Dis-puh-lease..

 

 

Isa ka bang kaanib ng Dis-PLEASER o PLEASER?

 

what

Ikaw ba ang tipo na parang tinutusok ng ilang libong karayom kapag nakaramdam ng uneasiness ng ibang tao sa indi mo pagkibo pagpasok mo sa isang room kung saan nandun ang mga taong close at not so close friends mo?

huh

Agad ka bang magtitimpla ng juice para sa kanila kahit indi naman kailangan o di kaya ay magrerenta ng monobloc sa party toys and balloons kung wala silang maupuan or you’ll simply say hi and move along?

popularity

Sadyang may mga taong born Mayor at may pagka-masa ang dating sa tindi ng versatility nito sa katawan na once they enter the room, the crowd will almost greet in chorus pagkakita pa lang dito. Isa itong compliment at sa aking palagay, wala naman akong nakikitang masama kung sensitive tayo sa feelings ng iba lalong-lalo na kung tinatawag ng pangangailangan. Most likely, ang mga ganitong tao, they’re comfortable with their own skin at mas magaan ang sa pakiramdam na walang sinuman ang maiilang na halos magmadali itong tapusin ang ginagawa para lang makalayo ng malayong-malayo sa lugar kung nasan ka.

Kung pwede nga lang literal na timbangin kung magiging pleaser o displeaser ka sa isang sitwasyon, malamang wala nang may inferiority complex o mga epal na tao sa mundo kasi kayang-kaya mo nang balansehin ang pakikisama mo sa ibang tao with just owning a timbangan. 😆

In this way, wala na ring mag-eeffort to develop their personalities. Bakit pa eh meron naman akong timbangan sa bahay, keri na yan. 🙂

It’s a feel good thing kung isa kang pleaser kasi indi lahat ng tao, kayang maging ganito.

serve

Marami kasing mga pleaser na nagiging OA pag tumatagal. Para bang kulang na lang eh maglatag ito ng red carpet parang oscar’s para sa mga taong…ok lang naman kahit na indi ka mag-hire ng tagapaypay kasi muka namang ok lang sa kanya ang pagpawisan para naman mabawasan ang fats niya sa katawan.

self

Wala naman sigurong masama kung i-ismaylan mo yung tao na kahit na wala kang bagong timplang juice eh indi naman siya makakaramdam ng uneasiness kasi indi mo naman siya inaway o pinakelaman ang pribadong buhay niya.

Lahat naman tayo ay sariling high at low moments na sadyang indi natin maiiwasan pero indi naman ibig sabihin na pag indi ka kumibo o tipid na sagot at konting ismayl lang ang iginawad mo eh para bang nagkaron na kayo ng hidwaan ng walang kaabog-abog.

Hindi naman lahat ng taong indi masalita o tahimik ay nanghahamon ng dedmahan.

Yung iba dito, may iniisip lang siguro o kaya indi siya talagang  palakwento lalo na kung indi naman niya ka-close ang mga taong nasa paligid. Marami kasi ang namimisinterpret sa ganitong pagkakataon.

Siguro igalang na lang natin ang kung anu ang gusto nilang gawin. Eh sa gusto nilang nasa sulok palagi eh. 😆 Lahat tayo ay may layang gawin kung anu ang nais natin, indi natin kailangang i-judge ang mga ito dahil lang sa paraan nila kung paano makisama sa ibang tao. Yang parte na yan ay off-limits na kasi buhay nila yan. Magpokus na lang tayo sa mga buhay natin kasi yun ang tama.

understand

Indi naman lahat ng tahimik ay malungkot ang buhay…wala tayong say dito dahil indi naman natin alam ang lahat ng mga nangyayari sa mga buhay nila. Malay natin, dito sila masaya o kaya mayroon silang circle of friends na dun may laya silang ipakita ang totoong sila. Kanya-kanya tayong diskarte pagdating sa mga  ganitong bagay at kung anuman sila sa atin at sa ibang tao, nasa sa kanila na yon.

Kung meron mang mga Dis-PLEASER na matatawag, malamang sila ang ilang porshento ng mga taong indi nakikitang big deal ang salitang “Ilang”. Indi mo kakikitaan ng extra effort para latagan ka ng red carpet pero kakausapin ka naman at indi ipaparamdam sa iyo na wala silang pakialam totally.

Walang big deal dito. Indi lahat ng tao pare-pareho.

Sabihin na lang natin na…dito kasi sila mas komportable at kuntento…wala nang palinawagan.

Contentment

Diba?

 

Aling Baby

 

 

G.A.L.I.T.

 

anger

 

Sinubukan mo na bang bilangin kung ilang beses nang umiksi ang pisi mo sa isang bagay, sitwasyon, tao at pagkakataon sa buong buhay mo?

Malamang wala pang nakakagawa nito kasi ang henyo mo naman kung alam mo ang total nito. 😀

Lahat naman tayo napupunta sa ilang pagkakataon kung saan, indi mo kayang awatin ang anumang kababalaghang lalabas sa bibig mo at sa kilos sa oras na umakyat ang dugo mo sa ulo at maramdamang parang nagbabaga ang buong katawan sa tindi ng galit. Meron pa nga, nanginginig pa sa sobrang pagpipigil na ilabas ang emosyon na ito.

Bakit kaya naimbento pa ang ganitong emosyon? Samantalang ito ang isa sa pinakamatinding rason para makagawa ang isang tao ng kasalanan Kay Kuya Josh, sa batas at sa kapwa. Indi ba pwedeng pag merong indi pagkakasunduan eh, imbes na galit ang maramdaman eh gutom o kaya uhaw? O kaya yung tipong mapapabili ka ng isang bucket na chicken sa KFC? (Okay na sakin yung Yellow Cab pizza hehe.) Diba, para wala na lang masasaktan at magkakasamaan ng loob? Para walang bigat sa dibdib na mga ganyan at lahat nagkakaintindihan in fact mas nag-eenjoy pa sa freebies sa tindi ng mga pangyayari.

Kung minsan kasi sa sobrang protective natin sa ating sarili at sa mga taong malapit sa atin, masaling lang ito ng konti ng ibang tao para tayong bulkan na walang pasabing sasabog. Magugulat ka na lang sa mga isyung biglang lumalabas out of nowhere…mapapa-“Oh, san galing yon?” ka na lang sa isip mo. Indi mo alam na meron na palang naka-imbak sa isip-imbakan nila na akala mo’y okay lang yon pala’y naitanim na pala ang mga ito at eto ngayon, inaani mo na.

Minsan, kaya mong pigilin ang sarili na sabayan ang extreme stir of emotions nung tao, kasi yan ang payo ng mga eksperto…”Wag sumabay sa galit para madaan pa ito sa maayos na pag-uusap.” Tama naman eh. Pero kung minsan, pag wala na sa lugar ang pagkaka-construct o paghahabi ng mga salitang lumalabas sa kanyang blessed lips…kaya mo pa bang pigilin ang sariling emosyon?

It takes an awful amount of patience to ever-ever-ever-ever survive that kind of situation. Maliban na lang siguro kung ikaw ang tipo na may mind over matter at kaya mong paliparin ang mesa sa tabi mo over that person using this talent. (Kidding aside) Gaya nga ng naikwento ko na sa ibang entry ko…

Ang away lalaki, sakitan na agad tapos ok na.

Ang away babae, kadalasang salitaan kasi takot din mabangasan. The least turns ok pagkatapos but most of them try to erase everything literally.

Maraming indi kagandahang dinudulot ang galit sa buhay ng isang tao. Siguro naman aware na tayo sa mga ito. Ang hirap din naman kasing indi magalit kahit minsan lalo na kung nadedehado. Kapag may mga taong insensitive at mashadong self-centered.

Sino ba naman ang indi gagawa ng lahat para sa sariling kapakanan lalo na kung para sa pamilya diba? Lahat tayo ay capable gumawa ng kahit ano para sa pamilya. Pero wag naman sana at the expense of others. Malamang yan indi naman tinuro ng mga magulang natin at ng simbahan.

Lahat tayo nagigipit at nangangailangan pero indi ito dahilan para magnakaw at mang-agrabyado ng pagiging mapagbigay ng iba kasi pinagsisikapan din nila ang anumang meron sila.

Gaya nga ng laging isyu sa pagiging mabait ng ilan at laging sumasang-ayon sa halos lahat ng pabor, sana naman kung minsan indi ito okay sa’yo…pwede namang umayaw kasi wala namang masama kung tatanggi. Indi ito kabawasan sa pagkatao.

Kapag ayaw, sabihin agad. Meron kasing tao na pumapayag muna saka iniisip kung anu ang pinasok tapos bigla nalang babaliktad ang mundo. Para yatang indi maganda yon, diba?

Tigilan na natin ang pag-iisip na kailangang maging worthy tayo sa tingin ng ibang tao. Kung minsan, tayo rin ang nag-iisip na nag-iisip sila ng mga bagay tungkol sa atin kahit na wala namang ganun.

Sa mundong ito, wala namang perpekto eh. Sabi nga nila, ang mga taong mabait matindi kung magalit. Walang premyong halo halo para sa mga taong nagbabait-baitan. Basta kung alam mong wala kang inaagrabyado. Patas kang lumaban. Wala kang nasasaktan o nasasagasaan. At kung sa tingin mo naman ang bagay na ginagawa mo at gustong gawin eh indi makakapekto sa takbo ng buhay ng iba…sige lang, tuloy mo lang yan.

Dahil ang taong laging galit ay nagiging hayblad pagtanda. 😀

 

 

 

 

 

Block and White

 

 

Egg Racism

Maputi ka ba?

Siguro, lahi kayo ng mestisahin. Laking Cebu. May magulang na may foreign blood. Namana sa mestisang kapatid ng nanay/tatay n’yo.

Inborn ba ang pagkakaputi mo o yan ay dahil sa siyensa?

Maitim ka ba?

Yung itim na ka-lebel ni na Whitney Tyson at Wilma Doesnt? Kulay Pilipina like Tetchie Agbayani? O fair complexion lang na indi maputi at indi rin kaitiman. (Parang ako hehe..)

Masaya ka ba sa kulay mo? Aayusin ko ang tanong ko….

Kuntento ka ba sa kulay mo?

Sa pagkakaalam ko kasi, basta Pilipino…ito ay kulay kayumanggi. Indi kataasan ang height. Indi matangos ang ilong (indi naman kailangang sarat..exagge na yun eh.) Ito ang common denominator ng mga Pinoy. Kung meron mang ibang kabayan na maputi, mga espanyol ang me gawa nyan nung sinakop nila ang Pinas ilang daang taon na rin ang nakakaraan.

Pero bakit nga ba sa panahon ngayon ay nagiging issue na sa atin ang KULAY? Ang kadalasang preference natin sa isang karelasyon ay ang kulay nito (shempre kasama na rin yung looks dun.). Kung hihimay-himayin natin ito:

50% Mestizo/Mestiza + Good looks

30% Richness – Estado sa buhay

10% Personality

10% Audience impact (kung boto ba ang friends mo sa kanya)

For a total of 100% ideal partner.

At dahil sa taas ng porshento na yan, yumayaman na rin ang mga manufacturing companies na gumagawa ng mga pampahid at sabong may lakip na pangako ng pagliwanag ng buhay.

Ang mga pangako na dalawa, tatlo linggo hanggang ilang buwan na garantisadong puputi ang iyong balat ay siya namang makakaengganyo sa mga taong nagnanais mapansin ng kanilang mga kras (naks!). Idagdag mo pa dyan ang mga komersyal at mga artistang endorser na siyang magpapatunay ng kaledad ng produkto. Eh haller naman, since birth mapuputi na sila, so ano pa ang dapat pang paputiin sa kanila?

Ang bagong henerasyon ay lumalaki sa mundong punumpuno pagkahalina sa mga materyal na bagay na kailangang magkaroon ka ng lahat ng bago in order to be happy, popular, “in” sa trend, envy of all, etc.

Buti pa noon na yung libreng laruan lang sa kiddie meal ang kinokolekta ng iba. Magkakasamang nagwewentuhan, pinupuno ng pictures ang photo album, naglalaro ng patintero-touch taya-hula hoop, nag-uusap sa landline phone, naglalakad sa park at binibisita ang mga hayop sa Manila Zoo.

Samantalang ngayon…

  • Ang kinokolekta na eh cellphone accessories-usb-ipod atbp.
  • Sa dami ng pinagkakabisihan, sa YM at Facebook mo na lang nakakausap ang mga kaibigan.
  • Ang pictures, kesehodang ilang libo yan dahil kayang-kayang i-accommodate yan ng Friendster, Flicker at Photobucket keber kung makita ng buong mundo ang mukha mo.
  • Wala nang nagtutumbang preso sa kalsada kasi computer games na ang inaatupag.
  • Mashadong hectic na sa dami ng activities kaya wala na ring time para dumalaw kay Kuya Josh. Haayys

Ang indi nila alam, pag mas marami kang gadget, mas lapitin ka sa holdap, nakaw at yung electricity bills ay tataas ng kasing taas ng Mt. Everest kaya yari ka sa nanay at tatay mo sa sermon at worst kung ikaw na ang pagbabayarin ng kuryente.

Mabalik tayo sa usapan…

Sa panahon ngayon big deal ang kulay ng balat sa maraming pagkakataon tulad na lang…

  • Kung picture addict ka, mas mainam kung maputi ka kasi lilitaw ang cuteness mo sa pic pati ang kulay at design ng suot mo lalo na pag group pic. Kasi sa totoo lang, yung mga tumitingin ng pics mas napapansin at kadalasang tatanungin pa ang pangalan nung maputing kasama mo kesa sa pagkaka-smile mo ng maganda sa pic.
  • Sa pagpili ng mga kulay ng damit. Kung morena ka, safe ang pagsusuot ng light at pastel colors. Ang kulay mo laging ang “in” sa tag-araw. Summer look, indi na kailangan magbabad mashado sa araw kundi matututong ka lang naman.
  • Sa Parties at gimikan, kung ang mga kasama mo ay partidang mapuputi…ang energy level, kailangang over the top lalo na kung ang goal mo naman ay mag-enjoy lang at indi maghanap ng prospects dahil indi ka makakahanap ng matinong karelasyon sa gimikan.
  • At dahil sa popularity ng mga social network sites these days, napakaimportante ang pag-improve ng iyong looks dahil sa dami ng gustung makiusyoso ng mga ito sa buhay mo dahil sa pagsilip nila every now and then sa site mo everytime na magpost ka ng pics. Make sure na piliin lang yung shots na maganda ka kesehoda ang mga kasama mo kasi site mo naman yun. 😉

Sabi nga nila, kung pinanganak kang maputi, masuwerte ka at indi na kailangan pang gumastos at mag-effort ng bongga para pumuti. Pero meron pa rin sa iba bitter ocampo jan naman na sinasabi nila na, maputi lang pero indi rin naman kagandahan/kapogian. In short, walang contentment.

Beauty is just skin deep.

Indi ka naman habambuhay na maganda kasi sa pagtanda, kukulubot pa rin ang lahat ng balat sa katawan natin. Tatanda pa rin tayo kasi iyon talaga ang mangyayari sa ating lahat. Sa mga kabataan lang uso yung kailangang maputi at “in” sa lahat ng bagay dahil na rin sa indi kontroladong pagbabago sa mundo. Pero sana minsan maisip nila na indi lahat ng mga ito ay basehan para maging masaya. Minsan, kung anu pa yung makakapagpasaya sa atin, ito pa yung mga simpleng bagay na indi kailangang big time at can afford ka.

Lahat ng parte ng katawan natin ay kaya nang baguhin ng teknolohiya ngayon lalo na pag may pampagawa. Pero kung anu yung totoong “ikaw” sa loob nito ay indi kayang palitan o ma-improve ng siyensya o kahit anung gamut na meron sa botika.

Kaya bakit ka pa gagastos at mag-aaksaya ng panahon para magpahid ng kung anu-anung kemikal sa katawan mo. Kung ang isa sa pinakaimportante parte mo ay nawawala.

Ang breeding ay indi nabibili ng pera o natatakpan ng whitening soap at lotion.

Indi talaga promise.