Nag-iisip ng title..

I have a thing with making decisions in a snap. –OA?

Di mo ko pwedeng tanungin kung saan ko gustong kumain lalo na pag marami akong iniisip, pagod at tinatamad. At minsan, kahit nasa mood, ayokong ako ang decision maker sa kakainan. Mas gusto kong sila ang pumili at saka ko sasabihin kung okay ba sa’kin o hindi. –Spoiled brat?

Matagal ako mag-isip at nakakasagabal sa pag-iisip ang pangungulit at pagmamadali sa resulta ng iniisip ko. Kadalasan, nauuwi sa pagkabadtrip at worst, argumento.

Tipikal na babae. Mahirap ispilengin. Nakakaubos ng pasensya.

Kung yung nag-aantay, naasar na. Pareho lang kami.

Mahilig kasi mag-multitask ng isip ko. Di pa nga nangyayari, iniisip na. Dahil matagal ang proseso, nape-pending tuloy dahil sa mga nauna nang iniisip. Ang siste, walang natatapos, lahat nakasalang lang.

Minsan para lang matapos na ang usapan, aayon na lang ako. Goraaa kahit 50-50 lang ang rate na binigay ko dito. Ang galing no?

Napakahirap kasi umoo sa isang bagay na alam mong di ka sigurado. (Pagdating sa mga hebigats na sitwasyon..) Ilang beses na kasi na-test ang abilidad ko sa paggawa ng mga palpak na desisyon na nauuwi sa mas malaking problema. –Nag-enjoy ako sobra. Sa sobrang saya, sabi ko sa sarili ko, “di na ko uulit, bwisit!”

Naranasan ko na sumugal, sumuot sa butas ng karayom, gawing posible ang mga imposible, kumain ng apoy, tumulay sa alambre, gawing carpet ang bubog, etc.etc. –in short, maging tao.

In fairness, it’s worth the experience. Ang sarap malagay sa alanganin at ang pakiramdam na aligaga ka sa kahahanap ng solusyon, priceless.

Mga bagay na pinag-iisipan kong mabuti kung gagawin ko ulit.

Dahil sa mga bagay na yan, kaya siguro ultimo sa pagpili ng kakainan, gusto kong isipin ng maigi. What more sa mas kumplikadong bagay?

Sino ba naman kasi ang may gusto na nag-iisip? At yung nag-iisip ng mga hindi na dapat isipin? At yung di pa nga nangyayari, iniisip na? –shempre, ayaw ko pero wala akong magawa. Nature ko na yata ang ganitong bagay kasi when you deal with things in a more mature manner, you’ll realize that life is too short to do stupid things.oh yes.

Nakakapagod kaya ang mag-isip.

Ayaw mo na nga, ayaw pa rin huminto. Kaya namimiss ko yung panahon na baon lang at assignment ang iniisip ko. Totoo pala talaga na darating ka sa puntong hihilingin mo na sana bata ka na lang poreber para ganun lang kababaw ang kaligayahan mo. Di ka obligadong gumawa ng magparticipate sa hebigats na isyu. Basta’t mag-aral ka lang ng mabuti at wag maging rason ng kunsumisyon. Ok na.

At dahil nandito na ‘ko, I just have to make the most out of it.

So many things to think about, so little time.

Kaya nga hobby na ang tawag ko dito para naman di mashadong nega ang dating. Ang sarap kaya mag-isip, nakakapraning nga minsan, pero masarap, brainstorming much. Nae-exercise ang brain cells, in fact may muscles at abs na sila. Buti pa sila.

🙂

Advertisements

Utang na loob: Ang utang na mahirap bayaran.

Ang utang na tatatak sa isip mo habambuhay at kung susubukan mong kalimutan…mahiya ka naman.

Sabi nila, mahirap magkaron ng utang na loob lalong-lalo na’t ito ang malimit banggitin sa pagitan ng alitan o di pagkakaunawaan –kahit na sagad hanggang langit ang pasasalamat, ilang ulit ka namang nagpakita ng kabutihan o tumulong dito kahit sa maliit na paraan, sadyang parang hollow block na masakit pag ibinabatong pabalik na para bang nire-referesh ang memory mo dahil baka nakakalimot ka.

Eto yung mga linya na nagsisimula sa, “Baka nakakalimutan mong ako ang tumulong sa’yo nung- – –“ …and so on and so forth.

Diba? Wala ka na lang masasabi dahil alam mo ang mga sumunod na nangyari. Siya nga naman talaga, walang duda. Siya nga. Pero para ka lang tinatanggalan ng karapatang magkaroon ng angst sa taong yun. Lalo na’t may dahilan naman. Nagmimistulang siya ang Off lotion at ikaw ang lamok. May pangontra.

Oo nga naman, may point siya.

Nandun ka na. Di ka naman nakakalimot. Hindi lang talaga konektado yung isyu noon sa ngayon. Diba ulit? Isyu yon kung di ka nagpasalamat. Isyu yon kung nawala ka nung siya naman ang nangangailangan. (Malaking isyu yun panigurado.) Paminsan-minsan, ikaw naman ang may point sa usapan, pwede naman siguro yon.

Ang mga utang na loob na kung may katumbas lang na halaga, malamang walang mahirap na tao.

Pero, diba’t mas magandang isipin na sa bawat tulong na kaya mong ibigay, may kabutihang babalik sa’yo? Yung fact lang na meron kang pantulong kahit na gipit ka rin ay isang patunay na blessed ka pa rin kumpara sa ibang tao. Di naman dapat gawing requirement ang ibalik ito sa’yo katumbas ng ibinigay mo (di lang pera ang usapan dito ah..) kasi sa totoo lang, ang bukal sa loob na pagtulong, may blessing na kapalit –doble at triple pa ng di inaasahan.

Di ba’t ang sarap sa pakiramdam nun?

Sa buhay natin, di miminsan na hindi tayo natulungan ng mga taong, yung hindi mo inaasahang makakatulong ng malaki sa mga malilit na pangarap mo. Kaya bilang pagtanaw, pwede mo naman ibalik ito sa pamamagitan ng pagtulong din sa iba na nangangailangan. Parang konek-konek na yan. Spread the love, ika nga.

Kaya kung ikaw yung tipo na tutulong nga pero marami namang sasabihin pagkatapos, salamat na lang. Minsan, pag nagbiro ang tadhana, kapag ikaw naman ang nangailangan…yung mismong taong di mo natulungan, siya pa ang mangunguna para magpaabot ng tulong at minsan, gagawa pa ng paraan –dahil alam niya ang pakiramdam nung siya ang nasa kalagayan na ito.

🙂