The Others

Naranasan mo na bang Magmahal? Mahalin?

Eh yung iwan? Ipagpalit sa iba? Lokohin? Paasahin?

Uu alam ko, naranasan nyo na’ng lahat yan. Mas grabe pa. Mas masakit pa sa normal na sakit. Mas matagal pa bago nalimutan at natanggap.

Eh, naranasan mo na rin bang maging other person? (Indi yung kabit ha) Yung taong kapag nakikita yung taong mahal nila, sinasabi sa sarili na…”Sana ako na lang. Sana ako naman this time.

It hurts for sure. Ang maging other person. Yung gustu mong isali ang sarili mo sa multiple choice pero indi naman pwede kasi indi naman niya alam (na gusto mo palang sumali). At indi ka rin option para pagpilian. It hurts ulit.

Bakit? Kase ang tingin niya sa’yo, Kaibigan. Ka-tropa, Kabarkada. Indi talo. Least option or not an option at all. It hurts all the more.


Laging emosenti at ang drama ng buhay mo, ‘Waiting in vain’ at ‘Invisible man.’ Puro na lang pangarap at pag-asa na sana mauntog naman ito kahit daplis lang at biglang maisip niya na and’yan ka pala, bagay pala kayo at sana kayo na lang.

Kung bakit pa kase sa dinadami-dami ng taong pwede mong magustuhan eh siya pa.  Yung madalas mong kainisan. Yung madalas na sumisira sa araw mo. Yung taong sinabi mo sa sarili mo na indi mo ever magugustuhan kahit na siya na lang siguro ang natitirang tao sa mundo. Backfired much.

At heto ka ngayon at ang dating nananahimik mong buhay. Sa indi malamang dahilan, nasa posisyon ka kung saan wala kang ibang gustung makita kundi siya. Naiisip mo siya kahit saan ka magpunta. Pati sa panaginip kasama ng pag-asa na mapansin naman niya na nag-iiba ang aura mo kapag magkasama kayo o kahit magkausap man lang. Kaso dedma. Wa epek.

Bakit? (Paulit-ulit kang nagtatanong sa sarili kung bakit siya pa at bakit ngayon pa.) Mas mahirap sa pakiramdam ang itago ang totoo dahil sa pag-aalalang indi naman niya matutumbasan yung lab mo sa para sa kanya. At kahit siguro lahat na ng tao pinapayo na, ‘ If you love someone, you say it, right then, out loud. Otherwise, the moment just passes you by.‘ Madali kung alam mo lang sana kung ito rin ang nararamdaman niya para sa’yo. Eh pa’no kung indi? Matagal ka na nga nasasaktan ng palihim tapos pati personal masasaktan pa rin?

Kung bakit ka nasasaktan ng indi mo alam. Alam mo pero indi mo ma-explain. Can’t seem to find the words, wala sa dictionary at indi kayang sabihin kundi mas madali kung kaya ma-interpret yung feelings — emotions. Alam mo ang sagot (which is siya nga), pero pinipilit mo ang sarili, sinasabing wala ibang dahilan. Kaya mas lalong masakit.

Ang unfair diba? Kung sino pa yung gusto mo, siya pa yung inde pwede. Indi maaari at suntok sa buwan. Laging may dahilan. Laging may rason — na mahirap maintindihan. Samantalang may mga taong naghihintay lang na mapansin natin. Kasing level ng feelings natin dun sa taong gusto natin.

Bago ka pa magtanong kung bakit indi pwedeng, pwede na lang — sasagutin ko na ng ‘Ganun talaga yun.’ Kasi that’s how it works. Indi ito kasama dun sa quote na ‘The best things in life are free.’ Kasama ito dun sa kailangang pilahan at bigyan ng bonggang-bonggang effort.

Sa palagay mo kaya kung tatayo ka lang dýan at maghihintay na mapansin ka, may mangyayari? As in? Good luck, Juan Tamad. Uu na, nakakatakot mag-risk. Ayaw mo ma-reject? Wala kang guts? Pwes, magdusa ka.  Mabubulok at mapapanis ka na lang dýan sa pag-aantay.

Kahit minsan ba, indi mo naiisip na gawin in ‘anu-kaya-way?’

Anu kaya kung sabihin ko na? Anu kaya kung aminin ko na? Anu kaya kung tapatin ko na? — Pwede diba? Risky pero at least indi ka na magwa-wonder forever kung anu nga kaya kung nasabi mo at nalaman niya ang totoo at NAGING KAYO? Nice noh?

Pero shempre, indi naman lahat nauuwi sa happy endings eh. Meron pa ring instances ng rejection. Masakit pero mas madaling matanggap kase nalaman mo pa rin ang totoo at mas madali na rin para sa’yo ang magsimulang tanggapin ito at mag-move on. Indi na kailangan pang masayang ang panahon mo sa paghihintay at pag-aasam.

Gaya nga ng sabi ni Kuya Bob Ong, “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.” — Kaya wag na magpaka-OTHERS, galaw-galaw!!

🙂

Advertisements

Dedma?

Dahil sa panahon ngayon kapag indi kayang sabihin ng direchahan ang isang bagay o ang nararamdaman, pwede mong daanin sa ibang paraan tulad nito…

Itong wifi connection ko laging nawawala. Minsan nga indi ko na siya pinipilit eh. Kung kelan ok na kung ayaw niya, ayun saka naman siya babalik. Ang gulo niya. May attitude siya. Feeling ko tuloy pinagloloko niya ako eh. Kase kung nagbabayad naman ako monthly, dapat maisip niya na loyal ako sa kanya at indi magbabago ang isip ko na lumipat sa iba. Kaso lang, ano ba’ng alam niya? Isa lang siyang connection, pwede ring mawala. Pero naalala ko, ako nga pala ang nagpakabit sa kanya. Ibig sabihin, ako lang pala ang pwedeng maging rason ng pagkawala niya.

Saya =) / Lungkot =(

 

Sabi nila kapag daw masaya, ang kasunod palagi nito malungkot. Tapos pag malungkot ka naman sobra after sometime sasaya ka naman.

Baliw lang?

Ang kaibahan lang ng baliw at normal, ung gap between the phase. Diba?

Ang thinking kasi natin once na sunud-sunod ang saya mo, yung para bang narating mo na yung (feeling mong) tu da maks na saya, bigla ka na lang matataraugan at sasabihing, ‘Uy, wag daw mashadong masaya…iiyak ka nyan bukas sige ka.’ Tapos yun nga, after some time mararamdaman mo na lang na bigla kang masusuot sa isang sitwasyon na talaga namang kalungkot-lungkot.

Nakakainis, para ka lang ginagawang baliw. Indi ka naman pwedeng humirit na i-extend yung happy moments na yun at iready ka man lang sa panibagong phase para naman indi ka mashadong nabibigla. Kahit warning signs.

Pero pwede ba mag-request? Pwede ba mamili lang ng isa?

Parang pwede.

Parang may option button tapos hulog ka na lang ng coin.

Pero inde.

Indi pwede. Wala tayong control over these things and that’s what makes it unfair.

Gustu mo magreklamo?

Wag na. Mas mabuti pa siguro na ituloy mo na. Kumbaga sa alay-lakad, lakarin mo na tutal anjan ka na. Kahit nakakapagod at parang ayaw mo na ituloy, baka kasi worth it yung destination. Baka meron dun grand prize na ticket sa bus para di ka na ulit maglalakad pauwi. Baka andun yung sagot na hinahanap mo. Baka pagkatapos ng mahabang lakaran, pwede ka rin namang magpahinga.

Maraming ‘baka’at siguro. Wala pa ring kasiguruhan. Wala bang clue man lang? or due date kung kelan matatapos? O kung matatapos ba’ng talaga?

Parang ang OA naman kase. Gusto mo lang naman maging masaya, kailangan pang dumaan sa mga obstacle. Kailangan pa mamimili lang ng isa. Pag pinili mo naman lahat, abuso na agad. Pag ayaw mo mamili, martir ka. Pag isa lang, pa-humble ka. Anu ba talaga?

Naguguluhan ka na ba?

Ganun naman yata kasi talaga. There’s a time for everything. Parang mas OA ang buhay mo kung palagi ka nalang masaya, much worse kung lagi ka ring malungkot. Kailangang mabalanse mo ang mga ito. Wag kang hihinto. Wag kang susuko. Wag kang magtatanong kung bakit kasi saýo rin babalik ang tanong na yan. Ikaw rin ang hahanap ng sagot base sa signs na makikita mo along your course. Pwedeng thru friends, circumstances, bagay o kahit ano na may kabuluhan sa buhay mo. Wag nating sayangin ang oras sa pagtatanong, you have to learn to read between the lines, baka meron siyang message na gustung iparating saýo. Baka (pero di sigurado) pag nakita mo na ito, pwede ka na ulit maging ok.

Ang buhay paikot-ikot lang. Kailangang marunong kang sumabay. Magaling kang dumiskarte. Kase pag indi, tatangayin ka nito at kung ikaw ang tipo na madaling matangay, ikaw rin ang mahihirapan.

Pero dapat din nating malaman na ang happiness ay indi isang premyo na nahahawakan. It’s just a state of mind. Pwede tayong maging masaya in our own little ways. Meron lang kasing mga taong magarbo ang imagination kung ano ba talaga ang happiness na hinahanap nila.

Sana pagkatapos ng lungkot at saya meron ding pahinga.

TH ka ba??

Tamang hinala.

Yan ang malimit gawin ng mga taong mahilig mag-isip ng mga bagay-bagay para mabigyan ng malinaw na eksplanasyon ang bawat pangyayari nang indi na kailangan ng kumpirmasyon sa paniniwala na ang mga tamang hinala na ito ang tamang sagot.

Kung ang imahinasyon mo ay mas grabe pa sa normal, pwede ka nang makabuo ng isang plot kung saan pati ang mga dialogue at eksena ay nabuo mo na rin sa pag-aakalang ito na nga ang buong istorya ng sitwasyon.

Kung merong mga magaling magdrowing (tokshits), meron ding kumakarir sa mga pagtatamang hinala o para sa iba, ‘the quick brown fox jumping into conclusions.’ talaga.

Sabi nga nila, bago mag-assume dapat magtanong muna pero para sa mga TH, wala na silang panahon para magtanong. Basta’t makakuha lang ng konting impormasyon, tama na ito para makabuo ng kwento na sila lang ang mismong pwedeng magsabi ayon sa kung ano ang gustu nila.

Nangyari na ba ito sa inyo?

Human nature na raw ang pag-aassume at kung madalas na nagkakatotoo ang mga hinala mo, malamang gawin mo na ngang habit ito sa lahat ng pagkakataon.  Pwedeng pakiramdam mo sa sarili mo, descendant ka ni Nostradamus at malayong kamag-anak mo sina Madam Auring, Madam Rosa at Jojo Acuin, kaya ishe-share mo ang talent na ito para hawaan ang mga tropa mo para lahat kayo tamang hinala na rin.

Ang pagiging TH pag sinamahan mo ng pagka-OA ay sadyang nakakasama sa kalusugan. Lalo na kung ikaw ang tipo na madaling maapektuhan sa maliliit na bagay na nangyayari sa paligid mo. Lalo pa nga kung meron ka pang trust issues. Pakiramdam mo tuloy, kabisado mo na ang galaw ng mga tao at indi mo na sila mabigyan ng pagkakataon na itama ang mga hinala na ito. At kahit na alam mong mali, patuloy ka pa rin sa ganitong gawain.

Ang mga TH na ayaw makarinig ng negative na sagot, o di kaya eh natatakot  magtanong at alamin mismo sa tao kung ano nga ba talaga ang gustung malaman at nakukuntento na sa sariling sagot at aasa na sana tama ang hinala nito.

Pero mali ito.

Indi mo pwedeng gawing dahilan ang mga hinala na ito para solusyunan ang isang isyu na pwede namang daanin sa mas madaling paraan — to communicate at bigyan ng pagkakataon na iwasto ang mga ito sa paraan na malilinawagan ang lahat. Di naman maiiwasan na makarinig ng negative answers at indi rin sa lahat ng pagkakataon, puros magagandang sagot ang makukuha natin. Napakabigat man ng salitang ‘acceptance’ na malimit kontrahin ng denial, ito lang ang paraan para malampasan ang isang sitwasyon nang indi na kailangan pang palalain.

Indi naman kailangang maisakripisyo ang pagkakaibigan sa mga maling dahilan. Kung minsan nabibigyan ng kulay ang mga bagay nang indi natin namamalayan. Ang totoong intensyon ay indi kailanman kayang sirain ng maling interpretasyon. Sana gawin natin kung ano ang nararapat.

 

I’m Back! :)

Ang post na ito ay para sa iyo, kung sinu ka man na nagtatanong kung kelan ako babalik. 🙂 ‘Naging busy lang for the past month kaya indi nakapag-update.’ (nag-eexplain?)

Dahil likas na saken ang pangengelam ng kung anu-anu, i came across a lot of situation. Gusto ko lang i-share sa inyo ang iilan sa mga ito na nangyari for the past month. (Reminder, i don’t intend to mock their situation. Makikiopinyon lang ako since we are all entitled to it and I just want to make it clear, this is in general speaking.)

Marami sa atin ang gagawin ang lahat para makuha ang gustu. Ika nga ‘nothing is impossible with a forcive will.’ Sa sobrang focused natin sa bagay na ito, nalilimutan natin ang ilang mahahalagang bagay sa pagkamit nito. Tulad ng sa paraan kung paano ito makuha. Kadalasan, naooverlook natin ang feelings ng iba at ang moral values. Indi naman natin masisisi ang mga ito na maghangad ng mga bagay na makakatulong sa pag-angat. We all have our secret fantasies at nagkakataon lamang na para makuha ito, you have to do whatever it takes even if it would cause us too much.

Ang tanong dito: is it worth it? Shempre di ka lang naman basta magde-decide na gawin ang isang bagay kase feel mo lang. You have to consider a lot of things especially if a lot of people (close to you), circumstances at situations ang involve. Di mo pwedeng i-assume na ok lang sa kanila ang lahat ng gagawin mo kase they love and care about you. Somehow, take it into consideration pero indi naman palagi. Kase kung confident ka naman na everything will work out fine then do it than ever wondering what might have been.

Meron pa ngang mga adventurous na tao who dared to do the impossible. Just to have fun. Just to try something new. They cross the wire and tend to break the rules or bend them as they please. – – scary.

Ok lang naman to have fun. Lalo na if you’re single at wala kang masasaktan in the process. Most people say it’s human nature. At wala lang daw kase it’ll soon pass. Kaya lang, panu kung may mangyari like one of you took it seriously? Di’ba problema yon? Diba simula na yon ng sunud-sunod na pangyayari that might cause hurt? Kaya nga dapat habang maaga pa, do the right thing. Wag na nating hintayin na may masaktan. Dahil kahit kailan, indi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. Masaya ka man ngayon pero hanggang kailan?

Kung merong full of hope, meron din namang hopeless in relationships. Dati, indi ako naniniwala na may mga taong hopeless because of their failed relationships cause they’ve been badly burned and they’re considering living alone for the rest of their lives.

Naisip ko lang, ganun siguro siya ka-painful para indi mo na maisip na may darating pa sa buhay mo na way much better than him/her. May mga kakilala rin kase ako that was in a relationship for more than 5 years and didn’t work out tapos yung sumunod na naging karelasyon nila, yun ang napakasalan. May mga tao na kaya mag-move on at meron ding indi kasi ayaw na. Life has to go on. Sabi nga, ‘Don’t worry about the people in your past. There’s a reason why they didn’t make it to your future.’ At kahit ano’ng gawin ng mga tao sa paligid mo to constantly remind you to go on kung ikaw mismo ang may ayaw, it won’t work. It’s never too late to do something. There are 8 billion people in this world and all you have to do is move your ass and find yourself your own reason to live a full life.

Walang permanente sa mundong ito. May mga bagay na kahit hawak mo na, dumarating din ang oras na mawawala rin ito. Sad but true. Pero di naman natin kailangang maging malungkot para rito. Kadalasan ng mga nangyayari sa buhay natin, may dahilan kung bakit ito nangyari. Pwedeng indi talaga ito para saýo. Pwede ring magiging mas masaya ka sa kapalit nito.

Lagi kasi natin iniisip na pinapabayaan tayo ni Kuya Josh sa mga panahong tulad nito. Pinaparusahan o binibigyan ng matinding pagsubok. Kapag ikaw ang nasa sitwasyon, pwede kang panghinaan ng loob kase bakit ikaw, bakit ngayon pa? Sa maniwala ka’t sa indi, may expalanation sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin. When we go through all the pains and hardships, yung paraan na lang nito makikita mo na. You just have to open your heart and mind to it. Kung indi tayo lagi nakafocus sa mahirap at masakit at depression. When we think that it’s just God’s way of reminding us of things we tend to forget. Alam naman natin ang solusyon sa problema natin, we just can’t accept the fact na ito yon and there’s no other way and still we find the easiest way out. Walang shortcut. Asa ka pa.

Walang tanong na walang sagot. Maliban na lang kung ayaw mo ng sagot (lalo na kung ung sagot na indi pabor saýo).  Pwede rin naman na wag mo nang sagutin at d’yan ka na lang sa maling kinalalagyan mo, if you choose to learn the hard way. Kanya-kanya tayong choices at walang sinuman ang pwedeng gumawa ng desisyon mo sa buhay except you. It may be best for you now, but not for long.

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.” – Bob Ong

Aling Baby