Ka-Ism(a)rte-han

Sa mundong umiikot sa common sense, mortal sin na ngang nasasabi kapag dito ka mejo nagkulang. Indi ba’t dito numero unong nasusubok ang ating pasensya? Kung hanggang saan ang kayang i-stretch ng patience strings at kung ano ang puputol nito. Kung minsan, indi natin nasasadyang makapagsalita ng indi maganda sa kapwa, kaso mo sa pagitan siguro ng galit, stress, pressure at yung dati mo pang inis sa tao para itong bagong laya lang sa sobrang excitement na makalabas sa bibig at dibdib mo kesehodang machaket at makakachaket ito.

Sa pagkakaalam ko merong malaking pagkakaiba ang matalino, magaling at madunong/dunong-dunungan. Ano’ng pagkakaiba?? Sa ispeling palang kitang-kita na ang pagkakaiba diba (hehe..).

Pag aced mo ang academics, minamani mo lang ang subjects mo, para ka lang nanonood ng tv sa math at science class mo isama mo pa jan ang halos magkanda kuba ka na tuwing commencement exercise sa dami ng nakasabit sa leeg…hula ko, Matalino ka.

Pag ikaw ang tipo na madiskarte, skilled at kayang ayusin ang mga bagay sa pamamagitan ng abilidad at tamang paggamit ng charm….Magaling ka.

At kapag pinagsama mo ang talino at galing ngunit laging mabaho ang pasok at laging napagkakamalang maepal sa sobrang pakikisawsaw sa isyu ng may isyu at mga kasong indi kailangan ng iyong involvement at imbes na makatulong, parang nakaka-annoy lang. Madunong/dunong-dunungan ang tawag saýo.

Dahil sa tatlong ito, nagkakaron ng complications ang pakikisama. Pinagmumulan ng alitan at tagong galit at inis o kadalasan…insecurity at competition. Battle of the brains. To outsmart others. Mga bagay na harmful pag pinalaki.

Indi totoong may taong “bobo” (I heyt that word talaga…). Indi ako natutuwa kapag naririnig ko ang pang-uri na ito gamit sa paglalarawan sa taong sumira-ever ng araw mo dahil sa mga sagot at kilos na mapapatambling sabay cartwheel ka sa sobrang bigat kawalan ng sense nito.

Indi rin nakakatuwa na porke’t alam mo ang tamang sagot ay aasta ka na parang ikaw lang ang bukod tanging nilalang na makakasagot ng lahat ng klase ng tanong sa sobrang bilib mo sa sarili mo.

Indi rin nakakatuwa na habang inilalarawan ni kuya/ate-ng badtrip si aligaga eh sige ka naman sa pagbabalik-nakaraan at paghahalungkat ng lahat ng kapalpakang ginawa ni aligaga na siyang lalong makakadagdag sa mas marami pang pang-uri na maiisip ng kuya/ate-ng badtrip para ilarawan ang ilan sanang medalyang natanggap nung isa kung naging mas matalino nga lang siya.

Mas lalong indi rin nakakatuwa kung ikaw na wala na sanang koneksyon sa isyu eh kakampi ka pa sa isa sa kanila. Para ano? Kase wala lang, gustu mo lang may kampihan?

Indi ako magmamalinis para sabihin na indi ko gawain ang isa sa mga ito. Kung minsan dala ng pangyayari, indi ito maiiwasan. Pero narealize ko lang kanina pagkainom ko ng tubig, “Di ba’t gasgas na ang dahilan na ito para makagawa ka ng indi maganda sa kapwa?” Palagi na lang bang pwedeng palampasin ang mga ganitong cliché reasons?

Okey fine, walang perfect sa atin. Pero indi ibig sabihin nito na indi rin pwedeng subukin. Try lang ba kung keri. Wala namang masama kung susubukan diba? Wala namang mawawala at kung meron man, charge it to experience na lang.

Iba-iba kasi ang interpretation ng tao sa paraan ng pagdeliver ng sasabihin.  Bukod sa laman ng sasabihin, isama mo pa dito yung tono, facial expression, at movement ng katawan para suportahan ang sasabihin lalong-lalo na kung alam mong indi gaano kagandahan ang nilalaman nito. Diba nga kapag naipasa na sa iba, laging ang tanong eh…”Paano niya sinabi?” Kasi base dito malalaman kung ano ang gustu nitong palabasin sa sinabi. (Meron lang talagang mga taong sadyang manhid sa mga ganitong bagay.)

Sa mga pagkakataon tulad ng pakikipag-ayos, mas mainam kung pag-uusapan ito sa personal at indi sa chat o sa telepono. Baket? Dahil kung ita-type mo pa ang gustu mong sabihin habang ang punumpuno ng emosyon ang dibdib mo, maghahalo-halo na ito at indi maide-deliver ng maayos ang gustung sabihin. Baka mas lalo pang gumulo imbes na maiayos. Isa pa, mas maganda kung nakikita ang bawat reaksyon ng kausap nang sa gayon maresolbahan na on the spot at wala nang pakiyeme-kiyeme pa.

Para naman sa mahilig umungot ng konting pansin o in short KSP, kung ang goal mo ay magpatawa lang o tipong sentihan…maraming paraan para indi ma-misinterpret. May mga bagay na indi na dapat ina-anawns at tama lang na sarilinin na lang dahil bukod sa indi na ito magiging cause ng complication, mas mapapaigi pa ang normal at tahimik na buhay ng mga taong involve dito. Bakit indi na lang natin respetuhin ang privacy ng bawat isa lalung-lalo na kung indi na rin ito nakikisawsaw pa sa sawsawan ng bayan?

Indi natin kailangang maging matalino, magaling o madunong para maintindihan na ang bawat isa ay may right gawin ang gustu nila? Indi ito para kwestyunin o gawan ng analysis.

Mind your own business. If you are not part of the cure, then you are part of the problem. Ireserba mo na lang ang effort to network ang life story mo sa mga taong gustung makinig ng modern day fairy tales. Wag nang pag-aksyahan ng panahon i-share sa mga inde interesado kasi for sure, indi na talaga sila interesado.

I was never the one to patiently pick up broken fragments and glue them together again and tell myself that the mended whole was as good as new. What is broken is broken — and I’d rather remember it as it was at its best than mend it and see the broken places as long as I lived.

Yun lang. Bye.


Aling Baby


Naisip ko lang naman…

Sa dinami-dami na ng mga pagsubok na nangyari sa buhay natin mula ng magkamuwang tayo, indi ko na siguro susubukang bilangin ang mga ito sa dami. Mula sa mga simpleng bagay hanggang sa halos gabundok kataas ang inakyat natin, pati butas ng karayom na sinuong para lang malutas ang mga ito.

Ang indi natin mashadong napapansin ay kahit na gaano kaliit ang isang problema pag nagawa mong lutasin, isa na itong imbisibol-puntos na nadadagdag sa ating eksperyens. Paano pa kaya kung mas mataas pa saýo ang problemang naresolbahan mo? Level up ka agad nun.

Naisip ko lang, bakit kaya pag nalutas mo na ito eh binabalik-balikan ka nito every 4-7 months (estimasyon lang po ito) na parang bumbai pautang na 5-6? Indi ba pwedeng pag natapos mo na yung level na yun eh iba naman?

Tulad na lang halimbawa pagdating sa “lab prablems”. Pagkatapos mong pagdusahan ang ilang linggo hanggang ilang buwan ito para makarekober ka sa pagkakahulog mo sa bukas na manhole eh eto ka na naman…same problem pero  iba lang ang taong dahilan. Bakit ba indi pwedeng indi mo na ito ulitin kasi tapos ka na dito?

Problema sa pera. Ito malamang hanggang sa pagtulog nagmimistulang bangungot na sa sobrang dalas ng pagbalik, para bang walang ibang gustung dalawin kundi ikaw. Kung parang langaw lang ito, napakarami ng paraan para indi na ito bumalik kahit kailan. Kaso mo, indi eh. Mac Arthur, ikaw ba yan? (I shall return…)

Sa Karir at Trabaho. Hangga’t indi napagbibigyan ang dasal mo na sana magtaas naman ng sweldo (kahit sandaan man lang..). Sa tuwing darating ang kinsenas at katapusan, same old problem…indi na kailangang bumalik-balik nito dahil para na itong libag na naging balat sa pagiging permanente nito sa buhay mo.

Maliban sa mga ito, yung ibang bagay…mashado nang maliliit para mapuna. Mas naaalarma lang tayo pag isa sa tatlong nasa itaas ang biglang nag-return of the comeback ng walang pasabi. Parang nakakatuliro talaga ito pag dibdiban ang pagharap at pagresolba.

Pero, bakit nga ba? Bakit ba tinatanong ko pa kung bakit ito nangyayari? Eh diba dapat nga sa tinagal kong ito sa mundo eh alam ko na dapat ang sagot?

Kayo? Alam nýo ba? Kung alam nýo na, bakit kapag anjan na naman ang parehong problema, pareho pa rin ang approach nýo dito?

Parehong dramatic. Baliw-baliwan. Suicidal. Nagsasalita ng mga bagay na kala mo ito na ang magmimistulang kutsilyo at baril na tatapos ng buhay mo. Meron pang pa-epek na “Lord, bakit nýo ko pinaparusahan ng ganito??”

Haaays, ewan ko ah. Siguro idealistic lang talaga ako pero indi ba dapat, sa dinami-dami na ng pinagdaanan mo…kapag nag-surprise visit ang mga ito sa inyo diba dapat indi ka na magugulat? Kung indi mo man masolusyunan agad, paniguradong may idea ka na at paraan kung paano ito didiskartehan kasi dinaanan mo na yan eh. Nilabhan mo na, kinula, dalawang ulit na banlaw,  nag-downy ka pa bago mo sinampay at nung natuyo pinalantsa mo pa tapos ngayon makakalimutan mo na agad? Ganun lang kadali?

Nagkakaron din ako ng problema (lahat naman tayo diba?) ke maliit o malaki, paisa-isa o isang tropa pa yan. Mahirap, oo. Mabigat, oo. Kaya? kinakaya. Kasi napagtibay na ako ng maraming pangyayari at naniniwala ako na may solusyon ito, indi ko lang kailangang magmadali palagi para mawala na ito kasi para din itong pagpapa-renew ng passport…may proseso at kailangan mo ng matinding pasensya para indi ka mapagod at tuluyan nang umalis sa pila. Kasama nito ang Faith at Prayers at paniniwala na ang lahat ng mga bagay, nangyayari talaga ýan whether we like it or not. Wala tayo sa posisyon para mamili lang ng mga bagay na pabor sa atin. Kusa lang itong darating sa atin, sa tamang panahon.

May naalala tuloy ako. Dati ang simple lang ng pamumuhay namin hanggang sa naging ok na lahat. Naisip ko, ganun na ba kalaki ang ipinagbago ng mundo o sadyang nagpaagos lang ang lahat sa bilis ng takbo nito? Indi ko na siguro kailangan pang hanapin ang sagot na ayan at mas maliwanag pa sa sikat ng araw (indi ka ba nasisilaw?). Kung indi nangyari ang mga nangyari…walang natuto, walang naging matatag, at wala tayo kung nasan man tayo ngayon. Kaya kung anuman at sanman kami napadpad lahat is because destiny said so.

Yun lang. Bye.

Aling Baby

“Lord, sana……”

Ma-plano ka bang tao? Ikaw ba ang tipo na indi mapakali hangga’t walang malinaw, maayos at detalyadong plano na nakahain sa harap mo bago ka sumugod sa “giyera” o ikaw yung tipong go lang ng go with the flow?

Marami sa buhay na ito ang masarap planuhin. Simula sa kaliit-liitang bagay na patungkol sa maayos na pamumuhay at kinabukasan, diba’t kay sarap na i-drowing ito ng magandang-maganda? Sana na nga lang din matupad ito na ayon sa goal ng bawat planista (tayo) para sa sarili at sa pamilya.

Habang nagpa-plano, puro “SANA” ang laman ng isip natin.

  • Sana matupad..
  • Sana mas tumagal pa..
  • Sana matapos ko agad..
  • Sana maipon ko ng mas malaki pa..
  • Sana wag muna silang mawala..
  • Sana maging malusog ang lahat..
  • Sana walang humiwalay..
  • Sana laging Masaya..
  • Sana laging handa sa sakuna..
  • Sana kami na..
  • Sana matanggap nila..

Sana…puro tayo sana. Kasi naman, kung nakikita lang ang sagot sa bawat pagtingala mo sa ulap habang hinihiling mo ang iyong “sana” di sana wala nang magtatanong, diba? Wala na rin papayat to make extra effort para matupad ang mga sana sa buhay natin. Malamang lahat tau nito lumba-lumba na at wala nang iniintindi. Lahat ba naman ng tanong me sagot agad eh.

Para tayong contestant ng Survivors, Amazing Race, Jeopardy at lahat ng contest involving stuggling to reach the jackpot prize.

Ano nga ba talaga ang laman ng kahon? Kwarta/Wealth, Fame, Success, Beauty, Happiness, Friends, Love, Long life?? Kelangan ba isa lang sa mga ito ang pwedeng makuha? Pagkatapos mong magkalasog-lasog at magkagura-gura sa hirap at dusa ng contest na ito? Ang laman lang pala ng kahon mo eh “Isang pares ng Tsinelas??” Ito na ba ang parte kung saan masasabi mong, “Life is soo unfair!” Sabay iyak at walk-out?

Pero bakit ganun, bakit merong ibang taong masasabi mong “nasa kanya na ang lahat” – Yaman, good looks, sikat at masaya. Bakit ako indi? Sila lang ba ang anak ng Diyos? (Drama-rama mode insert here)

Bakit nga ba ganun? Bakit ba malimit nating hanapin ang mga bagay na wala sa atin? (Alangan namang hanapin mo ang meron 😆 )

  • Madalas sa pisikal na aspeto, kasi pansinin ng lahat.
  • Sa laman ng bank account kasi nabibili nito ang lahat ng kailangan ng walang kahirap-hirap.
  • Pag sikat dahil kilala ng lahat. Siguro parang nasa ulap ang pakiramdam ng ganun.

Dahil na rin siguro na nabubuhay na tayo ngayon sa materyosong mundo. Ito na ang makabagong sakses na matatawag…pag kumpleto ka ng lahat ng mga materyal na bagay na kinahuhumalingan ng buong mundo pwede ka na sigurong humimlay gaya ng lagi mong sinasabi habang hinihintay mong mabili ang gamit na pinakaasam-asam mo. Pag meron ka nito, ilang steps na lang nasa stage ka na ng pagiging “Unreachable” parang star lang sa kalawakan, mainit-init pa yan take note.

Reality bites (aray!) isn’t it?

At kahit na alam naman natin na indi ito ang kukumpleto ng buhay, sige pa rin. Kumbaga sa full meal, ito yung side dish at dessert na tinatawag. Pampalibang habang sumusugod sa giyera. Para naman indi masabing hirap na hirap ka kasi can afford ka naman pala.

Naisip ko lang, na sana indi lang puro “sana” ang binabato natin sa Kanya. (Kasi aminin natin, yung iba dito napakahirap sagutin diba Bro?  May mga “sana” kailangan pa ng panahon bago pagbigyan at merong iba na napakadaling di payagan.) Sana sa bawat sana natin meron ding “Salamat”.  Dahil indi biro ang makinig sa ilang bilyong taong humihiling.

Pwede na siguro yung…

“Salamat po kasi indi kayo napapagod sa paulit-ulit na hiling. Na dapat ipagpasalamat ang araw-araw na paggising ang bawat araw na dumarating sa atin. Salamat dahil may trabaho na kahit na indi ganun kalaki ang sahod at siyang nakakatulong pa rin sa pangangailangan. Ang suporta ng pamilya, jowa/asawa, at mga kaibigan. Ang makakain tatlong beses sa isang araw, makitang malusog sa pangangatawan ang mga mahal sa buhay.”

Sa totoo lang, napakaraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa Kanya. Maliban sa mga ito, mga materyal na bagay lang ang mga ito at nasisigurado kong mas importante pa sa laptop, psp, cellphone, ipod, mamahaling gamit ang makita mong walang ni isa sa mga mahal sa buhay mo ang may malubhang sakit. Isang pribilehiyo na nga ang maging mabuhay sa Earth diba? Ok na yun, wag na lang nating mashadong dibdibin kung anu yung wala..instead, we should cherish and appreciate the things we have, tama mali?

Yung lang. Bye.

Aling Baby