Tiwala

Ay parang power cause it comes with great responsibility. Ang tiwala, katulad ng pasensya ay hindi nabibili sa pinakamalapit na suking tindahan. Hindi ito napapanalunan sa mga palarong scratch to win, hindi rin nakikita sa likod ng tansan, o nahahanap sa loob ng supot ng paboritong chichirya.

Malinaw na hindi ito nakukuha ng ganun-ganun lang o kahit sa isang pitik lang. Pinaghihirapan ito, pinagta-trabahuhan ito at binibigyan ng importansya kase hindi biro na ipagkatiwala ang tiwala.

Pag ikaw ay pinagkakatiwalaan, ibig sabihin eh isa kang mapagkakatiwalaang tao (ahehe, parang ginugulo ko lang eh…)

Kung gustu mong makuha ang pagtitiwala ng magulang, dapat matutunan mo rin ang mga bagay na gustu nila na gawin mo bilang isang anak.

Ang pagiging masunurin at responsable. Oo nga, dapat na alagaan ng magulang ang kanyang mga anak pero tulad ng ibang magulang meron din silang goal na mapabuti ang mga ito kaya’t kailangang magdoble kayod. Kaya bilang anak, hindi ba’t napalaking bagay kung hindi ito magpapasaway at mas maigi kung tutulong pa ito sa gawaing bahay, mag-aaral ng mabuti, tutulong sa pag-aalaga sa mga kapatid at kayang pagkasyahin ang baon na ibinibigay sa kanya. All in all, ang kapalit ng pagiging mabuting anak ay sandaang porsyentong tiwala plus-plus-plus pa. Hindi nga lang biro ang sakripisyo na ito pero believe me, it’s worth it.

Sa kaibigan. Madalas, may mga personal na isyu tayo na mas nasasabi natin sa mga malalapit na kaibigan kesa sa pamilya. Na sila ang mas madalas na nakakakilala sa side na ito ng ating pagkatao. Kapag mas nakakapag-open up ka sa kanila, sandaang porsyento ng tiwala ang ibinibigay mo sa kanila at alam mong ang mga ito ay seyp sa kanila at sila ang huling taong ie-expect mong maglalaglag sa’yo kahit sa gitna ng kagipitan. Hindi biro ang tiwala na pwede mong ibigay sa kaibigan lalo na’t parang higit pa sa magkaibigan ang turingan n’yo.

Sa ibang tao at ibang pagkakataon. Kung minsan, sa walang kadahilanan at pawang instinct lang…may mga tao kang makikilala na makakagaanan ng loob mo to the point na komportable kang sabihin ang mga personal na bagay sa buhay mo. Walang nagkaka-award ng Instant Tiwala, depende pa rin ito sa personalidad at sa paraan ng pakikisama bago mapagkatiwalaan.

Malaking bagay kapag ikaw ay mapagkakatiwalaan. Ibig sabihin, nakikita ito sa personalidad at kapasidad na tumanggap ng mga ideya at opinyon ng may malawak na pang-unawa. Alam mo ang kahalagahan ng privacy ng ibang tao at itago ang ilang bagay na hindi naman kailangang malaman pa ng iba. Alam mo rin ang limitasyon mo sa isang sitwasyon, kung kelan dapat at hindi dapat na isali ang isang bagay sa sitwasyon kung saan alam mong ikaw lang ang nakakaalam kasi mawawala ang kredibilidad. Pag nangyari ito, pag-iisipan ka na hindi pala pwedeng ipagkatiwala sa’yo ang ilang bagay na ito kasi capable kang magsalita lalo na pag nagkaron kayo ng hindi pagkakaunawaan ng taong yun na minsang naging malapit sa’yo.

Ang tiwala katulad ng pakikipagrelasyon, para rin itong salamin. HIndi ba’t maganda siyang makita na maayos at matiwasay sa kinalalagyan? Dahil sa oras na ito ay mabasag, hindi na ito maibabalik pa sa dati kahit pa ano ang ipangdikit dito.

Hindi dapat gawing biro ang paglalaro sa mga ganitong sitwasyon dahil ang mga bagay na ito kapag tuluyang nasira, para ka naring nasunugan. Lahat matutupok Walang ititira kahit isa. At kung maibabalik mo man ito, kakailanganin mo ng panahon. Maaaring maibalik man ito pero kulang na at hindi na rin katulad ng dati.

Kaya’t sana, wag nating iisantabi ang bagay na ito. Hindi lahat ng oras magagawan ng paraan ng atorni mo ang lahat ng pagkukulang na nagawa at kaya ka nitong maabswelto. Minsan, kailangan mo ring harapin na sa totoong buhay, nasisira ang mga relasyon. Nagkakahiwalay ang mga matatagal na pagsasama. Nasisira rin ang matibay na samahan at lumilipas ang panahon na makakalimutan na rin ng mga ito na isang araw naging mahalaga ang mga taong ito sa buhay mo dahil na rin sa sariling kapabayaan.

“The key is to get to know people and trust them to be who they are. Instead, we trust people to be who we want them to be- and when they’re not, we cry.”

Aling Baby

Advertisements

UWIAN NA!!!

 

Alam n’yo ba na ang bakashun minsan sa isang taon ang isa sa pinakamalaking highlight naming mga nasa ibang bansa? Taob ang ilang mahahalagang okasyon pag ito na ang pinag-uusapan. Kaysarap sa pakiramdam pag alam mong makakauwi ka kahit ilang linggo lang sa lupang tinubuan para makasama ang mga mahal sa buhay at makapagpahinga na rin kahit papano.

Pero sa tuwinang darating ang panahon na ito, ang isa sa pangunahing pangangailangan ay ang datung. Naman. Ang proseso nito mula sa pagpa-plano ng petsa, pag-aasikaso ng tiket, kargo padala hanggang sa pocket anda pauwi ay indi biro.

Para po sa dagdag kaalaman ng iba, may kahirapan ang pagbuo ng planong ito sa nakararami lalo na kung indi naman kalakihan ang kinikita sa ibang bayan. Pahirapan nang masasabi, mabuti na lang at likas sa ating mga Pinoy ang pagiging maabilidad kung kaya’t nakakaisip ng ibang paraan para lang maging posible ang mga bagay na imposible.

Indi biro ang manirahan at manilbihan sa ibang bayan. Isang malaking sakripisyo na ngang matatawag ang mahiwalay sa mga mahal sa buhay pero ito rin ang siyang nagbibigay ng lakas ng loob para ituloy ang laban. Sabi nga ng matatanda, “Pag may tiyaga, may nilaga.” Kaya kahit na mahirap at hirap, napapagaan ito ng pang-unawa, pagkalinga, pag-aalala at pagmamahal na ipinaaabot ng mahal sa buhay sa Pilipinas. Maliit na bagay nga lang ito pero ang para sa aming nasa malayo, gamundo sa pakiramdam ito.

Likas na kasi sa ating mentalidad na kapag nasa abroad ang isang tao, pagtatak pa lang ng entry stamp sa passport ng bansang pinuntahan, para bang kasama na rito ang isang milyong salapi, bahay at lupa, magarang sasakyan at napakalaking sweldo. Ang tingin sa’yo ng lahat ng naiwan mo sa Pinas – – mayaman. Oo, mayaman ka nga. Mayaman ng isang entry stamp sa kanilang lahat at ang stamp na yon ay nagkakahalaga ng milyones – – – kung nabebenta nga lang ito.

Indi na siguro natin maiaalis ang mentalidad na ito sa ating lipunan. Kailangan na lang natin masanay at maipraktis ng maayos ang arte ng isang mayaman (If you can’t beat them, join them.), kase pag sinabi mong inde mas lalo silang maniniwalang mayaman ka. (Diba, walang kawala?)

At dahil dito, kahit mahirap, pipilitin mong makapagdala ng kahit ano para sa buong angkan na singdami ng 5 baranggay ng mga kamag-anak na first time mong makita sa tanang buhay mo na biglang nagsulputan dahil ikaw nga raw ay mayaman na. 🙂 At yung mga not-so-friendly sa’yo’y biglang naging bestfriend ka na lang bigla dahil sa pag-uwi mo. Ito ang ilan sa mga bagay na expected nang nangyayari at patuloy na nangyayari kaya medyo nakakadismaya lang.

Marami rin kasi dito na kahit wala na, pinipilit pa rin kahit na magkandabaun-baon sa utang, mapangalagaan lang ang reputasyon ng pagiging mayaman and all. At sa ganitong pagkakataon, nakakagawa rin tuloy ng mga bagay na indi maganda. Pagbalik tuloy sa ibang bansa, ayun…bayaran ang kaharap.

Lingid sa kaalaman ng marami, mas nangingibabaw para sa amin ang pakiramdam na eksayted kang makita ang mga mahal mo sa buhay. Yung ilang taon na inilagi mo sa malayong lugar, ito na yung panahon na makasama mo sila sa pagkain, manood ng sabay, umaatikabong kwentuhan, ma-update ka sa paglaki ng mga bata, yung mga namiss mong pangyayari, maipamili mo sila ng mga gustu nila, makapagsimba kayong buong pamilya, makapagselebreyt ng isang okasyon na kasama sila, super bonding, mayakap at maramdaman mong ito, nandito ka kasama ng pamilya mo sa bahay na kinalakhan mo, ito ang comfort zone mo yung matatawag mong iyo.

Ito ang dahilan kung bakit ka uuwi. Kung bakit eksayted kang uuwi. Diba?

Kaya’t sana, maintindihan ng lahat na mas masarap sa pandinig ang maalala at alalahanin at indi para ipaalala ang mga pasalubong na huwag itong makalimutan dalhin kasama na ang mahabang listahan ng mga taong dapat na pasalubungan. Kasi nakakasira ito ng excitement. Pramis.

Kaya eto nga, indi pa redi ang bagahe ko…meron pa kong ilang araw bago umalis. Alam ko malapit na malapit na pero indi ko na mashadong inaantay kase mas lalong nagtatagal eh. Eto ang unang beses na uuwi ako pagkatapos ng halos apat na taon ko dito, kaya siguradong multi-millionaire na ako para sa mga kachokaran dun sa kanto ng David. Well, mahirap na sigurong alisin ang mantsa na ito sa Pinoy Culture. Mahirap nang tanggalin ang permanente na pero pwede pa rin naman nating ipaliwanag ang ilang bagay na mahirap ding itanggi….ang katotohanan, diba?

Yun lang! 🙂

 Aling Baby

Pasispas plis…

 

Paalala: Minsan, mas nakakatulong kapag nailalabas mo ang ilang bagay na nagpapabigat sa isip mo at ito ang isa sa mga paraan na alam ko. Magpakainosente man si Friend habang binabasa niya ito…wala na ko magagawa. Gustu po sana ni Aling Baby sumigaw kaso mahina ang boses niya kaya isinulat na lang…

 

Ilang taon na ba ang nakakalipas? 13-14-15 yirs???! Tapos pakiramdam mo iyon pa rin at ganun pa rin ang mga tao at pangyayari nuong mga panahon na iyon.

Ikaw ba si Maruja?

Friend, maghilamos ka na. Tapos na ang pananaginip. Idilat mo na ang mata mga mo para makita ang katotohanang lagi mong dinededma.

Eto na yon. Year 2010 na…iwanan mo na ang dekada nobenta dahil isa na lang itong alaala….

P L E A S E   L A N G !

Oo na, andun na ko…masaya ang magreminisce, lalo na kapag kumpleto ang tropa. Para n’yo na ring binyahe ang lahat ng pangyayari nuong kabataan n’yo at kung gaano kasaya ang byahe na ito.

Oo na, agree na ko na malaking factor ito kung anu na ang buhay natin ngayon.

Alam ko rin na ang daming lessons ang natutunan natin sa prosesong ito at ito na rin siguro ang dahilan kung bakit naging bato ang paninindigan ko ngayon.

Maraming masaya, OO. Pero aminin natin, marami ring HINDI. Alam mo yan. Alam yan nilang lahat.

Lahat tayo may bahagi sa mga pagkakamali at indi pagkakaunawaan na nangyari noong dekada nobenta. Walang naging santo sa ating lahat. Kaya walang dapat maghugas kamay at iligtas ang sarili sa mga nangyari…kahit ikaw.

Maaaring tapos na nga ito kung pagbabasehan ang mga taon na dumaan. Para sa iba, ok na yun, tapos na eh. Pero nangyari na ang nangyari. May nakasakit, may nasaktan, may patuloy na nakakasakit at merong indi na nakikialam at wala nang pakialam.

Kaya, tigilan na.

Meron bang nagkukwestiyon ng mga naging desisyon sa buhay mo ngayon? Kung ano ang mga bagay na ginawa mo na tingin mong nakabuti sa’yo, GO. Pero indi ito para ipareho sa desisyon ng iba…tulad ng sa akin. INDI TAYO PAREHO. At indi rin ibig sabihin nito na pwede mo nang husgahan ang desisyon ko. Kung para sa’kin indi pa ito ang panahon, ikamamatay ba ito ng halaman sa bakuran nyo? O kahit na ng alaga nyong hayop? Hinde diba? Indi ko kailangan ng mga salitang parang ako pa ang may utang na loob sa iba dahil sa gagawin nila. Buhay nila yan, isama mo na yung sa’yo…ok naman ang mga layf n’yo diba? So, bakit kailangan pang mapasok ang pangalan ko sa kwentuhan n’yo? Mag-iba na kayo ng topic, 2010 na!!!

Ano ba’ng nakukuha ng ibang tao sa madalas na pagpaparti sa buhay ng may buhay? Bukod sa entertainment at masarap pag-usapan….nakakadagdag ba ito sa monthly income nila? O kahit makabawas man lang sa buwis ng gobyerno? INDE DIBA? So what’s the effin’ point?

Let’s put it this way friend para mas malinaw sa’yo…

Kung anuman ang nangyari, tapos na yon. Nasabi at nagawa na ang mga bagay, kahit pa maghangad ako ng ibang imposibleng bagay…para saan pa diba? Time healed all wounds pero mind you, wala akong memory gap. I don’t despise them…even you period. Makita? Makasama? I’ll take a rain check. Indi ito ang dahilan ng excitement ko sa pag-uwi. Indi sila. Yung friends ko, namin ni Mine. Sila ang gustu kong makasama.

And oh by the way, alam kong ikaw ang nagsabi. 🙂 But still you manage to keep it from me. Ang galing. Classic. 90’s na 90’s….walang pagbabago. Keep it up. Yan ang expertise mo eh…acting innocent. Basang-basa na kita more than you’ll ever know, friend kita diba? And that’s what makes it ironic. Kaibigan pa kita.

Haaays, yun lng. Period.

Aling Baby