na kayo dahil indi totoong tayo ang malas sa mundo. Baka sila haha.😆

21 thoughts on “May balat (birth mark) ka ba….doon??

  1. Ako may balat sa pwet. ewanko kung balat o peklat.. bsta. iniisip ko nman swerte yun… ok naman. tumatalab. kontrahin nyo kasi. nasa power of thinking lng yan.
    Ang malas eh yung may malaking balat na itim sa ilalim ng nguso tapos may buhok!ew.. buti kung mala- lorna tolentino lng… eh kung kasinglaki ng salagubang yung nunal mo sa ilalim ng ilong tapos may whiskers ba yun.. parang sa pusa.. eww.. sayang ang paglilikas papaya mo kung may ganung distraction sa face mo diba?
    sino ngayon malas?

  2. di ako naniniwala sa taong malas, at lalong di ako naniniwala sa malas na dala ng anumang parte ng katawan o ng mga bagay na tumutubo dito.

    ang malas, nasa tao. gaya ng sinabi mo. dapat kasi pinag-aaralan nating lahat kung bakit nga ba tayo sumasablay sa buhay.

    pati yung mga malas sa bahay, gaya ng pagtanim ng papaya o pine tree sa bakuran, hindi ako naniniwala dun. sa feng shui hindi rin.

    sa mamaw, hindi ko gustong maniwala. pero takot ako. hehe

  3. i agree, nasa tao naman talaga yan,ano naman kasing kinalaman ng balat sa pagka late halimbawa diba?kawawang balat/nunal at lagi na lang nasisisi ng walang kamalay malay,hehe!

    ako rin may balat/birthmark sa kanang braso.
    aun,npadaan lang po,mula sa blog na di ko na matandaan kung knino,.hehe!
    actually,madalas ako mapadpad d2, ngaun lang nakapag iwan ng bakas.🙂

  4. sinu ba talaga ang pasimula kaya ng ang may balat dun ay malas daw?
    nasa tao naman kasi yun e..
    =)

    (hi aling baby, GORGEOUS ka pala talaga..)

  5. honga naman, wala naman talagang malas o swerte. diskarte lang yan. saka syempre bilog ang mundo, kailangan balanse ang saya at lungkot, ginhawa at problema. pero masayang mag-isip minsan na swerte, di ba.
    ako, wala namang birthmark dun.

  6. awts! naalala ko yaong kaklase ko!
    kasi may balat siya sa pwet!

    at hindi ko alam pero baka nagkataon lang…

    pag magiging kasection mo siya, mamalasin section niyo!

    at naprove na namin yan kasi wala man lang kaming mapanalunan na award noong hayskul kami! may mga competition aksi every section! lagi kami kulelat!

    tinanong ko yaong mga klasmeyt nya dati, ayun hindi tlaag nananalo yaongs ection na iyon kapag andun sya….

    hay!

  7. yung gf ko dati, may SLASH shape na balat sa pwet. Hindi naman sya malas, sa katunayan ok na buhay nya ngayon.

    Tayong mga pinoy kasi, pag sinabing Ay malas yung ganito yung ganyan… naniniwala agad.

    Puro tsismis.

  8. Mhlig talaga ang mga pilipino sa pamahiin.walang pnanganak na malas.sav nga nla think positive,wg negative. If u thnk ngative ,mamalsn ka nga tlga kc u thnk negative e! Kng my kamalasan man pag subok ang twag dun. So tingen ko, d dapat twgn na malas ang my balat sa kng san parte mapa pwet o muka.

  9. tamah kau jan walang taong malas pagiisip lng natin ang nakakagawa ng malas dapat be confident wag nating intindihin ang sinasabi ng ibang tao bakit hindi nalng irampa ang kagandahan diba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s