Ondoy + Jacque Bermejo = DISASTER

RAIN

Sanay na tayo sa mga balitang bagyo o sunud-sunod na bagyo sa Pinas. Sa tuwinang mag-uulan, bumabaha at lumulubog ang ilang parte ng Maynila at probinsya na siyang nagiging dahilan ng problema at abala para sa mga naapektuhan nito at konting saya at pahinga naman para sa kasali sa walang pasok.

Typhoon hitting_Philippines

Paano ba naman kasi, ang Isla natin ay nasa typhoon belt at approximately 19 typhoons ang dumaadaan sa bansa taon-taon. At kahit na memorize na natin yan mula nung elementary hanggang kolehiyo, yung ilang pinuno na umupo at nakaupo sa pinakamataas na katungkulan sa bansa natin, nagkaka-amnesia o sadyang isinasantabi ito gayong ang eleksyon ay laging natataon sa Hunyo…which means, nag-uulan.

Matagal na sanang nasolusyunan ang mga pagbaha kung ito ang unang proyekto na ginagawa nila imbes na pagplanuhan kung paano wawaldasin at ililipat sa account nila o ipanlilibre ng magarbong dinner ang pera ng bayan.

corrupt

Kung inuna nila ito at indi ipinawalang bahala ang kaligtasan at buhay ng pinamumunuang bansa…

Hindi sana natinag ang Maynila at ilang probinsya sa pagragasa ni Ondoy(Ketsana).

Wala sanang nasirang daan at tulay, lumubog na mga bahay at naanod na mga sasakyan.

Indi sana nasira ang kabuhayan at ilang naipundar ng mamamayan.

Walang naaksidente at nasaktan.

At walang buhay na ibinuwis.

Pero nangyari pa rin at patuloy na mauulit ang lahat dahil sa kapabayaan.

12Philippines Typhoon1.1

Nakita ng buong mundo ang sinapit ng mga Pilipino sa bagyong kumitil sa 246 na buhay at hanggang ngayon ay indi pa nakikitang 38 kataong nawawala. Tinatayang umabot ng anim (6) na bilyon ang napinsala sa trahedyang ito. Mga numerong nakakapanghina dahil sa kawalan ng matibay na pamumuno.

1.4PHILIPPINES-WEATHER-TYPHOON1.61.2

Para sa aming mga nasa ibang bansa, panalangin at tulong pinansyal lang ang pwede naming maitulong kasama ng pag-aalala at pagdarasal na sana nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mahal sa buhay at ang lahat ng mga nasalanta. Napakahirap isipin na sa ganitong pagkakataon, gustuhin mo mang makasama ang mga ito para personal na tumulong, indi naman pupwede kaya ang mga balita sa TV at internet na lang ang tanging source kung anu na ang mga nangyayari sa bansa.

1.5

Maraming mga tulong pinansyal ang dumagsa pati na ang pagkain at damit. Pati na ang mga bansang Amerika, China, Japan, Thailand at Australia ang nagbigay ng tulong. Let’s all be thankful for their openhandedness.

Sa pagkakataong tulad nito, maaasahan ang mga Pinoy pagdating sa pagkakaisa, pagtulong at pagbubuklod para matulungan ang kapwa. Sabi nga nila, “Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo rin.” Sa kahit ano’ng paraan, gumagawa ang mga Pinoy sa abot ng makakaya para tumulong at makatulong sa nangangailangan.

redcrossmunicipalrelief2

Yan ang tatak ng Pinoy. Kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon, nakakayang lampasan. Walang nag-iiwanan

At sa gitna nito, kung gaanong kilabutan at mahabag tayo habang pinapanood ang mga balita at video ng mga lumulusong sa baha, mga taong nasa kani-kanilang bubungan, mga tinangay ng flash floods, mga namatay at naaksidente…

May isa tayong kabayan na walang kaabog-abog na nagbigay ng personal point of view niya sa pangyayari sa sariling bansa sa isang fan page sa Facebook.

untitled

Dahil sa mga binitiwan niyang komento, naalarma ang mga nakabasa nito all over the world at ni-repost ang pamosong linya niya.

Si Jacque Bermejo.

JB

Ang taong walang malasakit sa kapwa Pinoy.

Hindi na nga nakatulong, may gana pang magsalita ng indi maganda.

Meron kaya siyang kamag-anak sa Pinas na naapektuhan ni Ondoy? O siguro, wala siyang kamag-anak kahit isa na tinuturing siyang kamag-anak lalo na pagkatapos ng mga sinabi niya.

Dahil sa mga sinabi niya, pihadong marami na siyang death threats mula sa Pinas hanggang dito sa Dubai pati na ang buong mundo.

O kung totoong indi yun ang intensyon niyang sabihin, sana tinagalog na lang niya at indi na umingles kesa lalong palalain ang sintensya niya.

Mas maganda sana kung sinarili na lang niya ang opinyong sisira sa sarili niyang buhay.

Eto ang naging huling komento niya. (Aba at nag-eexplain pa si ate!)

JB1

Marami kasi sa atin ang nagsasalita muna bago nag-iisip. Sa kaso ni Jacque, kung matino siyang mag-isip…indi niya yon sasabihin kahit pa ito ay biruan lang. Kahit saang anggulo natin tingnan, indi maganda ang pag-iisip ng masama sa kapwa ke deserving man ito o inde. Wala sa ating mga kamay ang hatulan ang ibang tao lalo na’t nasa kalagitnaan ito ng trahedya. Pawang mabibigat ang salitang binitiwan niya kung kaya’t indi rin siya tinigilan ng kapwa Pinoy para sagutin ang mga sinabi nito.

Maaaring nasasabi niya iyon ngayon dahil maganda pa ang buhay niya kung nasa’n man siya at indi nakakaranas ng hirap.

Sana ‘wag din niyang kalimutan na lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan…may hangganan. At sa kanyang pagtanda, hahanapin pa rin niya ang lugar na kanyang pinagmulan.

Sana magsilbing aral sa kanya ang nangyari. May panahon ang lahat ng bagay sa mundo. Indi po lahat ng namatay sa trahedyang ito ay makasalanan, fate po iyon. Everything happens for a reason, Jacque. Tulad ng nangyayari sa buhay mo ngayon.

Para po sa mga kababayan natin sa Pinas…

Hindi po natutulog si Kuya Josh. Magtulungan po tayo at magkaisa. Magdasal. Wag pabayaan ang isa’t-isa. At umasa na matatapos din ang pagsubok na ito sa ating bansa.

2.1

God bless us all!!!!!!

buddypokeAling Baby

Advertisements

Pabor

helpbutton

Ay isang hiling ng isang kakilala – maging kaibigan man o ibang tao, kung saan mag-e-exert ka ng bonggang-bonggang effort kapalit ng Thank you o kapag galante ang humiling eh me libre kang lunch o meryenda depende sa resulta ng pabor na ginawa.

Kapag may humingi ng pabor sa’yo, ano bang madalas na gusto mong kapalit nito? Pabor back, libreng foodtrip, libreng sine, o simpleng tenk yu?

Ako, depende hehe…pag nakalusot lang naman pero pag inde, konting kanchaw pa bibigay din yun. Pag bumigay na, ayus! 🙂

But that’s me.

Pretty_Please

  • May mga pabor kasi na sobrang dali lang gawin, minsan yung mga mahiyain at sobrang conscious na mang-istorbo ng iba – – favor na sa kanila pag ipinakiabot ang isang bagay na indi nito makuha dahil sa may hawak o may ginagawa siya na indi niya maiwan. In short, kung pwede lang magkaron ng pangatlong braso para lang indi makaistorbo…eh ia-avail niya talaga ng bonggang-bongga sa sobrang hiya nito. Kaya nga ba pag inabot na nung tao, super-mega-tu da maks ang tenk yu nito…mapapa-“Anu ka ba, ok lang yun.” ka na sa kanya at mejo mawi-weirduhan na ng konti hehe.
  • Meron ding mga pabor na bunga ng biruan. Shempre, indi mawawala sa barkada ang paminsan-minsang dare-dare-an. Kung matikas ka, papatulan mo ang dare na ito at gagawan ng paraan pati na ang paghingi ng pabor sa indi mashadong ka-close na tao para lang manalo sa dare. Natural dun sa hiningan mo ng pabor, mahihiya itong humingi  ng kapalit kase nga naman indi kayu close at mejo alangan kung pababayarin mo ito ng libre, mas matindi kung pera. Pero kung sa tambay ka nagpaki-favor, expect nyo na pangyosi o sopdrinks ang hihingiin ng mga ito…matinde  kung pambili ng alak ang hiningi.
  • Ang pabor sa pagitan ng magkakaibigan ay mejo magarbo. Kung dadaanin sa timbangan, kelangan magkasimbigat ang pabor at kapalit. Lalo na kapag pag pinagpawisan ang kili-kili nito sa ginawa o di kaya eh gumamit ng matinding math at english. Ihanda na ang pagwasak ng bulsa at wallet.  Kaya nga ba minsan mahirap pag sa kaibigan hihingi ng pabor, may kapalit na me kasama pang  pang-aasar at panganganchaw ng bongga. Pero pagdating naman sa kaledad ng performance, shemperi naman…maaasahan talaga. Minsan me bonus pa! Kaya kung sulit naman ang performance nung gumawa, ok na rin yon. Bawian mo na lang pag siya naman ang humingi ng pabor hehe.
  • Ang mga malupitang pabor na tinatawag na priceless, ito yung mga “utang na loob“. Indi nababayaran ang mga ito, kung gustu mo man..utang na loob din ang pede mag-even nito. Pero dahil nga sa uniqueness nito para itong tattoo na indi mo na maaalis. Naaalala ito madalas sa oras ng kagipitan. Kaya mejo mabigat ang mga ganitong pabor. Mataas lagi ang expectation sa’yo at konting ingat din dahil sensitive ito kahit sa ni katiting na pagkakamali. Pag na wrong move ka, “Wala ka na agad utang na loob.” (Tama, mali?) Mas madalas sa hindi. 🙂

elp

Normal na sa atin ang paminsan-minsan hanggang madalas na paghingi ng pabor. Maging ito man ay mababaw o kinakailangan na ng super powers para lang makuha.

Isang paraan para magkaron ng link ang dalawang bagong magkakilala.

Mabisang mighty bond naman para sa matagal nang magkakakilala.

friends_anime

Minsan, kelangan ng budget pero indi naman ibig sabihin na kailangan laging may kapalit ang mga ito. Sabi nga nila, pakonswelo de bobo lang daw para ganahan lang at magkaron ng motivation. Kumbaga selebrasyon ng tagumpay hehe.

Okay lang patulan ang mga pabor lalung-lalo na kung walang maaabala, indi makakasakit, walang madedehado, walang ilegal….yung puro kalokohan just for fun…yung ang pabor na masarap pagwentuhan. 🙂

buddypoke Aling Baby

Ginamit

img-set

Sa panahon ngayon, indi lang basta mga kagamitan ang ginagamit. Sa kahaytekan ng mundo…ikaw, ako, sila, tayong lahat kasama na ng status sa buhay at sitwasyong kinalalagyan ay pwedeng-pwedeng magamit…..

LALONG-LALO NA PAG HINAYAANG MAGPAGAMIT.

At pagsawaan.

Ang gamit, indi naman pedeng tumanggi eh. Kakatakot kaya pag halimbawang maliligo ka at yung tabo nag-walk out  kasi ayaw niyang magpagamit diba? Pero ang tao, may kakayanan at karapatang tumanggi at umiwas sa mga ganitong pagkakataon gayunpaman, marami pa rin sa atin ang nabibiktima ng panggagamit. Alam man natin o indi.

Para sa mga taong INDI AWARE na sila ay ginagamit na…marapat na sila ay gawaran natin ng medal, award at masigabong palakpakan – – pero dapat yung tayo-tayo lang makakarinig at makakaalam kasi baka makahalata (hehe..).

  • Indi natin sure kung bunga ito ng kamanhiran o sadyang mababait lang sila sa totoong buhay at indi nila inaalintana ang mga linta na nakakapit sa buo nilang katawan kaya ok lang ang mga ito.
  • Pwede rin naman na ito ang isang mabisang paraan para mapalapit sila sa mga tao. Shempre, meron ba sa inyo ang tumatanggi sa grasya? Like, ayan o…siya na ang umaako sa bill ng kinain nyo. Ikaw ba ay kusang maglalabas ng wallet at bubunot ng iilang daan habang ang mga kasama mo ay bisi-bisihan sa kwentuhan na para bang kahit kung saan-saan na napupunta ang usapan eh, wag lang mapunta sa pagbabayad.
  • Kung minsan, ginagamit din itong taktik para kaawaan. Shempre, sa oras na magkaroon ng indi pagkakaunawaan ang papaboran ay yung ginamit. Sasabihing, “Siya na nga ang nagbigay, siya pa ang may kasalanan.” – Doon tayo sa kanya kumampi.
  • Naturalmente na sa kulturang Pinoy na kung sinu ang martir, doon lahat kakampi. Kasi una sa lahat, mukha silang kaawa-awa. Pangalawa, ginamit nga eh at basta na lang iniwan at Pangatlo, kawawa nga eh at ginamit…what do you expect?

Minsan, kung indi lang pagbabasehan yung huling part ng sitwasyon. Kung sinu yung iniwan. Kung sinu yung ginamit. Kung sinu yung mas na-hurt ang feelings sa nangyari. Mas makakabuti kung makikita mo at uunawain ang puno’t dulo ng lahat. Paniguradong may nagkulang at sumobra. Lahat ng kaguluhan, may pinagmulan. At may paraan para masulusyunan. Pwera na lang kung bumigay na ang isa rito o ang dalawang partido para tuldukan na ang lahat.

Kung titingnan naman natin ang side nung mga AWARE na sila ay ginagamit….(need i say more??)

  • Sila yung tipong pwede nang tayuan ng monumento sa pinakamalapit na parke sa lugar n’yo.
  • Overwhelming magmahal. Ibibigay ang lahat kahit walang kapalit. (Pero parang me kapalit pa rin, kasi mahal ka niya – – bibigay niya lahat – – pwede ka magmahal ng iba – – pero dapat mahal mo pa rin siya kahit papa’no. Kahit konti.)
  • Masokista. Pag mas masakit, mas challenging. Mas ok. Ang motto nila sa buhay, “What doesn’t kill you can only make you stronger.”  Kung dati’y tumutulay lang sila sa alambre, ngayon kaya na nilang kumain ng apoy at bubog na parang spicy chichirya lang.
  • At sa ganitong siste, nanghihina na rin ang pandinig nito o malimit na sarado ang utak sa anumang bagay-bagay na pilit mong gustung ipasok dito. Nafi-filter na kasi nito ang mga pangit at magandang bagay na kaya niyang ma-take. Kadalasan, ang mga nega ang dinededma nito. At wala ka nang magagawa kundi pakinggan ang sarili sa mga ganitong pagkakataon dahil paniguradong kausap mo ang sarili mo dahil indi siya nakikinig sa’yo.

Hindi naman masamang magmahal. Pero lahat ng sobra, yun ang masama – – ke love pa yan o pagkain. Ang mga tao sa paligid tulad ng pamilya, kaibigan at malalapit na kakilala…magpapaalala lang sila at magbibigay ng mga advise (na hindi nila kayang gawin sa sarili nila kaya sa’yo pinapagawa hehe..). Nasa sa’yo na yan kung kelan mo feel simulan. Kung kapag na no budget ka na sa kakagamit niya o yung tipong pag napuno na ang salop. Take your time, anyway time mo naman ang nasasayang at indi kanila. Pero sana naman wag yung sobrang too late na saka ka pa matataraugan kase, nakakahiya naman kung pagsisisihan mo yung nangyari pagkatapos ng lahat.

Kapag meron tayong isang bagay na gustung panindigan, wala na tayong naririnig na iba pang mas mabisang paraan kesa sa kung anu ang nasa isip natin. Sa kagustuhang subukan kung epektib ito, hahamakin natin ang lahat. Shempre nga naman, pag sakses ito…lulununin ng lahat ng mga kumontra ang mga sinabi nila. Parti ka na. Pero pag nag-flop ito – – ikaw ang lululon ng napakalaki mong pride. There’s no other way eh, unless pakamatay ka o kaya jombagin mo sila. Tanggapin mo na, pahiya ka. Ok lang naman yun. Lahat naman tayo dumaan dyan.

Kaya sa usapang gamitan, siya pa rin ang sisingil ng mga ito – – Si Kaibigang KARMA. (What goes around comes around)

Kung atapang atao ka at hinahamon mo siya, try mo rin. Malay mo ikaw pa lang ang unang-unang nilalang sa mundo na magpapatikim sa kanya ng pride niya.

Good luck!

buddypoke Aling Baby