Ako na.

Hindi ito yung usong linya ng pamumuri pag merong something big time sa’yo, ginawa para sa’yo or may nangyaring ka-tambling-tambling na pwedeng i-award lamang sa’yo.

Ito yung Ako na as in “Ako na ang gagawa.

Shempre naman, walang ibang pwedeng umepal sa buhay ko kundi ako lang.

Katulad ng maraming kakilala kong Arian. Marami akong imbak na energy. At kadalasan sa sobrang dami nito, kung pwede lang i-share sa iba para lang makasabay sa hyperness ko, ginawa ko na. At kung nabebenta lang ito, chak milyonarya na ko.

Mahilig akong mag-Ako na. Siguro dahil sa pagiging OC at dahil ayokong iasa sa iba na magawa ang isang bagay na naaayon sa gusto ko kaya ako na lang ang gumagawa. Kahit na mapagod.

Minsan din kase, ayoko rin makaipon ng impression na pala-utos ako at nagmamando pag ginaganahan. Kase, kung pwede ko naman gawin, bakit mang-uutos pa ‘ko. (Or siguro nasanay lang akong utusan dahil bunso nga ako…)

Minsan, nagagamit ko rin yan pag naiinis na. Yung tipong, “Wag na nga! Cge na, Ako na lang!” Mga ganyan. Malamang yan nasabi n’yo na rin.

May mga tao rin kasi na hindi mo basta-basta masasabihan na di rin nila mami-misinterpret ang ginagawa mong pagtuturo ng gagawin. Mamaya masabihan ka pa ng, “Alam ko, hindi ako tanga…” Mga ganyan. Pahiyang marami ka lang nun for sure. (Or siguro dahil naka-encounter na ko ng ganyan…)

Nakakawalang gana kasi pag mataas ang expectations mo dun sa pinagawan mo tapos it turned out na di pumasa sa’yo. Uulit ka pa ba? Malamang kung sasabihin nun na next time gagalingan na niya. Ayun baka pwede pa.

Siguro nasanay lang din ako na hindi iasa sa iba ang mga gusto kong gawin (unless super comfortable ako sa tao…). Isa pa, wala naman akong bunsong kapatid para alilain. Kaya natuto akong gawin mag-isa. Naging advantage naman in fairness. Yun nga lang, nagkaron naman ako ng trust issues. Minsan, pag tingin ko lang sa tao na di kayang gawin, kahit mag-attempt, di ko na rin gagawin.

Mahirap talaga iwasan ang nakasanayan. Diba? Kaya walang pilitan.

Siguro kung meron mang nakaka live up sa expectations ko, sila yung mga maituturing kong totoong nakakakilala sa’kin. Sila lang yung pwede kong palampasin and they don’t have to try harder to please me. Pagdating sa kanila, kahit di na ko mag-Ako na, pwede ko nalang irelaks ang likod at itaas ang paa ko nang wala nang aalalahanin pa. 🙂

Advertisements