Teka muna..

Nung edad 16 ka, anu-ano ba ang mga pangarap mo?

Tila yata nayanig na ang kalmadong mundo pagpasok ng milenyo. Biglang nag-iba na ang takbo ng isip ng ating mga kabataan o baka naman tumatanda na talaga ako? At mashadong mahalay na para sa akin ang makarinig ng Aylabyuhan sa pagitan ng mga Nene at Totoy edad disi-otso pababa sa mga social network sites at helloo sa PERSONAL?

Ako lang ba? O totoo na talagang ITO na ang mundong kalalakihan ng munti kong anghel?

Sandali lang.

Bakit?

Papa’nong….

Hey! Mga bata! Mga Ineng! Mga Totoy! Maghunus-dili kayoo. Please. Kumalma muna kayo.

Ito ba ang bunga ng mga napapanood n’yo sa telebisyon? Na ang unahin n’yo sa listahan ng mga pangarap n’yo ay MAKAHANAP NG FOREVER??

Sandali lang. Umupo ka muna. Alisin mo muna sa pagkakayakap jan sa “mahal” mo ang mga kamay mo at makinig ka.

Bata ka pa. 

Pag-aaral muna ang atupagin mo.

Isang beses ka lang magiging ganyan ka-bata sa buong buhay mo. Bakit hindi mo muna samantalahin ang mga mahahalagang panahon na yan para ienjoy katulad ng ibang dalaga’t binatang kasing –edaran mo? Na hindi kailangan magmadali sa paghahanting ng ‘mahal.’ O kung merong ganun, hindi muna seryosohan. Wala pa dapat sa isipan ninyo ang pakikipag-relasyon dahil sa totoong buhay, sa mura n’yong edad, marami pa kayong dapat matutunan.

Mahaba pa ang byahe n’yo, wala pa nga kayo sa umpisa ng karera kasi dapat ineenjoy nio muna yang parte na yan. Ang highschool life. Kasi yan ang pinakamasayang mga taon sa buhay ng isang teen-ager. Alam namin yan at kung magkakaron lang ng pagkakataon, gugustuhin naming ulit-ulitan yan.

Hindi kayo pinaaalalahanan ng mga magulang n’yo kasi KJ lang sila. Kasi ang totoo, marami na silang karasanan ng pagkakamali na ayaw nilang pagdaananan ng mga anak nila.

Kung marami man ang naglalike sa mga post ninyo na sweetness at sobrang in-love, kasi ang totoo masaya sila para sa inyo pero hindi kayo nakaka-inggit.

Ang nakakainggit ay yung mga nakatapos at may mga pangarap na gustung abutin bukod sa lovelife.

Yung mga hinahabol ng mga kumpanya pagka-graduate.

Yung may mga maganda at stable na career.

Yung mga kalmado lang at ineenjoy ang buhay single na mas inuunang ikutin ang mundo, kesa maghanap ng magpapaikot sa mundo nito.

Oo, andun na tayo. Mashado nang overrated ang issue ng Forever. Kung meron mang pinalad na makahanap nyan sa murang edad, pakitanong mo kung hindi sila nahirapan at kung nakapaghain ng pagkain sa mesa ang pagmamahalan at nakapagpasok ito ng pera sa bulsa. Pwede mo rin itanong sa kanila na kung may pagkakataon silang baguhin ang mga pangyayari sa buhay nila, ano at bakit. At pakinggan mong maigi ang isasagot nila.

Oo, andun na tayo. Masarap ma-in love. Lalo na kung narating mo na at naabot ang mga pangarap mo. Ang sarap nyan i-share sa mahal mo.

True love can wait.

Love can wait.

At marami nang napahamak sa pagmamadali.

Kung sa tingin mo, nahanap mo na. Siya na nga ang forever mo at kung mahal ka nga niya, maghihintay siya. Sa tamang panahon. Na hindi pa ngayon.

Maglakbay ka muna. Marami ka pang dapat subukan at maranasan. At pag natapos mo na ang mga dapat mong gawin, saka mo tuparin ang pangako mo sa totoong nagmamahal sa’yo na hinintay ka para sa tamang panahon.

Sa tingin ko, sa ganyang paraan, magiging mas kahanga-hanga ka pa. 

Advertisements

Vs.

argue

Hindi ito acronym for Victoria’s Secret. Ito yung nilalagay sa pagitan ng dalawang tao o grupo na pinaglalabanan ang 1st Place at Grand Prize, House & Lot at Brand New Car.

Diba ang sarap sa pakiramdam kung may premyong ganyan sa pinaglalabanan? Bayad ang pagod at hirap at effort. At hindi yung nakakahiya naman kesa masayang lang mga ito sa wala.

Eh pano pag prinsipyo ang pinapagitnaan ng VS. na yan? May katapusan nga ba ang usapan na ito lalo pa’t parehong hindi magpapatalo para maipakita ang kahalagahan ng “Prinsipyo” na siyang ipinaglalaban? Hindi ba’t ang premyo n’yan ay Sakit sa Bangs? At sama ng loob na nauuwi sa mas lalong hindi pagkakaunawaan?

Masarap manalo. Oo, sino ba’ng ayaw manalo? Ke Lotto, Raffle, Bingo, Color Game kahit sa pustahan pa nga. Mas lalo na cguro sa mga diskusyunan. Wow, kay sarap manalo d’yan. Heaven ‘yan. Lalo na sa mga mga ma-Pride d’yan. Yan ang ika nga’y Cherry on top. I won! I’m Great! I’m the Best!

Eh di WOW.

couple-arguing-2

Ang sarap manalo talaga, lalo na kung ang goal mo sa usapan ay ‘Manalo’ lang without even listening or even hear what your “kalaban” has to say. Bira lang ng bira. Bato lang ng bato ng point. 10 points! 20 points! 30-50 points! Eh ang goal nga manalo lang. Kaya ang siste, ang diskusyunan, nauwi na lang sa contest. Family Feud. Deal or No Deal. Laban o Bawi?

Ang tanong dito: NAGKAINTINDIHAN BA KAYO? Na-gets mo ba yung sinasabi nung kausap mo? Pinakinggan mo ba talaga? O sadyang focused ka lang sa susunod na batch ng point mo? Eh teka…gusto mo ba talaga na ma-absorb niya yung mga sinasabi mo o dedma na lang? Kasa ulit.

Ang hirap kasi sa dalawang magkausap na hindi magkasundo, imbes na makinig, nagreready ng isasagot. Kaya tuloy kung saan-saan na napupunta ang usapan. Nawawala na dun sa subject. Minsan, umaabot na sa mga hindi kasali tulad nga ng mga tapos na dapat sana, tapos na. Labo-labo na lang. Mauwi na lang sa giyera. O siya sige kahit wala nang premyo basta magkaunahan na lang.

Siguro hindi naman ito yung kung sino ang dapat na magpatalo o sino yung mas may “K” manalo. O dahil kasi palagi ka na lang nananalo sa usapan, dapat ako naman, mga ganyan. Kasi una sa lahat, hindi naman ito Contest. Hindi naman ito labanan kung sino ang magaling sa debate. Hindi naman dapat mauwi sa mas malabong usapan. May isyu diba? At dapat ang goal n’yong dalawa, ma-bull’s eye yung isyu and not the other way around…kayo ang na-bull’s eye ng isyu n’yo. Ano ngayon kayo?

Kaya nga sinasabi nilang, Two heads are better than one eh. Pagtutulungan n’yo ang mga hindi pagkakaunaawan. Hindi yung nilamon na kayo ng sarili n’yong isyu. Kasi sa kadulu-duluhan, ano ba ang naayos? Di’ba’t naging magulo lang? Masaya ba?

Normal lang paminsan-minsan, makakaencounter ng ganyan. Hindi yan dapat tingnan as problema. Pagkakataon yan para mas lalong yumabong ang pagsasama. Ang misyon n’yo, gawan ng solusyon at pagtuwangan na malampasan yan kasi d’yan mo makikitang nagmamature ang samahan eh. May kanya-kanya man tayong opinyon sa mga bagay-bagay, hindi rin ito hadlang para mas maiayos. Dapat may respeto at malawak na pang-unawa sa bawat isa. Mahalaga yun. At napakasarap sa pakiramdam yung i-welcome ang parehong opinyon. Kase hello, sinu-sino lang ba ang magkakaintindihan sa mga bagay na yan bukod sa inyo? Kayo pa rin.

Mas marami pang ganyan ang darating.

At kung nagkakaunawaan, balewala lang yan lahat sa inyo.

Gorabels lang.

Finger-couple-love-in-high-quality-free-nice-hd-wallpaper

Aylabyu…<3

4

Sabi nila, ang aylabyu (I love you) ay overrated na. Sa sobrang gasgas na neto, nawawala na ang true essence ng totoong ibig sabihin nito. Parang ekspresyon na lang o kasama sa sentence parang “Hello.”

Pero para sa mga tulad naming inlababo lang at kasalukuyang dinuduyan ng kakaibang magaang pakiramdam (Hello, Cloud Nine!) at sadyang mga hopeless overly romantic…..ang Aylabyu ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yung pakiramdam ng seguridad, katahimikan at katiyakan na sa dinadami-dami ng nilalang sa mundo na naghahanap ng magiging kabiyak ng puso mo…yung sa’yo, eto, sinasabihan ka ng Aylabyu (plus unlimited kisses) sampung beses (or more) sa isang araw dahil sa Mahal ka niya. Aangal ka pa ba?

3

Kaya eto, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito para masabi ko kung bakit Aylabyu.

Aylabyu kasi nabawasan ang memory gap ko sa tuwing maaalala kong baka may nakalimutan ako sa kaka-paalala mo sa’kin.

Aylabyu dahil napahaba mo ang pasensya ko sa mga bagay-bagay.

Aylabyu dahil hindi ka nagrereklamo sa lakas ng hilik ko. Inaasar mo lang ako kahit pikon ako. Tsup!

Aylabyu dahil sa pagpapakilala mo sa’kin at sa mga pagkaing kadalasan hindi ko pa narinig o natikman sa buong buhay ko like sobraa!

Aylabyu dahil nakikinig ka pa rin sa mga kwento ko kahit tutok ang atensyon mo sa paglalaro ng PS4 at XBOX at nakaka-comment ka pa. (pero kailangan i-pause muna ang game.)

Aylabyu dahil sinusunod mo ang mga pangmatatandang paalala ko sa’yo.

Aylabyu dahil laging may ice cubes sa tindi ng pagmonitor mo ng stock sa ref.

Aylabyu kasi ambilis mo tumayo pag may nalimutan akong i-off kahit nakapwesto ka na para matulog.

Aylabyu kasi sinasabi mong masarap ng luto ko at obvious naman kasi ang laki mo na. 😉

Aylabyu kasi gusto mong sabay nating pinapanood ang mga series at movies na inaabangan natin.

1

Aylabyu kasi pareho nating alam na hindi tayo mahirap kausap. Kahit hindi tayo nag-uusap.

Aylabyu kasi natatawa ako sa’yo pag naiinis ka sa mga pasaway na kasabay natin sa daan. Nahahawa na rin tuloy ako sa’yo.

Aylabyu kasi ang haba ng pasensya mo sa pag-aantay na maisip ko ang gusto kong kainin.

Aylabyu kasi alam mo na kung kelan malamig na ang ulo ko para suyuin.

Aylabyu pag sweet at malambing ka lalo na pag tulog. 😆

Aylabyu kasi kahit ano pa ang ginagawa mo, pag narinig mo na ang “hay naku”, to the rescue ka na agad.

Aylabyu kasi nakikinig ka na rin kay Papa Jack! Hahaha!

Aylabyu kasi pag naiinis ka na ng totoo, bokot na ako. (Bihira lang kasi yun mangyari.)

Aylabyu kasi ansarap natin mag-usap at magkwentuhan.

Aylabyu sa pagitan ng mga hindi maipaliwanag na dahilan.

Aylabyu kasi yulabmi.

Aylabyu kasi alam naman nating hindi madali pero hindi rin yun naging hadlang para tumigil at sumuko. Sabi nga nila, normal ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pero may mga paraan at solusyon din naman. At ito ang magpapatibay sa kahit ano’ng samahan. Maraming madaling sabihin at gawin. Ang pagtatagal ng isang relasyon ay hindi nasusukat sa mga regalo, sa tagal, o sa ilang beses na pag-aaylabyuhan sa araw-araw. Wala naman makakapagsabi kung hanggang kelan magiging kayo o magiging kayo ng panghabambuhay. Ang sagot ay nasa inyo…to keep the love alive.

2

Aylabyu ulit, my lab at Salamat.

Salamat sa pabalik-balik-balik na nangyari. Salamat sa Cloud nine. Salamat sa mga mahihimbing kong tulog. Salamat sa dighay ng kabusugan. Sa mga lakaran na walang kapaguran. Sa mga kwentuhang kahit yung iba walang katuturan. Salamat sa atensyon. Salamat sa pagtulog mo ng mahimbing sa tabi ko. Salamat sa papuri sa mga araw na palpak ang luto ko. Salamat sa pagtikim ng konti sa matatamis na kinakain ko kahit di mo hilig. Salamat sa pagtatanong mo ng opinyon ko. Salamat mga stress-kwento mo tungkol sa trabaho. Salamat sa pagtawag mo para lang kulitin ako. Salamat sa pagiging on-time mo kaya bumibilis ang kilos ko. Salamat sa paghawak sa kamay ko kahit saan tayo magpunta. Salamat sa mga magagandang kanta. Salamat sa mga masasaya at di masasayang mga araw. Salamat sa mga halik at yakap at lambing. Salamat kasi kinumpleto mo na ang kulang sa buhay ko. Aylabyuuu…

B.A.W.A.L.

b5 b6 b7 b8

Ang daming bawal. Lalo na pag may sakit.

Daming di pwedeng kainin. Lalo na pag nagpapapayat.

Daming naka-block na sites. Lalo na pag nasa opisina. (Malamang. Hellooo. Magtrabaho ka kase.)

Bawal. Bawal. Bawal.

Bata ka palang, pag narinig mo na yan sa nanay at tatay mo, alam mo nang pag sinuway mo, isang hataw at maraming bulyaw ang kahihinatnan mo.

Kahit sa eskwelahan lalo na pag nasa Private/Catholic School. Asahan mo na ang sandamakmak na bawal na isasabuhay mo sa buong labing apat++ na taong pumapasok ka dito. Mga bawal na kinalakihan mo na. At mga bawal na madalas sa hinding dinedma at kinwestyon mo.

Pero ayan na tayo eh. Alam na ngang bawal eh. Ipipilit mo pa. Ayan ang napala mo.

May mga bawal kasi na talaga nga namang di na kailangang i-memorize dahil marami nang napahamak dahil dito.

Pati nga yung ‘Bawal Tumawid’ sign eh, in-update na sa mas nakakatakot na version para lang hindi dedmahin ng mga tamad umakyat ng overpass.

bawal

Eh…kasi mas gusto nila ang peligro at challenges sa buhay. At literal na naniniwala sa saying na, ‘Life is too short…’ -to take the Overpass. Mga ganyan.

Eh dati, marami pang takot sumuway sa bawal.

Eh ngayon, pag bawal…Wehnonamanngayon? (Wag tularan…)

Saka helloooo. Usong-uso yang bawal noh.

Sa relasyon pa lang eh. Ang dami nang bawal. Dinaig pa ang nanay at tatay mo sa dami ng nasa listahan.

b4 b2 b3

Bawal ma-late. Bawal makalimot ng important dates. Bawal tumingin sa iba. Bawal ma-late ng reply. Bawal biglang di makareply (kahit hellooo, nasa opisina ka talaga at nagttrabaho ka.) Bawal ang unwanted peeps sa contacts ng cellphone. Bawal makipagusap sa iba (lalo na sa taong ayaw ng jowa mo). Bawal umalis ng walang paalam at kahit nagpaalam, maraming tanong. (Parang interrogation). Bawal magalit. Bawal mag-umpisa ng away. Bawal hindi makipag-usap kahit galit. Bawaaahhl…..

BAWAL HUMINGA. 😐

Buti pa nga sa kulungan, pwede yung mga hindi pwedeng nabanggit ko kanina. Pwera lang ang tumakas. Well. At least sa pakiramdam, para ka na ring nasa preso.

At tulad ng mga rason na napapanood ko sa mga teleserye. Yung mga dialogue ng jowa/asawang niloko at jinombag na’t lahat…”Mahal ko siya. Di ko siya kayang iwan. Hindi ako mabubuhay ng wala siya.

Hellooo. Pag iniwan ka ng Oxygen at wala ka nang makain…te, saka mo yan i-dialogue. Over ka.

Pero ganun talaga.

Ang mabuting mamamayan ay marunong sumunod sa mga panuntunan…for the sake of Peace and Harmony.

At kadalasan, di na lang pinapansin kung tama ba o mali na sundin ito. Kasi nga nakasanayan na ang pagiging passive.

Pero, ito ang tandaan…Di lahat ng masunurin ay mabait. At hindi lahat ng mabait ay masunurin.

May mga bawal-bawalan lang na masarap i-implement kasi minsan, masarap ang feeling ng ikaw ang boss-amo. Pero kung gagawin mo itong Saligang Batas sa relasyon ninyo, aba, wait a minute…mumultuhin ka nyan te. At lahat ng kala mo, ok lang ay mapapagod at magsasawa rin. Hinga-hinga rin pag may time.

Life is too short nga daw diba? Sabi nung mga tumatawid sa Edsa. Eh kung mabubuhay ka kakasunod sa mga bawal-bawalan…konti lang ang masasali mo sa “Been there, done that” moments mo.

Live life to the fullest!

And be thankful everyday.

🙂

Sana ay ikaw na nga..

daydreaming

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang ideal someone. Ayoko talagang gawan ng listahan at baka lalong lumabas ang pagiging idealist ko. Pero, iba talaga ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa kakaulit ko sa song na You’re the Inspiration kaya na-inspire tuloy akong i-share sa inyo itong ideal someone na tingin ko…siya na nga. 🙂

Mahilig siya magbasa. Ang dami niyang collection ng books. Kulang na lang maglagay na siya ng library section sa bahay nila. Dahil nga sa hilig magbasa, smart talaga. Minsan, nauubusan na ko ng topic at isasagot sa mga tanong niya. Nosebleed talaga pati terms na ginagamit. Malimit sa mga kina-raassh ko, kasama sa honor roll eh.

Ang galing niya gumawa ng love letter, kahit di na uso. Peg ko talaga. Nung hayskul, nakatanggap ako ng super kakilig love letter sa isang masugid na manliligaw na binasted ko kasi hindi siya peg ng friend+teacher namin. Pagkabasted ko pa nga saka kami naging close pero ganun lang.

Clean Living. Mahilig mag-exercise at Health conscious. Kaya siguro fit and right. Nahiya naman ang kebs ko sa mga ganyang bagay. Pero in fairness, nakakahawa ang mantra niya. We’re not getting any younger kaya galaw-galaw naman para mabawasan ang fats na tulog at ma-istroke. 😛

Ang sarap niya kasama sa lakaran. Walang reklamo kahit pagod at masakit na ang paa. Goraa lang. Sama anywhere basta’t f na f niyang na-eenjoy mo ang company niya.

Daming alam. No dull moment. Lahat ng bagay pwedeng pag-usapan. Nakakaaliw. Di nakakasawa kakwentuhan kahit madalas sa hindi na walang kwenta ang pinag-uusapan. Mababaw ang kaligayahan at ang sarap asarin kasi di basta-basta napipikon. Kadalasan ikaw pa ang napipikon sabay aamuin ka. –ayieeee!!

Good listener. Kahit minsan, paulit-ulit na yung reklamo mo sa buhay, pakikinggan at bibigyan ka pa ng sensible advises on how you can deal with it. Dependable. Di mahirap kontakin. Isang message mo lang, sagot agad.

Mahilig din sa music. Nagja-jive ang interest namin sa klase ng genre niya. Halos lahat ng saved mp3’s niya, gusto kong ilipat sa HD ko dahil walang tapon.

Couch potato. Basta’t kahit ano’ng movie ang nakasalang, tatabihan ka para panoorin. Hindi pa maingay manood at kwento ng kwento kaya maiintindihan mo talaga ang pinapanood mo. Eto ang masarap kasama manood ng horror flicks kahit na mahilig manggulat bago pa yung nakakatakot na scene. 😆

Sweet. Kaya kang pakiligin in simplest ways. In fairness, ito talaga ang weakness ko eh. Pag napakilig mo’ko, di na kayang itago ng pamumula ng pisngi ko ang katotohanang nagtagumpay ka. Mabuhay!

Ang galing niya magluto ha. Marami din akong bagong natutuhang lutuin kasi ang galing niya magturo. Ang sarap kaya gawing bonding ang cooking. Ka-raaashh ko na nga yata itu…

Marunong pala siyang tumugtog ng gitara. Nung hayskul, meron akong kinaka-raash, ang galing lang. Kahit ano’ng kanta, kayang tugtugin. Take note, buong kanta ha. Hindi yung puro intro lang ang alam. Ang saya ka-jamming ng ganun, mahilig pa naman akong kumanta ng kung anu-ano.

Ang favorite ko sa lahat….Yung kaya kang patigilin sa bad habits mo.

You had me at ‘Kaya kang patigilin sa bad habits mo.’ –yun yon eh.

Nakita ko na nga yata siya. Siya na yata talaga.

Kaya lang…..

Isa itong panaginip, wag n’yo akong gisingin, PLEASE LANG! 🙂

Naman!!!

Nakikisabay talaga ang weder dito sa buhay pag-ibig ng mga tao – natutuyot sa sobrang ineeet! Winter, come back! Joke lang nung sinabi kong gusto ko na’ng mag-summer. Please, bumalik ka na…

Lahat na lang pinapakiusapang bumalik.

Bumalik na nga tayo sa lablyp ng mga tao dito.

Lume-level na kasi ang ratio ng mga hiwalayan sa nagkakabalikan. Teka, wala pala akong nabalitaang may nagkabalikan. Puro hiwalayan lang ang headline ngayon.

Minsan nga, kahit di ka makiuso, naiinggit ang lablyp mo at kusang nawawala sa’yo. Magic lang? –Ayaw kasi mawala sa trend.  Pero in fairness, marami pa rin namang namamayagpag na relasyon (kudos to them! – – hmm, wag makikiuso sa hiwalayan…). At shempre, meron pa ring mga nangangarir jan sa tabi-tabi at naghihintay lang ng tamang pagkakataon. (Good luck sa inyo!)

Para naman sa mga bitter at may mapapait na nakaraan…nanjan ang alak na kasimpait naman pero di sing mahal. Masasanay din ang mga lalamunan n’yo sa mapait na sitwasyon pero alam naman nating lahat na tatamis din yan ulit na parang di nakatikim ng pait.

That’s life. Parang gulong na pagkalaki-laki. Kasi pag may problema ka, feeling mo ang tagal mo sa ilalim at eksayted much ka nang mapunta sa ibabaw pero naman pag masaya ka, feeling mo rin ambilis ng phasing at biglang nasa ilalim ka na naman.

Walang katapusan ang ikot ng mundo hangga’t buhay ka. Kasama ka sa cycle whether you like it or not at weder-weder lang ang lahat ng bagay. Kaya kung masaya –magpakasaya at pag malungkot –magpakalungkot?? –hinde, magpakatatag. Yan ang tamang term d’yan.

Walang mahirap na di kayang lampasan. Walang masakit na di nalulunasan. At bottomless ang luha natin kaya wag kang mahiyang ipakita ang kahinaan paminsan-minsan. Kasama sa buhay lahat yan…kasi nga buhay ka at patuloy na matututo, magbabago, babangon (at dudurugin ang mga lumapastangan haha joke lang..)…mabubuhay kasi masarap mabuhay. Di ko pa kasi na-try mamatay pero yung pakiramdam na may parteng namatay sa katawan mo, ayuuunn pwede pa. Na-feel ko na yun at masakit pala.

Isipin mo na lang na may magandang mangyayari bukas. Pawang magagandang bagay lang (wag naman ung OA kasi baka mabaliw ka naman…ibang kaso na naman yan. Yung steady lang.), wag na isipin ang tapos na, para ano pa? Makakadagdag lang yun sa mabigat na batong nakadagan sa’yo. Actually, ikaw talaga ang nagdagan ng bato na ‘yan eh, naghahanap ka lang ng audience para ipakita mong “Ayan ang batong nakadagan sa’kin, ambigat diba? Di na kaya ako makahinga…” –pero ayaw mo naman alisin. Ikaw na ang mag-alis, cge na, wag ka na mahiya…para makahinga ka na ulit. At wag mong kakalimutang magsmile. 🙂 ayan ganyan…

Sabi nga ni Kuya Gary V. “Kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin. Babaliiiiikk—-at babalik ka rin ka riiiiiiinnn!!!” – Sabihin mo yan sa saya’ng nawala sa’yo at sa isip mong nagpasyang mamashal muna. Pag napagod yan, babalik din yan ulit kung san talaga siya nararapat.

Aja!!

Puso, araw mo na naman…

Kahit saan na naman ako magpunta, puro ❤ na naman ang makikita ko.

Kay gaan ng paligid, sumasabay sa klima. Malamig, masarap may katabi. Masarap magkape at makipagkwentuhan. Maraming masarap gawin.

Pag araw ng mga puso, legal lang na maging swit kayo ng jowa mo in public. Indi awkward ang may dala ng bouquet na indi parang runner up ka sa kakatapos na pageant sa opisina o eskwelahan. At halos lahat nag-eexpect na may date somewhere romantic.

Basta anything cheesy, pwede yan pag araw ni Puso. Walang corny at oa. Walang cheesy. At kahit magreact ang buong barkada sa kakornihan nio ng jowa mo, wapakels ka talaga dahil minsan lang ito sa isang taon kaya sagarin na.

Kahit marami rin ang nagsasabi ang pagiging overrated ng okasyon na ito, sold out pa rin ang mga bulaklak, chocolates at stuffed toys. Marami ka pa ring makikitang magjowa, arm in arm, holding hands at yung tipong wala nang bukas sa sobrang kaswitan.

Kahit saan ka lumingon, ayun sila…nagkalat. Kahit araw-araw ka namang nakakakita ng tulad nila, kakaiba ang araw na ito para kuyugin ka ng katotohanang….

Single ka o di kaya ay magkalayo kayo ng jowa mo para enjoyin ang araw na ito.

Dahil sa kanila, lalong lumalamig ang pakiramdam ng mga single. At lalong sinusumpa ang araw na ito.

Pero bakit nga ba? Bakit nga ba kailangang maging malungkot ang single na tao sa araw ng mga puso? Eh kung pagsasama-samahin naman sila, pwede nang makabuo ng isang institusyon? Diba? Isang malaking grupong pwedeng magpareserve ng isang bar para magcelebrate ng Valentine’s day dahil indi lang naman ito para sa magjowa lang. Isa itong espeshal na okasyong parang bertdeyan. Pwede naman un.

Indi ko rin alam kung bakit kailangang gawing big deal ang may jowa ka sa araw na ito. Bakit, pagkatapos ba ng Valentine’s ok na rin maging single ulit? Kung gayon, sabihan mo na rin siya na bumalik after a year  para indi malamig ang susunod na Valentine’s mo.

Haayyy Puso. Kahit lagi kang kaaway ng maraming tao, biro mo at meron pa ring nagpapahalaga sa araw mo. Kahit minsan, di ka maintindihan at kung anu-anu ang nagagawa mo sa buhay ng isang tao…nakukuha pa rin nilang ngumiti at bumati.

Ibang klase ka talaga.

Paano n’yo ba sinelebreyt ang araw na ito at sino ang kasama n’yo? At bakit?  Parang exam lang.

Kunsabagay, kahit sa ano pang paraan yan, matatapos rin naman yan.

Bukas 15 na at matatahimik na rin ang paligid. Balik normal na ulit.

Happy Valentine’s night.