Wehnonamanngayon??

Yan ang sagot ng mga taong walang pakialam sa iisipin at sasabihin ng iba, kung anuman ang gawin nila sa buhay. Sila na. Ang mga walang takot. Walang hiya. At walang pakundangan basta’t alam nilang yun ang makakapagpasaya sa kanila.

Aling Baby: Wehnonamannga…

Ok yun ah. Yung wala kang pakialam. Pero shempre naman, depende yan sa sitwasyon. Laging case by case basis ang pagiging literal na walang pakialam kase may delikadesa silang tinatawag.

Yan yung lagi kong naririnig sa mga oldies. Kahit papa’no naman, magkaron ng konti nito para bumalanse ang lahat. Pwede mo naman kasing wag pansinin ang puna ng iba habang alam mong nasa tamang level ka lang. Alam mo yan.

Wala naman kasing masasabi ang iba kung wala naman ding makikitang pwedeng pansinin.

Ang masaklap dito, lahat ng tao ay entitled to their own opinion whether it’s wrong. Yup. Wala naman kasing makakapigil dito. Kung pwede lang na lahat ng bibig awtomatikong na-zzipper lalo na pag di naman magaganda ang lalabas dito. Kaso hindi. Nasa sa’yo yan kung papatol ka. Papatulan mo. At bababa ka sa lebel nila para magkaalaman na kung sino ang mas balahura sa inyo.

In fairness, para sa akin lang…gusto kong makita rin ng mga ito ang hinahanap nila para malaman na hindi palaging Happy birthday at Happy Fiesta ang buhay. Paminsan-minsan, kailangang maturuan ng leksyon para sa susunod pailalim na silang titira. 🙂

Yung tipong magbubulungan na lang pag lampas mo sa umpukan nila.

Paborito ko ang grupong ito eh. Yung masigabong nagwewentuhan sabay pagdaan mo parang may anghel na nagprusisyon at biglang nasa library na sila. Yes. At kahit na i-deny nila, halata mo talagang may koneksyon sa’yo ang pinag-uusapan dahil, hindi makatingin. Bakit? Busy talaga sa trabaho? Weh, di nga?

Meron nga kaming nakita nung weekend sa isang kainan. Yung dating housemates namin. Malalaman mong nakita ka talaga kase hindi normal na ganun ka-tutok ang mata sa kausap at parang walang nakikita. Alam mo naman siguro ang totoo sa nagpapanggap lang. Isa pa, di naman nila kailangang gawin yun kasi wala rin naman kaming balak makipaghuntahan sa kanila pagkatapos ng mga ginawa nila nung magkakasama pa kami.

Masaya rin naman yung wala kang pakialam. Lahat naman pwede talagang gawin kung ano ang gusto. Basta ang importante, wala kang inaagrabyado. Wala kang tinatapakan. Yung ganun.

At kapag di mo na keri ang mga sinasabi ng iba…maawa ka na lang. Kase, alam nating lahat na walang gamot sa mga taong insecure at inggitero/a’ng tulad nila.

Wag nang patol ng patol. 

Ano ba talaga??

Gusto mo naman pero umayaw ka.

Kaya mo naman pero natakot ka.

Nandun ka na umalis ka pa.

Sinimulan mo na huminto ka pa.

Humakbang ka na umatras ka pa.

Napuntahan mo na naligaw ka pa.

Umupo ka na tumayo ka pa.

Kumain ka na gutom ka pa.

Umalis ka na bumalik ka pa.

Tinapon mo na pinulot mo pa.

Nawala mo na hinanap mo pa.

Nagtago ka na nagpakita ka pa.

Tinanggal mo na binalik mo pa.

Kinalimutan mo na inalala mo pa.

Niloko ka na nagpaloko ka pa

Iniwan ka na tinanggap mo pa.

Lumabas ka na pumasok ka pa.

Ginago ka na niyakap mo pa.

Tinulak ka na sinipa ka pa.

Inapakan mo na dinurog mo pa.

Binola ka na kinilig ka pa.

Sinaktan ka na nakangiti ka pa.

Tumigil ka na ayaw ko na!!!

Maraming tanga at martir sa mundo. Minsan ka nang naging tanga at martir…tama na ang isang beses. Sa susunod na lang ulit. At sa tamang tao naman para indi masayang ang pagod at luha.

Kulang


Ganito pala ang pakiramdam kapag may kulang sa buhay mo. Mga bagay na akala mo simple lang pero napakalaking pagkakaiba kapag wala ito.

  • Parang damit na walang pangalawang butones
  • Pantalon na sira ang zipper
  • Tsinelas na walang kapares
  • Hikaw na walang pakaw
  • Sinturong kulang ng butas
  • Karinderyang walang upuan
  • Yosing walang panindi
  • Rice cooker na walang kuryente
  • Electric fan na walang elisi
  • Bintanang walang harang
  • Gate na walang tarangkahan
  • Bahay na walang pawid
  • Computer na walang monitor
  • Bukirin na walang pananim
  • Palaisdaang walang tubig
  • Aquarium na walang isda
  • Hawlang walang ibon
  • Bahay na walang bubong
  • Ulam na walang kanin
  • Radyo na walang speaker
  • Ipod na walang earphone
  • Extension cord na walang power
  • Ref na walang lamig
  • Planchang di umiinit
  • Cellphone na walang load
  • Swimming pool na walang tubig
  • Nagkakape na walang kasama
  • Ikaw na wala ako

Kung akala n’yo madali lang ang buhay mag-isa, akala n’yo lang yon.

Kaya pahalagahan natin ang mga tao at bagay na nasa paligid natin dahil indi natin alam kung kelan sila mawawala. ‘Wag na nating hintayin yung nakakalungkot na part.

Simple truth: Most of the time, we are the one who makes those simple things seem hard.

BBM night with Ate.

Ballpen

Literal akong tao. Madalas napagkakamalan na weirdo mag-isip dahilan sa kakaibang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Ewan ko sa inyo, pero sa akin, ito ang paniniwala ko.

Hindi lahat ng nakikita mo, porket nakikita mo totoo na ito. Minsan mas maganda pa kumonsulta sa bulag. Baka sila kaya nilang makita ang totoo sa paraan na alam nila kahit wala silang malinaw at kumpleto pares ng mata para makita na ang katotohanan ay indi lang basta nakikita.

Nung nawala yung paborito kong ballpen na alam kong nakalagay sa cabinet sa loob ng bahay, naisip ko, baka naiwan ko ito sa opisina o di kaya nahiram ng isang kaibigan, baka nahulog ng di ko namalayan. Importante sa ‘kin ang ballpen na yon at kailangan ko siyang mahanap.

Sa kahahanap ko sa nawawalang importanteng bagay na alam kong nasa loob lang ng bahay, naisip ko tuloy lumabas at hanapin ito. Hinanap ko sa opisina. Nagtanong ako sa kaibigan. Pinuntahan ko yung mga lugar na madalas kong puntahan. Pero wala. Nawawala na talaga.

Pinilit ko naman hanapin. Pero sabi nga nila, ‘Kung kelan mo daw hinahanap ang isang bagay, lalo itong hindi mahanap. Pero subukan mong wag hanapin at kusa itong lalabas.

Nakakahinayang naman. Ganun naman tayo eh. Human nature na natin ang panghinayangan ang mga bagay kung kelan wala na ito. Bigla kang nagkakaron ng mahabang listahan kung gaano ito kahalaga sa’yo pag alam mong wala na siya. Ngayon mo pipiliting mahanap at makita. Ngayon mo sasabihin ang napakaraming ‘sana’ mo.

Sana rin naisip mo yun ng mas maaga kase walang pagsisisi sa umpisa.

Hinanap ko pa rin si ballpen. Lahat na yata ng kasuluk-sulukan ng bahay sinilip ko na at hinalungkat. At habang isa-isa kong binubuksan ang mga kahon na pwedeng napaglagyan ko nito, nahihinto ako kakatingin ng mga lumang bagay na nakalagay sa mga kahon na itinago ng pansamantala kasi indi naman ito nagagamit.

Sentimental ako, maraming bagay na dapat sana matagal nang naitapon pero pinipilit ko pa rin bigyan ng pagkakataong magamit ulit kaya sila nakalagay dun. Doon ako madalas nagtatagal, dun din nauubos ang oras ko kaya ayaw na ayaw kong magbukas ng mga kahon na iyon kung indi lang ito ganun kaimportante. May mga taong tulad ko, indi ako basta-basta sumusuko sa isang bagay. Pagpasok ng 2011, challenge ko sa sarili ko, ‘To have faith in people.’ Mahirap yun lalo na sa mga taong may trust issues but watdaheck, pwede sumubok. Wala namang mawawala sa’kin.

Indi ko nahanap dun si ballpen pero nakita ko ulit yung matagal ko nang di nakikitang diary ko. Namiss ko siya. Kaya na-divert na naman ang oras ko, nagbasa naman ako. Ganun naman talaga pag nababasa ko yun, parang andun lang ako. Nakakatuwa lang balikan ung nakaraan. Nung simple pa ang buhay. Nung kumpleto na ang araw mo pag makita mo lang ung crush mo at makakwentuhan ang barkada. Tatambay muna ako sa past, pahinga lang bago hanapin ulit si ballpen. Ngayon ko lang na-realize, napakadetalyado pala ng pagkakasulat ko ng everyday event dun. Sayang sana tinuloy ko na lang. Ayan na naman si ‘sayang at sana’.

Pagkatapos ko magbasa, binalik ko na ulit siya sa kahon. Masaya raw balikan ang nakaraan pero indi advisable na magstay dun. Move on na raw. Sa totoo lang, napakahirap gawin nun – ang mag-MOVE ON. Kala mo lang parang natulog at nagising ka lang pero it’s so much more than that. Ilang tulog at gising na pareho ang pakiramdam? At indi mo alam kung hanggang kelan mo uulit-ulitin yon hanggang sa dumating ang araw na gigising ka at wala na ito at ok ka na. Ang hirap kaya. Ikaw kaya, gawin mo.

Maraming nangyari sa paghahanap ko kay ballpen. Sa tagal na ginamit ko siya, dumating ako sa punto at nalito kung ano nga ba ang tinta niya, black o blue? Diba may engraved itong pangalan? Biglang indi ko na matandaan. Minsan akala mo kabisado mo na ang isang tao, bagay o lugar dahil sa dalas nio magkita at sa palagian ka rito. Pero alam mo bang yung labas lang ang nakikita mo? Kung ano lang ang abot ng mata mo. Yun lang. Minsan kasi okay na sa’yo kung ano lang ang nakikita mo at naniniwala ka nang yun na ang kabuuan niya kasi kabisado mo na ito. Ang totoo, marami ka pang indi alam. At malalaman mo lang ang mga ito kapag alam mong parang nawawala na siya at pilit mong inaalala ang mga pagkakataong nakasama mo ito na minsang naging highlight ng araw mo.

Indi pala nawawala si ballpen. Nakalimutan ko lang pala kung saan ko siya nailagay. Magkaiba kasi yung nawawala at nakalimutan. Yung nawawala kasi, pwede mong hanapin kung importante talaga siya at pwede ring hayaan mo na lang mawala kasi pagod ka na sa paghahanap. Pag nakalimutan kasi, nandun pa rin siya sa lugar kung saan iniwanan mo, indi mo lang talaga maalala kung saan pero alam mong nandun pa rin siya.

At pag malapit ka na sa parteng maaalala mo na siya, unti-unting babalik sa’yo ang lahat ng bagay na alam mo tungkol dito. –Oo nga pala, black ang tinta ng ballpen ko kasi ayoko ng blue’ng pansulat. Wala pala siyang engrave kasi ilang beses na nawala ung may ganun kaya indi ko na inulit. Oo nga pala, Parker pala yung ballpen ko kasi yun lang ang kasundo ng notebook na ginagamit ko.

Indi ko pa rin nakikita si ballpen at hinahanap ko pa rin ito. Indi ako susuko. Masasabi kong ginawa ko na lahat ng makakaya ko bago ko tuluyang tanggapin na wala na siya. Kasi makahanap man ako ng bago, alam ko indi ito magiging katulad niya.

*2011.week6

Sakit sa ulo >.<

Minsan pakiramdam ko parang inampon ko lang ang ulo ko.

Kase madalas kami magtalo.

At kapag ayaw niya magpatalo, ako pa rin ang talo

Kase sasakit siya pag indi mo pinagbigyan.

Sasakit siya at indi siya titigil hangga’t di ako susuko.

Napakagaling niya.

Minsan indi ko alam,

Kung siya rin ang nagpapahamak sa’kin

Sa mga desisyon na naiisip niya at sinusunod ko naman.

Ayoko lang talagang lumabas na bias,

Dahil overprotective ako sa puso ko.

Minsan kase wala na siya sa lugar.

Walang isang salita, pabago-bago.

Kahit ganun,

Wala na akong magagawa.

Opposite attracts talaga.

Indi man kami ok,

Indi rin naman kami pwedeng maghiwalay.

Penge na lang ng Panadol/Medicol.