Lights..Camera…Action!

 

 

lights-camera-action

Anu ba ang pelikula ng buhay mo ngayon?

Alin ka ba sa dalawang major role?

spotlight

Bida o Kontrabida?

Gustu mo ba ang cast ngayon sa pelikulang ginagawa mo?

story

Anung istorya ba ang iniikutan nito? More on lovestory? Action? Suspense? fiction? Documentary? Comedy? Sex at violence? O Drama?

Lahat ng tao, may kanya-kanyang pelikula pero sikreto ang story plot. Magugulat ka na lang sa cast. Indi na kailangan ng producer, sponsors at ads. Si Big Boss ang direk at ang masaklap dito, lahat ng galaw ay indi lang parte ng pag-arte dahil malamang totoo ang lahat at ito ay walang re-take kaya dapat ang bawat dialogue at galaw, siguraduhing sure na.

action

Ang buhay ay walang katapusang pelikula. Kung ang totoong artista, pwede pang magbakasyon sa ilang buwang sunud-sunud na raket…ito kahit na nakabakasyon ay parte pa rin ng pelikula. Tuloy-tuloy lang mula sa pagkapanganak hanggang sa libingan. Tulog lang ang pahinga.

In all fairness, binigyan pa rin naman tayo ng pagkakataon para pumili ng magiging role natin. Kung alin man sa klase ng tao ang gustu nating gampanan…walang guidelines na pinamimigay kung paanu ito gagampanan. Lahat ay sariling diskarte. Kung magkamali man, ok lang kasi ikaw rin naman ang magsa-suffer sa ginagawa. Ang talent fee ay indi pera o gold bars kundi fulfillment feeling-of-fulfillment as a person. Minsan happiness happines , pwede ring love love o kaya success success_key .

 

Alam naman nating lahat na indi madaling gampanan ang mga role natin ngayon sa ating buhay. Indi ito isang laro na kapag nahirapan ka na eh bibigay ka na at kikitlin ang sariling buhay  suicidedahil sa pakiramdam na para bang wala nang katapusan ang hirap at lungkot. Wala nang solusyon. Meron pang feeling na kung kelan kailangan mo si Big Boss eh para pa siyang nananadya at nasa bakasyon.

suffer

Aware din tayong lahat na anumang hirap ang dinadaanan natin….isa lang itong PAGSUBOK. Na ito ay lilipas din at laging iisipin na lahat ng bagay ay may solusyon.

life

It’s easy for us to say. Madali para sa iba na wala sa sitwasyon. Pero sa iba na nandun, yung solusyon na sinasabi nila makakamit mo pagkatapos sumuot sa butas ng karayom. Kunsabagay, wala namang madali eh. Lahat ng bagay, bago mo makuha kailangang may isasakripisyo. May pilian portion. Makakamit natin ang mga ito, uu naman daw… but not all at once. Isa-isa lang daw.

nver-giv-up

Wala namang perpektong buhay eh.

money

Indi lahat ng mayaman ay masaya. Minsan ang yaman, ito pa ang pinag-uugatan ng ilang problema.

lovers

Indi lahat ng in a relationship ay masaya. Meron kasing dyan, indi naman sila compatible. Pinipilit lang maging ok sa ngalan ng prinsipyo at ego.

happy

Indi lahat ng mahirap o salat sa pera, kailangang maging malungkot. Mas masarap pa rin ang mabuhay ng simple. Kasi sa ganitong sitwasyon, nagkakaron tayo ng goal. Nangangarap. Indi nakakalimot kay Big Boss. Mababaw lang ang kaligayahan. Nagiging masaya na sa mga simpleng bagay.

the-simple-life

Indi naman basehan ng pagkatao ang estado nito sa buhay. Nagkakataon lang na merong mga pinanganak na mahirap, maykaya at mayaman. Walang favoritism si Big Boss. Nasa bunga ng pagsisikap ang mga ito at walang siyang kinalaman sa mga ito.

future-in-our-hands

life-purpose

Sa pelikula ng buhay natin. Tayo ang Bida. Tayo ang may hawak ng oras. Nasa sa ating pasya kung anu ang pwede nating makamit habang nabubuhay sa mundong ito.

Kaya sana gawin nating makabuluhan.

momentmomentslast_momentsmommy-moments

Wag lagi nakasentro sa pangarap. Paminsan-minsan, i-enjoy natin ang mga taong nakapaligid at yung tinatawag nilang “moments” dahil minsan lang ang mga ito dadaan. Wag nating hayaang ma-miss ang mga mahahalagang bagay na ito sa buhay natin.

Dahil minsan lang tayong mabubuhay sa mundo.

oh-life

Indi uso ang “time first.”

At wala nang ulet-ulet. 🙂

 

Aling Baby

 

Advertisements

“Pamemelet”

 

pushy

 

Lahat tayo ay nakaranas nang peleten (pilitin) sa mga bagay na indi natin gustung gawin. Minsan, madaling humindi at may mga instances na makokorner ka na kaya indi ka na makatanggi.

annoy

 

Ang pamemelet ay kaibigang matalik ng pangangantyaw. Tandem yang dalawa palagi kaya kung indi ka gaanong sanay sa mga ganito, tiyak na mauuwi sa pag-aaway o pikunan ang mga ganitong gawain.

Sa amin, ako ang numero unong mahilig mamelet at mangantyaw. Kase…

Paghingi ng pabor

Magpalibre

Mag-utos

Mag-feeling cupid

O tamang kulit lang.

Pero sinisigurado ko namang indi mapipikon ang taong kinukulit ko at kung sakaling mapikon, binabawian ko naman, para sa akin kasi…“just for fun” lang ito. Sinisigurado kong walang dadanak na dugo sa pamemelet at pangungulit na ginagawa ko. Shempre, ako rin naman…indi ok sa kin yung sobra, kailangan medyo moderate lang kasi minsan pikunin nakukulitan din ako.

Kadalasan kasi, may mga taong sadyang indi ma-gets na kapag “In a relationship” holdinghands na ang isang tao…ibig sabihin nun, may ka-relasyon na siya (tinagalog ko lang 😆 ) – takencommittedmeron nang nagma-may-ari (in tagalog).

Malinaw diba? Wala namang malabo dun.

Kahit na ihulma mo pa ang pamemelet na ito sa biro o tamang para sumaya lang ang lahat…

Minsan, nakakatulong pa rin ang pagbusina. honk

Kasi, indi lahat ng nakakatawa para sa’yo ay nakakatawa rin para sa’kin.

Feeling Joe d’ Mango ba?

Taong Kupido.

I have nothing against matching up people. Mag-play cupid. Kasi meron din akong mga naging kaibigan na NBSB (No Boylet Since Birth), pihikan mashado at yung iba napag-iwanan na.

Hahanapan ko ng Single din at walang commitment at sidelines. Kasi unfair naman kung aagaw ka pa. Manunulot. Ipipilit kasi mas boto sila dun sa tao.

Kailangan pa bang lagyan ng malaking I’M TAKEN sa noo ang isang tao para lang malinaw na indi na niya kailangan ng manliligaw?

basted Ang hirap kaya sa pakiramdam ang mag-turn down…kaya kung minsan, dinadaan ito sa biro para lang tigilan na o kaya kukwentuhan mo na ito tungkol sa lovelife mo.

Ang mga isyung pampuso at emosyon ng isang tao ay indi dapat pinagpi-piyestahan o ginagawang libangan para may mapagtawanan at mapaglibangan. Indi porket tahimik ang isang tao eh umaayon siya sa lahat ng sinasabi nyo. Kung minsan, pinahahalagahan lang niya ang kasiyahan n’yo (dun kayo masaya eh.) at alam niyang indi rin siya titigilan ng mga ito kahit anu pa ang sabihin.

sensitive

Dapat maging sensitibo rin tayo paminsan-minsan. Baka, naiinis na ito. Napipikon. Nagagalit. Pero indi lang sinasabi. Kung tayo man siguro ang lumugar sa kanila, mas maiintindihan natin ito at malalaman kung kelan dapat huminto…magtanong,

“Uy friend, baka napipikon ka na ah…biruan lang ‘to ah.”

“Indi, sige ok lang.” – – na ang ibig sabihin eh,

 

“Please lang, tigilan nyo na ko.”

Kaya para sa mga mahilig mamelet…hinay-hinay lang tayo. Lumugar ng konti. Para sa ikauunlad ng bayan. 🙂

 

 

 

Aling Baby

FRIENDSTER MADNESS

 

fs

 

Meron ba kayong Friendster Account?

Yung personal fs account ko, almost six years nang namamayagpag sa cyberspace. Nung panahong napakasimple lang ng layout nito at konti palang ang pictures na pwede mong i-upload dito. Pumupunta pa nga ako sa internet shop malapit sa skul namin para lang makapaglagay ng latest pics ng tropa na ini-scan pa ang mga ito kasi shempre mahal ang usb at bibihira pa ang camera phones (nyak, para talagang ang tanda ko na 😆 ), at kung gustu mong makapag-update ng pics, gagastos ka ng todo.

Iilan palang ang laman ng friend’s list ko noon, yung iba dun sapilitang isinama ko pa sa internet shop para lang makagawa ng account at nang madagdagan naman ang listahan ko. Shempre, the more friends you have, feeling sikat ka. Super friendly ang dating mo nun lalo na pag napuno mo agad ang account mo at may isa ka pa. Artistahin ka na talaga.

Dahil nung college, wala naman kaming PC sa bahay…bihira lang ako makapag-update. Pag may mga project lang o kaya pag nadadayo ako sa bahay ng ate ko, kasi meron silang internet sa bahay.

Nahagilap ko ang mga klasmeyts ko mula nung elementary hanggang hayskul. Nakakatuwa na magkakitaan at magkamustahan kayo pagkatapos ng ilang taon. Nakakalibang na makita ang mga pagbabago.

Merong tumaba, pumayat, gumanda/pumogi, chumaka at iba pa.

Meron ding mga nagsipag-asawahan na yung kung sino pa ang sobrang tahimik sa klase; Merong nakapag-abroad, naging artista, model, nagpari at madre, teacher, engineer, piloto, hauswayf, Andres, single pa rin at yung mga nagbago na rin ng pananaw sa buhay.

Meron pa dyan, pagandahan ng Primary photos.

Ia-upload ang sandamukal na litratong pinagpilian ng sariling magagandang shots kesehodang mukang ewan ung ung isang kasama niya pic, basta siya maganda ang pagkakakuha.

Kapag merong out of town trips na pwedeng pang-friendster, ayuuunn…nag-uunahan sa camera at pag-uwi automatic na sa pag-upload naks.

Kahit anung okasyon, basta’t may pikcheran na naganap…siguradong kinabukasan, na-upload na yan lahat sa kani-kanilang account.

Napaka-useful ng Friendster para i-update ka sa mga latest happenings ng buhay ng may buhay. One click lang, mananawa ang inyong curious minds sa mga latest cheese.

Guilty ako sa mga bagay na ito. Pero naisip ko…

Kailangan bang lahat ng nangyayari sa buhay natin, ihahain natin sa lahat?

Anu ba ang makukuha natin sa paglalantad ng mga ito sa iba?

Uu nga’t isang ungos kung makikita nila ang ilang magagandang pagbabago sa pisikal, magandang karir, mga na-achieve. Mga bagay na sadyang abot-kamay na ibo-broadcast mo sa sangkalahatang friend’s list para sa konting ego boost.

Pero ni indi makatulong sa pamilya na nangangailangan.

Kung minsan, ito rin ang pinagsisimulan ng ilang indi pagkakaunawaan na imbes na pag-usapan…ipa-publicize pa ang pagbabangayan. Pati hiwalayan.

Parang showbiz.

Ang buhay na umiikot sa Friendster community ay talaga namang Showbiz na showbiz.

Lalo na ngayon, konting kibot mo lang…naka-publish agad. Pati mga comments na sana eh inyo-inyo na lang, lahat mababasa na. Wala ka nang pwedeng itago. Exposed na lahat.

Meron pa rin akong friendster account.

Dalawang klase ng account…

Merong pang-showbiz ng konti.

Meron ding indi mashado na pang-close friends ko lang.

Dahil indi naman ito parang Karinderya na bukas sa lahat ng gustung kumain/makichismis.  Shempre naman pabor pa rin ako sa pagiging pribado ng mga iilang bagay na may kinalaman sa buhay ko. Eniwei, wala namang showbiz sa buhay ko eh…meron lang pilit na nakiki-showbiz.


 

 


alingbaby