PALO

Ano’ng naging paborito mong pamalo? Hanger, patpat, sinturon, buckle ng sinturon, bamboo, walis tambo, walis tingting, sapatos, dos por dos, paddle, kawayan, panungkit, upuan, mesa (hehe) or simply hambalos na malupit ng kamay???

Ako, walang paborito sa kanila pero nung maliit pa ko at sa dala ng kakulitan…hanger. Dahil mas madalas na nasa gitna ng paglalaba at pagsasampay si mama pag nauubos ang pasensya sa ‘kin.

Halos lahat tayo nakatikim na ng palo.

Masakit diba? Minsan sa sobrang sakit, napapakamot ka na lang dun sa tinamaan lalo na pag sunud-sunod. Parang hazing lang. Bukod sa pinapalo ka na, meron pa ‘tong kasamang mga words of wisdom plus cursing. Pa’no ba naman…sa dami ng stress at sakit sa ulo dala ng buhay, pagdating sa bahay ang mag-ti-trigger ng galit at kawalan ng pasensya ay pag nakulitan sa’yong pasaway kang bata ka. Di talaga ito maiiwasan.

Sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama.

Pag makulit at indi nadala ng saway at pagpapaalala…asahan mo nang kung anu ang pinakamalapit na mahawakan nina nanay ang magme-matrix sa’yo at pag sinuwerte na nakailag ka, konting ingat dahil minsan pinapalipad na ito makaabot lang sa’yo.

Likas sa bata ang magkulit. Kasi nga nag-eeksplor pa lang at gustung butingtingin ang kung ano’ng makitang interesanteng paglaruan. Di rin maiiwasang me mababasag at matatabig na mga bagay nang indi namamalayan. Kaya nga ba laging palo-prone.

Ok lang naman paluin ang makulit lalo na pag indi nadadaan sa saway at mas mainam kung pagkatapos nito at nailabas na ang sakit at hapdi ng palo sa pamamagitan ng pagpalahaw na iyak…kausapin ang bata at iekspleyn sa kanya kung bakit para maintindihan nito.

Sa palagay mo ba, maiintindihan ng bata ang sinesermon mo habang pinapalo mo siya? Mas concentrated siya kung saan tatama ang susunod na hataw at kung papano’ng teknik ang gagawin niya para indi mashadong masasaktan kaya mas maganda paghupa ng galit at nahimasmasan na kayo pareho…mag-usap para sa susunod, maiwasan na’ng maulit.

Parte ng pagdidisiplina ang minsanang paluin ang bata kapag mali talaga at indi na masaway pero indi rin naman kailangang sa tuwinang magkakamali eh ito ang parusang laging igagawad. Ang mga murang isip na ito ay kalalakhan ang ganitong uri ng pagdidisiplina at kapag turn na nila bilang magulang…ito rin ang tiyak na gagawin nila dahil ito ang itinuro sa kanila noong sila ay bata pa. Isa pa, maraming epekto ang pamamalo sa paglaki ng bata. Pwedeng maging rebelde, introvert, magagalitin, nanakit agad pag nadedehado, pwede ring matatakutin lalo na pag na-trauma na, nagtatanim ng galit at naglalayas, nababarkada.

Kaya nga dapat na sila ay kausapin pagtapos ng disiplina-eksena. Indi naman dahilan na porke’t bata pa ay indi pa nito maiintindihan. Maraming paraan para i-ekspleyn sa kanya ang ginawa at sa ganitong paraan magiging malapit pa ang pagsasama at titimo sa isipan niya ang magiging resulta kapag inulit niyang gawin ito.

“Kung ano ang puno, siya ang bunga.” Nasa pagpapalaki ng magulang makikita ang karakter ng anak. Indi madali ang pag-aasawa at lalong indi madali ang pagpapamilya. Indi ito isang task na pwedeng iisantabi at indi sineseryoso dahil buhay ang pinag-uusapan dito at kinabukasan.

Walang award na matatanggap kapag naging mabubuting magulang sapat na’ng makita ang mga bunga na naging kapaki-pakinabang at napalaking may respeto, malasakit at pagmamahal sa pamilya at sa kapwa…mga karakter na walang katumbas na halaga.

11 days na lang Pasko na…..

Meri Pasko!!

Aling Baby

12 thoughts on “PALO

  1. ayun.. bumalik tuloy saken yun nakaraan ko.. dear aling baby ako ay battered child,,, awts.. natikman ko na ang walis tambo yun kahoy nun ha? ahmmm yun dos por dos aray.. tama ka.. dapat hindi lahat dinadaan sa palo.. siguro nga makulit ako nun bata o talagang magagalitin lang ang nanay ko kaya ako lagi napagbubuntunan,,, pero hindi ibig sabihin nun na rebelde ako,, hindi po mahal ko ang nanay ko.. at sa tingin ko.. nasa tao yun kung paano maging mabuti pag laki.. merong taong sadyang rebelde.. pero ako mas pinili ko maunawaan .. kung noon nagtatanong ako kung bakit ganon.. ngayon may edad na ako (kunwari di mo na nabasa yun may edad ha) mas nauunawaan ko na at choice kong wag gayahin ang nanay ko sa pag didisiplina😉

    ang resulta siguro saken nyan ay nagiging magagalitin ako.

    merri pasko napahaba ng comment affected much hehe

  2. parang naka konek ako dun ah..ako paborito ng nanay ko walis tingting OUCH!!! kasi lagi syang naglilinis at nakiki alam ako hehehe..pero korek ka dun aling baby there’s always away to explain para mas maunawaan ng bata ang kasalanan nya beside sa pag palo…saludo ako sayo Aling baby!! Meri Krismas:D

  3. madalas akong mapalo ng tungkod na yantok, walis tingting at yung buckle ng sinturon. most of the time dahil na nga rin sa kakulitan ko kaya may tumataginting na 10 palo ako.

    di rin naman naiintindihan ng mga bata kung bakit sila napalo kasi ang naiisip nila di sila love nila mommy at daddy kahit na sabihin pa nilang love sila kaya may hagupit ng pamalo.

    tama ka dun aling baby, yung ipapaliwanag ng magulang kung bakit napalo yung mga chikiting kahit na di naiintindihan(masyadong naiintindihan)ng mga bata. tsaka syempre yung paghingi din ng sorry pagkatapos nilang mapalo plus isang super hug para pampalubag loob.🙂

  4. aw…

    palo? naalala ko noong bata ako kapag nag away kami kahit kasalanan ng isa dalawa kami ang papaluin kc once na nag away ibig sabihn kasalanan namin pareho yun…

    pero agree ako na nasa pagpapalaki nga talaga ng magulang kung lalaking matino ang mga anak…

    ang mahalaga, pagkatapos paluin eh marealize ang pagkakamali at matutong magpakumbaba, magsorry at maghug sa bawat isa…

  5. yung belt, walis, tska buckle ng belt naranasan ko. napaluhod na din ako sa munggo at asin.haha! ganoon ako kabait noon eh😀

    naku tama, minsan hindi kailangan na paluin, kasi wala naman sila natututunan doon, napapasok lamang sa isip nila na kapag may maling nagawa, dapat pinaparusahan. hidni na nila natututunan ang konsepto ng pagpapatawad at pag-intindi sa tama at mali.

  6. merry Christmas!

    isa sa natatandaan kong pinakamatinding palo sa akin ng nanay ko ay noong sinampal ko siya sa mukha. habang natutulog siya. hehehe. (lakas ng loob diba! cute kasi niya noon e. hayon pagkagising pinaghahampas niya ako ng walis tambo

  7. kahit ang bible sinasabi na dapat eh paluin ang bata para ma-disiplina.

    pero sa pagkatanda ko, ang sabi eh huwag daw ang kamay ang gamiting pamalo. may epekto daw kasi sa bata kung direktang gagamitin ang katawan upang saktan o idisiplina ang anak.

  8. ay di ko matandaan kung ilang beses akong napal…behaved kasi ako asa child…hehehhe…

    pero tama ka sa isang banda..hindi masama ang mamalo, pero kailangan iexplain pa rin sa mga bata ang sitwasyon at rason kung bakit ka namalo….kids do understand….

  9. Malapad na sinturon, Upuan, Walis Tambo, Hanger, Sandok, Ting-ting, pat-pat, pangkamot. Maraming naging pamalo sa akin noon. Pero siyempre after nung ‘palo session’ saka ako kakausapin ng matino ng nanay, tita, lola o kung sinu man yung pumalo sa akin.

  10. hanger, feather duster, tsinelas, ruler (kahoy at plastik), kamay

    kung papipiliin.. ruler na lang dahil pwedeng baliin at itapon pagkatapos ipamalo sayo.. booyset na mga feather duster yan! ang sakit na madumi na ang titibay pa!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s