Gandara

Meron ka bang inferiority complex? Ikaw ba yung tipong mas gusto ang comfort ng apat na sulok ng kuwarto at kuntento na sa pag-iinternet, book reading, tamang soundtrip, nood tv, telebabad at mga libangang nakakapanis ng laway o indi mashadong mai-stretch ang mga litid at joints?

Kung indi naman, malamang sa inde nakikiuso ka sa trend ngayon….

conceited

Ang IAMs (It’s All about Me, stupid) at pag pinalala, ang mga Pilingers.

Feeling pinag-uusapan

Feeling pinag-aagawan

Feeling soooobrang ganda/gwapo

Feeling maraming nagkakandarapa

Feeling center of attraction

Feeling envy of all

Feeling flawless at walang kamot

Feeling ferfek

Marami pa kong pwede idikit na pang-uri dito at pwede pa siguro umabot pabalik ng Pinas sa haba ng pwede n’yong ishare dito. (for sure!)

Dati rati kasi, konti lang ang populasyon nila eh at kadalasan, sa TV ko lang sila nakikita. Manaka-naka sa mga hebigats na eskwelahan, yung tipong kasama talaga sa uniporme at pag-iinlges-ingles. Imi-mix pa ang tagalog at iislangin ng konti para sa mas masayang kwentuhan. Nasa iilang sector lang sila makikita at indi mashadong nag-iingay…dahil indi pang-masa. Indi Judy Ann-Jolina ang dating.

Pero ngayon, kasabay ng pag-angat ng level ni Judy Ann…climbing through the social life (which is kering-keri niya talaga.) sumunod ang sambayanang masa sa kanya. Pati yata ang pakiramdam ni Juday ay isinabuhay din nila. Ngayon, makikita mo sila kung saan-saan. Parang outbreak.

Eto ang signs pag naka-encounter ka ng mga ganito:

  • Kapag ang pagsasalita nito ay may halong exaggeration. Yung tipong, lumalakas na parang naka-default sa ascending ang boses nito kahit na indi naman kailangang marinig ng lahat ang pinag-uusapan, lalo na’t tungkol lang naman ito sa sampayan o pagpa-plantsa ng buhok.
  • Pag nandyan siya, para bang kay-papanget nyo’ng lahat at siya lang ang bukod tanging nilikha ni bro na ubod ng gandang itsura. Kulang nalang mamigay ka na ng libreng blade para mag-mass laslas na kayong lahat.
  • Pag nagwento ito, para bang lahat ng naging gf ng ex niya ay kamukha ni madam auring. Eh samantalang pati siya ex na rin.
  • Assuming mashado. Na may gusto ka sa kanya lalo na pag may ginawa ka para sa kanya. Sinabihan mo siya one time na may maganda sa kanya. O kaya meron siyang kamukhang artista kahit si chocoleit pa. Pag inaya mong umalis. Tinext mo ng love quote. Pag sinabi mong namiss mo siya. Pag nilibre mo ng kendi o binigyan mo ng kahit ano nang wala lang.
  • At sa ingay lalo na sa ilang eksena na indi naman kailangan ng ekstrang tindera.

Indi naman sa pagiging categorical sa bagay na ito, pero para sa marami sa atin na indi mashadong pasensyoso sa mga ganitong tao at pagkakataon, talaga naman kasing mapipigtal ang timpi mo lalo na kapag wala namang “K” ito para mag-uumarte.

Maganda ka, oo. Lahat tayo ay may angking kagandahan. At kung nakalamang ka sa kulay o kutis, indi ibig sabihin nito na para ka nang Diosa at lahat ng tao mag-aalay na sau ng prutas at bulaklak. Di sana pumayag ka na rin na nililipat kada 7 days sa ibang bahay.

Indi rin kailangan na gawing robot ang ilang nagkamaling nanliligaw at me gusto para gawin ng mga ito ang lahat pati na ang mga imposible basta magustuhan mo lalo na’t kung paaasahin mo lang naman. Uulitin ko, indi ka santo para dasalan at alayan ng sampaguita kada dalaw.

At indi lahat ng nagkagusto sa’yo ay may gusto sa’yo habambuhay kahit na may karelasyon na ito, asawa at mga anak. Kaya wag mashadong mag-assume na kapag kinausap, tinext at tinawagan mo sila ay kikiligin pa rin sila tu da maks gaya ng iniisip mo.

Wala namang nagbabawal sa isipan at pakiramdam na maging maganda. Isa itong mabisang paraan to boost self-esteem. Wag naman gawing exagge na seseryosohin talaga.

Beauty is in the eye of the beholder, indi para pwersahin ang mga tao na isiping maganda ka base sa inaasal mo. Oo nga’t sa panahon ngayon, nakakaungos ang mga ito. Pinapansin. Binibigyan ng espeshal na atensyon. Maraming humahanga at kinaiinggitan.

Wag tayong magpa-inosente sa katotohanang “Ang totoong ganda ay nagmumula sa kalooban.

In short – – UGALI o Attitude. Eto yung gandang priceless. Indi na kailangan ng make-up at cosmetic surgery. Sila yung indi biniyayaan ng magarbong physical features pero panalo sa pakikitungo sa iba. May konsensya. Sensitive. Sincere. Totoo.

Dahil sa mga pilingers, nauso ang kasabihan na, “Aanhin mo ang ganda kung ang asal naman ay bruha.” (Meron ba’ng ganitong kasabihan??)

Sabi nga ni Rubbz: “O, siya-siya…sige.” Wala pong masama sa magandang pakiramdam ng pagiging maganda…bigyan lang sana natin ng justice ito. Ibagay naman natin sa ugali ang panlabas na itsura at ilugar sa tamang asal. Kasi ang ganda, naluluma din at nangunguluntoy din habang tumatanda pero ang mga magandang bagay na ipinapakita natin sa kapwa, indi nalalaos at naluluma.

For better results: Use Dove Beauty cream daily and nightly. 😀

buddypoke Aling Baby


Sakay na!!

circle of friends

Sa halos isang taon na dumaan at sa gitna ng mga pangyayari, masarap pa ring isipin na bukod sa dami ng leksyong natutunan…ang mga bumaba at sumakay sa dyip na sinasakyan ko ay siyang may malaking bahagi ng mga pagbabago. Magkahalong malinaw at malabong pagbabagong patuloy na tumutulak sa akin para ituloy ang byahe.

Sabi nga nila, kung indi mo aabatan ang pag-andar ng araw at oras, indi mo mamamalayang ilang buwan na pala ang nagdaan at matatapos na naman ang isang taon. Magdadagdag ka na naman ng isa sa halos lumampas na sa kalendaryong edad. Ang mga pinagdaanan sa nakalipas na taon, ay punumpuno ng leksyon. Para bang may ilang bagong buto na naman ang tumubo sa’yo kapalit ng ilang mahihinang buto na naapektuhan ng osteoporosis.

Kung magse-self assessment ka, pwede mo na kayang sabihin na pasang-awa o pasado na sa kaledad base sa mga humps at lubak na tinalon at nalampasan??

Ako siguro….medya-medya. Mashado pang maaga para mag-assess at isa pa, ang ilang mga nakasakay ko sa dyip…nakakatuwa. Kahit siksikan na, parang gustu ko pang i-suggest kay Bro na mag-expand pa siya para mabigyan ng chance ang iba na makasama sa byahe. 🙂

Gustu ko lang i-share sa inyo kung sinu-sinu ang mga kasakay ko sa byaheng ito. Malaking bagay para sa akin na makasama ko sila at makilala sa pagkakataong tulad ng sa ngayon.

chocolate-cakeTaklesa. Si dyipmeyt. Minsan nagugulat na lang ako pag naririnig ko ang ilang komento niya sa mga bagay-bagay. Mga banat na panalo…(o, kaya mo yon???)Yung tipong mapapa- “Sinabi mo yun??!” – –  mga ganun ba. Minsan ikaw na ang bubusina para sa kanya lalo na pag nakekerid awey na siya. Pero kahit ganun…balanse pa rin. Kayang maging prangka at mabait sa parehong tao. Nabibigyan ng justice ang komento. Bagay na hinahangaan ko sa kanya. Indi naman siya ganyan dati. Sa dami na siguro ng nangyari, natuto na siyang maging vocal sa nararamdaman. (Carry on, dyipmeyt!) Mabuting anak, kapatid at kaibigan. Pwede na eh, ok na…lablayp na lang talaga. Thankful ako kasi nakilala ko siya at swerte ko dahil naging kaibigan ko pa. Hinay-hinay lang sa chocolates at lechon kawali. Lam mo naman, bawal yun.

jai-ho1

After Pink 5, ngayon lang ako ulit nagkaron ng konek sa isang star-mate. Kaya pala…ang dali lang naming nag-klik. Pagkatingin ko ng burpdeyt niya sa pp…yun na Jai Ho! We have a lot of things in common. Pag nagkatawanan na, wala nang hingahan talaga. Nawala na rin ang pagkamiss ko kay Lola Basyang mula nang nakilala ko siya. Modernized at mas maraming kwento kesa kay Lolah Bash. Ang kagandahan ng pagkakaron ng star-mate, tinginan at konting salita lang nagkakaintindihan na. Wala na mashadong palinawagan. Marami akong natutunan sa kanya…as in at alam ko, marami pa. Thankful ako sa pagiging understanding at  sa pagtanggap (alam na niya yun). Sana mamit ko ang buong angkan pag nakapashal na kami ni byahemate sa Pinas.

Stuart-LittleHoodmate. Kami ang una at huling nagkikita sa byahe (kasama si Mr. Sungit #3.)  Indi kami umuubra ni star-mate dito eh. Simbolo ba naman niya timbangan. Mabait. Good friend. Loving wife. (May alagang daga hehe.) Aydol ko ‘to eh…sa haba ng pasensya. Through her marami pa kaming namit ni star-mate na kaibigan. Hilig at magaling magluto, kaya nga ang sarap tumambay sa kanila pag weekend kasi parang piyestahan lang. Sana nga at matuloy na ang dream nila na magkaron ng baby. All the best hoodmate…sana magtuloy-tuloy na ang plans nyo ni hubb mo.

bugoy02Ang pinagsamahan namin ni Net-mate…ang isang magandang halimbawa ng “second chance”.  Kung minsan pag pumapaibabaw na sa isang sitwasyon ang galit, lahat ng madikitan nito ay nasisira at naguguho. Pwedeng mawala na lang ng ganun-ganun lang lalo na pag pinabayaan at hinayaan. Obviously, kami ni net-mate…took the risk. It’s lovelier the second time around. 🙂 Maraming naituro ang mga nangyari. I’m glad I took the risk. Kaya ituloy na ang mas masarap na kwentuhan. Coffee time. Chorvaness. Buuuugoooyy-ish. Tara, pashal naman tayo. 😉

turonTuron-Shanghay mates. Nung una kala ko magkapatid sila kasi parang package deal. Pag binanggit kasi si turon kasunod na agad ang pangalan ni shanghay. Nung una lang pala sila tatahi-tahimik, nung sumunod na okasyon ang kukulit din pala. Sinubukan n’yo pang tapatan si Gary Big kahit na alam nyong size palang patalo na kayo. 😆 Totoo nga ang sinabi ni hoodmate, mababait nga kayo at masayang kasama. Salamat sa pagwelkam n’yo samin ni star-mate.

paparazziPaparats-mate, sabi nila…”First impressions last.” Pero isa itong kalokohan. Ikaw lang ang tanging matino nung unang nakilala ko pero isa ka palang abnoi. Ang tino-tino kausap at walang kaalam-alam sa panggu-gudtaym. Magaling nga eh. Magaling kumuha ng pikchers, magugulat ka na lang na merong ganun. Mapapa- “kelan ‘to??!” ka na lang bigla. Bilib na sana ako sa kanya eh kaso indi pa rin nya nagagawa ang isa sa malaking project na binigay sa kanya. 😛 Sana minsan naman sumama ka sa mga lakarang pampalumpo at yung mag-eenjoi ka naman kahit papano. Ang dami mo nang namiss eh.

alvin-and-the-chipmunks

Mister Sungits 1-2-3. Binago nilang tatlo ang paniniwala ko na ang mga lalaki kahit me asawa, pilit na magpapakyut sa mga babae for pogi points. Pero itong tatlong mister namin…strangely odd. Ang susungit. Ang mahal ng smile nila at pag tinanong mo, isa-dalawa-tatlong salita lang ang sagot depende na lang siguro kung essay ang tanong mo baka sakaling mapahaba pa sa limang salita ang isasagot nila. Si Mr. Sungit #1, kung sensitive ka, wag ka nang magbalak magba-bye sa kanya pag uwian kasi…dedma lang siya. Laging seryoso at parang nakakatakot batiin kasi mukang laging bad mood. Si Mr. Sungit #2 naman pag uwian, nakapasak agad ang earphones niya na parang senyales na wala siyang balak makipagwentuhan whatsoever kahit kanino at kapag inistorbo mo siya sa gitna ng pakikinig niya sa paboritong kanta…humanda ka. Si Mr. Sungit #3, indi naman mashado – – slight lang. Tutulog lang siya sa byahe at para walang istorbo, ayun andun siya sa single seater katabi ng driver.  Pero palangiti naman at indi mashadong nakakatakot i-approach. In fairness naman sa kanila (bago pako makuyog dito..), nakakatuwa sila lalo na pag inaasar na. Kung kelang aasarin, dun pa sila ngingiti…o diba, ang kakaiba??

harry-potterPoke back harry. Si Harry kahit na indi ko palagi nakakasama, nakakausap at nakikita…lam ko wala pa rin nagbabago. Isa siya sa pinakamasarap asarin lalo na pag merong mabigat na iniisip. Ke sa personal o chat, pareho pa rin ang reakshun…pikon. Nakakamiss lang yung kakulitan at sobrang pamimilit na uminom naman ako at wag nang KJ. Lahat ng okasyon kasi yan ang sinasabi niya sakin. Wag mong kakalimutan Harry, “Sorrow knows how to swim…drink moderately.” Mishuu.

Holding-HandsAng paborito kong byahe-mate. Sa lahat siguro ng klase ng sasakyan, nakasama ko na siya.  Pwede na siguro akong makagawa ng libro tungkol sa haba ng byahe namin. Sa lahat ng saya, nakakatawa, madrama, horror/suspense, action/sci-fi, at aberya dala ng ka-chorvahan ng buhay…sabay naming dinaanan at yung iba, dinedma lang. Kahit na mainit sa mata ng mapanghusgang mundo, sige lang. Tuloy lang. Soulmates nga siguro kami kasi pareho naming pinakapaboritong kaaway at pinakamalapit na kaibigan ang isa’t-isa. Walang mabigat na problema pag magkasama naming nilulutas. Marami-rami na rin ang narating namin at dahil sa kanya, tuluyan na kong naniwalang opposites attract. The reason that keeps me sane. Kapag pakiramdam kong parang malapit na ang end of the world, siya ang nagpapaalala sakin na, “gutom lang yan.” Knows me inside out, upside down. Kaya sobrang thankful ako na ibinigay siya sa’kin. Mahaba pa ang byahe namin at nasisiguro ko…for life na ‘to. 🙂

Sila…sila ang iilan lang sa mga kasakay ko ngayon sa byahe. Kakaiba ito sa mga nakasakay ko na noon. Salamat sa libreng kwentuhan, tawanan, asaran, dagdag-kaalaman…salamat sa pagkakataon na nagkakila-kilala tayo.

Nakaikot na ulit ang mundo. Salamat sa inyo. 🙂

buddypokeAling Baby

Istressss

 

stressed-out1

Ito ang kundisyon ng sakit sa katawan kung saan nagsisimula ito sa ulo, diretso sa mata bababa ng batok, i-slide sa balikat at magpaparty sa likod na siyang idadaing mo pag-uwing-pag-uwi ng bahay.

Indi lang naman nakukuha ang stress sa sobrang pressure sa trabaho eh. Mga exam, report at project sa eskwela. Paghahanap ng trabaho. At sobrang pag-iisip ng kung anu-anu na nagiging stress pag indi mo pa tinigilan.

Applicable din ito sa mga housewife.

Isang paglilinaw lang: Ang pagiging housewife ay higit pang bigat sa regular na trabaho. Indi biro ang mabato at mangalawang ang brains habang nakatingin sa daan at sa mga dumadaan at naghihintay mag-uwian ang asawa at mga anak. Pag sinuwerteng mapadaan si kumare, ayun me makakachika tungkol sa showbiz at mga latest cheese sa neighborhood. (peace!)

stressed

Ang “Ina” daw ang ilaw ng tahanan. Parang ang simple lang no? Iilawan mo lang ang buong tahanan. Pero pag nakita mo na ang tambak na labahan. Tambak na hugasan. Walang laman ang ref at makukulit na chikiting…yung ilaw pala na yun ay parang spotlight. Ikaw ang taga-ispat ng mga kalat kasama na ng lahat ng dapat gawin sa loob ng bahay.

  • Aba, mahirap yatang maglaba araw-araw ng para sa tatlo o apat na tao. Tapos pa-planchahin mo pa.
  • Mag-isip ng menu araw-araw na abot-kaya ng bulsa. Kailangan pa masarap kasi rereklamuhan ka pa pag inde. (Nakakasakit kaya ng feelings yun.)
  • Matapos mo mapagod buong araw sa pagtunganga paglilinis ng bahay, paglalaba, plantsa, luto, hugas ng pinggan…shempre pag me assignment si bunso, mapupwersa ang brains mo na indi na mashadong nalalangisan dahil sa indi naman nasasagi ang math sa mga chismisan at indi naman inglisera sina mare para mahasa ang English vocabs. Shempre, pagtapos mo sagutan ang assignment mapapa-medicol ka sa sakit ng ulo.
  • Uu nga at mega kayod ang mga mister at iniintrega ang sweldo kay misis, pero ang stress ng pagba-budget si mader pa rin ang gagawa.
  • Swerte na lang pag walang pasaway sa mga anak, including si mister kase bawas stress yan pero pag meron, ang hayblad naman dahil sa paglilitanya tapos indi ka naman pinapakinggan.
  • At siguro nakukulangan pa sa buong araw na activity ni misis sa loob ng bahay dahil imbes na ang oras ng pagtulog ang pinakapremyo sa buong araw…eh siyang mangangalabit pa si mister. Haller, kumusta naman.

See, indi madaling maging Nanay. Although indi naman puro lang hirap. Fullfillment pa rin para sa isang babae ang maging isang ina. Challenging lang at kailangang magampanan ito ng tama dahil makikita sa kung paano napalaki ang mga anak base sa pag-aalaga at pagtuturo ng mga magulang.

Kung stress lang at stress ang pag-uusapan,  maraming dinudulot ito sa buhay at pag sineryoso, ito ay NAKAMAMATAY. (Tulad ng ilegal na tawiran sa edsa.)

  • Pag indi mo naman ininda o dinedma mo lang siya, pwede kang magkasakit.
  • Pag dinala mo naman ito sa tambayan, pwedeng mapaaway.
  • Pag nakakausap ka ng taong sobrang stressed, pwede kang mahawa.
  • Pag ni-share mo ang stress mo sa iba, pwede kang masermunan at paulit-ulit na sasabihin sa’yo na magresign ka na.
  • At pag tungkol sa lab ang stress, ang kongklusyon sa’yo: isa ka nang martir.

Yung iba naman nakakahanap ng solusyon sa stress: ALAK

drunk

Lulunurin nila ang stress sa pag-inom. Ang indi nila alam, stress knows how to swim…(pagdasal na lang niya na mapulikat ito.) kaya naglolokohan lang silang dalawa. (lols)

Ikaw, ako, sila at tayong lahat ay napapasyal na sa stressville. Every now and then, merong ganyan. Minsan, kuyog pa sila. Royal rumble. Sige lang. Dapat kewlness lang sa pagharap sa mga ito, kaya lang. Walang atrasan ito. Mukha lang siyang mahirap daanan at gawan ng solusyon pero sa tamang diskarte, pag-iisip at paniniwalang dadaan lang ‘to. Didiretso rin ‘to sa exit door pag napagod. Think positive. 🙂

stress

Yung iba nga, ginagawa pang trend ang stress eh…yung tipong galing sa work, nagmeet kayo ng barkada sa isang coffee shop tapos ilang hakbang bago ito nakalapit sa table, pa-hagard effect na ang itsura tapos pag-upo mejo paluluwagin ang neck tie na parang ito ang lubid na sumasakal sa kanya habang sinsabing,

Sorry guys, I was in a meeting. Sobrang stressed na ko. Ganto ba talaga pag promoted?

Diba, one way of showing off. 🙂

Ok lang sana ang mga ganito, promoted pala…di treat mo na rin para indi sila mashadong lamigin sa arayb mong parang humangin lang antartika banda sa pwesto nyo hehe.

relax_

Ang stress ay isang senyales na “magpahinga ka naman“. Pag stress ka, uwi ka na ng bahay. Kumain at maagang matulog. Ito ang tamang paraan indi yung pag stressed ka eh kung saan-saan ka pupunta para ipangalandakan sa buong mundo na stress ka. Kung pwede ka lang kausapin ng parte ng katawan mo, malamang nagsabi na sila sa’yo.

relax

Kailangan lang itong ipahinga para indi na maging sakit o maging epekto ng kung anu-anung isyu meron ang buhay.

Stress lang yan, wag mo mashadong dibdibin. 🙂

 

Aling Baby