Pabor

helpbutton

Ay isang hiling ng isang kakilala – maging kaibigan man o ibang tao, kung saan mag-e-exert ka ng bonggang-bonggang effort kapalit ng Thank you o kapag galante ang humiling eh me libre kang lunch o meryenda depende sa resulta ng pabor na ginawa.

Kapag may humingi ng pabor sa’yo, ano bang madalas na gusto mong kapalit nito? Pabor back, libreng foodtrip, libreng sine, o simpleng tenk yu?

Ako, depende hehe…pag nakalusot lang naman pero pag inde, konting kanchaw pa bibigay din yun. Pag bumigay na, ayus!🙂

But that’s me.

Pretty_Please

  • May mga pabor kasi na sobrang dali lang gawin, minsan yung mga mahiyain at sobrang conscious na mang-istorbo ng iba – – favor na sa kanila pag ipinakiabot ang isang bagay na indi nito makuha dahil sa may hawak o may ginagawa siya na indi niya maiwan. In short, kung pwede lang magkaron ng pangatlong braso para lang indi makaistorbo…eh ia-avail niya talaga ng bonggang-bongga sa sobrang hiya nito. Kaya nga ba pag inabot na nung tao, super-mega-tu da maks ang tenk yu nito…mapapa-“Anu ka ba, ok lang yun.” ka na sa kanya at mejo mawi-weirduhan na ng konti hehe.
  • Meron ding mga pabor na bunga ng biruan. Shempre, indi mawawala sa barkada ang paminsan-minsang dare-dare-an. Kung matikas ka, papatulan mo ang dare na ito at gagawan ng paraan pati na ang paghingi ng pabor sa indi mashadong ka-close na tao para lang manalo sa dare. Natural dun sa hiningan mo ng pabor, mahihiya itong humingi  ng kapalit kase nga naman indi kayu close at mejo alangan kung pababayarin mo ito ng libre, mas matindi kung pera. Pero kung sa tambay ka nagpaki-favor, expect nyo na pangyosi o sopdrinks ang hihingiin ng mga ito…matinde  kung pambili ng alak ang hiningi.
  • Ang pabor sa pagitan ng magkakaibigan ay mejo magarbo. Kung dadaanin sa timbangan, kelangan magkasimbigat ang pabor at kapalit. Lalo na kapag pag pinagpawisan ang kili-kili nito sa ginawa o di kaya eh gumamit ng matinding math at english. Ihanda na ang pagwasak ng bulsa at wallet.  Kaya nga ba minsan mahirap pag sa kaibigan hihingi ng pabor, may kapalit na me kasama pang  pang-aasar at panganganchaw ng bongga. Pero pagdating naman sa kaledad ng performance, shemperi naman…maaasahan talaga. Minsan me bonus pa! Kaya kung sulit naman ang performance nung gumawa, ok na rin yon. Bawian mo na lang pag siya naman ang humingi ng pabor hehe.
  • Ang mga malupitang pabor na tinatawag na priceless, ito yung mga “utang na loob“. Indi nababayaran ang mga ito, kung gustu mo man..utang na loob din ang pede mag-even nito. Pero dahil nga sa uniqueness nito para itong tattoo na indi mo na maaalis. Naaalala ito madalas sa oras ng kagipitan. Kaya mejo mabigat ang mga ganitong pabor. Mataas lagi ang expectation sa’yo at konting ingat din dahil sensitive ito kahit sa ni katiting na pagkakamali. Pag na wrong move ka, “Wala ka na agad utang na loob.” (Tama, mali?) Mas madalas sa hindi.🙂

elp

Normal na sa atin ang paminsan-minsan hanggang madalas na paghingi ng pabor. Maging ito man ay mababaw o kinakailangan na ng super powers para lang makuha.

Isang paraan para magkaron ng link ang dalawang bagong magkakilala.

Mabisang mighty bond naman para sa matagal nang magkakakilala.

friends_anime

Minsan, kelangan ng budget pero indi naman ibig sabihin na kailangan laging may kapalit ang mga ito. Sabi nga nila, pakonswelo de bobo lang daw para ganahan lang at magkaron ng motivation. Kumbaga selebrasyon ng tagumpay hehe.

Okay lang patulan ang mga pabor lalung-lalo na kung walang maaabala, indi makakasakit, walang madedehado, walang ilegal….yung puro kalokohan just for fun…yung ang pabor na masarap pagwentuhan.🙂

buddypoke Aling Baby

10 thoughts on “Pabor

  1. Mahirap tumulong tapos mag eexpect ka ng kapalit… Gaya kase ng sinabi mo mahirap bayaran ang utang na loob

    Kung bigyan ka man ng favor in return magpasalamat na lng tayo, pero hindi dahil binayaran mo yung tulong na ginawa mo para sa kanya.

  2. ako kapag humingi ako nang pabor ibig sabihin non hopeless na ako-di ko na keri… kaya hangga’t kaya ko kasi iniiwasan kong humingi ng tulong sa iba… ewan ko ba nahihiya ako,,,

  3. may mga pabor na minsan gustuhin mo man ibigay ay hindi maari… kasi maaring pabor sa humihingi ng pabor pero hindi pabor sa nakararami…😉

  4. ang masama lang kasi minsan eh pag hinihingan ka ng pabor na mahirap tanggihan. Yung tipong may ruta ka na pero kelangan mong mag U-turn at pumunta pa sa ibang daan para lang magawa ang pabor ng isang kaibigan. Okay lang din naman, masarap makatulong.

    Teka, isa bang pabor ang pagpapautang ng cash? hirap pag nangakong babayaran ka pero hindi naman. Ang ending, mangungutang ako sa iba at ako ang lulubog sa utang. Hay. Pero okay na rin, ang babaw naman kung isusumbat ko pa.

    Have a good day po! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s