WaG kA nA MaLuNgKoOOt..

Nung mga bata pa tayo, indi natin mashado alintana ang hitsura ng mga kalaro natin. Kung marumi ba ang damit nila, indi naligo, punumpuno ng sipon ang ilong, mahahaba at maruruming kuko, pangit na gupit, tsinelas na pigtas, butas na damit o short, sirang ngipin sa harap at mga sugat sa tuhod at siko. Ang goal lang naman kasi natin nung mga bata pa tayo ay ang malaro ang lahat ng klaseng laro hangga’t may araw pa. Hangga’t wala pang pasok kinabukasan o kung pwede, wala na ring tulugan. Kesehoda kung anu ang itsura ng kalaro, ang importante magaling itong kakampi, mabilis tumakbo, champion sa jack en poy, indi nade-deds sa Chinese garter o luksong tinik/baka.

Pero sa ating paglaki, namumulat na tayo mula sa kamusmusan. Nagsisimula nang maging conscious. Idedeposito mo na ang mga alaalang minsan nagmukha kang street kid sa paglalaro ng kalog, patintero, habulan, piko at kung anu-anung mga laro na kayang abutin ng imahinasyon mo noong bata ka pa. Kung naligo ka man na nakasalawal lang at nakita iyon ng kalaro mo, ang mga bagay na iyon ay ayaw mo nang pag-usapan pa.

 

Lalo na sa panahon ngayon na malakas ang impluwensya ng kanlurang kultura. Kung paanong nagiging haytek ang mga kagamitan. Lahat ng materyal na bagay na pwedeng ipakita para lang masabing nasa uso ka. Ito ang labanan ngayon, pag indi ka “IN” o sumasabay sa “Trend”…para kang may sakit na nakakahawa. Malala pa sa ketong. Pag simple lang ang lifestyle mo, asahan mo KJ ka na agad sa ibang tao. Minsan nga may tawag pa ditong old fashioned, nerd, baduy o yung may malaking letrang L sa noo, “LOSER” with a pinch of “Whatever” on the side kasabay ng pitik ng ulo at balikat.

Nakatapos at nakapagtrabaho naman pagkalipas ng kulang-kulang dalawampung taon sa pag-aaral. Ang iba dito ay kumikita ng tama. Buenas kung lampas sa sakto ang kinikita. Pero meron pa rin na halos kulang pa pambayad sa utang ang sinusweldo. Sa estado ng buhay natin ngayon, napakahirap sumabay sa trend na yan. Kung ikaw ang taong praktikal, ang bigat sa loob maglabas ng ilang daang piso para lang makakain sa sushal na kainan. Para sa kapeng may ginto kapalit ng pag-upo at pagtambay sa upuang may payong na may logo nito hawak ang basong/mug na may logo rin nito para sa mga kwentuhang punung-puno ng hangin at mala-aircon o feeling intelektwal na usapan. Mga gimikan na kinakailangan ng astig na porma, pamatay na cellphone, kewl accessories at over confident personality. Kanya-kanyang display ng mga gadgets. Taglish dito, taglish doon. Isang paraan para mapagastos, maholdap, malasing, at mapuyat.

Kung noon, regardless kung naligo man o indi ang mga kalaro natin indi ito makakasagabal sa paglalaro. Kung gaano kasimple maging buhay bata, ga-mundo ang diperensya nito pagtanda. Ang laki-laki ng mundo pero pakiramdam mo ikaw lang mag-isa ang pumapasan dito. Dati pag naririnig mo ang mga balitang pagtaas ng kuryente, gasolina at mga bilihin, tatakbo ka pa para hanapin ang mga kalaro na naghihintay sa kalsada. Pero ngayon, gustuhin mo mang tumakbo palayo alam mong bukas iyon pa rin ang sasalubong sa’yo pagsakay sa jip at kapag namalengke. Kung pwede nga lang maging bata na lang habambuhay, para laging exempted sa problema ng bayan. Ikaw ang akay-akay. Hila-hila ni nanay at tatay. Hinahayaang daanan ang pagiging bata. Para kang patabaing mammal. Inaalagaan, pinag-aaral, pinaghahanda para sa kinabukasan. Ang mga susunod na “tagapagbayad sa utang ng bayan”.

Ngayon naiisip ko na kung gaano kahalaga ang tulog na pinipilit ni nanay tuwing tanghali. Sana pala natulog na ko ng natulog dahil ngayon swerte nang mabuo ko ang walong oras na tulog gabi-gabi. Yung kursong nursing, accounting, engineering na sinasabi nilang makakaangat sa buhay ko pagdating ng araw. Totoo nga palang talaga na ang mga ito ang in demand kahit na sa ibang bansa. Yung malimit na pagtatalo namin sa pakikipagbarkada. Ito raw ang makakasira ng konsentrasyon sa pag-aaral. Sa isang banda, nalaman ko rin na ito ay tama. Unahin daw ang makapagtapos bago pumasok sa isang seryosong relasyon. Marami na rin ang nabingi o mas piniling indi pakinggan ang sermon na ito.

Kung regrets lang ang pag-uusapan, meron din ako nyan. Indi ka tao kung kahit isa man sa lahat ng pinagdaanan mo eh wala kang pinagsisihan at pinangarap na ibalik ang mga oras na yon para mag-delete ng konting pangyayari. Walang taong walang regrets. Lahat tayo ay may mga bagay na pinanghihinayangan. Kung may power sana tayo para mabalikan ang lahat, anu kaya ang posibleng estado ng buhay nating lahat? Isang pangarap at pag nahimasmasan na naiisip ko rin malamang indi ko rin siguro magugustuhan kung meron mang power to turn back time. Mawawala na kasi yung lessons learned. Yung importance ng paghingi ng tawad yung pagbabago at pagtitiwala kina Kuya Jesus na habang may buhay may pag-asa.

Kahit ganto, may mga dispalinghado na desisyon, nadapa, nasubsob at napahamak sa mga ilang bagay na nagawa…Okay pa rin naman diba? Kung indi man natin pwedeng baguhin yung nakaraan, indi pa rin naman huli para ayusin ang lahat. Everyday is a new beginning. Masasayang lang ang oras natin sa paghahangad ng mga bagay na alam na ngang indi pwede eh pinipilit pa rin. Meron akong kakilala, ang motto niya sa buhay eh “Time is Gold” pero ubod ng kupad kumilos, laging late sa trabaho at tanghali na rin gumigising. Nasa’n ang pagbibigay niya ng importansya sa oras nun? Tayo ang hari at reyna ng buhay natin at minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito kung isa mang pelikula ito, galingan na natin ang pagganap dahil sa huli indi naman importante yung mga award na yan eh…it’s how well we lived our lives and how many lives we’ve touched along the way.

Ok na yon sakin. 🙂

Advertisements

HEART ATTACK

 

Ang entry na ito ay indi tungkol sa mga kaso ng mga atake sa puso na napapanood sa tv o nangyayari sa totoong buhay. Wala itong kinalaman sa hayblad, pagkain ng taba at alta presyon. Ito ay isang lamang literal na paglalahad ng iba’t-ibang pag-atake ng ating mga puso sa mga haayyy san-pa-nga-ba eh di sa usapang pampuso.

Inatake na ba ang puso mo? Naranasan mo na ba pagpawisan ng malamig habang humahabol ka sa bilis ng tibok nito? Eh yung pakiramdam na parang mahuhulog na ito at kahit anong pigil mo, indi ito maawat sa gusto niya? Eh yung paninikip nito na halos sumabog na sa kinalalagyan sa sobrang ligalig? Minsan ang wild ng imagination mo, feeling mo malaki ito mashado na gustu mong ibahagi sa ibang tao. Pero pag sumakit naman ito, daig pang pinitpit at dinurog na  parang pamintang durog, ang saket!. MInsan nga pakiramdam mo wala nang natira rito. (kumusta ka naman buti buhay ka pa kung wala ka na nito.)

Bakit ba ako nagtatanong ng ganito? Bakit nga ba inaatake ang puso natin? Masama ba talaga ito? Meron ba talagang nakakaiwas dito? Meron na bang tao na nagtagumpay na nakaiwas sa pag-atake nito? Kung meron, anu kaya ang nangyari sa kanila? Buhay pa rin kaya sila?

Sa tambayan nina Aling Baby, may iba-ibang kaso ng pag-atake ang puso.  Mapa-bulgar o palihim. Pinipilit itanggi o loud and proud lang. Kahit pagandahin mo pa ang deskripsyon, isa pa rin ang ibig sabihin nito…INAATAKE KA NA NG PUSO MO.

Attack #1: Slowly but surely. Ito ang estado ng puso ng isang tao kung saan tahimik na namumuhay ito. Masaya naman kahit indi ganun kagarbo pero keri na rin. Chillax lang sa isang sulok, walang inaalala…walang pinuproblema pero bigla na lang itong susundot na parang surot. Unexpected. Magugulat ka na lang isang araw na ang puso mo,  biglang ngumingiti ng kusa. May anxiety attack factor on the side. Indi ka mapakali, meron kang gustung laging nakikita at kahit marinig lang ang boses iba ang saya, parang may malamig na haplos. Iba sa normal na pakiramdam. Kung dati, ok na sayo ang manood ng tv with matching chips at softdrink tuwing weekend. Ngayon, may mga lugar ka nang pinupuntahan at laging may inaabangan sa cp, telepono, email at ym. Lagi kang excited, kahit mainit ang panahon indi maalis ang smile…para itong naka-tattoo. Pag ganito na ang pakiramdam mo…ito na ang unang pag-atake ng puso mo.

Attack #2: Bulls eye! Ang estado ng puso kung saan ito ay nagpumiglas na para magpatihulog na indi man lang kumukunsulta sa amo niya. Dito nate-test kung gaano ka-independent ang mga puso natin. Risk taker. Walang takot. Walang kaba. Sumusugod kahit kulang ang bala. Walang kasiguruhan at kahit malinaw pa sa sikat ng araw na talo siya sa laban, sige lang dahil sa ganitong estado…there’s nothing to lose. Itotodo na lahat hangga’t meron. Bakit? Walang pero. Walang bakit. Walang dahilan. Isa lang direksyon lang ang tinitingnan at kahit may mga humps, construction o kahit ano’ng sagabal. Kung may patibong man, ready na sila mag-dive in…plunge at mag-sink dahil ito na ang moment na pinakahihintay nila. Ang sitwasyon at lugar kung saan walang masakit. Lahat kayang lampasan. Lahat kakayanin.

Attack #3: Paranoia. Akala ng puso na sumugod sa laban, lagi siyang nasa cloud nine. Laging masaya. Laging may bertdeyan. Laging piyestahan. Nakalimutan niya na minsan indi laging masaya ang mga okasyon kasi bumabagyo din. Walang handa. Ang mga saklaan, nire-raid din pati na ang mga beerhaus at sauna. Minsan ang mga pinggan at ang ilang kagamitan sa bahay, nabubulabog sa paglipad-lipad. Mga tawag at text na walang reply. Mga tanong na sinasagot ng tanong din. Ang ulam na tumatabang. Mga bulsang butas. Mga problemang walang lunas. Cellphone na dedbat at walang load. Mga damit na namanchahan. Mga pusong sugatan. Nilalamon ng duda, inggit, insecurities, selos,  at ang pinakasikat na pride. Ngayon, naalala na ng pusong sumugod ang pakiramdam na masaktan. Maisantabi. Malinlang. Masugatan. Ngayon, sinasabi niyang ayaw na niyang magmahal. Pati si Kuya Jesus nakukuhang tanungin kung bakit. Kinukwestyon. Hinahamon. Nawala na yung tapang. Nawala na yung spirit. Nawala na yung love.

Attack #4: DOA (“Dead On Arrival”) Anu ba ang pakiramdam ng pusong sugatan na binuhusan pa ng alcohol at dinaanan pa ng pison? Pinipilit tumayo pero indi pa rin magawa. Hindi dahil sa ayaw kundi dahil hindi alam kung saan magsisimula. Ang pakiramdam na wala ng rason para ituloy ang buhay. Ang iba sa inaatake ng DOA, sa Sarhento Mariano ang bagsak. Ang iba naman ay sa Hospicio de San Jose. Meron din sa mga madidilim, maiingay at indi magkariningang lugar tulad ng club at bar. Sa mga pusong nakakapag-isip pa ng maayos, makikita sila sa loob ng simbahan. Indi nawawalan ng makakausap. Mga kaibigang takbuhan…hingahan…karamay sa lungkot with matching alak on the side. Ang buhay ginawang routine, trabaho-bahay,bahay-trabaho. Ang pusong dating matapang, ngayon wala ng buhay. Dapang-dapa na. Nabura na ng depresyon ang dating sigla. Indi na makangiti. Nawalan na ng pag-asa. Sinumpa nang umibig ulit. Sumuko na. Umayaw na. Tinanggap na ang pagkatalo.

Attack #5: REBORN. At sinung makakapagsabing ang mga puso ay marunong magtanim ng galit? Kahit anung sakit ang dinaanan ng puso. Kahit na saksakin ito, ipagtatwa, ipagtulakan, ibigti, iligaw, at ipapulis….iibig at iibig pa rin ito. Walang sinuman ang pwedeng pumigil dito. Walang makakapagsabi dito kung anu ang dapat at indi dapat para sa kanya. Puso lang siya pero napakalaki ng parte niya sa desisyon pagdating sa pag-ibig. Unang-unang binibigyan ng konsiderasyon. Nasasaktan pero indi nagtatanim ng galit na parang walang nangyari. Basta masaya, indi mo matitinag. Prenteng-prente, walang inaalala. Pero pag nasaktan naman, parang kinawawa. Pag umiibig, parang wala ng bukas. Indi tumitigil hangga’t indi nakakahanap ng mag-aalaga, tatanggap at kukupkup sa kanya at magpapatunay ng salitang poreber. Yan ang puso. Makulit. Mapusok. Paulit-ulit.

Ayon kay Bob Ong, ang puso daw ay ginawa para mag-pump ng blood na nagsi-circulate sa katawan ng tao kaya indi natin dapat isisi dito kung anuman ang sakit na dulot ng pag-ibig. Wala siyang kinalaman dito kasama na ang iba pang parte ng katawan natin. Love is a feeling, not a decision. Pag pinasok mo ang isang sitwasyon…utak at emosyon mo ang gumagana. Kung naging matagumpay ka, swerte. Kung indi, weder-weder lang yan. Better luck next time. Ginagamit lang natin ang puso para meron tayong sisihin when in fact walang ibang may sala kundi ang sarili natin. Masarap umibig, ito na yata ang isa sa pinakamasarap na parte ng pagiging buhay. Isang regalong masarap buksan. Isang bagay na hinahangad ng lahat. Walang nakakaligtas sa atake ng puso. Walang taong indi inatake ng puso. “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.”

Good luck sa mga aatakehin ng puso, i hope you’ll make the right decisions.

 

Buhey nge nemen…

 

Alam ko in your  20, 30, 40 years sa earth…marami kayong mga hindi malilimutang tao, bagay, hayop, lugar, karansan at pangyayari (parang noun haha.). Diba nga? Ang iba dito masarap alalalahanin. Kung pwede nga lang na panoorin ito na parang isang palabas sa sinehan, siguradong magdadala ka pa ng popcorn at softdrinks. Pihadong marami kang ipapamigay na tiket para indi ka na mapagod sa pagwento.

Pero kung may mga magagandang at masasayang alaala, pwede ba namang mawala yung mga malulungkot, masalimuot, nakakahiya, at nakakalurking mga pangyayari sa buhay mo? Ito yung mga tipong kung pwede lang sanang ipabura o kapag nalibing na sa limot eh indi mo na kahit kailan maalala pa. (brutal mashado ‘to.) Pero malay nyo in time magkaroon na rin ng pambura ng mga indi mashadong magandang memories diba? Yung tipong uupo ka na lang tapos bahala na sila magtanggal base sa listahan na ginawa mo.

Shempre, sinu bang gustung maalala na minsan sa buhay ng isang grade 1 o grade 2 student na indi napupu sa salawal sa indi maipaliwanag na dahilan. Tinawag sa recitation na walang maisagot. Nadulas sa harap ni crush. In-announce na isa sa pinakamababang score sa exam. Pinalabas ng classroom dahil walang dalang libro, papel o project. Pinakanta o pinasayaw sa harap ng klase. Sinermunan sa pagiging late o absent. Pinag-report ng isang mahirap na topic. Pinag-solve ng math problem dahil nakikipagdaldalan sa katabi. Binato ng chalk, eraser, notebook, libro o blackboard(haha!) dahil sa kakulitan. Marami pa tayung mga eksperyens sa lalo na nung tayo’y mga estudyante pa na kahit na nakakahiya, indi ka pa rin makapaniwala na ikaw talaga ang may gawa nun.

Sa trabaho, nandyan ang masabon ng bosing sa palpak ng mga ito na pinapasa lang sayo. Pag may mga newly hired employees na mas mataas pa sayo ang sweldo gayong limang taon ka na sa kumpanya. Naging topic sa meeting o di kaya ay umpukan ng mga tsismosa sa loob ng canteen/pantry. Pero wala ng mas tatamis pa pag nakasali ka sa listahan ng mga retrenched, para ka ngang nanalo sa lotto dahil sa makukuha mong kabayaran sa ilang taon na ibinigay mo sa kumpanya pero pagkatapos nun, wala ka ng trabaho hehe.

Sa pang-araw-araw na buhay natin, maraming nangyayari na indi natin kontrolado. Kung may araw na pagkabuenas mo at nakapulot ka ng 500 pesos habang yukung-yuko ka kakaisip kung san makakahanap ng pamasahe mo bukas. Minsan naman, sa pagmamadali makakatapak ka ng mga pampaswerte rin na galing sa mga asong tinamad pumunta ng cr.

Iba-iba ang nangyayari araw-araw. Kung anu ang nangyari kahapon, indi na yon mauulit kinabukasan. Halimbawa, sumweldo ka kahapon..naturalmente, indi ka na susweldo kinabukasan, masaya ka hehe. Kaya we have to make each day count. Saka ang mga memories na yan, maging masaya man o malungkot, parte pa rin sila ng buhay natin. Minsan masarap maalala. Mapapangiti ka na lang dahil na-realize mo na sobrang tigas pala ng ulo mo noon na indi ka kayang pigilin ng nanay at tatay mo pero natuto ka pa rin. That’s life eh. Kaya nga ba kahit na masaya, malungkot, depressed, stressed, maligalig, natatakot, masama ang pakiramdam, brokenhearted, kinikilig, hinihika, kinakabag, kinakati, nanlalambot, may malalim na iniisip o sakto lang…isa lang ang ibig sabihin nyan….kase buhay ka at yan ang pinakamasarap na pakiramdam. Ang mabuhay sa mundong ito diba? Tama, mali?

 

Tawa naman dyan…

 
natatawa ako hi hi hi hi...
natatawa ako hi hi hi hi...

 

Sa kalagitnaan ng wentuhan namin ni lablayp at paghalukay ng mahahanap ng kung anu sa internet, meron akong nadaanang forum kung saan ang thread ay patungkol sa mga business names, jeepneys at bus signs na “Onli in da Pilipins” lang.

 

SIGNS

Anita Bakery (as opposed to Anita Baker)

Bote Nga Sa’Yo (Used Bottle Shop)

Cinna Von (a laundromat)

Cleopata’s (bakahan and manukan)

Cooking ng ina mo (home cooking)

Cooking ng ina mo rin (right across Cooking ng ina mo)

Crispy per minute (Crispy Pata Eatery)

Curl Up And Dye (Beauty Salon)

Doris Day and Night (24 hour eatery)

Elizabeth Tailoring

Fagoofyt (children’s hair salon)

Felix the Cut (Barber Shop)

Goldirocks (Gravel & Sand Shop)

Happy Birthday Toyo (a soy sauce brand in the 70’s)

Holland Hopia (owned by Mr. Ho; next door is…)

Poland Hopia (owned by Mr. Po)

Leon King (Video Rental)

Let’s Goat-Together (kambingan cum beer garden)

Petal Attraction (flower shop)

Maid To Order (Maids Placement Agency)

Mang Donald’s (burger joint)

Meating Place (Meat Shop)

Meatropolis (meat shop)

Miki Mao (noodle eatery)

Susan’s Roses (flower shop)

Sylvestre’s Salon

TapSi TurBi (Tapa, Sinangag, Turon at Bibingka)

The Fried of Marikina (fried chicken shop)

The Way We Wear (Boutique)

Wash Up Doc? (Laundromat)

Wrap and Roll (lumpia outlet)

Gloribee Eatery (Si Aling Glori ang may-ari)

Master Bakers (and their slogan) “We don’t just bake, We Master Bake!”

 

JEEPNEY and BUS SIGNS

» Before pay, tell where get the on before get the off
» Full string to stop driver
» For reckless driving, call ########
» God knows Hudas not pay
» God knows Hudas does not pay
» Don’t get closed to me, get closed to God
» Don’t close to me, close to God

OTHER SIGNS

“Wanted: Boy Waitress”

“HEALTHY THE FEET, HEALTHY THE BODY.” (Foot massage ad)

“Affordable, Clean & Convenience” (A motel ad, I think)

“Please help our comfort room clean.”

“We Make Modern and Antique Furniture”

“NOT FOR HERE”

“Danger Wall Is Falling”

“Marunong ka bang KUMAHOL? Aso lang ang umiihi dito.”

“SLOW MEN AT WORK”

“Welcome to the Philippines – The Only Catholic Country in Asia!”

(underneath this sign) “BEWARE OF PICKPOCKETS”

“Fresh Frozen Chicken Sold Here”

“No Parking and Repair Here” (from an auto repair shop)

“No Crossing Pedestrians will be apprehended”

“Sorry for the inconvenient. Your taxes is working for you.”

“Temporary Close”

“No ID Nothing Entry”

“we hab sopdrink in can and in batol” (from a carinderia)3

“We repair electric fun”

“DON’T PARKING”

“NO URINATING, on the over WALLS”

“2nd Floor Upstairs”

At indi pa po natatapos dyan mga prends. Meron din akong ipapamahagi sa inyo na listahan ng mga quotes galing kay Madame Malaprop herself, ang former Miss International na si Miss Melanie Marquez. Ni-compile ko na lahat(na ba ‘to?) ng quotes niya para sa inyo. Mag-ready na ng mansanilya dahil kakabagin talaga kayo sa mga ito.

I coudn’t care a damn!

What’s your next class before this?

Can you repeat that for the 2nd time around once more?

Hello, my brother joey is out of town, would you like to wait?

Don’t touch me not!

You! you’re not a boy anymore! You’re a man anymore!

Hello? For a while. Please hang yourself.

We are lovers. Not fighters.

Don’t judge me! I’m not a book!

Why should I have a calling card? I’m not a call girl!

My brother is not a girl; he’s a gentleman.

Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan.

Eh, ikaw ba naman, durugin ang ari mo…Pag di ka naman manutok ng baril.

I won’t stoop down to my level.

Hello? Bulag ka ba? Bingi ka ba? Are you dep?

I don’t eat meat. I’m not a carnival.

You! you’re not a boy anymore! You’re a man anymore!

On the lovelife of her brother Joey and Kris: “They should talk behind the scene…”

Still on her brother Joey: “Kapatid ko pa rin siya. We are one and the same.”

“Sumasakit ang migraine ko.”

On her father, the late Director Artemio Marquez before he died: “Ang tatay ko ang only living legend na buhay!”

When asked on S-Files if her present husband, Adam Lawyer, is her Mr. Right:”Period na talaga; wala nang exclamation point.”

When asked for a message to her daughter who was reportedly abused by their houseboy: “Don’t worry little angel, big angel is here.”

On what they should do to the houseboy who molested her daughter: “He should be put behind bar.”

Backstage during a noontime show, after watching Nikki Valdez’ dance number. “Nikki, you’re so galing! You should go to the States. You will sell hotcakes.”

“You can fool me once, you can even fool me twice, you can even fool me thrice. But you can never fool me four”

After giving birth, and an interview on The Buzz: “My answers have been prayered!”

“Hindi ba kayo naawa sa kapatid ko…sa mga kwento nya? Di ba kayo na-PERSUAVE ng mga kwento niya? Hindi si Joey ang tipong mambubugbog ng babae…talaga lang malapit siya sa mga gulo…PRO-ACCIDENT kasi siya eh.

Boy Abunda: O Melanie, paano na ang showbiz career mo ngayong magmo-Mormon ka na? Melanie: Ah okay lang ‘yon Boy, kasi matagal na rin akong SEMI-RETARDED.

 (before Christmas) “Well, I want to spend my holidays with my family most probably out of place.”

(While she’s in Morning Girls With Kris & Korina promoting her movie with Aleck Bovick) “Please watch HIRAM starring Aleck Baldwin (referring to Aleck Bovick) and myself. It’s DIRECTOR by Romy Suzara.”

(To ex-flame Senator Lito Lapid) “Hello…Huwag kang tumahol sa sarili mong bakuran noh! (In response to being misunderstood) You know, huwag kang tumahol like dogs.”

Haha laugh trip lang muna.

 

 

Thanks to Witerary & Wikipedia for these quotes.
Thanks to : http://tagpuan.com/forums/ for the signs

Kaadikan

weird
weird

 

Eto ang iilan sa mga kaadikan ko. Indi ito pawang kathang-isip. Indi rin ito pauso. Sadya lang na may mga gantong pagkakataon.

Pag sinusumpong ako ng kaadikan ko sa pag-blog, chat at net surfing…ang off ko, buong araw kong itatambay sa harap ng kompyuter. Dedma ang 48 degrees na inet ng panahon dito basta kompyuter ang kaharap, wala na kong ibang nakikita. (peace mine! 🙂 )

Minsan, kahit na pagod galing opis at alam kong marami ang haharapin kong lilinisin…magpapalit lang ako ng damit at buong puso ko yang haharapin hangga’t kaya ko hehe. Wala kang makikitang trace ng pagod, parang adik lang haha.

Adik sa paggo-grocery. Ewan ko ba kung bakit tuwing weekend parang nangangati ang paa ko papuntang grocery. Gustu ko laging may laman ang ref at pag nakikita kong yelo at butter na lang ang natitira, mangungulit na ko nyan na mamili na. Kase naman, ang layo ng bilihan dito at dapat alamin ang lahat ng kailangan kasi indi naman dito tulad ng Pinas na bawat kanto may tindahan. Ang mini grocery nga dito may free delivery dahil sa tindi ng inet ayaw lumabas ng mga tao haha.

Pag dinala mo ako sa mall, asahan mo na lahat ng boutique papasukin ko. Adik. Walang masakit na paa sa pag-shopping noh haha. Mararamdaman ko na lang ang pagod pag palabas na ng mall hehe..lalo na pag pinipilit na ko umuwi ni Lablayp hehe. Ayun, pakiramdam ng uminom ng energy drink tapos nawala na ang epekto parang ganun lantang gulay.

Pag may naisip akong isang bagay, indi pwedeng indi ko yon ito-tolerate kasi mapa-praning ako pag indi. Parang adik lang. Either gustung lutuin, kainin, puntahan at gawin. Eto ang madalas na dahilan ng WW2 sa bahay. Dakilang pasaway kasi.

Indi ako makausap lalong lalo na pag may topic na naglalaro sa isip ko na gustung-gustu ko nang isulat at natatakot na liparin ng hangin ang idea na yon. May memory gap na yata kasi ako kaya ganun.

Pag nagbalak ka magtanong ng isang bagay, tao, title ng movie-kanta, singer, ulam, lugar o kahit anu na nasa dulo na ng dila mo…amf, sana wag mo na ko idamay kasi kung nagkataon na alam ko rin pero nasa dulo rin ng dila ko…indi ako makakatulog kakaisip nun. 😦

Pag meron akong natikman na masarap na dessert, ulam o kainan…yon ang lagi kong kakainin/kakainan hanggang maumay na ko sa kanila.

Minsan sa kalagitnaan ng wentuhan at may naalala akong isang bagay na gustung i-share, by the time na tapos na ang kausap ko sa sinasabi niya…nilipad na ng hangin yung sasabihin ko haha, as in indi ko na talaga maaalala kahit alugin mo pa ko.

Sa tagal ko na yatang indi umiinom ng alak, pag may inuman dito at inalok ako, para akong nagka-phobia dito sa sobrang pagtanggi ko haha. Ang weird, kahit lasa ayoko na maalala.

Hirap ako makatulog pag maingay, pero pag nakatulog na ko…pwede na kau mag-ingay kasi bukas na ang gising ko. Kahit bumirit pa kayo sa videoke, keber haha.

Yung iba pag may sounds sa gabi, ginagawa nila itong pampatulog pero ako pag may sounds…indi ako makatulog kasi sinasabayan ko yung kanta at nag-aabang ng magandang kanta na kasunod haha.

Marami-rami na pala ito, kung indi ko pa nisulat, indi ko pa malalaman na ganto na pala ka-grabe mga kaadikan ko hehe. Yung iba kasi dito, indi ko na napapansin kasi parang normal na sakin. Ganun talaga siguro pag nakasanayan mo nang gawin, feeling mo normal ka pero indi. Marami rin sa inyo ang may ganto kahit papanu. Indi kasing weird ng sakin pero imposibleng wala diba? 😀