“Pa-Canton Ka Naman!”

C
Taon-taon, pag sumasapit ang buwan na ito…hinding-hindi pwedeng walang magsasalita nyan. Walang palya. Ang kaibahan lang noon at ngayon…

  1. Joketime lang yan sabay bawi ng tawanan.
  2. Ngayon, meron nang visuals. Ipagpipilitan ang paghahanap ng kandila at kung ano-anu pang kahalayan kasabay ng nag-uunahang ideya, deskripsyon, at imahinasyon na tila di mo malilimutan. Kuyog ka. Di ka kasi nagpa-canton. 😛 Maligayang Kaarawan! Salamat sa canton mo. LOL.

Parang ambastos noh? Oo. Lalo na kung marumi ang isip mo. Yung iba kase, bubungisngis lang tapos meron jan magtatakip ng namumulang mukha habang yung iba….”Huy!! Sssshhh!!” –Ang iingay eh. Ang hyper ng lahat sa topic na ganyan.

Pag ganyan ang usapan, meron akong kilalang nangangarir nyan. Tuluy-tuloy na yan, marathon. Epilogue. With actions, intonations, facial expressions na bigay na bigay gamit ang mother tongue na kahit di mo mashadong ma-gets, tingnan mo pa lang siya, alam mo nang kalokohan talaga. In fairness, benta. Ang daming suki sa tinda niyang mga berdeng t-shirts. Wala ng sukat-sukat, bili na agad. LOL.

Kelan ba naman kasi nalaos ang ganyang usapan? Mga old fashioned na nga lang yata ang tila madalas magpa-change topic kapag papunta na d’yan ang usapan. Tara na’t pag-usapan na lang natin ang bagyo at rally sa malacanang.

Maliban sa kanila, ang henerasyon ngayon, bukas na bukas na sa ganyang usapan. Yan ang katotohanan. Kung dati’y usapan lang, ngayon ginagawa na rin.

Ewan ko ba. Ang pagbebenta ng mga ganyang banat, nagiging malaswa/mahalay lang depende sa pagkakadeliver nito. Meron kasing mga tindero na sadyang naka-offend magdeliver ng gantong biro at meron din namang lumaki sa Boyoyong compound na kahit na alam mong owwver na ang mga sinasabi nito pero imbes na malaswaan, sasakit pa ang tyan mo sa kakatawa.

And the rest is of course, alam na alam na alam n’yo na yan. 😉

O, yung mga may pa-canton d’yan. Ihanda na! Para di makantyawan.

hbd

Happy Birthday Arians!!! 🙂

When Love and Hate Collides

20140316-013052 pm.jpg

Minsan ang isang kanta, bigla mong naa-absorb ang meaning kapag nakakarelate ka?

Ako kadalasan kapag nagkakaron ng paboritong kanta, eventually nangyayari na sakin sa kakapaulit ko ng kinig dito. Bad thing lalo na kung di mashadong maganda ang meaning.

Victim of lyrics.

Kaya tuloy di na ko mashadong nagpapaapekto sa kanta. Dati rati, gawain ko mag score ng music sa mga taong brokenhearted para mas may dating habang naglalabas ang mga ito ng sama ng loob. Sa dami ng alam kong kanta, di pwedeng di ako agad makaisip ng bagay sa isang sitwasyon. Noon.

Ngayon, nagssoundtrip na lang ako pag pakiramdam ko, ang tagal ko nang di nagagalaw ung ipod ko. Pang relax na lang.

Teka, bakit nga ba yan ang title ng post na ‘to? Parang napunta na naman ako kung san-san. Sorry naman.

20140316-013248 pm.jpg

Sabi nila, Love is a big word. Sakop nito ang buong pagkatao mo lalo na pag punumpuno ka nito. Pero alam mo bang it’s just as big as Hate. Pag feeling mo nawala na ito. Kahit feeling mo lang.

Pero alam mo rin ba na pag hate mo ang isang tao o bagay, it’s still a strong feeling. You still care and this hate-thing is your shield para di ka mahalata na mashado ka ng nasasaktan. You are trying to convince yourself na wala nang natitirang love jan sa puso mo. Parang mga alikabok na pinipilit mong isiksik sa ilalim ng upuan para lang maitago pero anjan pa rin. Sabay paniwala sa sarili na wala na ito.

20140316-013430 pm.jpg

Don’t you just hate it?

That’s how Love overpowers you.

Diba ginawan pa ng song nina Rihanna at Ne-yo yan? Ang ganda punyeta. “Hate That I Love You.” You hate it so much, you’re banging everything near you sa sobrang pagka-relate. It sickens you too much that you wish hitting things harder would make it go away. But it won’t.

Love and Hate is such a bad combination. Especially when it collides.

20140316-013441 pm.jpg

It’s when you’re on the verge of giving in and giving up. You just can’t decide. Ang daming naka-open na tabs on Wiki How to save you from making a bad decision. Or just go and take the fall. Tutal pareho lang masakit yun.

Sabi nga nung mga taong Alam Na Lahat.…”just make a decision.” Na para bang gutom lang ang issue na ito. “Hmm…what to order? Big Mac meal kaya or Quarter Pounder para busog agad.”

Or so they thought.

Pero naisip n’yo ba na nagpapaka-dramatic lang talaga kayo? So dramatic that you think of this issue as Life and Death when the truth is that, “May problema lang pala kayo and hating is the next easy way out and let it linger on.”

Nakakamiss ang mga issues na ito, ganun ba?

We tend to open more issues kasi ayaw natin harapin yung solution that’s right in front of us. “Go the fvck and face it.” As the memes say.

20140316-013459 pm.jpg

You love. You hate. You hurt. You forgive. You learn. You move on. And be a better person.

If you love and hate a certain person or thing, it’s a good sign. This means that the impact they have in your life is somewhat so big you just can’t let it go. It still continues to grow in you. And you have to take care of it so that it won’t die. Don’t let it die.

As my dear good friend say, “Hate is not the opposite of Love. INDIFFERENCE is the opposite of Love.”

So as long you have this strong feeling towards this person, it means that you love them so much, you just don’t want to admit it because the hate is pushing you not to.

Wala namang schedule pag nag-collide yang dalawang malaking bato na ‘yan. It’ s up to you to choose which one is worth saving. Di totoo yung sinasabi nila na love shouldn’t be like hard work. Kung totoo yan, labor of love means nothing. Di naman kasi forever in love ang dalawang tao. It will worn out pag tagal and all you have for each other is respect and friendship and each other fighting your way out till the end. It’s a constant battle of two growing individual and we have to embrace each imperfections in every step of the way. That’s how love works. Hindi ito yung pinana lang kayo ni kupido feeling nio in love na kayo forever. Be realistic.

And by the way, hate? Use it for the bad things that’s trying to break you apart. Hate negative vibes. Hate unexpected hurdles. Holes. Setbacks. Twist and turns. Detours. Delays. Unthinkable. And all tomorrows that you two will not be together.

20140316-013452 pm.jpg

And continue to LEARN. Be better. Be worth it.

Ume-EPS Na Naman

eps2

“Nang-eepal na naman o. Ano ba ‘to?”

Yan ang default caption ng mga araw na wala ka sa mood utusan o gumawa ng pabor kahit kanino. Sa pakiramdam, ganyan. Feeling mo yung mga tao, pinepeste ka kahit na trabaho mo talaga ang ginagawa mo. (Ok lang ba?)

Kesehodang tamad lang magbasa yung kausap mo. Na imbes na basahin muna para maintindihan, rereklamo agad tapos ikaw NA.AGAD.ANG.MALI. Nakakainis pero default din talaga ang pasensya sa lahat ng klase ng trabaho. Kahit ano pa yan.

Sa totoo lang, napakadaling mainis. Maghanap ka lang ng mali. Voila! Activated na agad yan. Pero wag nating kalimutan na kasama sa pakiramdam na ito ang pagkasira ng magandang umagang sumalubong sa’yo kanina paggising mo.

So, ano’ng nangyari sa motto mo’ng “Good morning. Good Vibes. 🙂 “?

Eh ang mga Epal na ‘yan, nagiging epal lang naman kapag hinayaan mong makapasok sila sa ulo mo. Kapag hinatian mo ng atensyon at malala, kapag nag-focus ka na sa kanya sa buong maghapon na para bang pa-sweldo ka niya ngayong araw na ‘to.

Hellooooooo. Bored ka ba? Hindi ba kaya ng trabahong patong-patong sa mesa mo, emails na di mo pa matapos-tapos basahin, utos ng boss mo at ang lunch break rituals para pag-aksyahan mo pa ng atensyon ang mga epal na ‘yan?

Eh sino ngayon ang talo? Eh diba ikaw? Bakit? Kasi patol ka rin. Papansin ka rin sa mga epal mo. Di mo ba alam na yan ang gusto nila sa’yo? Ang atensyon mo. Kasi nung di mo sila pinapansin, wala rin naman silang magawa kundi mag abang lang. Eh today is the day kaya, bahala ka sa buhay mo. Gusto mo yan eh.

Well, ikaw yan pag nagpaapekto ka. 😉

Eh sa totoo lang, ang mga epal, kahit ganyan, may silbi pa rin sila sa mundo. Pwede mo silang gawing “Bad example” diba? Gawin mo silang simbolo ng tagumpay. I-dedicate mo sa kanila yung award na nakuha mo. Na kung hindi dahil sa mga pang-eepal nila, di mangyayari ang mga susunod pang nangyari na siyang ikinasaya at ikinapanatag ng loob mo. Na kundi dahil sa kanila, di mo makikita ang kahalagahan ng buhay (mga ganyan) kasi wala nang nakaharang. Wala namang naglalakbay ng paatras. Wag kang magpa-delay sa kakaintindi sa mga epal sa buhay mo. Gorabels. Hindi sila ang may hawak sa buhay mo. Ikaw. At ikaw lang. Wala nang iba.

At sa susunod na magparamdam ulit sa’yo ang mga epal. Iisa lang ang payo ko sa’yo, my friend…isampal mo sa kanila ang katotohanang hindi ka pa rin nawawala sa kanilang mga isipan. Make it worth your while. In fairness, isang malaking effort ang magparamdam diba? Tawanan mo na lang. Di ba ganun ang solusyon sa problema?

Hahahahahahahahahahahahahahahahahahaha-HA?

eps