Problema :(

Di na talaga nauubusan ang problema sa mundo.

Oh well.

Marami talagang problema. Iba’t-iba para sa lahat. Eh bukod sa budget na pawang generic na, yung pinoproblema kong tummy fats…heto nga’t nag-upgrade na sa pisngi, braso at pata ko. Yan ang main concern ko. Yan ang magnified ngayon at nasa state of emergency. Pero tuwing gabi, sa kusina namin, parang merong makinarya ng mga pagkaing bawal at detrimental sa mga pangarap kong maglaho ang mga taba na ito. Pwede ka bang i-donate? Ang dami talaga d’yan, hirap na hirap tumaba. Eh heto ang mga unwanted-ever kong mga taba, please lang, iyong-iyo na ito FOC!!

lose weight

Para sa nakararami, ang problema kong ito, maliit na bagay daw. Hmp, akala nio lang ganun-ganun lang ‘yun. Akala nio lang, maliit na bagay. Pero kapag ikaw na, eto na, kainan na…mapapasabi ka na lang na, “Ano’ng araw ba ngayon? Hmm, next week na lang ako magsisimula. Pangit magsimula ng alanganing araw. Kakain na lang ako ng konti.” At lingid sa kaalaman mo, nakaka-tatlong Linggo ka nang ganito. Naglolokohan na kayo ng sarili mo. Hanep lang.

Nakaka-relate ba kayo?

Nung isang buwan, nagpyesta ako. Taray pa ng mga linya kong mala-taga mo sa bato…”Magddiet na lang ako pagbalik ko dun. Kasi sayang lang ang effort. Pagbalik dun, simula agad-agad. Hahaha!!” Sarap kiluhin ng mga kanin na kinain ko. Ngayon, na-kanino ang huling halakhak? Malamang andun sa timbangan na ni hindi ko malingunan, dalawang Linggo mula nung nakabalik ako galing bakasyon.

weight pros

Bakit ba ang hirap? Yung gustung-gusto mo naman pero hindi pa sapat yung gusto na yun para simulan mo na. Para, hawiin mo na yung mga walang kapararakang umuubos ng oras mo para simulan ang dapat at ang galing mo pa talagang gumawa ng mga rason para ipagpaliban. Tapos magbbrowse ka ng mga litrato mo nung kaunti pa lang ang gusto mong mabawas sa’yo. Ngayong mas marami na parang wala ka nang balak. Parang nag-aantay ka na lang ng himala. Ng Divine intervention. Gustung-gusto mo pero nakaupo ka pa rin d’yan. Ganto na lang ba tayo?

Gusto kong i-challenge ang sarili ko.

Nagawa ko nga dati eh. Bakit hindi ko magagawa ngayon? Diba?

Sabi nila, kung gusto mong may mabago, simulan mo sa sarili mo.

Eto na nga.

Mamaya, haharapin ko na ang matagal ko nang iniiwasang timbangan namin. Gagawin ko na ang dapat. Sisimulan ko na para hindi na yung puro gusto lang. Kikilos na ko. Hindi na ko tatamarin. Para hindi na lang puro sana. Kailangan ko nang i-push ang sarili ko kasi wala namang ibang gagawa nito para sa’kin. Para sa’kin din naman ‘to. Ako rin naman ang makikinabang sa resulta nito.

Kaya ko ‘to. Pramis ko yan sa inyo.

Babalitaan ko kayo. 🙂

lose-weight-woman

Advertisements

Teka muna..

Nung edad 16 ka, anu-ano ba ang mga pangarap mo?

Tila yata nayanig na ang kalmadong mundo pagpasok ng milenyo. Biglang nag-iba na ang takbo ng isip ng ating mga kabataan o baka naman tumatanda na talaga ako? At mashadong mahalay na para sa akin ang makarinig ng Aylabyuhan sa pagitan ng mga Nene at Totoy edad disi-otso pababa sa mga social network sites at helloo sa PERSONAL?

Ako lang ba? O totoo na talagang ITO na ang mundong kalalakihan ng munti kong anghel?

Sandali lang.

Bakit?

Papa’nong….

Hey! Mga bata! Mga Ineng! Mga Totoy! Maghunus-dili kayoo. Please. Kumalma muna kayo.

Ito ba ang bunga ng mga napapanood n’yo sa telebisyon? Na ang unahin n’yo sa listahan ng mga pangarap n’yo ay MAKAHANAP NG FOREVER??

Sandali lang. Umupo ka muna. Alisin mo muna sa pagkakayakap jan sa “mahal” mo ang mga kamay mo at makinig ka.

Bata ka pa. 

Pag-aaral muna ang atupagin mo.

Isang beses ka lang magiging ganyan ka-bata sa buong buhay mo. Bakit hindi mo muna samantalahin ang mga mahahalagang panahon na yan para ienjoy katulad ng ibang dalaga’t binatang kasing –edaran mo? Na hindi kailangan magmadali sa paghahanting ng ‘mahal.’ O kung merong ganun, hindi muna seryosohan. Wala pa dapat sa isipan ninyo ang pakikipag-relasyon dahil sa totoong buhay, sa mura n’yong edad, marami pa kayong dapat matutunan.

Mahaba pa ang byahe n’yo, wala pa nga kayo sa umpisa ng karera kasi dapat ineenjoy nio muna yang parte na yan. Ang highschool life. Kasi yan ang pinakamasayang mga taon sa buhay ng isang teen-ager. Alam namin yan at kung magkakaron lang ng pagkakataon, gugustuhin naming ulit-ulitan yan.

Hindi kayo pinaaalalahanan ng mga magulang n’yo kasi KJ lang sila. Kasi ang totoo, marami na silang karasanan ng pagkakamali na ayaw nilang pagdaananan ng mga anak nila.

Kung marami man ang naglalike sa mga post ninyo na sweetness at sobrang in-love, kasi ang totoo masaya sila para sa inyo pero hindi kayo nakaka-inggit.

Ang nakakainggit ay yung mga nakatapos at may mga pangarap na gustung abutin bukod sa lovelife.

Yung mga hinahabol ng mga kumpanya pagka-graduate.

Yung may mga maganda at stable na career.

Yung mga kalmado lang at ineenjoy ang buhay single na mas inuunang ikutin ang mundo, kesa maghanap ng magpapaikot sa mundo nito.

Oo, andun na tayo. Mashado nang overrated ang issue ng Forever. Kung meron mang pinalad na makahanap nyan sa murang edad, pakitanong mo kung hindi sila nahirapan at kung nakapaghain ng pagkain sa mesa ang pagmamahalan at nakapagpasok ito ng pera sa bulsa. Pwede mo rin itanong sa kanila na kung may pagkakataon silang baguhin ang mga pangyayari sa buhay nila, ano at bakit. At pakinggan mong maigi ang isasagot nila.

Oo, andun na tayo. Masarap ma-in love. Lalo na kung narating mo na at naabot ang mga pangarap mo. Ang sarap nyan i-share sa mahal mo.

True love can wait.

Love can wait.

At marami nang napahamak sa pagmamadali.

Kung sa tingin mo, nahanap mo na. Siya na nga ang forever mo at kung mahal ka nga niya, maghihintay siya. Sa tamang panahon. Na hindi pa ngayon.

Maglakbay ka muna. Marami ka pang dapat subukan at maranasan. At pag natapos mo na ang mga dapat mong gawin, saka mo tuparin ang pangako mo sa totoong nagmamahal sa’yo na hinintay ka para sa tamang panahon.

Sa tingin ko, sa ganyang paraan, magiging mas kahanga-hanga ka pa. 

Ano’ng napala mo? Ha?

Isa sa pinaka-pahiyang marami sa buhay ng tao ay yung mahuli ka on the spot at wala kang kalaban-laban. (I know, right.)

Yung lilingon ka pakanan-pakaliwa pero wala kang makitang pwedeng sisihin kundi ikaw. Ang sarili mo. Kaharap ang nakahuli sa’yo na ang tangi mo na lang pwedeng gawin ay ang yumuko.

Yumuko sa kahihiyan. Tumahimik. Humimlay.

At yung katotohanan na yung iniingat-ingatan mong tiwala niya sa’yo, eto ngayon, basag-basag sa pagitan ninyong dalawa. At tahimik kang humihiling na sana. SANA HINDI NA LANG NANGYARI ‘TO.

Abot-hininga. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Di mo sure kung ang next move nito ay yung pisikal na. Ano bang gagawin ko, tanong mo sa sarili habang nagddrumroll ang pintig ng puso mo.

Shit kasi. Ang tanga ko. Bakit di ko naisip agad yun?

Imbes na pagsisihan ang ginawa, mas naiisip mo pa kung bakit hindi mo naagapan na mahuli ka. Eh di sana wala ka sa posisyon na ito. Gisado.

Nakakainis no?

Samantalang nung enjoy na enjoy ka habang nakikipaglandian-huntahan o kung ano-ano pang pwedeng itawag jan eh hindi mo naiisip na baka lang. BAKA LANG biglang magbiro sa’yo yung mga demonyong kalaro mo at finally, mahuli ka na sa kalokohan mo.

Meron ka bang PLAN B? Like alam mo ba ang eksplanasyon dito pag na-hotseat ka? Naisip mo bang pwedeng mangyari yun sa’yo. One time. Jackpot prize. House and lot. Sa Sementeryo.

O, bakit ngayon natatakot ka na? Kinakabahan. Di mo kasi pwedeng sabihin o kahit sa hinagap na isipin at umarteng parang hindi ito nangyari. Parang walang nangyari. Di mo pwedeng itago ang katotohanan na lumandi ka o nakipaglandian ka ng panakaw lalong lalo na kung huling-huli ka pa. Di ito file sa cellphone/computer na pwede mo lang bastang i-delete. And it will just go away…

You wish.

Sa totoong buhay, pag nahuli ka. Lagot ka. There’s no other way out.

Tanga ka eh. Gago ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. May utak ka sana ginagamit mo. Kaya wag kang umangal kung mahirap. Kung nakakainis na at kung nakakarindi na.

Magpasalamat ka na lang. Pasalamat ka dahil buhay ka pa. Pasalamat ka kasi kahit hindi ka deserving, binigyan ka pa rin ng pagkakataon.

Kaya mag-isip isip ka. Dahil hindi bottomless ang pagkakataon na yan.

Bukas makalawa, ang mga tanga, magigising din sa katotohanan.

At hindi lahat ng party, masaya. (—Third Party) #patawaLang 😛

Ok? Ok.

Kalandian Fest Generation Z 2015 (iGen/Post Millenials) wutever…

Sa panahon ngayon, mahirap nang makasiguro kung yung kalandi-an mo ay pawang nagsasabi ng totoo o jinojoketime ka lang. Shempre, sino ba naman ang tatangging landiin lalo na pag may itsura naman ito at f na f mo rin na type na type ka nito.

Maliban dito, kahit alam na alam mo naman ang background ng kalandi-an mo, cge ka pa rin sa kalandian kasi pag dumating ang di inaasahang tamang panahon, pwede mo namang isagot na, “Eh kasi di ka naman nagtanong.” O diba? Pak na pak lang.

Ang totoo n’yan, generally speaking, ang babae, hindi agad-agad nahuhulog sa patibong. UNLESS, type ka nito at laman-tyan ka, yung tipong di ka pabigat sa budget. Bagkus, siya ang makikinabang sa budget. Ay, Go!  Keribels, landian na ‘to.

O, teka…di ko nilalahat.

Pero wag na tayong magpaka-plastik. Sus, lahat naman sa panahon ngayon, alam na. Wag na tayong magpaka-mahinhin at magpaka-santa kasi ang totoo, lahat tayo, may tinatagong LANDI sa katawan. We just have to find the right person to unleash it.

It just so happen na may kilala akong expert sa panlalandi. (Excuse me friend, hindi ito compliment.) Kasi may tamang oras at panahon at STATUS ang paglalandi. At hindi ito dahil sa kaya at pwede mong gawin sa oras na gusto mo. Dahil for sure, meron ding mga tao na nagfformulate na ng mainam na paraan para pumuksa sa mga pesteng malalanding tulad mo sa mundong ito.

Yes. Kailangan na silang puksain. Pagsama-samahin at sunugin. Yung sinusunog ng buhay para mas masaya. Ayoko ng may maiiwang buhay. Hahahaha! Burn baby burn!!

O, teka ulit…hindi ako galit. I’m just speaking on behalf of them Malalandi haters. Of course, sino ba ang kakampi sa mga malalandi? Ikaw?

Sabi ko nga bago ka lumandi, magpalandi o manlandi…paki-check muna kung single ka o kung single ba yung kalandi-an mo kasi mas masarap sa pakiramdam yung naglalandian na kayong dalawa lang at hindi yung di lang pala ikaw yung kalandi-an ng nanlalandi sa’yo kasi…#KarmaIsABitch te. It’s true! Try mo nga para malaman mo.

At sa tamang panahon, it will die down. Yang kalandian mo. Kasi it’s either of the following lang yan…

  1. Mahuhuli ka ng jowa mo or ng jowa ng kalandi-an mo.
  2. Magkakaron ng mas yummy yung kalandi-an mo kaya chugi ka na.
  3. Mala-lapse ka na kasi hello tumatanda talaga tayo.
  4. Mamatay ka dahil sa kalandian mo.
  5. Mamamatay kang malanding mag-isa.

At sa tingin mo ba may seseryoso sa’yo pag nagkakilala kayong malandi ka? Well, in the long run cguro mapapaisip siya kung for keeps ka ba eh baka pag nakakita ka na naman ng yummy eh ulit-ulitin mo lang ung mga pinaggagagawa mo at mandadamay ka pa.

Eventually, lahat tayo ay maghahahanap ng peaceful na kalalagyan (hindi ito ung ikaw, ang kabaong sa sementeryo…), alam n’yo na ‘to diba? Yung safe haven. Yung pakiramdam na yung humahalik at yumayakap sa’yo araw-araw eh hanggang sa huling hantungan na. Yung sinasabi nilang ‘May Forever.’ Well, eh kung papalarin ka lang naman.

Kase hello, sino bang hindi maghahangad ng ganito? Yung iba nga nagpapakamatay at nakikipagpatayan pa ma-achieve lang yan.

Kaya ang suggestion ko lang sa mga malalandi, kung gusto niong humaba pa ang buhay nio yung tipong aabot kayo sa finish line at machu-chugi of old age or dahil sa sakit hindi dahil sa nabuo na ang formula at isa kayo sa napuksa dahil sa sobrang kalandian lang. Nakakahiya naman mamatay ng walang saysay.

Saka Karma is just around the corner –waiting. In my experience, di pa siya natatakasan. Wala siyang patawad at kung matatauhan ka kung kelan malaki na ang damage na nagawa mo, eh sorry ka na lang. #sorrynotsorry. Magdusa ka.

Ok? Ok.

Boom-saklap

Hawak mo na eh, nawala pa. Boom-saklap.

Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang bagay pag nawala na ito. Well. Ganun talaga ang buhay. Minsan bibigyan ka ng dahilan para mag-expect sabay bawi nito. Joke lang pala yun. Kala mo totoo na.

Pero naman kahit na na-brokenheart ka sa isang bagay na yun, that won’t be enough for you to learn your lesson. Bakit? Kasi uulit ka na naman, chak yan. Sabi nga nila, you can only endure hurt so much. At di ka magtatanda unless the lesson kicked you hard enough. At siguro naman sa point na yan, titigil ka na?

Tama na?

Weh? Sure ka?

Finally!! Congratulations!

Di naman kasi porket pinaghirapan mo ang isang bagay eh deserving ka na dun. That’s how unfair life is. Pero teka, bakit di mo tingnan sa ibang anggulo? Baka naman, pinaghihirapan mo ang isang bagay na hindi talaga para sa’yo. Diba? Kaya siguro mashadong mailap. Hawak mo na pero di pa rin mapasayo. Sana wag mo rin isipin na pinagdadamutan ka ng pagkakataon. May mga bagay kasi na mas maiging di mo na malaman ang dahilan at rason.

It’s just—-it’s….not meant to be. Yun lang yun. And  #TruthHurts.

Ang hirap kasi mag-move forward kapag blanko ang sagot sa napakaraming tanong d’yan sa isip mo. Parang, papa’no? Saan ka magsisimula?

Hindi biro ang makipagwarlahan sa isip ah. Tipong may tanong ka na ikaw rin ang iisip ng sagot. Tapos nasagot mo na, di ka pa rin kuntento kaya magtatanong ka sa iba. Tapos pag di kayo pareho ng sagot, in denial ka na. Paulit-ulit lang yan. Walang katapusan. Well. Hindi kung wala kang balak tapusin yan.

Yung totoo, Kaya mo ba talaga? Keribels lang ba na minsan, tanggapin na lang natin na kahit pagbali-baligtarin natin ang mundo (which is imposible talaga…), hindi talaga ito para sa’yo. At kailangan mong magpakatatag kahit mahirap at masakit. Anyway, mas masakit lang naman ito pag di mo kayang tanggapin. At kung mas concern ka sa sasabihin ng ibang tao. Yung mga likes at comments nila sa issue na ‘to.

Pero sa totoo lang, wala naman talagang pakialam ang mga tao sa pinagdadaanan ng bawat isa. Nasanay lang siguro tayo sa mentalidad na mashadong maraming interesado sa buhay natin kaya tuloy hirap tayong magpakatotoo sa nararamdaman natin.

Wehnonamanngayon kung malungkot ka? Eh di umiyak ka. Ilabas mo yang bigat sa dibdib mo. Isigaw mo! Tanggalin mo na yan d’yan sa puso mo kasi pag pinatagal mo yan, magtatayo na ng komunidad yan jan. Baka magkaron na sila ng Presidente at dumami parang gremlins.

Di mo naman kailangan ng validation galing sa ibang tao na kaya mong lampasan ang humps sa buhay mo. Alam mo yan sa sarili mo. Bigyan mo ng timeline ang sarili mo. Di naman pwedeng mabuhay ka na lang para sa sasabihin ng iba. Minsan naman naging masaya ka. Naging ok rin ang lahat.

Namimiss ka na ng realidad. Marami pa raw siyang ituturo sa’yo. Marami ka pang dapat matutunan. Saka ang dami pang pwedeng mangyari. Di ka ba naeexcite dun? Isara mo na ang malungkot na kabanata at i-claim mo na ang masaya at makahulugang kasunod na kabanata sa buhay mo.

At sa pagkakataong ito, yung mas excited na ikaw. Tama na ang ka-dramahan.

Gorabels. Everyone deserves to be happy.

Drama-Rama Presents: Push mo lang yan.

push

Life is Punung-puno ng drama.

Hindi naman ako active sa panonood ng teleserye pero bakit panay drama na lang ang naririnig/nakikita/ibinabalita sa’kin?

Ako na naka focus na lang sa panonood ng documentary, rom-com, action-sci fi, detective at true stories (Ayoko pa rin ng horror flicks, sorry.) …ay hindi pa rin tinatantanan ng mga dramang walang kwenta.

Mula nung nabuhay ako sa pagkamatay nung isang taon, isa lang ang sinabi ko sa sarili ko.

“Tama na.”

Simple at malinaw.

Eh bakit ko pa ba naman guguluhin ang isip ko kung kaming dalawa lang naman ang nag-uusap? Ako rin ang chak na maloloka kakaisip. Kaya ayun, nagkaintindihan na kami.

So, I left yesterday behind. No matter what it was. Lahat. Pinagsama-sama ko, binalot, tinali at sinunog. Arson. 😛

I don’t want to close the book. I’m just turning the page and moving forward.

But don’t get me wrong. Hindi ko ‘yun ginawa to make me forget my mistakes. Eksheli, memorize ko pa nga eh. Enumerate ko pa, gusto mo? I’m not proud of them. And I don’t have the power to go back and change everything. Even if I had, I wouldn’t change anything. (Umi-ENGLISH!! Hahaha!)

Somehow, may mga tao na nag-iisip na yun ang ginawa ko. Na I moved forward and ignored everything I’ve caused to some…or maybe to most of them (may aapela talaga alam ko.). At nature lang siguro ng tao na ipagtanggol ang mga sarili nila. Pagalingan ng argument. Paramihan ng sumbat. Pataasan ng Ere at Pride. Ako-Ikaw ang magaling. Ganyan.

Ipinagtatanggol ko ang sarili ko, para sa sarili ko. Hindi para ipamukha na ako ang tama. Dahil kailangan kong tanggapin na ang pagkakamaling iyon ang nagturo sa’kin ng leksyong matagal ko nang dinededma. –Ang maniwala sa sarili ko at huwag…I mean HUWAG DUMEPENDE SA IBANG TAO FOR EMOTIONAL SECURITY.

Walang taong aamin na mahina siya…..lalo na sa harap ng mga taong nag-aabang ng pagbagsak niya.

W.A.L.A.

Sa pagitan ng hirap at sakit, ngingiti ka lang at sasabihin mong, “Bring it on! May agimat yata to!” –pero ang totoo, kung hindi lang masakit ung maglaslas or hindi mababasag ang bungo mo at okay lang sa inyo na ganun ang gawin mo, why not para tapos na. Nasasaktan ka na pero iisipin pa rin ng ibang tao ang nakiki-eksena sa utak mo. Human nature.

Daming drama.

Sa dami ba naman ng problema sa mundo, pati na yung malimit magpost ng bad days nila sa news feed mo…SASALI KA PA?

Wala namang imposible eh. Kung gusto mong wag masira ang araw mo, tigilan mo na ang paniniwalang may nag-aabang palagi na masira ang araw mo. At panata ng mga tao na yun na bwisitin at maging miserable ka kasi yun ang magpapasaya sa kanila.

Kasi ang totoo, MERON TALAGANG GANYAN. Pero na sa’yo ang POWER of DEDMA. All you have to do is go to that person on your contacts. PRESS DELETE and BLOCK.

Tapos ang drama. Tahimik ang buhay.

Lagi ko sinasabi sa mga nakakausap ko na “ang mga bagay na hindi mo nakikita at naririnig…hindi makakasakit sa’yo.” At minsan, kailangan mong magbawas-bawas ng pabigat mabigat para hindi lumubog yung katiting na kahoy na inaapakan mo kaya nakalutang ka pa.

At alam mo rin bang, IKAW LANG ang makakabuo ulit sa sarili mo? Katulong ng mga paraang alam mo para mabuo ka ulit. (Kung anuman yun. Ikaw na yun lahat.) Kasi kung gusto mong may mabago sa’yo, kailangan mong gawin ang dapat. Wag mo nang intindihin yung sasabihin nila. Set your mind on something like…”I’m BINGI, ‘can’t hear y’all.” 😛

Take that huge step. Hindi mo lang alam na ikaw lang ang nananakit sa sarili mo sa tuwing hinahayaan mong makapasok sila sa isip mo. Wag mo na silang bigyan ng permiso. Ang daming tao sa mundo. Maliit na porsyento lang sila kumpara sa mga taong mas nakakaunawa at tanggap ang pagkatao mo sa kabila ng lahat. Dun mo ituon ang atensyon mo.

Push mo lang yan. 🙂

“Sumweldo na ba kayo?” (Dubai version)

salary-y-u-no-bank-in-yet

Kinsenas. Katapusan. They come and go.

Kakahawak mo palang, planado na ang mga pupuntahan nito. Kaya tuloy isang linggo pa lang, eksayted ka na sa susunod na sweldo.

Pano ba naman kasi, mas eksayted pa ang mga bayarin at ang mga nakaabang dito kesa sa’yo. Kaya minsan, para na lang itong isang something’ na nangyayari kada buwan. Well. Buenas pa rin yung mga regular na sumasahod. Yung tipong rain or shine, papasok ang kaban sa plastik card na nakadisplay lang sa wallet mo. Pero sa iba, ang pagdating nito ay parang deklarasyon ng himala.

Oo. Himalang dumating ito on time at himalang dumating ito ng panigurado. Sa totoong buhay dito sa Dubai, may mga taong masaya pag sweldo at may mga taong nag-aabang ng bagyo sa kalagitnaan ng Hulyo sa disyertong bansa na ito.

God bless all of you…kayong mga naddelay ang sweldo.

Kaya nga kung nakatisod ka ng magandang trabaho sa isang stable na kumpanya, aba’t halika at ipagpasalamat natin yan kay Kuya Jesas. Isa yan sa maraming blessing na hindi mo sinasali sa bilang kasi busy ka sa kakareklamo sa boss mong pasaway at mga ka-opisina mong chismoso/a.

Una sa lahat, hindi naman sila ang pinunta mo dito. Yung trabaho. Yung sweldo. At yung peace of mind na paniguradong darating ang inaabangan ng mga nag-aabang sa buwanang sweldo mo. Hindi yung wala ka na ngang sweldo, imbes na maging concern eh tatanungin ka pa kung ano ang pinaggagawa mo sa pera mo at wala kang maipadala…? Eh malinaw na ibig sabihin ng walang sweldo, wala ka ring pambayad ng bahay, pamasahe at pangkain. Na tiyak talagang bawal magkasakit. Eh pag ganun ba, papadalhan ka naman ng panggastos?? Diba hindi?

Eh sa Pinas, pag wala ka, pwede kang umutang sa mga nakakaluwag. Dito, may mga nakakaluwag pero nakakahiyang lapitan at shempre, di naman sila mag-aannounce ng, “O, wala ba kaung panggastos? Heto ang ipon ko, utangin mo muna…

Wow. Hello.

Hellooooo….

Lahat may obligasyon. Lahat may something. –Rason.

At hindi ganun kadali na basta ka na lang lilipat ng trabaho kasi may proseso dito. At pag may proseso, ibig sabihin made-delay ang obligasyon. GANUN TALAGA DITO. At lalong hindi yun reasonable sa mga walang-idea’ng-abangers lang.

Hindi pwede ang basta-basta. Dapat may Plan A to Z kung kinakailangan. Dapat sigurado dahil kung hindi, uwian ang bagsak mo. Uwian at walang kasiguruhan.

Pero wag mawalan ng pag-asa. Darating din ang blessings. Lakasan lang ng loob at tibayan ang faith. Minsan, ang mga ganitong sitwasyon ang nakakapagbukas ng isip natin na pansamantagal pansamantala lang talaga lahat. Pag kumikitang kabuhayan, ipon na. Di ka habambuhay na bata. Isipin mo rin kung ano’ng plano mo sa pagtanda.

Kaya nga…halika, tumaya na lang tayo sa lotto at nang magsiuwian na tayo sa Pinas!!

😉