Ako ay may alaga, Pusang mataba.

October 24, 2011 yun. Nung unang beses ko siyang makita sa yosihan area ng opisina namin. Yung alaga lang kasi nung isang boss-among Briton dito ang madalas kong makasalubong pag lalabas sa back door namin.

Kaya etong si “miming”, nung nakita ko…aba’t di na ko napakali. Kahit kase paya-payatot at balita ko pa na pinulot lang sa gigantic basurahan ng industrial area ni Alex (Briton din) ito kaya napatambay na sa labas ng opisina namin.

Eh di ayun na nga, nung subukan kong lapitan…aba’t lumapit din siya na para bang nagsasabing…”meow-ampunin mo na ko..” Si Mother Cat lang naman ang kilala kong gustong umampon sa lahat ng stray cats na makakasalubong niya sa daan kaya nga minsan may dalang cat food un. Dahil wala naman siyang malaking villa para ilagay sila lahat dun, ayun papakainin na lang niya kung sinong swerteng cat na masalubong niya sa daan. Kaya nga Mother Cat ang tawag ko sa kanya. 🙂

Di naman talaga ako sobrang mahilig sa pusa. Isa pa nga ako sa umaaway sa kanila sa bubungan namin noon. Pero dahil nga kay Mother Cat, I’ve grown to love these furry creatures. And to make the adoption short, inuwi ko si “miming” sa bahay at nag-message lang ako kay Mother Cat na may napulot akong kuting kaya may makakasama na kami sa bahay. Nagulat/natuwa nga siya kasi alam niyang di nga ako ganun kahilig sa pusa.

Dahil nga sa di kami prepared na magkaron ng pusa, di tuloy namin alam kung saan siya ilalagay kaya gumawa kami ng cage gamit ang plastic hampers kasi nga baka magkulit sa loob ng bahay. To our surprise, nung ipinasok namin siya sa hamper…natulog siya na para bang isang buwan na walang tulog. Papano ba naman kasi, sa Industrial area ko siya nakuha, para bang jungle ang pinaggalingan niya kaya expected namin wild talaga siya pero ambait eh at panalo makalambing. Natawa pa nga kami sa kanya nun pagbalik namin galing supermarket (dahil bumili kami ng cat food at kitty litter, o diba excited much.), kasi sa sobrang gutom niya…tinaob niya ang isang lata ng tuna. Literal na maraming gutom talaga. Kaya ayun, pagkatapos niyang lamunin lahat…isinuka niya. LOL.

Yung name niya pala…CHEESE. Na pinag brainstorm-an pa namin dahil ayaw na nga ng common names at yung tipong madali lang tawagin lalo na pag naiinis ka na. Kaya nauwi kami sa one-syllable name na cute pa rin pakinggan kahit galit ka na. Nag-evolve na nga sa Keso, Chicheese, Booger at Skipper ang itinatawag namin sa kanya. Buti nga at alam niyang siya lang lahat yun. Hehe…

Naalala ko nga pala, kaya ayaw ko sa pusa dati ay dahil sa nakalmot ako ng malupit ng pusa namin nung bata pa ko. Kaya meron kami nun aso. Kahit naman nawala na ang phobia ko sa kalmot, nakailan din si Cheese sa’kin. Di ko na mabilang talaga…basta alam ko lang masakit. Nasanay na lang talaga ako.

Ewan ko kung mabilis lang talaga siyang lumobo o at home lang siya sobra sa amin kaya after 18 days nung nakuha ko siya sa labas ng office namin eh naging ganyan na siya kalaki.

Yung dating ingay ng TV at radyo lang sa bahay, nadagdagan ng meow at sandamukal na pananaway sa napakakulit na pusang pag nagtatago naman sa ilalim ng kama, di naman kami magkandaumayaw sa paghahanap.

Pano ka ba naman di matutuwa talaga eh pag may ganyan ka kakulit sa bahay, cguradong hayblad ang abot mo pero at the same time, nakakatuwa nga talaga lalo na pag natutulog.

May ginawa pa kaming photoshoot nyan ah..

May kaagaw na ko sa Chichiryums.

After almost 6 months, parang naihipan lang ng hanging taba at lumobo na nang tuluyan si Keso.

Our Keso. So cute and cuddly.

Pampawala ng inis at minsan nakakahayblad pa rin pero naman sobrang love talaga namin.

Advertisements

Pahinga-pahinga-pahinga…

 

 relax

 

Ang gulo talaga natin noh? Pag sobrang pagod na sa pagta-trabaho o pag-aaral, napapasigaw tayo ng “wala bang bakasyon dyan??!” Para bang kulang na kulang ka sa dalawang araw na magkasunod na walang pasok at nagdadasal kang sana limang araw ang off at tatlong araw ka lang papasok. Amshur, maraming aagree dito. (Sige pag naging Presidente ako ng Pinas.)  Kumusta naman ang payslip at baon mo, eh di kapiranggot din.

Parang ganto yan eh, pag may pasok…gustu mong magbakasyon. Pag mahaba na ang bakasyon, gustu mo nang pumasok. Tsk-tsk-tsk…ano ba talaga, ate at kuya?

Teka, bago ito mapunta sa kung saang-saan…Iwi-WEBAKS ko muna ang sarili ko sa dalawang linggong pagiging bum at sapilitang indi pagbubukas ng blog! (indi ko pala kaya ng sobrang tagal.) Namiss ko kayo…namiss ko ‘to. Ang daming nangyari sa dalawang linggong dumaan.

 

webaks

 

Nung una, pahinga talaga ang nangyari na may konting event nung nag-berdey si Pao sa dalawang venue. Sa NBC Tent at Da Fort Embassy, naks talaga bigtaym. Pero feeling ko lang talaga Birthdays are overrated. Sa atin kasi pag bonggang-bongga ang pagkakaselebreyt mo, pasok ka kahit wasak ang bulsa mo…ayos lang. Mashado nang common ang mga ganun kaya binago lang ng onti. Eh, ang importante naman masaya diba? Thankful for another year kahit na palapit na palapit nang mawala sa kalendaryo ang edad…atlis pwede pa sa lotto at bingo diba? Kalabaw lang ang tumatanda Tito Pao! Haberdey!

Sabi nila, pagkatapos ng saya…lungkot naman. Nagkatotoo nga pero indi ko na idedetalye dito. Basta imadyinin nyo na lang yung eksena ni Judy Ann at Gladys Reyes sa Mara Clara nung naglalaba si Juday at dumating ang bad hair day na si Gladys. Walang kaabog-abog na nakipagtalo ito kay Juday. Indi pa ito nakuntento na nakasampal siya kay Juday, sukat ba namang pati yung huling batch na nilalabhan nito eh (last na nga eh kaya maitim na yung tubig dahil sa mga libag at alikabok.) ibuhos habang pinahihilamos ang mga damit kay Juday? Haaayys, yung pakiramdam ni Juday, ganung lungkot ang dinaanan namin. Pero ayos lang, walang saysay ang buhay kung walang mga ganun paminsan-minsan. Kadalasan, napapabuti pa nga eh.

Sa ngayon, tapos na ang eksena namin ng Mara at Clara. Hindi pa naman mashadong okay pero mas mabuti na kesa dati at bubuti pa sa mga araw na darating. 🙂

Uu nga pala, sa tagal ko nawala ni indi ko man lang natanggap ng persoblog ang award na ito galing kay Kuya Utoy

 

lemonade

 

Salamat Kuya! Ngayon, meron na kong pangkabuhayan showcase kaso lang off peak ang lemonade stand dito sa UAE kasi winter na.

Sabi nga share your blessings diba? Kaya heto ang iilan sa mga hinahangaan kong blogista na gagawaran ko ng award na ito bilang mga blogero’t blogerang may mga asim, kilig at juiciness ang bawat wentong nilalathala nila sa mundo ng blogosperyo. (Bawal ibalik ang award…oks lang walang pilitan dito hehe..)

Zapped (at dahil para kang bula sa blogosperyo…heto sana naman magpost ka na ulit.)

Kirksydney (Eto, tapos na ko sa hiatus mode ko. Nasan kana? Eto ang bagong assignment ko sayo kung nagawa mo na, ulitin mo ulit hehe.)

Nobodysgurl (eow sa baguhang blogista! Bibigyan na kita ng award para lalo kang ganahan sa pagsusulat. 🙂 )

Ana Banana (ang kapitbahay ko sa UAE at madalas maka-plurk.)

Gmac (idol ko ‘to sa photography eh…lam ko meron ka na award pero makulit ako bibigyan pa rin kita hehe.)

Mahalia (sana this time Ate Mahalia, inde na mag-error ang site ko pag niopen mo. Salamat sa pagbisi-bisita ha.)

Libay (balita ko, director ka na daw ah? Napaka-versatile mo talaga. Pang-ilan na ba ito sa award na nakuha mo?)

Utakmunggo (‘tebechay, pang-50th award mo na ‘to alam ko….at dahil sa kakatuwang post mo, eto ang award ko sayo.)

Watusiboy (isang asim award para sa wentong makabuluhan, sana tuloy-tuloy lang ang pagba-blog watusi…tama na ang hiatus mode.)

Kuya Utoy (shempre naman, gusto ko rin bigyan ka ng award na ito pero galing na sakin. Para sa mga stained glass windows + makukulit na captions, recipes at mga wentong nakakaaliw. Keep blogging Kuya! (turuan mo naman kami ng salitang pranses hehe..).

Napa-shortcut yata ako ng konti hehe…

Eto na nagbabalik na ko….

Padalaw sa mga mansion nyo ha!

 

abcdef1