Ayayay Pag-ibig!!

healed

Kapag ba maraming beses ka na nagmahal ibig sabihin nun eksperto ka na sa larangan ng pag-ibig?

Kasama rin ba sa pagiging eksperto yung ikaw ang nang-iwan at nanloko?

Teka, yung mga nasaktan lang ba ang nagiging expert? Ibig ba sabihin nito, alam mo na sa susunod kapag sasaktan ka na naman ng susunod na magiging ka-relasyon mo?

Magiging ganun ka na ka-galing???!

Hmmm…

Ang pagiging expert sa pag-ibig ay parang Forever……WALANG GANUN.

Eh di sana wala nang gumagawa ng mga kantang pang-brokenhearted. Pelikula. Advertisements. Pati quotes sa coffee shops panay hugot. Di na sana papatok ang mga ‘yan kung eksperto na tayo lahat.

Weew diba, kung nabibili lang ‘yan chak yun sold out yan, laging out of stock pa sa dami ng demand. Alam n’yo naman basta pag-ibig ang usapan, hahamakin ang lahat – – makamit ka lang. Naks.

Na-brokenheart ka na ba?

heart-broken-broken-hearted

Ang sakit diba?

Yung sakit na hindi mo alam kung ‘san nanggagaling. Sakit sa dibdib, yung di ka na makahinga kakaiyak at kakapigil sa pag-iyak dahil ayaw mong may makakita at makarinig. Sakit ng ulo mo sa sobrang pag-iisip na parang sasabog na any moment sa dami ng mga tumatakbo ditong parang wala ng katapusan. Yung halos kalimutan ka na dalawin ng antok (kasi feeling nia di mo na siya kailangan). Yung umaga at gabi pareho na lang. Kahit na ma-busy ka sa mga gagawin mo mula umaga hanggang hapon, pagdating ng gabi babalik na naman ang sakit. Ang sakit-sakit na. Ayaw mo na pero ayaw ka pa rin tantanan. Parang wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang gambalain ka kahit hinang-hina ka na. Hapong-hapo.

Dalawang linggo ka nang lasing. Kahit na ang dami-dami mo nang naiinom, hindi pa rin nalulunod ‘tong pesteng nararamdaman mong sakit. Parang mas lalo pang sumasakit. Ginagawa mo nang teleserye ng talambuhay mo ang mga kwento mo bawat inom at catch up nio ng tropa mo. Gusto mo pang pag-usapan kahit gustong-gusto ka nang kaltukan at iumpog ng mga kaibigan mo dahil sa paulit-ulit mong mga sinasabi na kabisado na nila.

“Bakit ganun?”

“Bakit sa’kin pa?”

“Tama na please, bumalik ka na…”

Kung pwede lang na kapag naka-20 liters ka na ng luha, babalikan ka na niya. AT MAGIGING OK NA ANG LAHAT.

Pero ang mas masakit dun, hindi na yun mangyayari. Walang nang kayo. Wala na siya. IKAW NA LANG at ang sakit na iniwan nito sa’yo.

Shet naman.

“Ayoko na magmahal!”

Sa pagitan ng sakit at lahat na, yan na lang ang masasabi mo. Mapapatanong ka pa kay Lord kung bakit Niya yun ginagawa sa’yo gayong wala ka namang ginawang mali. Nagmahal ka lang. Minahal mo lang siya ng buong-buo. Tapos eto ang kalalabasan.

Diba ang sakit?

Naka-relate ka ba?

Naging expert ka ba matapos mong daanan yan ng ilang beses?

healing-a-broken-heart-sad-broken-heart-quotes

Hmmm…

Cguro nung mga sumunod na beses, hindi ka na dalawang linggong lasing – – ISA na lang. Cguro, umiyak ka pero pag naaalala mo na lang yung huling usap n’yo. Yung huling pagkikita n’yo. Cguro ngayon, dinaan mo na sa foodtrips at roadtrips para makalimot. Nagpagupit ka rin cguro, nagpa-rebond at mega make-over. Gumimik kasama ng barkada para mabawasan ang mas mahabang oras sa pag-iisip. May mga gabi pa rin na hinahanap mo siya, meron ka ngang isa pang fb account para lang silipin kung naka-move on na rin ba siya. Diba masakit pa rin, pero di na kasing sakit nung una. Noon, mas mukha kang tanga. Ngayon, mejo na lang.

Ang totoo, walang nagiging eksperto. Natututo lang.

Yung akala mo noon na masakit forever, nalaman mo nang hindi totoo. Ngayon, kalaban mo pa rin ang memories pero mas kalmado ka na at hindi yung inagawan ng candy na parang wala nang ibang candy sa mundong ibabaw. At kahit hindi mo alam kung yung susunod ba magiging ganun din ang eksenahan, at least napagtibay ka na ng mga napagdaanan mo.

Ang dapat pala itawag dito ay expert sa pain.

Ang sabi nga, ‘Pain makes people change.’ Depende sa tao kung ano ang approach nia dito. Merong mas matagal ang healing. Meron ding nag-eenjoy muna sa pagiging single. Meron din jan, hirap na hirap na magtiwala. Pero kahit ano pa ang kahinatnan ng lahat, meron pa rin sumusubok ulit hanggang mahanap si Mr./Ms. Right. Atapang-atao. Indi ‘asasaktan. Laban kung laban!

26874-cm-heal-broken-heart-social

Advertisements

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

3 na mga thought (isipan) sa “Ayayay Pag-ibig!!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s