Naniniwala ka ba dito?

Lumaki ako sa pamilya na naniniwala sa mga pamahiin. Masipag si mama sa pagpapaalala sa amin araw-araw. Kaya naman nakasanayan ko na ang mga ganitong paniniwala at tumatak na ito sa isip ko. Wala na ko choice eh at indi ko naman maiwasang gawin kasi awtomatik na kong umiiwas sa mga ito. Ganun talaga siguro pag nakasanayan mo na ang isang bagay. Isa pa, lagi sinasabi ni mama na “Walang mawawala kung susundin natin.” Oo nga naman, may point siya dun. Kesa naman lagi masermunan at mapagalitan, sumusunod na lang din at minsan nakakaguilty rin kasi pag sinuway mo kahit na indi niya nakikita eh. Para bang kinakalabit ka ni safeguard (ang iyong konsensya) hehe..

Amshur ay alam ninyo ang ilan sa mga pamahiing ito. Silipin nga natin.

Sa kusina at hapagkainan

  • Masama raw kumanta habang kumakain, kasi indi raw ginagalang ang grasya.
  • Ang pagsusuot ng sombrero habang kumakain ay indi rin pagrerespeto sa grasya. (Kesehodang hip-hopper ka o anuman un.)
  • Pag nakapwesto ka na sa mesa at nagsimulang kumain, masama raw kung lilipat ka pa kasi dadami ang magiging asawa. (alam ko pabor ito sa iba hehehe…)
  • Ang pamosong, “Don’t talk with your mouth full.”  Kase baka magtalsikan sa ibang pinggan yung kinakain mo hehe..
  • Masama rin daw na nililigpitan ang mga wala pang asawa habang ito’y indi pa tapos kumain dahil indi na raw ito makakapag-asawa.
  • Pag kumakanta ka raw habang nagluluto ay magkakaron ka ng maraming asawa. (ang weird noh, para kumakanta ka lang eh kung anu-anu na mangyayari sayo.)
  • Kapag aksidenteng nahulog ang kutsara, may darating na bisitang babae. Pag tinidor, ay bisitang lalaki. (Eh pag kutsilyo o kaya sandok noh? Hehehe)
  • Pag nakabasag ng baso, isang badya  ng masamang pangyayari. (Papalitan mo yung nabasag mo hehe..)
  • Sa paghihiwa, pag nahiwa ng kutsilyo…aba mag-ingat ka. may taong nakakaalala sayo matindi. (Malamang ito yung mga taong pinagkakautangan mo.) Ganun din pag biglang nasamid o makagat ang dila. (Ito naman sigurado nabuking na kayo ng mga pinagchi-chismisan nyo.)

Sa Lamayan

  • Hindi raw dapat mapatakan ng luha ang salamin ng casket ng sinumang kapamilya o kamag-anak kasi baka may sumunod.
  • Pagkagaling sa lamay o libing, indi muna papasok sa bahay para daw indi maisama sa loob ng bahay ang kaluluwa ng namatay.
  • Indi rin daw dapat nag-uuwi ng pagkain na galing sa lamayan. (kasi naman indi berdeyan un noh.), masama rin daw yon.

Sa Kung saan-saan

  • Pag nakarinig ka daw ng tiktik ng butiki, ibig sabihin may darating na bisita. (Panu pa kaya pag berdey mo noh? Siguro pagod na ang butiki sa kaktiktik hehe..)
  • Ang paru-paro na pagala-gala sa bahay ay naghahatid ng isang balita o isang dalaw na kaluluwa. (Hala may mumu..)
  • Masama daw yung pag sobrang saya kasi kasunod nun sobrang lungkot. (tandaan mo yan neytan.)
  • Masama din daw yung natutulog ng busog, pagod o lasing (sa Irish beer, Sommer) kasi baka raw bangungutin.
  • Masama rin daw na ang pwesto ng higa mo pag paa ang nakatapat sa pinto. Hindi ko alam pero lagi itong sinasabi sa kin ni mama.
  • Wag daw umalis ng bahay pag Friday da 13th, dahil mamalasin ka raw o madidisgrasya.
  • Pag magpapalit ang taon, mas maigi kung sa bahay ka na lang dahil delikado daw na nasa biyahe ka pa ng oras na yon.

Iilan lang yan sa mga pamahiin ng nanay ko pa lang. Kasi nga ang tatay ko ay silent type (dun ako nagmana eh hehe..), mas madalas si mama ang nagpapaalala sa amin ng mga ito. Pag bata ka pa shempre, pag indi pwede indi mo gagawin. Kaya nga ngayon pag tinatanong nila ako kung bakit, ano namang masama pag kumakanta habang kumakain? Eh panu kung nasa bar ka? Hehe..malamang tapos na sila kumain bago sila nakikikanta diba? Depende naman yan sa kinalakihan at kinaugalian ng bawat isa at sa kung anu ang pinaniniwalaan nila. So far, wala pa namang masamang nangyayari sa akin sa pagsunod ko sa mga ito at minsan kapag muntik-muntikan nang makalimot, nagso-sorry ako kay mama sa isip ko hehe..

Meron ba kayong mga pamahiin? Share nyo naman.🙂

 

47 thoughts on “Naniniwala ka ba dito?

  1. sa experience ko totoo yun bawal ang paa or ulo nakatapat sa pintuan kapag tulog. for almost 2 years kong ginawa yun, 2x ko din na experience na hinihila ang ulo ko paalis ng kama habang natutulog ako. ramdam ko yun pag angat ng ulo ko at paglihis ng posisyon ko sa hinihigaan ko. so now iniba ko ang posisyong ng bed ko para hindi na ako hilahin ulit. scary pero lakasan na lang talaga ng loob….

    1. iskeri naman yan teh. ikaw na atapang atao.
      ipagpray mo na lang siya, baka need nia ang prayers para sa ligaw na self nia.
      at isipin na lang natin na eventually, mapapagod din siya sa ginagawa nia lalo na pag dinededma mo na.
      or pwede rin roomie na lang itawag mo sa kanya para may nakakausap ka pag bored ka hehe shempre joke lang un.😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s