Nakalilito

Bukod sa pagkokompyut na talaga naman numero uno sa panlilito para sa mga katulad ko na indi mashadong gifted sa numbers na nagpaparty. Ano pa bang bagay ang pwedeng makapagpalito sa inyo?

Directions? Pwede. Mahina rin ang sense of direction ko. Kumbaga sa pampasaherong jip, isang ruta lang ang alam ko…Libertad-Harrison Plaza. Yun lang, kahit nakapikit kaya kong marating yun.

Sa pagluluto, nakakalito rin para sa mga taong katulad ko na kabisado lang ang bahay kubo pero neber eber pang nameet ang mga gulay na ito sa tanang buhay ko. Lalo na sa mga tamang sahog. Kumusta naman, ang patatas kasi para sa akin ang common denominator ng lahat ng putahe ko. Kase, pwede siyang maging papaya, sayote at kung anu-anu pa depende kung anu ang iluluto. Talagang nakakalito lalo na kung indi ka mahilig sa gulay o kung ikaw yung tipong taga-kain lang.

Pwede naman malito. Minsan kasi sa lito natin sinisisi pag nagkakamali…diba? “Eh nakakalito naman kase..” “Ahhh, kase nakakalito naman yung chenebers ekleber na sinulat mo.” Mga ganyan. palusot. Kaya ok lang naman yun.

Pero sa ibang espeshal na kaso ng pagkalito, pag pinalala ito…nauuwi sa gulo—magulong isip or Confused para mas lalo kang maguluhan. (iningles ko lang naman…hehe)

Nagiging big deal lang naman si confused pagdating sa matters of the heart eh, diba? At normal na sa kanya ang pang-eeksena lalung-lalo na’t ok sa olrayt ka na sa sitwasyon. Eh wat more kaya kung mas magulo na ang sitwasyon saka pa siya umentrada? Diba’t ang saya-saya niya (confused)? At sa halos lahat ng sitwasyon na nakieksena siya, pumatok talaga siya lalo na kung apektado ka sobra.

Ang sa akin lang, “Diba malilito ka lang naman kung di ka sigurado sa pinili mo? Lalung lalo na kung isinama pa ni confused yung taong dahilan ng pagkalito mo. Aba! Kumusta naman kaya ang lagay ng isip mo nito.”

Pero pwede rin naman na mas gustu mong lito na lang ang maramdaman kesa sa natatakot. Takot, indi dahil natuklasan mong monster pala siya (haller!) – -ung pinili mo, kundi takot na baka sa pagkakataong ito…nagkamali ka pala ng desisyon at ang mas pa dito, wala ka nang kawala. Kase marami na ang involve at pwedeng masaktan.

Nakakalito naman talaga ang mga ganyang sitwasyon eh. Pero pwede mo naman siyang tingnan as turning point, wag ka nang mag-inose-inosentehan dyan. Eto na yun. Binibigyan ka na ng pagkakataon. Timbangin mo ang lahat ng aspeto (as in lahat!) ng sitwasyon mo. Kase kahit sumulat ka pa kay Joe D’ Mango (which by the way will take time bago nito mabunot ang sulat mo para mabasa), it would still end up with what? Mas maraming question mark? Baka mas lalo ka pang maguluhan.

Kahit gaano pa kasikat at kagaling ang taong magpapayo sa ‘yo, iba pa rin yung sagot d’yan sa puso mo na pinipilit mong iwasan kase indi mo kayang panindigan kaya pakiramdam mo meron pang ibang mas magandang solusyon galing sa ibang tao.

Let’s face it. Ikaw ang nand’yan eh. Buhay mo ang pinag-uusapan. Maliban na lang kung gustu mo me makihati sa buhay mo. Yan na yung chance mo para gawin ang tama. This time pakikinggan mo lang kung anu ang nasa puso at isip mo then go. Do it. Walang maling desisyon. Nagiging mali lang ito kapag indi napanindigan. At for sure kung naguguluhan ka pa rin kung bakit ito ang naging desisyon mo, you’ll know the answers…darating ka rin dun.

At kung meron ka pa ring pag-aalinlangan, meron pang mabisang gamot at karamay sa mga ganitong sitwasyon…….ang pagdarasal .


Prayer changes things. ❤

Good luck! 🙂

Aling Baby

Oras na

Indi lang mahalaga ang orasan sa pagpasok sa eskwela o trabaho, maging sa pagdating ng sakto sa oras sa mga okasyon o simpleng pakikipagkita.

Kahit na ano pa ang brand o gaano pa kaganda ang itsura ng orasan na nasa braso mo pati na sa pader n’yo, kung indi mo naman alam ang kahalagahan nito…relo pa rin ito. Relo lang para sa’yo.

Sa dalawampu’t apat na oras sa isang araw, nararamdaman mo bang sapat na ito para magawa ang mga nais gawin?

Nung bata pa tayo, halos hilahin natin ang oras at mga araw para maging legal na gawin ang mga bagay na sinasabi ng mga magulang natin na mashado pang maaga para subukan. Para bang kay sarap isipin na may trabaho na at kumikita para mabili ang gusto at marating ang mga lugar na nais puntahan.

At sa mga araw, buwan at taon na dumaan habang hinihintay ang tamang oras…ilang oras din ang nasayang sa paggawa ng mga bagay na indi kasali sa itinerary. Maraming nangyari. Maraming pagkakamali. At bago mo pa namalayan, ayan. Nasa tamang edad ka na.  Parang ang hirap palang tumanda. Ang hirap pala kumayod para kumita. Kulang sa tulog, laging puyat. Dami stress, puro lamig ang likod. Laging kailangang gumawa at panindigan ang mga desisyon. Ngayon parang ambilis-bilis ng oras. Indi ka pa nakakaipon, tumatanda ka na. Nagsasaya habang maraming iniisip. Gusto mong pigilan ang oras sa pagtakbo kasi indi ka na makasabay.

“It’s only when we truly know and understand that we have a limited time on earth – and that we have no way of knowing when our time is up, we will then begin to live each day to the fullest, as if it was the only one we had.”


Indi naman natin kayang pigilin ang oras eh. At imbes na sayangin ang mga ito sa pag-iisip ng mga what might have been’s, what could’ve been or what if’s, indi ba’t mas maigi kung we’ll make the most of it each day? Wag na natin balikan o hukayin ang mga naaagnas na pangyayari. O maghangad na irewind ang tape para baguhin ang ilang pangit na eksena sa buhay mo. Para ano? Para indi sana nasaktan? Di sana wala kang natutunan. Everything happens for a reason. Alam nating lahat ito. Pagkatapos ba ng nangyari, indi mo nakita ang ilang magagandang bagay na naging bunga nito?

Sa halip, mas maganda kung gagamitin ito sa tamang paraan. Enjoy life ‘ika nga. You only live once, but if you do it right, once is enough.

Kasabay ng pagtakbo ng oras ang pagkakataon na alisin na ang mga bigat sa puso natin. Nakakagaan ng loob kapag nagawa na itong pakawalan.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito.

Minsan lang tayo magkakakilanlan.

Sana gawin nating makabuluhan.

Kumpleto.

At Masaya.

 

Aling Baby