Ulo + Plastik = suffocate?

 

Anu kayang pakiramdam na may kausap na isang taong may balot ng plastic ang ulo? Maniniwala ka ba sa mga sasabihin nung taong yun habang nasa loob ng plastik ang ulo niya? Kitang-kita mo ang facial movements ng taong yun habang nagsasalita siya. Kung indi ka marunong bumasa, mapapaniwala ka niya na ang mga sinasabi niya ay pawang katotohanan at walang bahid ng pagkukunwari. Kung ikaw ang tipo na nadadala sa konting ngiti at pakyut, baka ikaw pa ang tumayong abugado niya laban sa mga taong indi naniniwala sa kanya.

Bakit nga ba nagkakaron ng plastic ang ulo natin? Ang totoo nyan mga pre, indi ko rin alam. Nagulat nga ako kasi meron palang ganun. Pero sa aking sariling obserbasyon, lahat ng tao at sa iba-ibang pagkakataon…pwedeng magkaron ng plastic sa ulo. Ito kasi yung mga tinatawag nilang katotohanan na itinitago sa loob ng plastic sa tulong ng mga ulo natin. Pwede kang ngumiti, magpakita na okay lang kahit na nilalagnat at kinukumbulsyon ka na pala; passive lang at hangga’t maaari, ayaw mong kakitaan ng mga bagay ng pwedeng ibato sa’yo. Pag ganun ka na, mamahaling plastic na talaga ang nakabalot sa ulo mo. Yung konti na lang, ga-helmet na ito.

Anu ba ang advantage at disadvanatage ng may ganto?

Unahin natin ang advantages:

  • Shempre, kung master mo na ito…madali na lang ipakita sa iba na sa lahat ng bagay at pangyayari sa buhay mo e pawang okay sa olrayt lang talaga. Kaya indi na sila mag-aalala sa kung anuman ang mangyari sa’yo kasi nga diba kakasabi mo lang, “Okay ka?”
  • Feeling nung taong kausap mo, close na kayo base sa mga inaasal mo na okay sa olrayt. Na kahit na anung gawin niya ke masama o indi. Baka nga tumambling pa siya na kahit kasalanan niya e ikaw pa ang mag-sorry sa kanya.
  • Dahil sa impresyon na naipakita mo sa mga ka-“close” mo, madali na lang para sa’yo ang mag-open up ng mga personal na bagay na dahil sa mabait ka, mahihiya sila na indi sumang-ayon sa mga sasabihin mo which is true. (hehe)
  • Madali humingi ng pabor sa kanila na amshur e indi ka talaga matatanggihan.
  • Sa mga isyu at mabibigat na sitwasyon na pwede mong kasangkutan, madali kang ma-abswelto. (Isn’t it fun to have this plastic on your head?)

Ang mga disadvantage naman ng pagkakaroon nito bukod sa masu-suffocate ka ay ang mga sumusunod:

  • Dahilan nga sa okay sa olrayt ka sa paningin ng lahat, kapag nagkaron ka ng problema…ang hirap mag-open up ng negative thoughts sa kanila kasi indi yun ang pagkakakilala nila sa’yo. Pangit naman na makikitaan ka ng negative side. Kaya ang siste, nasasaktan ka na pero naka-smile ka pa rin. (Ipa-tattoo mo na kaya yung smile sa face mo para indi ka na mahirapan.)
  • At sa mga feeling ka-“close” mo, kapag inabuso ka nila…ang hirap magsabi out right ng nararamdaman mo. Kaya kahit na gustu mo na tumanggi, indi mo magawa kasi ayaw mo rin mabahiran ng dumi yung plastic sa ulo mo.
  • Sa pag-oopen up mo sa kanila ng mga bagay-bagay, mas nakikita nila ang personalidad mo. Na kaya ka pala mabait sa kanila ay para makiayon sa’yo kahit na wala na sa lugar.
  • Okay lang yung humingi ng pabor sa iba, lalo na kung kailangan. Pero kung ikaw ang tipo na nagiging mabait lang sa oras na may kailangan e ibang usapan na ‘yon. Indi sa lahat ng oras ay pwede ang mga taong ito para sa iilang kapritso mo at kapag wala ka nang kailangan, para na rin silang mga lumang damit na itinatambak mo na sa storage at worse kung ibebenta mo pa.
  • May mga isyu na pwedeng lusutan at indi rin porket “mabait” ka e makukuha mo ang sang-ayon ng lahat. Sa totoong buhay, may dapat bumaba at umamin ng pagkakamali. Walang exception dito.

Minsan, mas mabuti pang tanggalin na lang natin yung plastic na yan sa mga ulo natin para makita at marinig ng malinaw ang mga bagay na pilit nating iniiwasan. Indi solusyon ang pagiging passive o pagiging mabait sa lahat ng oras. Kung kinakailangang sumigaw, gawin natin ito. Wag natin itago at paniwalain ang iba at ang mga sarili natin na perpekto ang mundo dahil ang mundo na mismo ay umaamin ng imperfections nito. Mas magandang gumising sa umaga na magaan ang dinadala at walang bigat sa isipan. Kahit na magulo ang paligid, makikita at makikita mo pa rin ang kahalagahan ng bawat isa.

Minsan lang sa buhay natin dadaan ang mga taong pwede nating ituring na malapit sa puso natin at kung hahayaan natin silang mawala, siguro nga may mas mabigat na dahilan kung bakit.

Sometimes it seems like we’re all living in some kind of prison, and the crime is how much we hate ourselves. It’s good to get really dressed up once in a while and admit the truth — that when you look really closely, people are so strange and so complicated that they’re actually beautiful. Possibly even me.

 

18 thoughts on “Ulo + Plastik = suffocate?

  1. plastik = non biodegradable material ; harms the environment simply because it is not recyclable…maxiado malaking pag aaksaya para sayangin lang sa mga ulo nila…



    naks naman at me definition pa hehe…tama, sila lang nagdadagdag sa global warming.😉

  2. merong mga plastik na maganda ang intention tulad ng may problema sila pero ipinapakita nila na masaya sila. yan ung mga tinatawag na ziplock plastic bags dahil maganda ang nagagwa ng mga ganitong plastic. pero meron naman tinatawag na trash plastic bags. and i think its self explanatory why they are called trash bags. hehehehe.



    haha😆 panalo ‘to at may iba’t-ibang plastik pang kasama hehe….tama ka dyan pero they do have one thing in common gmac….plastik parin sila lahat.😛

  3. may mga plastik rin na ang tawag ay maang-maangan…(naparatangan na ako ng ganito)…

    may mga plastik rin na ang tawag ay denial king and queen!!..

    may mga plastik rin na nakikita ang kabahuan ng iba pro kabahuan nila hindi nila nakikita…hayyy maraming uri ng plastik!!..hehhehe

    …kaya ive learned my lesson..



    hayy uu, yun din ang numero unong kinaiinisan ko. yung obvious reasons at answers pero parang may malaking question mark pa rin na nakadrowing sa fes nila…badtrip kaya yun.

  4. hmmm… sino yang plastic na yan aling babes? hehehe

    well… nakakarelate ako dyan.. kasi minsan kailangan mo din makipag plastican sa mundong puro plastic ang nakapaligid sayo.. aaaw….😦



    naman lambing, minsan wala ka ng choice kundi makiplastik na rin sa knila mga ampness sila para lang manahimik sila hehehe…

  5. Kung minsan kailangang magpaka plastic para di ka makasakit ng kapwa. Pero yung mga taong ayaw mong masaktan sa huli umaabuso na.

    Isang way ko na alisin ang plastic sa ulo ko ay yung wag na lang kumibo… huwag sumang ayon kung hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi ng ibang tao kahit magalit pa sa akin. Another way is maging prangka.

    “It’s always better to be respected than liked.”



    naman libs, tama yan. we have our own ways to break that sick chain…ewan ko ba kung bakit may mga taong tinutulungan mo na nga parang sa huli, ikaw pa rin ang mali. sad-sad-sad but true.

  6. ayon nga sa patalastas ng sprite dati, magpakatotoo ka sister! ilove you piolooooo.
    ay hindi kasali yung panghuli. hehe

    aaminin kong plastik ako kung minsan, lalo na kapag maangas ang kaharap ko. binabalot ko nalang ulo ko sa plastik kesa naman sa angas nya pa ako ma-suffocate.

    pero mahirap yata yung plastik dahil may vested interest: ang gatasan ang kapwa. fotalech yan. pagsasampalin yang mga yan! user friendly, parang cellphone.



    makikisampal ako pagtapos mo ate bechay… ang mga yan ang nagpapadilim ng mundo hehe…dapat sa kanila puksain.

  7. wapak!
    parang ganito ako minsan ah!
    madalas sinasabi ko okay lang kahit hindi..
    pero minsan lang yun!

    hahaha!



    weeehhh ehehehe….ok lang yun eloi kung para naman sa world peace kya mo yun nagagawa.🙂

  8. agree ako kay momski utakmunggo pero kasali yung ILOVEYOUUUUUUUUU PIOOOLLLOOOO….

    agree rin ako kay wei pero may dagdag ako sa sinabi nya… patience na malapit na malapit ng maubos… hehehehe!



    parang mas ok kung kaya pang mega patience hehe….ang hirap.

  9. minsan nahihirapan akong makadistinguish ng plastic na tao… minsan nasasabihan din ako na plastic.. pero nang nabasa ko ang post mo aling baby, nagkaroon ng linaw ang definition ng plastic para sa akin… maraming salamat… minsan nga gusto mong tanggalin ang plastic sa ulo mo… pero minsan masarap ding may nakalagay sa ulo mo…



    ei pot! nadalaw ka hehe.😉

    salamat naman kung nakatulong ako kahit konti hehe…minsan naman talaga indi natin namamalayan na pagpaplastik na pala ang ginagawa natin esp sa mga guys, anu ba namang alam nyo sa mga ganto? dis s girls’ stuff pero mabuti na rin na nagkakaron kayo ng overview diba?

  10. minsan mahirap na ring alisin yung plastic sa ulo kasi nasanay na tayong may ganun sa atin. para sakin mas maganda kung may taong tutulong sayo para butasin o sirain yung plastik, minsan hindi mo magagawa yun ng mag-isa lang.



    uu nga pero mas maganda pa rin neex yung matutunan mo ang ilang bagay para ikaw na mismo ang magtanggal nito diba? atlis you’ve become good at something.😉

  11. hmmm..sa ngayun kasi, lagi akong mediocre eh, lam mo yung ung walang paki kung anuman ang nsa paligid ko. Masabihan man ako ng plastic, alam kong loko lang iyon kasi ano bang malay ko sa kanila, may makita man at marinig ako, masama or mabuti, wlang silang naririnig sa akin at wala rin akong masasabi sa kanila. Kumbaga pasok sa kaliwang tenga labas sa kabila. ganun lang ba. Pero kahit ganun ako maraming umaali- aligid na taong may plastik sa ulo, ramdam mo un eh kasi alam mong minsan ikaw mismo gawain yun…hehe



    hehe…minsan sa sobrang inis mo, talagang dadating ka punto na “hay, bahala na kayo sa buhay nyo.” kase nakakasawa na. minsan din nagagawa natin yan para sa ikatatahimik ng buhay…ganun lang un hehe.

  12. aray, plastic din kasi ako!….wahahaha

    tama si wei…patience!patience! pero pag naubos na ang patience kakailanganin na ang serbisyo ng isang sniper butiki!..lol



    hehehe….tama patience lang ang katapat ng mga plastik. pero pag indi pa rin umubra…..ewan ko na lang, ayoko makulong.🙂

  13. lahat ng tao plastic…

    we cannot survive in this world kung hindi ka magpapakaplastic… hehe!

    ewan ko ba…

    motto naming magkakaibigan yun…

    “Plastikan ang nagpapatibay ng aming samahan!” hehehe!



    wala kasing tibay cguro ang samahan nyo yhen. iilan lang ang alam ko na matibay ang samahan dahil sa plastikan ehehe…yung huling grupo na alam ko…ayun wasak na.😆

  14. “Shempre, kung master mo na ito…madali na lang ipakita sa iba na sa lahat ng bagay at pangyayari sa buhay mo e pawang okay sa olrayt lang talaga. Kaya indi na sila mag-aalala sa kung anuman ang mangyari sa’yo kasi nga diba kakasabi mo lang, “Okay ka?”

    Sapul! Bull’s eye! Tagos!😆



    hahaha😆 wag kang mag-alala neytan, indi naman halata e…inde.🙂

  15. honga no, we all have our masks in place at one time or another😉



    uu naman caryn, wala namang taong never naging plastik kahit one time sa mga buhay nila diba?

    salamat sa pagbisita.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s