Paalam…

Isa na siguro sa pinakamahalagang bagay nagawa ko ay ang mabuo ang blog na ito. Nagsimula lang sa lokohan ng barkada at bunga ng mga walang magawa kapag walang pasok. Dito madalas nauuwi ang ilang pangyayari kahapon at nung isang araw lalo na pag may katatawanang nangyari at mga events na indi pwedeng palampasin.

Mula sa umpisa hanggang sa matapos. Naghiwalay. Nakabuo ng bagong samahan. Nalipat kung saan-saan. Hanggang sa muling pagkikita.

Mula sa kalokohan na naging makabuluhan.

Meron palang seryosong side si Aling Baby. Malalim pala siya at minsan nasosobrahan na sa pag-iisip at paghihimay-himay ng buhay. Bagay na indi niya alam na meron siya. Isang malaking tulong ang pagkakaroon ng lugar kung saan pwede mong ibahagi ang konting nalalaman at pasasalamat sa iilang sumabay at umalalay para ipagpatuloy ang nasimulan.

At sa pagkakataong ito, sa pagsasara ng ikatlong taon ni Aling Baby sa mundo ng wordpress…

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nakibasa, nakibahagi ng nalalaman, at mga walang sawang sumusuporta.

Magsasara na po ang Tindahan ni Aling Baby.

Babalik siguro ako sa ibang pagkakataon at siguradong ia-update ko kayo kung makakabalik man ulit at kung saan mapapadpad.

Maraming, maraming, maraming Salamat po sa inyong lahat!!!

 

If there’s a will…there’s a weyyy

 

Due to insistent public demand….ibabalik ko lang pansamantala ang entry na ito upang mabigyang paliwanag ang mga bagay-bagay tungkol sa pwersahan pilitan lalong-lalo na sa mga lakaran o usapang may kasamang alak-alakan.

Apat na buwan pa bago ang Octoberfest, pero nauuna sa pila itong mga kapatid ko sa industriya ng pagpapayaman (workmates)

2 1

…para ayain ako sa isang pinagpaplanuhang gabi ng “laklakan”.

Para sa mas malinaw na paglalahad at sa mga malimit na bisita ko dito sa aking mansyon…silipin natin kung anu ba talaga ang sitwasyon ng mga taong binabansagang…“Key-jey”

Read on…

If there’s a will…there’s a weyyy

 

Sinu nga ba ang nagpauso nito?

Kasi kung sinuman siya…..ang galing niya kasi totoong-totoo itong pinauso niya.

alone

Malamang pamilyar na kayo sa kasabihan na ito na kung tatagalugin natin ay lalabas na…“Kung gusto, maraming paraan.” At dahil nga haytek na ang panahon, dinugtungan na ito ng, “Kung ayaw, maraming dahilan.”

Gamit na gamit ito lalong-lalo na sa mga yayaan. Maging gimik, outing, berdey, binyag, kasal, company party at even sa children’s party. Kung ikaw ang malimit at pirming umaabsent sa mga lakaran, siguradong makailang beses mo na narinig ang linyang magpapakonsensya sa’yo ng todo.

“Sige na, sama ka na…mas masaya kaya pag sumama ka.” Sila.

“Eh, indi talaga ako shur kasi baka umalis din kami nang araw na ‘yon.” Ikaw.

” Palagi ka na lang indi nakakasama eh. Alam mo, kung gusto..maraming paraan. Kung ayaw, ayan, nagdadahilan.” Sila ulit.

Ikaw – – – – speechless.

excuses

Sa hinaba-haba ng pilitan blues, it’s either nakonsensya ka, superb ang convincing power nila o totoo talagang may lakad ka na nauna sa kanila, nahuli lang sila ng 10 minutes (kasi, nung naramdaman mong may plano sila – – – ni-confirm mo na yung nakabitin na planong ganun din ang idinahilan mo hehe -jowking lang.)

At sa ganitong pagkakataon, maraming pwedeng ang maging impression sa’yo pag ikaw ang laging absent at ito ang mga sumusunod:

KJ (kill joy o patay na ligaya o mas kilala sa iba na autistic.) – Sa mga gimik, ito ang kalimitang name tag mo pag ikaw yung tipong nainom ng juice o iced tea habang sila ay nag-iinuman. Kulang nalang pwersahang yaya na para lang makainom ka. Idadahilan na berdey, “minsan lang naman” o kaya, “ang hina ko talaga sa’yo” – – – mga ganung tipo ba.

Arkitek o Drawing – Ito ang tawag sa mga bigay-todo sa pagsabi na sasama/pupunta at parang isa sa mga committee ang dating dahil sa sobrang aktib nito sa planning stage. Pero sa aktwal na lakad – – – indi naman nakasama sa dami ng dahilan.

62

In-Janera/Janero – Ito ang tawag sa mga niyaya na pinilit pa talaga, binigyan ng makabagong excuse para mag-absent sa iskul/trabaho o ipaalam sa magulang. Halos sunduin na sa bahay para lang makasama. Maya’t-mayang tinetext at tinatawagan – – – ayun, nang-injan pa rin hehe.

Mareng Winnie/Pareng Oka – Ito ang mga inaaya na parang nag-training kina mare at pare ng debate sa dami nitong rason at dahilan ng indi pagsama. Sa una ganado ka pa, pero sa katagalan ng usapan, wala ka ng magagawa kung ayaw.

20080509

Eps – Kung merong mga inaaya na halos ayaw sumama – – – meron din namang ni indi inaaya pero umaarteng parang kasama. Shempre, kakahiya naman kung sasabihin mong indi siya kasama diba? Ang sakit kaya nun. Kaya wala kang choice kundi isama na lang, kawawa naman kasi eh.

In fairness naman sa mga ito, shempre indi naman sa lahat ng panahon eh autistic ang mga tumatanggi sa mga lakaran o inuman. Kanya-kanyang trip ‘yan diba? May mga tao lang talaga na indi nakahiligan ang mga out-of-town o gimik kaya mas pinipili nila ang mag-stay sa bahay at mag-cross stitch. (jowk ulit) May mga rason silang sarili sa mga ganyang bagay at indi na natin dapat na pinapasok o pinakikialaman. Lahat tayo ay may right to privacy diba? Eh sa ayaw nga eh, wag na mamelet.

busy-lady

Para sa akin, ang pagtanggi ay indi nangangahulugang walang importansya sa pagkakaibigan. Minsan lang talaga para sa mga taong marunong tumanggi – – – ayaw lang nila gawin ang isang bagay na indi nila gustu. Sa ibang indi makatanggi – – – ayaw lang nilang sumama ang loob ng kaibigan kesehodang indi nila trip ang pupuntahan o gagawin.

Pwede rin naman kasing indi komportable sa mga makakasama kaya umaayaw. Walang budget (ito ang madalas), walang isusuot (sus!), ayaw ma- out-of-place o wala lang talaga sa mood umalis. Marami pang pwedeng maging dahilan at pero-pero. Pag ayaw mo na ng maraming usapan, sasabihin mo na lang na – – – “Sige, sa susunod…babawi na lang ako sa inyo. Sensya na talaga.”

homebody

Dapat sa susunod….

Sa mga inaayang ayaw sumama – – – ok lang tumanggi once or twice…pero sa susunod make bawi naman talaga kasi pag inaya ka ng malupit, ibig sabihin nun important ka sa kanila at malaking bagay para sa kanila ang presence mo. At kung ganun kakulit ang pagpilit, pihado namang sagot nila ang enjoyment kaya sige na…sama ka na. 😉

At sa mga namemelet – – – pilitin once, pilitin twice pero pag ayaw talaga…ok lang yon, indi naman nauubos ang next time at ang mga pila-pilang okasyon and besides indi naman porket indi siya sumama eh kailangang mag-iba na ang tingin sa kanya (parang hayskul hehe…) o kaya indi matuloy ang larga. May ganyan talaga paminsan-minsan, saka malay nyo eh mapunta din kayo sa same situation diba? Understanding is what we need. 🙂

hmn

O, ok na tayo ah. Wala nang pilitan ah. 🙂

 

Aling Baby

REKLAMADORO/A

 

 

whine

 

 

Mahilig ka bang magreklamo?

Madalas ba na kapag nasa mga sitwasyong indi ka komportable eh indi ka mapakaling irereklamo ang mga ito sa ibang tao at kay Kuya Jesus?

O sadyang OC ka lang talaga kaya konting kibot, reklamo agad ang laman ng isip at bibig mo?

Ang pagrereklamo ay karaniwang aksyon ng isang taong dehado at feeling dehado sa isang sitwasyon na ang kadalasang reaksyon dito ay ang humingi ng karampatang sagot at tugon sa mga kinauukulan para akshunan ang mga ito. Ang mga kinauukulang tao? Pwedeng kaibigan, kamag-anak, kapitbahay, ibang tao… o kaya pulis, barangay tanod, si Mon Tulfo at kung sinu-sinu pang pwedeng makalutas sa mga problemang ito.

Naging biruan na tuloy sa tuwing may kaibigang laging may reklamo sa buhay eh sasabihan mo ng:

“Magreklamo ka sa barangay.” O kaya, “Isumbong mo kay Tulfo.” Pang-asar sa mga ito na mababaw lang naman ang pinuproblema.

Minsan, ang pagrereklamo ay ginagawang ekspresyon o normal na asal sa mga problemang umaasa kang pag nag-whine ka eh kusa na lang itong maglalahong parang bula.

Ano ba ang madalas na inirereklamo natin?

Bukod sa trapik, baha, mainit na sadyang nangyayari at wala tayong kontrol sa mga ito.

Ang mga sitwasyong tulad ng walang mahanap na trabaho, malaking utang, walang masakyan, ayaw payagang umalis, walang load, walang nagtetext, naubos na gas…ito naman ang mga unexpected events na mas makakagaan kung iku-kwento mo ito sa iba pagkatapos mangyari tapos ok ka na.

Likas na sa atin ang maging reklamador paminsan-minsan. Lahat naman halos sa atin ay nagkaron na ng pagkakataong maging mahina para pairalin ang pagiging maselan sa iilang bagay na hinaharap at nangyayari sa paligid natin. Hmmm…aminin.

Sa kulturang Pinoy, napakahalaga ang pakikisama at pagiging “cowboy” o walang arte sa katawan lalong-lalo na at malaking porsyento sa ating bansa ay nasa middle class. Kadalasan, ang basis ng isang samahan ay ang pagiging down-to-earth ng mga miyembro nito kaya mas tumatagal ang samahan. Indi naman sa nilalahat ko pero alam naman natin lahat na mas mapapalapit ka sa taong mabait, mapagkumbaba at walang yabang sa katawan kesa sa mga maaarte, mayabang/mahangin at walang ibang inatupag kundi ang mga materyal na bagay na siguro madadala nila hanggang sa kabilang buhay.

Sa atin kasi kapag kinikilala natin ang isang tao, napakaimportante ng unang impresyon.  Kung sa una pa lang ay kakikitaan mo na ng pagiging “maaarte”, mahirap pakibagayan o kailangang lagi mong ipi-please ang isang tao…indi ba’t obvious naman na maghahanap ka na lang ng mas ok dito?

Anu-ano ba ang iba’t-ibang klase ng Reklamadoro/a:

  • May reklamadoro/a na aalarma lamang kapag ginalaw o ginamit mo ang mga gamit niya nang walang paalam lalo na’t kabisado pa niya ang ayos nito. Kapag nakarinig ka na ng, “Hay naku, nakakainis talaga pag pinapakialaman ang mga gamit ng iba ng walang paalam.” Yun na. Sunud-sunud na yan.

Para maiwasan ang mga ganitong eksena, dapat indi nakikialam sa gamit ng may gamit, lahat tayo ay may right to privacy.

  • Meron ding OC lang na pahihiramin ka naman. Ikaw pa mismo ang pakukuhain. Pero kapag indi mo ito naibalik sa ayos na ginawa niya, humanda ka na sa mala fireworks na reklamong abot mo.

Adjustment lang naman siguro ang solusyon dito. Indi naman mahirap kung ibabalik na lang sa ayos diba?

  • Merong mga reklamadoro/a na malamang lumaki sa Antartika kasi indi sila sanay sa mainit. Yung mga akala mo naman sa Pinas eh, centralized ang tinitirhan niya kung makareklamo. Magugulat ka na lang sa asal nito na para bang celebrity lang.

Dapat sa kanya bumili ng sariling aircon tapos itapat niya sa sarili niya kahit saan siya pumunta tapos dalhin na rin niya papuntang opisina. Intindihin na lang ang mga tulad nila. Kung madadaan sa usap, yon ang gawin o kaya wag mo na lang pansinin…mapapagod din yan sa kakareklamo.

  • May mga pantastik pa nga na kumikita naman ng sapat para sa isang nag-uumpisa pa lang pero sige pa rin ang reklamo niya sa kababaan ng sinusweldo niya. Me dialogue pa yan na, “Kung nade-depress tayo sa sweldo natin…isipin na lang natin si Chuva Chenes (yung kaibigan niyang mas mababa sa sweldo niya.) diba?”

Tama ba naman yun???! Parang mas ok pa yata kung sinabi niyang, “Atleast sumusweldo pa rin kesa sa wala.” Diba? Indi ka na nakasakit na-inspire ka pa.

  • Mga reklamadoro/a na likas nang indi sanay makisalamuha sa ibang tao. Yung tipong ang ibang tao pa ang mag-aadjust para sa kanila. Kadalasan, kung sinu pa ang indi marunong mag-adjust, sila pa yung mahilig pumuna ng mga indi maganda sa kapwa nila.

Minsan kasi, tingnan naman natin yung magagandang bagay na ginagawa ng iba para sa atin. Indi porket nakagawa sila ng masama minsan eh wala nang chance para bumawi.

 

Ang pagiging reklamadoro/a ay isang senyales ng pagiging mahina at negatibong pag-uugali. Nakikita natin ang pagkakamali ng ibang tao na para bang nasa loob tayo ng isang glass case na indi pwedeng masaling. Pawang mga pagkakamali ng iba ang lagi nating nakikita at sa bawat mali na ito, doble at triple pa ang singil na ginagawa natin para lang maramdaman nito ang pagkakamaling nagawa na para bang sa ating mga sarili, indi natin nakikita na tayo rin ay nagkakamali.

Napakahirap tanggapin kapag ang sariling kamalian na ang pinag-uusapan. Ito ang isang bagay na bibihira lang ang nagagawang umamin sa sariling pagkakamali. Sa mga teleserye at pelikula kasi, madalas na ipinakikita dito ang pagganti o pag resbak sa mga taong gumawa ng mali sa’yo. Dito umiikot ang istorya. Kung meron mang ilang eksena na nagpapakita ng paghingi ng tawad nung kontrabida at gayun din ng bida sa mga mali ring nagawa niya…maliit na porsyento lang ito ng kabuuang istorya na inabot ng ilang taon bago natapos.

Pare-pareho lang tayong mga reklamador sa mga buhay natin. Nagkakaiba lang tayo sa diskarte. Sa aking palagay, kapag palaging negative ang tingin natin sa ibang tao at bagay…negative vibes din ang babalik sa atin. Lahat naman ng ibinabato natin sa kapwa, bumabalik at bumabalik ito sa iba’t-ibang paraan. Indi para makaganti ang mga ito sa’yo kundi para malaman natin ang resulta ng mga nagawa.

Kung palagi na lang nating irereklamo ang iilang bagay na nangyayari sa atin, siguro inis na inis na si Kuya Jesus sa atin. Diba  mas maganda kung paminsan-minsan palalampasin natin ang mga ito? Tanggapin na lang na wala namang perpekto. Mas makakagaan ng loob kung indi natin ipapatong ang lahat ng galit at inis sa ating mga puso, minsan palawakin din natin ang ating mga isip para maintindihan ang mga ito. I-welkam natin ang shortcomings kasi makakatulong din ito sa growth at maturity natin.

Kaya sa susunod na may makilala kang reklamadoro/a…pakinggan mo na lang siya tapos mag-change topic ka na lang at pag may pagkakataon, sabihin mo na lang sa kanya na masarap mabuhay…wag mo itong sayangin sa sobrang pag-iisip ng mga bagay na wala sa’yo at magpokus sa imperfectness ng mundo. Let’s live life to the fullest. 🙂

 

When God loves a creature he wants the creature to know the highest happiness and the deepest misery He wants him to know all that being alive can bring. That is his best gift. There is no happiness save in understanding the whole.”

 


 

 

 

 

Magbilang tayo!

counting

Ang pagbibilang ay parte ng ating buhay mula pagkapanganak hanggang sa pagsasa-alikabok. May mga bagay na napapadali sa tulong nito. Sa iba nama’y nosebleednosebleed ang dating.

Bata pa lang, tinuturuan na tayo ng ating mga magulang Mother's lessonkung paano magbilang. Hetong pipiliting hilahin ang ating hinliliit dahil ito daw ay “isa”, kasunod pa ng ilang katabing daliri na sumisimbolo ng bilang tatlo hanggang sampu.

Sa ating paglaki, kapag bihasa ka na sa pagbibilang…bibigyan ka naman ng panibagong problemang tulad ng math02 pagdagdag, pagbawas/pag-alis, multiplikasyon, paghahati at kung anu-anu pa para sa ilang kumplikadong sitwasyon. Bigla ko tuloy naalala yung klasmeyt ko nung hayskul, nasa kalagitnaan kami ng paksa tungkol sa square root. Iritang-irita siyang nagtaas ng kamay para magtanong sa titser namin,

 

“Eh Miss, bakit po ba natin pinag-aaralan ang square root na yan. Ang mga magbabalot ba kelangan pa mag-square root bago maibenta ang tindang balot at penoy nila?”

 

Watta pilosopo nga naman ang kaklase kong yon. Pero in fairness, may point siya dun. Mula nung nagsimula akong magtrabaho, sa gitna ng mga memo at payroll na nagawa ko…indi ko pa na-encounter ulit ang square root na ito. Nuff said.

Balik tayo sa pagbibilang. 35083177

Nung bata tayo, isang achievement countingg na ang mabilang ng malakas ang 1 to 100 ng walang palya. Siguradong tumataginting na dalawampiso ang premyo sa achievement mo na ito. Bidang-bida ka pa sa lahat ng kapitbahay at kamag-anakan n’yo.

Maraming epekto ang pagiging bihasa sa pagbibilang habang tayo ay tumatanda.

May iba sa atin na nalilinya sa mga kursong graduate9 Accounting, Engineering, IT at anything which involves numbers, equations na siyang ang mga gifted lang siyang makaka-appreciate. (Sensya na, hate ko talaga kasi ang math hehe.)

May iba rin na nalilinya sa retailing store (sari-sari store) at food carinderia (karinderya) business…may math pa rin sa mga ito diba?

 

Sa buhay, marami tayong nakikitang pwedeng bilangin. Ang iilan sa atin, minamaster na ang pagbibilang ng kung anu-anu tulad ng…

 

 

Atraso irate

  • Mga atrasong personal, pera, karir, pag-ibig. Sa mga madalas bagyuhin nito, karamihan sa kanila ay mga tambay ng city jail o ng mga maliliit na presinto dahil indi na nila kinaya pa ang dumarami pang atraso ng buhay  kaya nag-decide na silang putulin ito.
  • Para sa mga abusado sa atraso, sinasadya man o inde…talaga namang nakakainis ang mga ito. Minsan talaga may ipinanganak lang na manhid kaya indi alintana ang mga sensitibong sitwasyon. Maging maingat sana tayo sa mga salita at kilos na gagawin dahil indi sa lahat ng oras tama ang mga ito para sa lahat.

 

 

Tulong includ3

  • Para sa mga sadyang charitable lang. Ito yung mala-glorified ang dating sa pamamagitan ng mga tulong na ginagawa na kahit indi ka magsabi sa mga ito, kusa siyang lalapit na parang hinulog hulog ng langit. Indi natin alam ang sinseridad ng tulong na ito hangga’t indi naaalanganin ang sitwasyon ninyo. Konting ingat lang po sa mga tulad nila, meron kasing mga pakitang gilas lamang. Baka magulat ka na lang isang araw sa haba ng listahan na ifa-flash niya sa’yo sa takdang panahon na mapag-tripan niyang gawin. Dapat naka-ready na ang account nyo para mabayaran ang mga ito hanggang sa huling sentimo. At wag kalimutang magpasalamat! 😉
  • Para naman sa mga madalas naaambunan ng tulong, ipagpasalamat natin ang mga biyayang nakukuha. Kung kabutihan ang ibinibigay ng kapwa, kabutihan din ang ibabalik natin dahil wala itong katumbas na halaga. Ang utang na loob ay walang equivalent na pera na pwedeng bayaran para quits na. (malamang neto, ang dami kong bayarin pag nagkataon.)

 

 

Gawaing bahay chores

  • Para sa masisipag at nagsisipag-sipagan. Ito yung mga nangunguna at nagkukusang umasikaso ng mga aayusin, lilinisin, lulutuin, kukumpunihin at kung anu-anu pa para sa pangangailangan ng lahat na indi mo malaman kung talaga nga bang bukal sa loob na gawin dahil kasabay ng pagkilos niya ang indi matigil na paggirgir tungkol sa mga gawaing bahay.
  • Para naman sa mga indi mashadong nagkikilos dahil sa busy, pagod, wala sa mood, me sakit o kung anu pang dahilan na meron jan…pasalamat tayo sa mga masisipag pero wag naman yung dahil siya lagi ang gumagawa, eh indi na rin tayo magkukusa paminsan-minsan. Dapat nating malaman na may hangganan ang lahat. Igalaw-galaw ang katawan at baka ma-stroke sa kauupo at kahihiga.

 

 

Kaibigan friendly1

  • Para sa mga pwede nang tumakbong presidente sa dami ng kaibigan/kakilala. Ito yung mga born friendly. Madaling makagaanan ng loob. Kahit saang lugar halos ay may kakilala ito. (Medyo ingat lang po tayo sa mga user friendly na nakakalat somewhere out there.)
  • Yung iba naman na namimihikan sa pakikipagkaibigan. Bad effect: Konting Friendster Friend’s list. Shempre, konting comments lang din. Wala mashadong forwarded emails. (Parang walang sense hehe) It’s their choice. May mga taong kuntento na sa iilang mahahalagang taong nakapaligid sa kanila. Indi ito kabawasan sa pagkatao nila.

 

 

Ari-arian wealth1

  • Kung pamilyar kayo sa mga palabas na may dialogue na, “Kung saan ang abot ng iyong mata, yan ang lahat ng pag-aari ko.” Naks. Sadyang may mga nilalang na uber sa pagkaproud sa dami ng kanilang kayamanan, kalupaan at kung anu-anu pang pwedeng sukatin ng hangin at bagyo. Wag na tayong malumbay, may mga ipinanganak lang talaga na buenas. Nasa sukat na lang ng ating pasensya at pang-unawa para sa kanila na nang-aagaw lang ng konting atensyon.
  • May mga iba na dating merong maraming pag-aari na ngayo’y naninirahan na lang sa Alabang gillage. Na pag nire-reminisce nila nung panahong de-kotse pa sila at naninirahan sa malaking bahay, eh ramdam mo talaga yung sadness habang iniisa-isang bilangin ang mga koleksyon at kung anu-anu pang kagamitan na meron sila noon na nababalot na ng bitterness.

 

 

 

Branded anything 1-intro

  • Marami akong kakilalang ganto, Go for the BRANDS talaga ang tagline everytime na namimili. Kung sa pagkain lang yan eh ok ang branded kasi trusted na…pero pagdating sa damit, sapatos, accessories na branded, hmmm…not practical. Especially kung ang goal mo sa pagbili nito eh indi yung quality kundi yung maipa…gyabang lang. Gagastos ka ng ilang libo sa ilang gamit na indi naman talagang kailangan. Isa itong kawaldasan. Buti pa si Lumen, wais talaga.
  • May iba naman na kahit indi keri ang bumili ng mamahaling branded items, hahamakin ang lahat i.e. credit card, loans, 5-6, paluwagan at kung saan-saang pawnshop jan kesehodang mabaon 6 feet under sa dami ng utang…makabili lang. tsk-tsk-tsk…why oh why?? Indi ako psych, me psychological explanation sa mga ito – – – leave it to the experts.

 

 

Ka-IBIGAN o JOWA choice

  • Siguro ang motto nila sa buhay: “So many girls/boys, so little time.” Walang takot sa paglabas-masok sa isang relasyon na para bang nagpapalit lang ng damit. Baka naman sadyang malakas lang ang sex appeal nila diba? O pwede rin na sa kagustuhang mahanap ang right person para sa kanila kaya iniisa-isa na nila ang mga posibleng may hawak ng susi ng kanilang puso (naks! may ganun?!). Mag-ingat lang po sana tayo sa pambe-break ng heart, sa totoong buhay kasi nakakasakit ito at totoo po ang karma na tinatawag nila. 😉
  • Meron din namang di na mabilang kung ilang beses nang iniiwan, ipinagpalit at nisaktan ang mga abang puso nila. Sadya talagang merong not-so-lucky in love. Kapag ganitong ilang beses na at wala pa ring sagot sa tanong mong “WHY???!” Siguro simulan mo nang i-re assess o i-overhaul ang iyong self, baka naman kasi may dapat ayusin, tanggalin, pag-ibayuhin o lalo pang pagandahin. Ang mga tanong na ganyan ay indi makikita sa libro, sa kaibigan, internet (?!) o kung sinu pang mga experts dyan. Nasa ating sarili ang kasagutan. Dig deep, my friend. You will find the right answers.

 

SAGOT sa Problema questions-questions

Lagi tayong naghahanap ng sagot at solusyon sa mga problemang dumadating sa ating buhay. Sa mga materyal na bagay, pag sinuswerte pwedeng maresolba ng parehong araw kapag nakaisip ng paraan at pag tulong na nakuha. Kung may mahabang pasensya, hihingi ng tulong sa Itaas. Pag gustung ura-urada, gagawa ng indi maganda. Kapag naman sagot sa problemang gumugulo sa isip…Ito ang dahilan ng ilang gabing puyat. Lasing. Walang gana. Palaiyak. Hagardness. Bitterness. Ang sagot sa problemang isip ay kinakailangan ng panahon. Kapag handa na ang sarili na tanggapin ang mga nangyari, unti-unting magkakaron ng liwanag ang lahat. Nasa atin pa rin ang sagot at wala sa ibang tao.

 

 

life-test-quote

Napakaraming bagay pa ang pwede nating bilangin in our lifetime. Sa pagbibilang na ito, maraming bagay din tayong matututunan. Pwedeng maging better or worse depende kung paano ito gagawin. Indi naman kailangang maging eksperto sa ganito. Basta alam mong nasa tamang direksyon ka, tuloy-tuloy lang.

 

Life is not measured by the number of  breaths we take but by moments that take our breath away.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naapakan ba kita? Sorry ah..

 

 

 

Ano ba ang mas masakit?

 

Literal na naapakan?

O…

Ang mga salitang totoo man o indi na pawang nagpagulung-gulong sa buo mong pagkatao?

Maraming ibig sabihin ang salitang apak. Indi ito simpleng alay-lakad o party ng mga tsinelas at sapatos. Isa ito sa ugat ng napakaraming isyu na mas madalas gawin kesa pag-usapan.

In all fairness, parehong masakit ang literal na matapakan at mapagtulungan ng mga salita at gawa lingid sa kaalaman mo…mas malala kung alam mo ito at pinababayaan mo lang.

Kadalasan, ang mga lalaki at mangilan-ngilang babae ang mas gusto ng apakan sa pisikalang paraan. Para wala nang mashadong salitaan at matapos na ang lahat in a matter of 30 minutes to 1 hour depende kung sinu unang mapagod. Anyway, pagkatapos naman nito, parang wala nang nangyari at balik na ulit sa dati, ang importante lang eh mailabas lang yung pangangati ng mga kamao at mabasag na ang mababasag dahil yun naman ang highlight ng usapan.

Para sa kababaihan, ang usapang apakan ay katulad ng ibang mortal sin na kailangang dumaan sa napakaraming proseso. Simula sa salitaan, parinigan, chismisan, kampihan, iringan, dedmahan, at sa iba—pisikalan. Pwedeng mauwi sa pag-aayos at kung minsan naman ay binabaon na sa limot.

Naapakan ka na ba? Maliban nung sinuot mo yung bago mong sapatos  na bago matapos ang araw ay indi mo mabilang kung ilan ang buminyag nito sa apak. Lahat talaga ng bago ay kailangang mabinyagan, yan ang culture sa atin. Basta ang isang bagay na kalalabas lang sa plastic  at wala pang marka ng gasgas — asahan mo, marami na ang bibinyag dyan.

Sa buhay natin, marami tayong makikilala. Ang iba sa mga ito magiging kalapit natin, kaibigan, ka-close kumbaga. Ang iba naman… iba ang trip, depende sa gusto at hilig nila. Dun tayo magpokus sa mga “Big Foot.”

Siguro naman may nakilala ka ng Big Foot sa iskul.

Sila yung mga pinanganak na may imprentahan ng pera at mga kutis mayaman at aware sila sa mga bagay na ito kaya bigay todo sila sa pang-aapak ng ibang mga kaklase na para sa kanila ay pwede nang ihilera sa mga yaya niya. Indi ko naman nilalahat. Shempre, meron pa rin namang mababait na tulad nila, pero aminin natin…konti lang talaga. Kung ikaw ang tipo na pang-drama, yuyuko ka na lang pag inaapi ka. (Wag tularan) Dapat ikaw yung tipo na mambabasag ng mukha pag tinangka ka niyang ihilera sa mga yaya niya when in fact, ang lebel mo eh pang-mayordoma. 😆 Alam naman natin na pag usapang basagan lalo na ng mukha eh, tumitiklop na ang mga yan na parang makahiya.

 

May Big Foot din shempre sa neighborhood.

Ang Pamilya Zaragoza, kine-claim nilang mayaman sila pero dun din naman nakatira sa hood na tinitirahan nyo, diba dapat kung mayaman eh BF Homes, Ayala-Alabang-Forbes Park? Yung pag me bagong gamit eh kulang na lang mag-anawnsment sa buong barangay na parang Oplan Alis Disis, samantalang naka-jumper naman ang kuryente at kung susumahin ang yaman nila at ng pamilya n’yo…Mas mayaman lang naman sila ng isang libo sa inyo. 😆 Ika nga sa Sprite commercial…“Magpakatotoo ka!” Sabi nga nila, pag indi pinansin…mapapagod din ito ng kusa at titigil na rin sa ginagawa. Mauubos rin yung isang libo nila at papantay na rin kayo ng yaman.

 

Sa trabaho naman, walang excitement pag walang Big Foot in da haus.

Sila yung mga matatagal na sa trabaho, sipsip sa management, ninong sa kasal yung may-ari kaya yung power nila sa kumpanya ay overwhelming na para bang malaki ang stocks niya sa kumpanya. Pag ikaw na bago ang siyang pinag-initan…indi ito titigil hangga’t indi ka nagde-decide na mag-resign, kulang na lang ipag-type ka pa niya ng resignation letter. Nakakainis sila diba? Yung kutuhan sa kalsada dinadala pa nila sa opisina. Kung mahina ang loob mo, aalis ka talaga. Minsan ang mga ito, kailangan nilang makompronta at magkaron ng taong indi magpapatinag sa kanila. Pag nagawa mo yun, titigilan ka na rin nila at hahanap na lang ang mga ito ng pwede nilang paglaruan.

 

Sa mga common acquaintances, shempre indi rin mawawala ang manaka-nakang pambi-Big Foot ng ilan.

Meron dyan, ang intro parang humble. Sa una-pangalawa-pangatlong meeting humble talaga…nakaka-elib. Ang galing, meron pa palang ganun pero yun pala pag tagal sa ibang paraan, Big Foot din pala. Dinadaan sa wentong pang hanging habagat, summer na summer ang paligid eh parang biglang gusto mong kunin yung jacket mo sa lamiiig ng usapan.

Dapat dyan, wag mo na lang pansinin tutal naman, wento lang. Shempre pag personalan na, ibang usapan na yan. Maghanap na lang siya ng pwede niyang apakan. 

Me ibang Big Foot na gusto nila, iba ang arrive nila. Yung tipong unang kita palang kailangang maka-intimidate na sila. Ifa-flash sa’yo yung mga gamit niya pero shempre pa-humble – pahinhin para mas nakakabilib talaga pero isang paraan pala ito para takpan yung totoong ugali nila. Mahilig silang magsalita ng indi magandang bagay sa iba in a nice way. (meron ba nun?) At pag may ginawa kang against sa kanila, kailangang pagsisihan mo ito kahit naman alam mong tama lang naman ang sinabi mo. Meron silang espesyal na paraan ng pangto-torture ng feelings hanggang sa magtanda ka.

Tara nga’t i-peel off natin yang maskara nila para malaman natin kung kulay ginto nga bang talaga ang mga bungo nila. 😆 Ang mga ganitong tao, indi binibigyan ng importansya. Yan ang sikret. Pag alam nilang indi sila importante sa’yo, wala nang rason para magkita pa kayo diba? 😉 Parehong masaya ang layf n’yo.

Meron ding mga Big Foot na mukhang paa na dahil underdog sila sa halos kalahati ng buhay nila, nung nagkaron ng pagkakataon…mas matindi pa sila sa karaniwang big foot natin d’yan. Lahat naman ata ng tao pag nabigyan ng power over someone or something, nao-overwhelm at umaabuso.  Nabubulag. Nakakalimot.

Ang mga germs na ito,  indi binebeybi…kini-kill lang. 😆 Seriously, dinededma lang. Pag mas marami kasi ang bumebeybi sa pag-uugali, pakiramdam nila it looks good on them. Nasasanay. Humahaba ang sungay. Kaya dapat malaman din nila na indi magandang pinagpapareha ang striped shirt at printed pants kahit gaano pa ito kamahal.

Mahilig ako mam-Big Foot…ng mga Big Foot. Inaapakers ko sila para mabawas-bawasan naman. Dati yon. Ngayon, indi na mashado. Observer na lang ako. Nagmimiron na lang kasi napag-isip-isip ko na Time is Gold. Marami pa kong pwedeng gawin sayang lang ang oras ko sa kanila.

Kaya sa susunod na may maka-engkwentro kayong mga Big Foot along the way…wag na kayong makipagtagisan ng galing sa kanila kasi pag ginawa mo yun, talo ka pre. Makakabuti para sa lahat na wag na itong pansinin (pag kinakailangan lang hehe..) at ipagdasal na lang natin na sana magpatuloy pa rin ang blessings para sa lahat. Kasi kung mag-iisip pa tayo ng masama para sa kanila, madadagdagan lang ang kasalanan natin diba? 

Hangga’t nasa tama ka…dyan ka lang. k?

 

HAPI NU YIR SA LAHAT!!!

 Fireworks

 

 ab

Spoiled ka ba?

 

Bata pa ko, may senyales na ko ng pagiging independent. Nasa labor room nun ang nanay ko at buong araw ko na siyang pinapahirapan dahil nga sa indi pako reding lumabas. Pinuyat ko lang naman siya sa pag-aantay sa akin kasi alas dos ng madaling araw ako nag-decide na sumilip sa earth. Sneaky talaga kasi wala yung kumadrona. Indi nila shur kung natutulog ba o nagmi-midnight snack habang nagchi-chismisan kaya walang nag-aassist man lang sa kanila. Nung naramdaman ng nanay ko na unti-unti nang lumalabas ang ulo ko sa pwerta niya, kinalampag nila ng katabi niyang nagle-labor din ang mga gamit dun para marinig sila. Shempre naman diba sa sahig lang naman ako pupulutin kung nagkataon. Ayun, sa gulat ko siguro sa ingay na ginawa nila at sa takot na mabagok ang ulo, kaya bumalik ulit ako sa loob. Literally bumalik talaga ako. 😆 Nagtakbuhan daw ung mga nars at kumadrona nung narinig sila at matiwasay akong nailabas.

Kaya kung gustu nyo’ng alamin kung ilang beses ba ako pinanganak…

Dalawa lang naman.

Sabi ng mga kapatid ko, spoiled daw ako kasi bunso. Pero sa tingin ko naman, indi kasi wala nga halos oras sa akin ang aking beloved parents dahilan sa pagkakayod marino nila. Lima kaming magkakapatid, shempre lahat yun mag-aaral. Minsan, nauuna na kaming kumain sa kanila at naaabutan na lang nila kami nanonood at malapit nang matulog.

Nung kinder ako, ate ko ang tumutulong sa paggawa ng assignment ko at kuya ko naman ang sa pagsusulat at pagbabasa. Maaga nga raw ako natutong bumasa. Sa takot ko ba naman sa titser ko nung Kinder at Grade 1 eh talagang pinilit kong matuto. Shempre kung magkakaron man ng sumbungan, nakauwi na siguro yung titser ko bago pa makarating ang nanay ko. Madalas din ako makalimutan sunduin sa skul. Indi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakita ang eskwelahan namin ng madilim habang nagdadasal na ang mga madre at nakaka-imagine na ko ng kung anu-anung maligno sa mga bintana ng classrooms sa 3rd at 4th floor.

Nagko-commute kami ng kuya ko pauwi kahit na malapit lang ang skul sa bahay namin. Kasi delikado tumawid sa haiwei kaya pinapag-jip na lang kami. Pero nung nakatuntong na ko ng Grade 4, umuuwi na ko mag-isa. Laman kasi ng arcade ang kuya ko kaya sinasabihan na lang niya ako na umuwi na pagkatapos ng klase ko. Nagkaron din kami ng kuya ko ng yaya para magbantay samin. Pero ako, laki sa ate. Ate’s Girl ba ang tawag dun? Mas malapit kasi ako sa kanya kesa kina mama dahil na rin siguro sa madalas na siya ang available na umattend ng kung anu-anung event sa skul namin.

Simula Grade 2 hanggang Grade 6 eh indi naman sa pag-aanu pero napasama rin ako sa Honor Roll. Nagulat na lang ang nanay ko nung binigyan ko siya ng sulat galing sa adviser ko na pinapupunta sila ni papa para sa commencement exercises. Shempre, kagulat-gulat talaga yun kung bising-bisi sila sa pagta-trabaho at wala silang kamalay-malay sa buhey-eskwela ko tapos sabay ganun parang aba panung nangyari yun?! Pero oks lang yun, understanding naman ako eh. Kung indi din sila nagpursige sa pagta-trabaho, indi nila kami mapapagtapos lahat. Pa-bonus ko na lang sa kanila yung mga medal ko, kung nasasangla nga lang sana ang mga ito hehe.

Nung hayskul, mejo humirap ang kumpetisyon. Nakakasama pa rin ako sa mga top chorva pero indi nako nakakapag-uwi ng bacon. Puro pampalubag loob na lang na “buti nga napasama pa eh.” – mga ganun. Okay lang naman yun diba?

Nung college, indi rin ako nakaligtas sa curiousity stage na tinatawag nila. Natengga rin ako pansamantala dahil nga sa pagte-testing ng decision-making ko sa buhay ko. Malay ko bang ganun ang mangyayari diba? Shempre naman tao lang ako (parang ang bulok ng dahilan ko hehe…), panu ko malalaman yung tama kung indi ko mismo naranasan ang mga ito diba? Nasa sa atin naman ang sagot sa mga tanong eh. Malaking factor pa rin ang guidance ng pamilya at faith kay Lord para malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Kahit nung lumaki na ko (yung tipong pwede nang magpamilya), sinasabi pa rin sa kin ng kapatid ko na spoiled daw ako.

Anu bang meaning ng spoiled?

“Having the character or disposition harmed by pampering or oversolicitous attention.”

Iniisip ko kung alin sa mga nauna kong niwento at kung saang parte dun makikita na spoiled brat ako.

Meron ba? Parang wala naman diba? Parang mas lamang pa na kulang sa atensyon kesa sa spoiled chorva. Pero indi rin naman kasi nandyan ang mga kapatid ko at kahit papano, nagkikita pa kami nina mama kahit nung nasa Saudi pa si papa.

Indi naman kami mayaman.

Saang bagay naman kaya ako pwedeng sabihang spoiled?

Siguro yung pagiging bunso, yun na siguro ang basehan nun.  Para sa’kin, may freedom lang na mag-decide para sa sarili. Dun lang siguro nila ako inispoil. Napasobra nga lang talaga kasi kinarir ko naman ng todo.

Mas lamang pa rin ang pagiging thankful kesa galit o tampo. Marami kasi akong natutunan along the course. At kahit mas madalas na wala sila nung time na yun. Ramdam ko pa rin yung love ng pamilya…ng magulang sa anak. Mahal ko sila kasi kahit mahirap, indi sila sumuko at indi nagpabaya. Isa yun sa maraming bagay na hinahangaan ko sa kanila. Nasa puso ko kahit saan ako mapunta.

Siguro nga spoiled ako.

Spoiled na pala, indi ko lang mashadong napupuna o iba lang talaga ang depinisyon nito para sa akin. At kahit na anu pa ang kinalabasan ng mga nangyari, it’s meant to happen. Walang sisihan.

Lab yu Ma….Pa. 🙂

SANDAANG PASASALAMAT!

 

thanks1 

Wala talagang kasimbilis ang panahon. Anim na buwan na pala mula nang magsimula akong mangarap na magkaron ng sariling blog at maibahagi naman sa inyo ang ga-butil na talento ko sa pagsusulat pagwewento. Sinimulan ko ito sa pagbubukas ng tindahan kasama ng mga kaibigan. Ito ang naging isang paraan para maibahagi namin ang iilang kalokohan adventures na nangyayari sa amin dito sa Dubai. Muntikan ko na nga silang indi maipakilala sa inyo, pero naihabol ko pa rin ang mga tambay (gustu ko silang maalala ng ganito.). Kung paanu kaming nagsimula, ang ilang bahay na natirhan at kung sinu-sinu ang mga naging kaibigan namin.

 

love-wallpaper

 

Kasama na rin sa mga nai-blog ko ang iilang mga wentong pag-ibig. Merong nasama sa love adik chart, may iba samin na nahanap ang destiny, mga tanong na mahirap sagutin. Kung curious kayo sa itsura ng totoong confused sa pag-ibig sana naliwanagan ko kayo. Nakuha ko pang makagawa ng poem para sa lablayp ko naks. May request entry pa na pasikret ang dating pero obvious naman at ang mga kamias moments na tulad nito.

 

friendship

 

Naalala ko pa sa naging samahan na ito, indi nawawala ang mga inuman, lasingan, asaran, soundtrip, kulitan, sawayan, at yung mga pinakaaabangang weekend. Pasalamat na nga lang at yung nag-iisang bouncer namin noon e pasensyoso. Yung kantahan-trip nung gutom at naiinip, Ang wento nung indi nag-ingat si Pao sa keps na may ipen, at pangwewelkam sa bagong tambay na si Kirk.

 

04birthday

 

Mawawala ba naman ang mga bertdeyan? Nangunguna dyan yung pa-sorpresa  epek na naganap sa lab birds na sina Ivan at Tiff,  shempre pagtapos ng sorpresa…babawi naman nung nag-ratsky kami. Ang controversial berdey ng bouncer, at nang iselebreyt ang special siopao ko nung National Siopao Day.

 

hmmm

 

Nakatulong din ang blog na ito na mailabas ang iilang sentimyento ng puso ko. Unahin na natin sa monster na ‘to nung mga panahong nahahayblad ako sa kanya. Pati ang epidemya ng sakit sa bangs na-ispred ko din dito. Nung minsang nitry kong bilangin ang taon kung ganu na kami katagal ng mga fwends ko. Ang mga kababata sa David Street. Ang nilalaman ng diary ko. Ang sapilitang pirmahan ng kontrata. The battle of two prinsesitos. This wentong malaman palaman. Nung inire ni Victoria ang babies namin ni Mine. Ang mga koleksiyonez ko na kala mo marami hehe. Ang paghuhurumentado ng dibdib ko sa sinulat mo (ampness talaga). Ang paglalahad ng iilan sa mga kaadikan ko. Konting patawa side by side. Ang wento ng nakaraan at kamusmusan. Pati kung san kami pinaglihi ni mama. Ang wento ng puso ko. Ilang pang-aasar. Ang una at pangalawang beses na pagbalik ng salon. Ang wentong handog ko para sa mga Alagad ng Bading, Minsang naging insomniac din at ang I love October.

 

missed

 

Kapag malayo sa mga mahal sa buhay, marami tayong mga bagay, tao, hayop at lugar na nakakamiss. Pati kasal ng dear fwend ko namiss ko na rin sa tagal ko dito. Shempre pa, mawawala ba ang mga ka-tambays namin ni Mine sa David?

 

free_music_online

 

Sa sobrang pagiging adik ko sa music, ang mga LSS ko indi rin nakaligtas tulad ng every little thing ng Dishwalla, ang pagkawanggawa na mp3 freebies, ang idol kong si Sungha Jung na astig mag-gitara, yung kulang na lang luha, upuan at lubid na LSS ni Heather Headley, at nung nahalukay ko sa tulong din ni Peebee ang ube lumang baul na kanta.

 

247

 

Kasama na rin siguro sa pagba-blog na sa dami ng mga nadadalaw at nabibisita mong bloggers, natututo ka sa eksperyens ng iba. Matutuwa sa mga wento at magbubukas ng isip mo sa iilang bagay lalo na sa buhay. Isa na rin dito ang pagbabago ng tema at direksyon ng blog ko. Sinimulan ko yun, nung lumipat ako. Kasama na rin dito ang iilang wento ng pagsuko. Nang magdesisyon akong umalis. Ang koneksyon ng ulo at ng plastik. At ang pagseselebra ng aming sampung taon ni Mine.

 

lessons

 

Gayunpaman, sa dami ng mga kalokohan, meron pa ring panggising, yung kahalagahan ng buhay, ang pera at dangal, respeto, pasensyang biskwit, forgiveness, kanin krisis, galit, pag-save kay mother nature, ang katotohanan sa likod ng Friday da 13th, ang payo sa mga epal, para sa mga may reklamo sa buhay, mga inatake ng pag-ibig, sa mga nakakamiss maging bata. Ang katotohanan sa likod ng pagiging KJ. Ang mga bagay-bagay na dapat malaman. Ang sentimyento ng mga may balat down there at ang mga wentong cheese.

 

100th_birthday_cake

 

Anim na buwan.

Isang daang wento.

Sa isang trusted blogsite.

Indi ko alam kung hanggang kelan tatagal ang blog na ito. Sa buhay naman walang kasiguruhan. May mga dumarating at umaalis sa buhay natin, tulad ng maraming bagay. Mananatili ako rito hangga’t may wento, hangga’t may mga ideyang pwedeng i-share sa inyo. Tuloy-tuloy lang, basta’t may internet connection hehe at nandyan kayo na magcha-chaga sa mga anik-anik na maisip kong iwento.

 

gratitude

 

At kung mawala man ako ng ilang araw o linggo…wag mabahala. May pinagkakaabalahan lang pero magbabalik naman ulit. Naka-recharge na at masasabing nakakahinga na rin ng maluwag. Masaya na ulit tulad ng dati. Babalik ako para iwento ko ito sa inyong lahat. 🙂

 

abcdef1