Wehnonamanngayon??

Yan ang sagot ng mga taong walang pakialam sa iisipin at sasabihin ng iba, kung anuman ang gawin nila sa buhay. Sila na. Ang mga walang takot. Walang hiya. At walang pakundangan basta’t alam nilang yun ang makakapagpasaya sa kanila.

Aling Baby: Wehnonamannga…

Ok yun ah. Yung wala kang pakialam. Pero shempre naman, depende yan sa sitwasyon. Laging case by case basis ang pagiging literal na walang pakialam kase may delikadesa silang tinatawag.

Yan yung lagi kong naririnig sa mga oldies. Kahit papa’no naman, magkaron ng konti nito para bumalanse ang lahat. Pwede mo naman kasing wag pansinin ang puna ng iba habang alam mong nasa tamang level ka lang. Alam mo yan.

Wala naman kasing masasabi ang iba kung wala naman ding makikitang pwedeng pansinin.

Ang masaklap dito, lahat ng tao ay entitled to their own opinion whether it’s wrong. Yup. Wala naman kasing makakapigil dito. Kung pwede lang na lahat ng bibig awtomatikong na-zzipper lalo na pag di naman magaganda ang lalabas dito. Kaso hindi. Nasa sa’yo yan kung papatol ka. Papatulan mo. At bababa ka sa lebel nila para magkaalaman na kung sino ang mas balahura sa inyo.

In fairness, para sa akin lang…gusto kong makita rin ng mga ito ang hinahanap nila para malaman na hindi palaging Happy birthday at Happy Fiesta ang buhay. Paminsan-minsan, kailangang maturuan ng leksyon para sa susunod pailalim na silang titira. 🙂

Yung tipong magbubulungan na lang pag lampas mo sa umpukan nila.

Paborito ko ang grupong ito eh. Yung masigabong nagwewentuhan sabay pagdaan mo parang may anghel na nagprusisyon at biglang nasa library na sila. Yes. At kahit na i-deny nila, halata mo talagang may koneksyon sa’yo ang pinag-uusapan dahil, hindi makatingin. Bakit? Busy talaga sa trabaho? Weh, di nga?

Meron nga kaming nakita nung weekend sa isang kainan. Yung dating housemates namin. Malalaman mong nakita ka talaga kase hindi normal na ganun ka-tutok ang mata sa kausap at parang walang nakikita. Alam mo naman siguro ang totoo sa nagpapanggap lang. Isa pa, di naman nila kailangang gawin yun kasi wala rin naman kaming balak makipaghuntahan sa kanila pagkatapos ng mga ginawa nila nung magkakasama pa kami.

Masaya rin naman yung wala kang pakialam. Lahat naman pwede talagang gawin kung ano ang gusto. Basta ang importante, wala kang inaagrabyado. Wala kang tinatapakan. Yung ganun.

At kapag di mo na keri ang mga sinasabi ng iba…maawa ka na lang. Kase, alam nating lahat na walang gamot sa mga taong insecure at inggitero/a’ng tulad nila.

Wag nang patol ng patol. 

Di ko makita, pramis..

Pakiramdam ko, mas lalong lumabo na ang mata ko.

Dati kasi sa loob ng bahay, kahit di na ako magsalamin, keri ko pa rin manood or ikutin ng tingin ang buong bahay na hindi parang namalik-matang kailangan pa ng second, hard look bago masigurado kung ano talaga ang tinitingnan ko.

Kung noon, magsasalamin lang ako pag gabi na lalo na pag nasa galaan dahil kahit i-deny ko, malamang mababangga ako ng wala sa oras pag nagtapang-tapangan akong umuwi ng walang salamin. Ganun na ka-lala ang sira ng dating 20/20 vision ko.

Di na talaga katulad ng dati.

Times like this, naalala ko si Aling Merle. Ang aking nanay na si Aling Merle…na saway ng saway sa’kin habang nagbabasa ako gamit ang hiram na liwanag galing sa kusina. Akala ko, I have bionic eyes kahit na di ako kumakain ng kalabasa. At akala ko, pang habambuhay ang aking 20/20 vision kaya dinededma ko si Aling Merle sa mga saway niya.

Hindi pala.

Kaya eto, kahit ayaw ko, kailangan kong magsalamin sa loob ng bahay para mapanood ko ng malinaw ang palabas. Para mabasa ang subtitles at mabasa yung name ng artista sa last part.

Ang hirap kaya ng nakasalamin. Para sa’kin kasi, sagabal siya at nakakatanda ng itsura. Kala mo lang parang ang smart mo tingnan eh malimit nga tawagin akong titser. Haller. Buti nga titser at hindi Miss Tapia. 😛 Kahit may contact lens pa, mahirap din talaga yung malabo ang mata.

Huli na nga talaga pero sana nakinig ako kay Aling Merle at sana kumakain din ako ng kalabasa.

On the brighter side…

Okay lang yung malabo ang mata basta hindi malabo kausap. ;D

Ako ay may alaga, Pusang mataba.

October 24, 2011 yun. Nung unang beses ko siyang makita sa yosihan area ng opisina namin. Yung alaga lang kasi nung isang boss-among Briton dito ang madalas kong makasalubong pag lalabas sa back door namin.

Kaya etong si “miming”, nung nakita ko…aba’t di na ko napakali. Kahit kase paya-payatot at balita ko pa na pinulot lang sa gigantic basurahan ng industrial area ni Alex (Briton din) ito kaya napatambay na sa labas ng opisina namin.

Eh di ayun na nga, nung subukan kong lapitan…aba’t lumapit din siya na para bang nagsasabing…”meow-ampunin mo na ko..” Si Mother Cat lang naman ang kilala kong gustong umampon sa lahat ng stray cats na makakasalubong niya sa daan kaya nga minsan may dalang cat food un. Dahil wala naman siyang malaking villa para ilagay sila lahat dun, ayun papakainin na lang niya kung sinong swerteng cat na masalubong niya sa daan. Kaya nga Mother Cat ang tawag ko sa kanya. 🙂

Di naman talaga ako sobrang mahilig sa pusa. Isa pa nga ako sa umaaway sa kanila sa bubungan namin noon. Pero dahil nga kay Mother Cat, I’ve grown to love these furry creatures. And to make the adoption short, inuwi ko si “miming” sa bahay at nag-message lang ako kay Mother Cat na may napulot akong kuting kaya may makakasama na kami sa bahay. Nagulat/natuwa nga siya kasi alam niyang di nga ako ganun kahilig sa pusa.

Dahil nga sa di kami prepared na magkaron ng pusa, di tuloy namin alam kung saan siya ilalagay kaya gumawa kami ng cage gamit ang plastic hampers kasi nga baka magkulit sa loob ng bahay. To our surprise, nung ipinasok namin siya sa hamper…natulog siya na para bang isang buwan na walang tulog. Papano ba naman kasi, sa Industrial area ko siya nakuha, para bang jungle ang pinaggalingan niya kaya expected namin wild talaga siya pero ambait eh at panalo makalambing. Natawa pa nga kami sa kanya nun pagbalik namin galing supermarket (dahil bumili kami ng cat food at kitty litter, o diba excited much.), kasi sa sobrang gutom niya…tinaob niya ang isang lata ng tuna. Literal na maraming gutom talaga. Kaya ayun, pagkatapos niyang lamunin lahat…isinuka niya. LOL.

Yung name niya pala…CHEESE. Na pinag brainstorm-an pa namin dahil ayaw na nga ng common names at yung tipong madali lang tawagin lalo na pag naiinis ka na. Kaya nauwi kami sa one-syllable name na cute pa rin pakinggan kahit galit ka na. Nag-evolve na nga sa Keso, Chicheese, Booger at Skipper ang itinatawag namin sa kanya. Buti nga at alam niyang siya lang lahat yun. Hehe…

Naalala ko nga pala, kaya ayaw ko sa pusa dati ay dahil sa nakalmot ako ng malupit ng pusa namin nung bata pa ko. Kaya meron kami nun aso. Kahit naman nawala na ang phobia ko sa kalmot, nakailan din si Cheese sa’kin. Di ko na mabilang talaga…basta alam ko lang masakit. Nasanay na lang talaga ako.

Ewan ko kung mabilis lang talaga siyang lumobo o at home lang siya sobra sa amin kaya after 18 days nung nakuha ko siya sa labas ng office namin eh naging ganyan na siya kalaki.

Yung dating ingay ng TV at radyo lang sa bahay, nadagdagan ng meow at sandamukal na pananaway sa napakakulit na pusang pag nagtatago naman sa ilalim ng kama, di naman kami magkandaumayaw sa paghahanap.

Pano ka ba naman di matutuwa talaga eh pag may ganyan ka kakulit sa bahay, cguradong hayblad ang abot mo pero at the same time, nakakatuwa nga talaga lalo na pag natutulog.

May ginawa pa kaming photoshoot nyan ah..

May kaagaw na ko sa Chichiryums.

After almost 6 months, parang naihipan lang ng hanging taba at lumobo na nang tuluyan si Keso.

Our Keso. So cute and cuddly.

Pampawala ng inis at minsan nakakahayblad pa rin pero naman sobrang love talaga namin.