Sabi ko na eh…

36-cat

Hindi naman kagulat-gulat. Di rin naman ako nagtaka.

Well, ano ba ang ine-expect mong reaksyon? Violent reaction?! Hmm, malamang cguro kung plot twist ka sa series na mina-marathon ko, pwede pa. Pero kung hindi, eh wag ka na mag-expect.

Sa panahon ngayon, lahat ng balita kahit nakakagulat, hindi na bago kaya nasasanay ka na lang. Isa pa, kung hindi ka na rin naman interesado, cguro mapapa….”Ahh talaga…” ka na lang.

Nakaka-offend ba? Yung hindi na mabigla ang mga tao sa bago mong update? Kase bakit naman? Sa mundong punumpuno ng update ang buhay ng bawat isa at meron ka pa ngang anim na fb reactions to choose from kasama na yung non-offending unlike or dedma na lang choice. –Yun eh kung friends tayo sa social network sites pero kung hindi, eh ano’ng pinuputok ng butse mo jan? LOL.

Nakakatawa talaga ang mundo ngayon. Hind na nga kayo friends in real life at cyber life, pilit ka pa ring ina-unfriend like patay ka na tapos papatayin ka pa. LOL ulit.

Halika, magsisihan tayo. LOL pa more.

Sinulat ko ‘to kasi natatawa lang ako. Biruin mo, napa-update ako ng blog dahil dito. Tenkyu! Ipagpapasalamat ito ng dalawang pirasong reader ko sa WP. Inaagiw na eh. Nung Mayo pa ko huling nag-update. Sensya na. Ang hirap mag-maintain ng blog lalo na kung past time mo lang naman talaga ito. Updated yung FB page ko. Dun mo ‘ko dalawin pag may time ka. For sure, mamimiss mo na naman yun kasi past time din ang tawag jan. Magpa-KSP.

Pero alam mo ba? Totoo yung sinasabi nila na may pakpak ang balita. Meron talaga. May pakpak at malaking bibig. Pano mo naman yun maiiwasan? Kumbaga sa nagmmove on, naka move on ka na’t lahat sabay may babanat at huhugot. Eh di nalaman mo pa tuloy. Well, kasalanan mo pa ba yun? Wala namang mundo na kayong dalawa lang ang laman. Sa ayaw at sa gusto mo, apat kayo jan at hindi mo alam kung kaninong bibig ang may pakpak.

Boom!

Binigyan lang kita ng idea. Maling pader kasi ang tinatakpan mo. Dapat talaga ang gawin sa mga butas, vinu-vulca seal. Oh well, bakit mo pa tatakpan? Huli na. LOL ano ba yan. Yung mukha na lang pala ang dapat takpan. Hahahaha! Sorry na.

Di ko na dinagdagan ang ipag-aalala mo. Kung ine-expect mo pala na may pakpak din ang bibig ko. Ulk! Sabi ko nga sa’yo, di naman ako interesado. Party mo ‘yan, cguro kahit naimbita ako, may saktong okasyon din ako ng saktong araw na yan. LOL. Ang makabagong rason sa panahon ngayon. Lalo na sa mga taong paasa. (Humugot lang).

Sana mag-enjoy ka jan. San ba yan? May snow ba jan? LOL. Di ko sure. Malay ko. Ewan ko. LOL.

Problema :(

Di na talaga nauubusan ang problema sa mundo.

Oh well.

Marami talagang problema. Iba’t-iba para sa lahat. Eh bukod sa budget na pawang generic na, yung pinoproblema kong tummy fats…heto nga’t nag-upgrade na sa pisngi, braso at pata ko. Yan ang main concern ko. Yan ang magnified ngayon at nasa state of emergency. Pero tuwing gabi, sa kusina namin, parang merong makinarya ng mga pagkaing bawal at detrimental sa mga pangarap kong maglaho ang mga taba na ito. Pwede ka bang i-donate? Ang dami talaga d’yan, hirap na hirap tumaba. Eh heto ang mga unwanted-ever kong mga taba, please lang, iyong-iyo na ito FOC!!

lose weight

Para sa nakararami, ang problema kong ito, maliit na bagay daw. Hmp, akala nio lang ganun-ganun lang ‘yun. Akala nio lang, maliit na bagay. Pero kapag ikaw na, eto na, kainan na…mapapasabi ka na lang na, “Ano’ng araw ba ngayon? Hmm, next week na lang ako magsisimula. Pangit magsimula ng alanganing araw. Kakain na lang ako ng konti.” At lingid sa kaalaman mo, nakaka-tatlong Linggo ka nang ganito. Naglolokohan na kayo ng sarili mo. Hanep lang.

Nakaka-relate ba kayo?

Nung isang buwan, nagpyesta ako. Taray pa ng mga linya kong mala-taga mo sa bato…”Magddiet na lang ako pagbalik ko dun. Kasi sayang lang ang effort. Pagbalik dun, simula agad-agad. Hahaha!!” Sarap kiluhin ng mga kanin na kinain ko. Ngayon, na-kanino ang huling halakhak? Malamang andun sa timbangan na ni hindi ko malingunan, dalawang Linggo mula nung nakabalik ako galing bakasyon.

weight pros

Bakit ba ang hirap? Yung gustung-gusto mo naman pero hindi pa sapat yung gusto na yun para simulan mo na. Para, hawiin mo na yung mga walang kapararakang umuubos ng oras mo para simulan ang dapat at ang galing mo pa talagang gumawa ng mga rason para ipagpaliban. Tapos magbbrowse ka ng mga litrato mo nung kaunti pa lang ang gusto mong mabawas sa’yo. Ngayong mas marami na parang wala ka nang balak. Parang nag-aantay ka na lang ng himala. Ng Divine intervention. Gustung-gusto mo pero nakaupo ka pa rin d’yan. Ganto na lang ba tayo?

Gusto kong i-challenge ang sarili ko.

Nagawa ko nga dati eh. Bakit hindi ko magagawa ngayon? Diba?

Sabi nila, kung gusto mong may mabago, simulan mo sa sarili mo.

Eto na nga.

Mamaya, haharapin ko na ang matagal ko nang iniiwasang timbangan namin. Gagawin ko na ang dapat. Sisimulan ko na para hindi na yung puro gusto lang. Kikilos na ko. Hindi na ko tatamarin. Para hindi na lang puro sana. Kailangan ko nang i-push ang sarili ko kasi wala namang ibang gagawa nito para sa’kin. Para sa’kin din naman ‘to. Ako rin naman ang makikinabang sa resulta nito.

Kaya ko ‘to. Pramis ko yan sa inyo.

Babalitaan ko kayo. 🙂

lose-weight-woman

Ano’ng napala mo? Ha?

Isa sa pinaka-pahiyang marami sa buhay ng tao ay yung mahuli ka on the spot at wala kang kalaban-laban. (I know, right.)

Yung lilingon ka pakanan-pakaliwa pero wala kang makitang pwedeng sisihin kundi ikaw. Ang sarili mo. Kaharap ang nakahuli sa’yo na ang tangi mo na lang pwedeng gawin ay ang yumuko.

Yumuko sa kahihiyan. Tumahimik. Humimlay.

At yung katotohanan na yung iniingat-ingatan mong tiwala niya sa’yo, eto ngayon, basag-basag sa pagitan ninyong dalawa. At tahimik kang humihiling na sana. SANA HINDI NA LANG NANGYARI ‘TO.

Abot-hininga. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Di mo sure kung ang next move nito ay yung pisikal na. Ano bang gagawin ko, tanong mo sa sarili habang nagddrumroll ang pintig ng puso mo.

Shit kasi. Ang tanga ko. Bakit di ko naisip agad yun?

Imbes na pagsisihan ang ginawa, mas naiisip mo pa kung bakit hindi mo naagapan na mahuli ka. Eh di sana wala ka sa posisyon na ito. Gisado.

Nakakainis no?

Samantalang nung enjoy na enjoy ka habang nakikipaglandian-huntahan o kung ano-ano pang pwedeng itawag jan eh hindi mo naiisip na baka lang. BAKA LANG biglang magbiro sa’yo yung mga demonyong kalaro mo at finally, mahuli ka na sa kalokohan mo.

Meron ka bang PLAN B? Like alam mo ba ang eksplanasyon dito pag na-hotseat ka? Naisip mo bang pwedeng mangyari yun sa’yo. One time. Jackpot prize. House and lot. Sa Sementeryo.

O, bakit ngayon natatakot ka na? Kinakabahan. Di mo kasi pwedeng sabihin o kahit sa hinagap na isipin at umarteng parang hindi ito nangyari. Parang walang nangyari. Di mo pwedeng itago ang katotohanan na lumandi ka o nakipaglandian ka ng panakaw lalong lalo na kung huling-huli ka pa. Di ito file sa cellphone/computer na pwede mo lang bastang i-delete. And it will just go away…

You wish.

Sa totoong buhay, pag nahuli ka. Lagot ka. There’s no other way out.

Tanga ka eh. Gago ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. May utak ka sana ginagamit mo. Kaya wag kang umangal kung mahirap. Kung nakakainis na at kung nakakarindi na.

Magpasalamat ka na lang. Pasalamat ka dahil buhay ka pa. Pasalamat ka kasi kahit hindi ka deserving, binigyan ka pa rin ng pagkakataon.

Kaya mag-isip isip ka. Dahil hindi bottomless ang pagkakataon na yan.

Bukas makalawa, ang mga tanga, magigising din sa katotohanan.

At hindi lahat ng party, masaya. (—Third Party) #patawaLang 😛

Ok? Ok.

Kalandian Fest Generation Z 2015 (iGen/Post Millenials) wutever…

Sa panahon ngayon, mahirap nang makasiguro kung yung kalandi-an mo ay pawang nagsasabi ng totoo o jinojoketime ka lang. Shempre, sino ba naman ang tatangging landiin lalo na pag may itsura naman ito at f na f mo rin na type na type ka nito.

Maliban dito, kahit alam na alam mo naman ang background ng kalandi-an mo, cge ka pa rin sa kalandian kasi pag dumating ang di inaasahang tamang panahon, pwede mo namang isagot na, “Eh kasi di ka naman nagtanong.” O diba? Pak na pak lang.

Ang totoo n’yan, generally speaking, ang babae, hindi agad-agad nahuhulog sa patibong. UNLESS, type ka nito at laman-tyan ka, yung tipong di ka pabigat sa budget. Bagkus, siya ang makikinabang sa budget. Ay, Go!  Keribels, landian na ‘to.

O, teka…di ko nilalahat.

Pero wag na tayong magpaka-plastik. Sus, lahat naman sa panahon ngayon, alam na. Wag na tayong magpaka-mahinhin at magpaka-santa kasi ang totoo, lahat tayo, may tinatagong LANDI sa katawan. We just have to find the right person to unleash it.

It just so happen na may kilala akong expert sa panlalandi. (Excuse me friend, hindi ito compliment.) Kasi may tamang oras at panahon at STATUS ang paglalandi. At hindi ito dahil sa kaya at pwede mong gawin sa oras na gusto mo. Dahil for sure, meron ding mga tao na nagfformulate na ng mainam na paraan para pumuksa sa mga pesteng malalanding tulad mo sa mundong ito.

Yes. Kailangan na silang puksain. Pagsama-samahin at sunugin. Yung sinusunog ng buhay para mas masaya. Ayoko ng may maiiwang buhay. Hahahaha! Burn baby burn!!

O, teka ulit…hindi ako galit. I’m just speaking on behalf of them Malalandi haters. Of course, sino ba ang kakampi sa mga malalandi? Ikaw?

Sabi ko nga bago ka lumandi, magpalandi o manlandi…paki-check muna kung single ka o kung single ba yung kalandi-an mo kasi mas masarap sa pakiramdam yung naglalandian na kayong dalawa lang at hindi yung di lang pala ikaw yung kalandi-an ng nanlalandi sa’yo kasi…#KarmaIsABitch te. It’s true! Try mo nga para malaman mo.

At sa tamang panahon, it will die down. Yang kalandian mo. Kasi it’s either of the following lang yan…

  1. Mahuhuli ka ng jowa mo or ng jowa ng kalandi-an mo.
  2. Magkakaron ng mas yummy yung kalandi-an mo kaya chugi ka na.
  3. Mala-lapse ka na kasi hello tumatanda talaga tayo.
  4. Mamatay ka dahil sa kalandian mo.
  5. Mamamatay kang malanding mag-isa.

At sa tingin mo ba may seseryoso sa’yo pag nagkakilala kayong malandi ka? Well, in the long run cguro mapapaisip siya kung for keeps ka ba eh baka pag nakakita ka na naman ng yummy eh ulit-ulitin mo lang ung mga pinaggagagawa mo at mandadamay ka pa.

Eventually, lahat tayo ay maghahahanap ng peaceful na kalalagyan (hindi ito ung ikaw, ang kabaong sa sementeryo…), alam n’yo na ‘to diba? Yung safe haven. Yung pakiramdam na yung humahalik at yumayakap sa’yo araw-araw eh hanggang sa huling hantungan na. Yung sinasabi nilang ‘May Forever.’ Well, eh kung papalarin ka lang naman.

Kase hello, sino bang hindi maghahangad ng ganito? Yung iba nga nagpapakamatay at nakikipagpatayan pa ma-achieve lang yan.

Kaya ang suggestion ko lang sa mga malalandi, kung gusto niong humaba pa ang buhay nio yung tipong aabot kayo sa finish line at machu-chugi of old age or dahil sa sakit hindi dahil sa nabuo na ang formula at isa kayo sa napuksa dahil sa sobrang kalandian lang. Nakakahiya naman mamatay ng walang saysay.

Saka Karma is just around the corner –waiting. In my experience, di pa siya natatakasan. Wala siyang patawad at kung matatauhan ka kung kelan malaki na ang damage na nagawa mo, eh sorry ka na lang. #sorrynotsorry. Magdusa ka.

Ok? Ok.

Opinyon ko lang naman…

cat opinion

Sabi nila, hindi naman masama ang umopinyon in general sa mga bagay-bagay. Yan ang pribilehiyo ng mga utak at bibig natin sa gitna ng mainit na pag-uusap. Pero hindi nagkakahulugan na ang mga ito ay TAMA at KARAPAT-DAPAT na pakinggan. Lalo na para sa mga taong alam naman ang kanilang ginagawa/walang pakialam sa mga opinyon na ito.

Dalawang klase lang ang alam kong mga ganito.

  1. Harapang opinyon (parang yung sa Face to Face).
  2. Patago, pasimple o pa-traydor (ang hard…) na paraan.

Yang Face to face na paraan, kadalasan yan habang nakasalang ka sa ‘hotseat.’ Cornered ka na. Tapos on the spot na aabangan ang reaksyon mo. Kung katulad ka ni Aling Rowena-Katipunera, direchahan kang sasagot, ke pabalang man yan o direktang sagot na, “Eh di ibig sabihin, wala kang ginagawa kundi abangan ang mga ginagawa ko?”Boom! Chismosa! LOL!

Yang mga patago naman. Laman yan nga mga Chat Apps. Alam n’yo yan!!! Alam natin yan. Yan ang mga opinyon na minsan below to the low the belt na tirahan na yan. All out. Eh kasi, yung topic, busy sa buhay at walang kaalam-alam sa mga pangyayaring nagaganap pero di rin natin alam na baka busy rin pala siya sa kahihimay ng opinyon niya sa mga buhay n’yo hahaha! Life is just fair sometimes.

Wag na tayo magtaka, peeps. Kasama yan sa ecosystem. Pag wala na kasi ang chismisan at kutuhan (as we call them during the old times), eh walang saysay ang buhay mo. Kaya pag hindi ka napag-uusapan, magtaka ka na.Biruin mo, sa dinami-dami ng chismosa sa mundong ginagalawan mo, wala man lang kahit isang nagkainteres na pag-usapan ka. Diba? How uninteresting and worthless can you get?

Pero di ko rin naman sinasabi na i-enjoy mashado ang fact na pinag-uusapan ka ng mga tao. Lalo na kung, 1. Di ka naman Artista. 2. KSP ka. 3. F na F mo pag pinagbubulungan ka. 4. Wala kayong kapitbahay. 5. Ibang lahi yung mga kapitbahay mo kasi obviously, di naman kayo magkakilala.

Minsan, aminin natin na mahirap lunukin ang katotohanan na somehow sa mga narinig mong facts ay totoo naman. Well, sino ba’ng gusto makarinig ng pangit na katotohanan?

Gosh, tapos maririnig pa ng ibang tao…eh pano kung maniwala sila???

Hahaha! Eh pano kung alam na rin naman nila? Tapos ikaw na lang ang in denial. Eh di WOW.

Sabi nga nila ulit, kahit ilang beses mo linisin ang harap ng bahay mo, loob, labas, pati kasuluk-sulukan ng mga ito…kung yung may ari, di naliligo! Eh di malinis ang bahay niya. Go figure.

Wag din natin kalimutan yung mga ibang panira ng moment. Tipong ang saya-saya mo. Good vibes. 11:11. Ikaw ang Bida sa Primetime Bida. Sabay magccomment ng “Three months na lang ngayon ang bumibida sa Primetime.” –Which means, di ka bida for life. Diba? Porket, di siya ang bida, kailangan pareho kayo. Ayaw mo shempreng isipin na hindi siya genuinely happy para sa’yo pero pwede mo naman na ipaniwala sa kanya na na-appreciate mo ang pang-eeps niya sa moment mo. Quits na lang kayo. 😉

May mga tao na mahilig ibagay ang karanasan nila sa iba na parang damit na kapag bagay sa kanila, for sure, bagay din sa’yo yan. Kaya maniwala ka na. Hahaha! Eh di WOW ulit! Porke-porke? Magtayo ka na ng Consultancy firm hahaha kung gayon.

Maraming klase ng mga tao. Marami ring klase ng approach. At marami ring klase ng paraan para unti-unting mawala ang mga masasamang elementao sa masayang kalmadong mundo. Pwede mo naman silang intindihin pag bored ka tapos nun tuloy ulit ang buhay.

Anyway, buhay mo talaga yan eh. Obviously, ikaw na’ng bahala d’yan. Diba?

Tulog

s2

Yung pakiramdam na ansarap ng tulog mo at feel na feel mong walang pasok ngayon kaya pumwesto ka pa ng maigi tapos maya-maya’y nag-alarm ang orasan. May isang araw pa palang pasok. At tila ayaw kang payagan ng unan at kumot mo na tumayo.

Haayy.

Ako, oo. Kaninang umaga lang.

Paniwalang-paniwala akong wala na talagang pasok at siguradong-sigurado akong Huwebes na kahapon kaya makakatulog ako ng mahimbing pa more. Yahuu.

Yun pala’y hindi. Nilingon ko ang mahimbing na tulog ng katabi ko. Ang lamig pa naman.

Haayy na lang ulit.

Yan ang dilemma ko tuwing umaga, nitong mga nakaraang labing-apat na linggo na (alam na alam ko, bakit ba?) Ang hirap aminin ang katotohanan ang madalas na maalimpungatan sampung minuto bago tumunog ang alarm ko ng ala-sais. Ang saklap. Yung sampung minutong parang isang minuto lang sa pakiramdam. Yung kakapikit mo pa lang, ayan na ang alarm. At sa tuwina, gusto kong isipin na isang malaking joke ang ganitong eksena tuwing umaga. Kung bakit kagabi, pasado alas dose na nung ayaw ko pa talagang matulog. Kaya tuwing umaga rerekla-reklamo naman ako. Haayy ulet-ulet…

s3

Tulad ngayon. Nagrereklamo ako. Kulang ang tulog ko. Kung maibabalik ko lang ang mga oras kagabi nung huli kong nilingon ang orasan, alas-onse diyes at dinedma ko lang habang nagmamadali akong isalang ang kasunod na episode ng series na minamarathon namin, isang linggo na naming nasimulan. Na kung hindi pa ako inayang matulog, sabay sulyap sa oras, juicecolored, alas dose impunto na naman pala. Kahit pa nagmadali ako mag-ready sa pagtulog, di ko na mababawi ang katotohanang pasado alas dose na. Ibawas mo pa ang ilang minutong goodnighting plus konting chika bago matulog. O diba, malamang alas dose y medya na cguro yun di ko na tiningnan ang oras. Tapos iikot-ikot pa ako bago makuha ang tamang pwesto. Buti pa yung katabi ko, ppwesto lang ng patagilid chak tulog na yun. Di kasi nahilik kaya di mo malalaman. Basta’t di na kumilos, alam na. Eh ako, kukumbinsihin ko pa ang sarili ko na makakatulog ako sa pwestong patihaya o yung nakatagilid para maka-akap, kahit ang totoo nito, sa gawing kaliwa, chak yun awtomatikong tulog ako. Sinayang ko lang ang ilang minuto na sana’y narating ko na ang dreamland.

Sa totoo lang, eksayted akong pirmi pag sumasapit ang Huwebes ng gabi. Biyernes kasi ang bawian ng tulog. Walang rason para gumising ng maaga. Pag nagising, pwede ulit bumalik sa tulog. At madurugtungan mo pa ang naudlot na panaginip bago ka naalimpungatan.

Kaso mo, tuwing Biyernes ng umaga, magigising ako pag nagpaalam na sa’kin ang may laro ng basketball. At mawawala na ang antok. Hindi tulad noon na nakakabalik pa ko sa tulog. Kaya’t wala na akong ibang choice kundi bumangon at mag-almusal at manood at umasang babalikan ako ni antok maya-maya lang. Si antok na kapag kailangan mo, wala pero present pag nasa opisina ka.

s1

Di ko rin nababawi ang tulog ko pag walang pasok (eksheli), lalo na pag nakapwesto na ko para manood na naman. Feeling ko, sayang ang oras pag itinulog ko pero pag may pasok di ko yan naiisip, pramis. Pag natutulog kasi ako ng alanganin, chak na gising ako hanggang madaling araw. Di rin naman pwedeng sumobra sa tulog kasi sakit naman sa ulo ang kalaban ko.

Pag sinwerte, may mga Sabado kaming tamad-day. Manonood hanggang sa antukin ng Alas dos ng hapon pagkatapos ng tanghalian. Siesta galore ang trip namin nun. Magigising lang pag oras na ng pananggabihan. Yun ang paborito kong araw. Dun ko lang nasasabing nakabawi na ko sa mga umagang antok na antok akong umaasang may additional 3 hours na tulog pa ko pag naalimpungatan bago mag-alarm ang orasan.

s5

At shempre, pagdating ng Sabado ng gabi, unti-unti nang nagssink in ang katotohanang back to reality na naman. Puyat + 6AM alarm = Antok.

Ok lang. Pampalubag na lang cguro yung ambilis naman dumaan ng isang linggo. At kahit napuyat ako kagabi dahil akala ko wala nang pasok, ok lang pa rin kasi totoong off na bukas. Yahuu.

Happy Weekend! Alarm-off. 🙂

Boom-saklap

Hawak mo na eh, nawala pa. Boom-saklap.

Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang bagay pag nawala na ito. Well. Ganun talaga ang buhay. Minsan bibigyan ka ng dahilan para mag-expect sabay bawi nito. Joke lang pala yun. Kala mo totoo na.

Pero naman kahit na na-brokenheart ka sa isang bagay na yun, that won’t be enough for you to learn your lesson. Bakit? Kasi uulit ka na naman, chak yan. Sabi nga nila, you can only endure hurt so much. At di ka magtatanda unless the lesson kicked you hard enough. At siguro naman sa point na yan, titigil ka na?

Tama na?

Weh? Sure ka?

Finally!! Congratulations!

Di naman kasi porket pinaghirapan mo ang isang bagay eh deserving ka na dun. That’s how unfair life is. Pero teka, bakit di mo tingnan sa ibang anggulo? Baka naman, pinaghihirapan mo ang isang bagay na hindi talaga para sa’yo. Diba? Kaya siguro mashadong mailap. Hawak mo na pero di pa rin mapasayo. Sana wag mo rin isipin na pinagdadamutan ka ng pagkakataon. May mga bagay kasi na mas maiging di mo na malaman ang dahilan at rason.

It’s just—-it’s….not meant to be. Yun lang yun. And  #TruthHurts.

Ang hirap kasi mag-move forward kapag blanko ang sagot sa napakaraming tanong d’yan sa isip mo. Parang, papa’no? Saan ka magsisimula?

Hindi biro ang makipagwarlahan sa isip ah. Tipong may tanong ka na ikaw rin ang iisip ng sagot. Tapos nasagot mo na, di ka pa rin kuntento kaya magtatanong ka sa iba. Tapos pag di kayo pareho ng sagot, in denial ka na. Paulit-ulit lang yan. Walang katapusan. Well. Hindi kung wala kang balak tapusin yan.

Yung totoo, Kaya mo ba talaga? Keribels lang ba na minsan, tanggapin na lang natin na kahit pagbali-baligtarin natin ang mundo (which is imposible talaga…), hindi talaga ito para sa’yo. At kailangan mong magpakatatag kahit mahirap at masakit. Anyway, mas masakit lang naman ito pag di mo kayang tanggapin. At kung mas concern ka sa sasabihin ng ibang tao. Yung mga likes at comments nila sa issue na ‘to.

Pero sa totoo lang, wala naman talagang pakialam ang mga tao sa pinagdadaanan ng bawat isa. Nasanay lang siguro tayo sa mentalidad na mashadong maraming interesado sa buhay natin kaya tuloy hirap tayong magpakatotoo sa nararamdaman natin.

Wehnonamanngayon kung malungkot ka? Eh di umiyak ka. Ilabas mo yang bigat sa dibdib mo. Isigaw mo! Tanggalin mo na yan d’yan sa puso mo kasi pag pinatagal mo yan, magtatayo na ng komunidad yan jan. Baka magkaron na sila ng Presidente at dumami parang gremlins.

Di mo naman kailangan ng validation galing sa ibang tao na kaya mong lampasan ang humps sa buhay mo. Alam mo yan sa sarili mo. Bigyan mo ng timeline ang sarili mo. Di naman pwedeng mabuhay ka na lang para sa sasabihin ng iba. Minsan naman naging masaya ka. Naging ok rin ang lahat.

Namimiss ka na ng realidad. Marami pa raw siyang ituturo sa’yo. Marami ka pang dapat matutunan. Saka ang dami pang pwedeng mangyari. Di ka ba naeexcite dun? Isara mo na ang malungkot na kabanata at i-claim mo na ang masaya at makahulugang kasunod na kabanata sa buhay mo.

At sa pagkakataong ito, yung mas excited na ikaw. Tama na ang ka-dramahan.

Gorabels. Everyone deserves to be happy.