Mabuti-Buti Naman

Naloka naman ako sa kaka-LOL this past week.

Mula nung kinarir namin ni ate ang “Final Fling Before The Ring” ng aming beloved clam-chum na si Ate Liwanag

Daming puyat at na-challenge tu da maks ang natatago naming creativity ni ate. Di ko alam na may talent pala siya sa pagdecor ng mga cabaret. Labshoo te. Tsup-tsup!

Ayun nga at nagkakulay ang bahay namin at napuno ng mukha ni ate liwanag ang paligid. Na-surprise naman talaga siya at di in-expect ang mga pangyayari. The fact na sobrang na-enjoy niya ito, is worth all the puyat and pagod. 🙂

Ang highlight ng party?

  • Shempre naman, ang ni-prepare na food ni Chef Mine, sold out talaga. Yung iba, dun na malapit sa table kumakain. Di na makaalis.
  • Ang designated mamba-BASAG na si ate, nag-Teach me how to dougie pa talaga….the entire night. Tagay lang ang pahinga.
  • Nakikitawa lang kami ni Bengali/Kerala. 😛
  • Sabi nga, “Laughing for 15 seconds will add 2 days from your life span.” – – I’m pretty sure nadagdagan kami ng 6 months to 1 year sa aming life span sa katatawa. Idagdag mo na ang sobrang kulet na si Pao-pao na laging nasisilaw sa flash ng camera. Konti lang kami sa room, pero parang isang baranggay kami sa sobrang ingay at gulo.
  • At ang topping the charts “Cupkeyk”  ni Ate Liwanag. Na dahil d’yan, nauso ang tanong na…”Nag-cupkeyk ka na ba?” “Kumapkeyk ka na ba?” Sensya na, We are under code of silence kaya bawal sabihin kung ano yan. 😛

Inantok lang ako kay Mang Jose, di kasi nai-fridge. Nag-aamok tuloy si ate. Daming galit habang umiinom. LOL.

Sabi ko nga, pwede ako mapuyat ng bonggang-bongga pero di ko talaga keribels ang walang tulog kaya yung weekend ko, punumpuno ng katamaran in short, Piglet mode.

Next weekend na nga ang “I do’s” nila,  ang Sakalan este KASALAN ng Taon! Excited much na nga kami for Ate Liwanag. Totoo na talaga, wala nang atrasan. “Have a happy married life, te!

Feeling ko lang ang dami nang nangyari this week. Bukod sa ilang beses nahulog ang BB ko (na sana daw masira na para makabili na ng bago. LOL), nag-update na rin ako ng ‘Relationship Status’ sa FB (importante yun sa’kin eh, bakit ba?) – From In a Relationship to In a Relationship with Mine na! O, diba? Para po sa mga interesado, tao po ang ka-relasyon ko at hindi guni-guni. Nilagay ko na kung sino para wala nang marami pang tanong-tanong.

Aside from that, 23 hours a day ang bbm group chat. Sa sobrang bilis, backread na lang ang lola mo dahil sa dami ng chika. Ok fine, binabagalan ko kasi magbasa. 😛

Tapos nagpatawag pa ng meeting si Ate Liwanag. Coffee talk talaga na nauwi sa Eat-all-you-can Karinderia buffet with surprise guest, si Kuya Mike Enriquez! (Parang imbestigador talaga.LOL!) Ganen ba talaga pag kakasal na? Hmmm..

Ah basta ang alam ko, si ate parang naka-drugs kasi konting bagay lang tawa na siya ng tawa.

  • Dun sa kamay na nagkorteng paa at iniimagine niyang paa ang pinangta-type niya sa bb. Tsk-tsk!
  • Tapos pinagtripan niya si kuya na mapayapang natutulog sa may unahan ng service/school bus namin.  (Pano ba naman, inuunan na ni kuya yung seatbelt niya.)
  • Bukod sa nagpauso na naman siya ng word, nangangarot  (dahil sa carrot cake na ni-order ni ate liwanag)…may biglang lumapit sa kanya. “Hi, Do I—“ yun palang ang nasasabi ni ate/kuya. Nung humarap si ate, biglang natigilan si ate/kuya “Sorry, I thought..I taw a putty tat?! at pahiyang maraming nagmamadaling umalis sa tabi ni ate. That left us like – -“Huh?! Ano daw?!

Malamang, kahawig ng long and curly hair ni ate  ang EX-jowa ni ate/kuya. Pinaniwala na lang namin ang mga sarili na yun nga kasi, ambilis umalis eh, di na namin natanong.

Parang ang haba na yata.

Ayun. Ok naman. Soo fetch lang.

Looking forward to another interesting weekend with fwends. (nag-update lang talaga.)

Advertisements

Fwends for life..

Katulad ng ibang normal na tao, may mga kaibigan din naman ako. Hindi nga lang siya umaabot ng thousand o hundred thousand.

Naalala ko tuloy yung biruan namin noon ng isang friend ko, na ang bilang lang ng tunay na kaibigan ko eh kung sino lang ang umabot sa yakap ko. Pag lumampas ka, sorry na lang. (hehe..)

Kung merong pihikan sa jowa, meron ding pihikan sa kaibigan – – at ako na yata yun. Sabihin nang suplada-mataray-maldita na nga pero namimili talaga ako ng kaibigan. Mashadong importante ang mga oras para masayang lang sa hindi naman worth it na samahan. Sasakit lang ang ilang sensitive na parte ng katawan (tulad ng ulo, utak at dibdib) para isipin pa ang mga bagay-bagay na dapat sana ay nagagamit sa pag-eenjoy.

Sabihin na lang natin na meron na rin kasing ilang hindi magagandang pangyayari noon at panaka-nakang hanggang ngayon na nagsilbing leksyon para sa akin na matuto at mag-ingat. Ganun naman yata talaga pag na-trial and error ka ng pagkakataon. No regrets na lang at lessons learned. Tapos next time, maging wise na at wag na rin basta-basta magtitiwala para wala nang marami pang isyu.

Eh shempre, pag friend kita hindi naman yung parang nanalo ka sa lotto sa sobrang swerte mo. Partly yes 😆 – – pag may problem, anytime…pwede mo ako kausapin, BASTA wag lang MATH please.  Seriously, pag wala naman akong importanteng ginagawa tulad na lang ng pag nasa opisina ako diba? Ngayon pa na can be reach na ko anytime (hehe..). Or pag gusto mo lang na may makausap kasi minsan may mga instances na gusto mo lang may makinig. Game ako dun. Pag gusto mo rin ng sermon, ayy, yan ang mga type kong gawin. Basta kaya ko, game ako d’yan. Isang “Hi!” lang, alam ko na pag merong something. Lalo na pag malalapit na kaibigan. Alam ko na.

Isa pang benefit ng pagiging friend ko ay ang pagiging tolerating ko. As in. Wag lang shempre yung mapapahamak ka o kaya yung super below the belt, sapok abot mo sa’kin. 😆 Basta, kahit ano’ng gusto mong gawin, gawin mo. Sigee..Okay lang yan. Gooow!! Oopinyunan ko lang muna pero go-go pa rin ako. Para sa’kin kase, papano mo matututunan ang mga bagay-bagay kung di mo muna susubukan diba? Kaya pag palpak ka, at least alam mo na. Next time pag gusto mo umulit, ire-refresh ko lang yung memory mo sa mga nangyari, tingnan ko lang kung umulit ka pa. Sasamahan kita sa trip mo (sasama lang, indi sasali), dito lang ako basta masaya ka, okay  na sa’kin yon.

Yun nga lang…pag inatake na ko ng katamaran lalo na sa mga lakaran, inuman at party to the max…wala ka talaga magagawa. Parang automatic shutdown, di pwede i-restart. Dumedepende talaga sa mood. Malaking factor. Kaya nga pihikan sa kaibigan ee, kasi yang mga bagay na yan ang di ko na kailangang i-explain kasi kilala na nila ako.

Ang mga kaibigan ko?

Merong muntik nang mawala. Merong naging weder-weder. Merong nawala at nagbalik. Merong pasilip-silip. Merong updated. Merong di nawala. Merong bagong dating. Merong laging nanjan. Merong imbisibol pero kapag ni-buzz or ni-ping mo, andun lang pala. Sila ang mga pinakatotoong kaibigan sa buong mundo. Alam nyo na kung sino-sino kayo.

Kahit di ko madalas sabihin…. Love na love ko kayo! Promise! At sobrang blessed ako dahil nanjan pa rin kayong lahat kahit na may topak man ako o wala. You all knew me inside out, upside down…always here thru whatever.  A true blessing from God.

“My sisters and brothers from another mother.”

Friends for life.

– – LoveLoveLove.

“True friendship isn’t being inseparable, it’s being separated and nothing changes.”

Wag kang maingay…galit ako!

Likas na sa’kin ang pagiging tahimik.

Sanay na ‘ko sa mga first impression na suplada, mataray at isnabera.

Nagkukulit din naman ako, lalo na pag malalapit na kaibigan ang kasama ko.

Pero para sa isang normal na tahimik at minsan, walang pakialam na tulad ko…pag nagalit – – tahimik pa rin. Di naman ako nagwawala o nag-eeskandalo (depende sa approach…), nagbabasag o nambubulahaw ng mga sibilyan. Yung paraan na alam ko…Deadly, ika nga.

Madalas ako pagsabihan na minsan naman magsalita or magreak kapag nagagalit. Ginagawa ko naman yon lalo na pag di ko na rin kayang tumahimik na lang. Pero para sa ikabubuti ng marami, mas pinipili ko na lang ang pananahimik.

Sabi nga, bad for the health daw pag hindi mo nailalabas ang galit. Nagiging cancer cells daw pag tagal. Lahat naman tayo dadating sa katapusan, una-unahan lang ‘yan. (hehe..)

Depende rin kasi kung sino ang involve sa sitwasyon at kung gaano kabigat ang dahilan. Hindi naman natin kontrolado ang magalit pero kaya naman nating kontrolin ang pagsasalita ng hindi maganda. Kasi hangga’t maaari, maiisip mo na maaayos pa rin ito. Pero, kung mas pipiliin mong pairalin ang pagiging emotional at sasamahan pa ng cursing at panunumbat…most likely you’re already burning bridges…thinking na there’s nothing to lose. No turning back. Gini-give up mo na ang relationship mo sa kanya bilang kaibigan or something intimate than that.

Kapag galit ka kasi, magulo na yan eh. Lahat ng lalabas sa bibig natin, yun ang totoong nararamdaman natin. Sarado na ang isip at wala nang naririnig. Ang goal  natin, malaman ng taong yun ang lahat-lahat, bahala na kung makasakit at kung sobra na, at minsan out of the topic na ang mga nasasabi. Galit ka eh.

Yun lang.

Depende pa rin sa tao kung pano i-handle ang galit.

  • May mga tao kasing ayaw makipag-diskusyunan.
  • Merong war freak, sugod agad parang wala nang bukas.
  • Meron ding nagpapalipas ng galit, saka makikipag-usap pag kumalma na.
  • Meron namang tumatahimik na lang at hindi na nakikipag-usap. Ayaw na ng explanation. Ayaw na makipag-ayos at tuluyan na lang kumakalas sa sitwasyon. Mga ganyan.

Wala namang taong nagagalit ng walang dahilan. Ke mababaw man ito o minsan wala sa lugar, dahilan pa rin ito. Magkakaiba tayo ng opinyon sa lahat ng bagay at may pagkakataong di magtutugma ang mga ito. Kung sa palagay mo, ang paraan para maiayos ito ay sa pamamagitan ng pakikipagsabayan ng galit, go ahead. Mag-party na ng galit.

Kung gusto mo pang makipag-ayos, make the first move. Wala namang mawawala lalo na kung importante sa inyo ang relasyon n’yo.

Pero kung ayaw mo na. Well, di na kita pipilitin. Desisyon mo na yan at sigurado naman ako na bago ka nagdecide na yan ang piliin, pinag-isipan mo na yan ng mabuti. Pero kung mababago pa ang isip mo, meron pa ring pagkakataon.

Forgive but never forget.

Ikaw pa ngayon

Paminsan-minsan kahit na pakitaan mo ng magagandang bagay ang mga tao sa paligid mo, na kung masusukat mo lang, alam na alam mong mas lamang yung mabuti sa hindi pero sadyang mas accurate ang sukatan nila para ipamukha sa’yo na hindi ka umabot sa kota nila.

Ikaw pa ngayon ang masama. Ikaw pa ngayon..

Shempre, initial reaction mo bilang ikaw na walang ginagawang masama…mainis. Worst, magalit.

Lalo na kung makakarinig ka pa ng hindi rin magagandang remarks galing sa tao na yon gayong mas pinili mo nang manahimik at hindi pumatol sa pagkakitid ng isip nito. Mas malala kung ikaw pa mismo ang nakaalam ng mga ito tapos kapag kaharap o kausap mo naman, ni hindi man lang ito nagsasalita ng di maganda. In short, pinaplastik ka na.

Nakakainis lang diba? Kung tutuusin, alam mong ikaw ang may mas karapatang magsalita at magsabi ng mga pagkukulang nito. Na kung magkatulad lang kayo, ibinalandra mo na rin ang mga masasamang ugali niya at ipinagkalat ang mga ito kung gugustuhin mo lang. Kaso nga mas lalala pa. Maruming paraan ng pakikipag-away. Mas kalmado ang isip mo at alam naman nating lahat na hindi kailanman solusyon ang pumatol sa mga taong may sapak sa isip.

Manahimik. Yan ang mabisang paraan.

Eh papa’no kung di naman tumitigil at sige pa rin sa paninira sa’yo?

Ikaw ba yung tipong bigla na lang magdidilim ang paningin at mambabato ng kung ano’ng mahawakan, makaganti lang? O, finally lulusong ka na sa kakitiran ng isip nito at sasabayan ang ang paraan na alam nitong gawin para maka-quits ka lang?

Tsk-tsk…

Ang solusyon sa mga ganitong sitwasyon ay depende sa dalawang taong involve. Kung gaano nila kakilala ang isat-isa at kung sa paano’ng paraan nila maiaayos. Pero kung ang isa sa kanila ay nagpasya nang hindi makipag-ayos at mas piliin ang pananahimik dahil siguro sa tindi ng galit o dumating na siya sa puntong ayaw na niya maging parte pa ito ng buhay niya, yon lang. Ganun talaga. Sorry na lang.

Ang mga away na napupunta sa ganitong punto ay may dalawa lang na kahahantungan…una, ang tuluyan nang ikasira ng samahan at ikalawa, kung maayos man…hindi na magiging katulad ng dati.

Nakakatawa ka naman…

Sana bago mo pinakita ang totoong kulay mo, binonggahan mo muna ang pag-invest ng goodness mo (kung meron ka nga talaga nun…), ayan tuloy…natapon na lahat di ka na makakabawi.

Totoo nga talaga na kahit ano’ng tago ang gawin sa mga bagay-bagay na natural sa pagkatao mo, lalabas at lalabas din ito nang di mo namamalayan. Kasi nga yon ang totoong ikaw, wag na kasi i-deny.

Nature lang talaga natin ang hindi tingnan ang flaws ng iba lalo na kung malapit ito sa’yo pero dumadating ang araw na kung mas oobserbahan, mapapa-Oo nga, ganun talaga siya!! ka. Confirmed na.

Nakaka-disappoint talaga. (I know the feeling..) Lalo na kung mataas ang pagtingin mo sa taong yon at iniisip mo’ng hindi siya katulad ng iba. The more na iniisip mo palang hindi siya ganun, mas magugulat ka pag nalaman mong worst pa pala siya sa ibang nakilala mo. Ayun lang.

Di naman sa nagmamalinis…alam ko, hindi ako perpekto…pero sigurado ako na hindi ako nanggagamit ng iba para sa sarili kong kapakanan at hindi ko rin sinasamantala ang tiwala ng iba para makuha ang gusto ko. Alam ko na ang mga ganyang eksena. I’ve seen worst than that. Kaya intro palang, may hunch na ko agad kung ano ang gustong palabasin ng kausap ko.

Kaya kung mas epektibong paraan ang magturo at mambaliktad ng isyu…gawin mo na. Gogogo, if it would really make you feel good about yourself. Alam mo naman na ayokong nalulungkot ka. But let me remind you that you’re not free from the consequences of your choice. But what the heck, have fun!! 😀

Sana sa susunod, mag-ingat ka sa tulad ko na madali makatunog. Mahirap na kasi mapahiya ng marami. Concern lang ako kasi di ko maipapangako na hindi mapa-LOOOOOL 😆 😆 😆 (ung ganyan) pag naalala kita.

😀