Masarap Sa Pandinig

 

Lagi kong naririnig itong kanta na ‘to sa bagong tambay namin. Alam nyo naman pag unang beses pa lang na marinig ang isang kanta, parang hindi mo pa gusto, pero lately napagtanto ko na maganda pala talaga siya. Magandang-maganda nga talaga. Mula sa lyrics hanggang sa mismong kanta.

Sana magandahan din kayo….

Advertisements

Nilinlang ng Mapanlinlang na Timbangan

Madalas pag nalalagay sa alanganin, anu ba ang dapat gawin? Mahalaga pa ba na isipin ang mga tao na posibleng madamay? Tama bang hindi mo na lang intindihan ang mga ito at sundin kung anu ang iniisip mong makakapagpasaya sa’yo? O mag-feeling na kunwari okay ka lang pero deep inside gusto mo na magpatiwakal?

Kung ako ang tatanungin mo, “Ayokong mapunta sa ganyang sitwasyon, okay? Bye!”

Teka…

Baka naman sabihin n’yo ang duwag ko, para yan lang hindi ko pa masagot. Eh mas mahirap pa nga yung pakiramdam na uwing-uwi ka na para maipahinga ang sarili mo palayo sa mga masamang karanasan na inabot mo mula sa paghihintay ng bus at nakasakay ka nga sa pinakaaabangan mong bus eh para ka namang nakulob sa iisang matinding amoy galing sa mga pawisang mama na walang ligo sa loob ng ilang beses naulit na walang labang damit na kahit itulog mo makalimutan lang ang kakaibang amoy na yon ay susundan ka hanggang sa panaginip mo. Diba? Mas pipiliin ko pang isipan ng solusyon ang problemang ‘yan dahil mas mahirap kalaban ang pang-amoy.

Kung ako man ang mapunta sa alaganing sitwasyon, alangan namang magalak ako diba? Dito ko na siguro maipapakita ang matagal ko nang itinatagong talento sa pag-iyak. Anu ba ang gusto nyo, mahina o malakas?

Mauuso na naman yung linyang, “Pwede ba, leave me alone!” Diba naman, para talagang pang-award ang mga banat. Shempre, sinu ba naman kase ang gusto ng maraming bumubulong ng kung anu ang mga dapat mong gawin. Paminsan-minsan ayaw mong may makita kang tao na maaawa sa sitwasyon mo.

Pinipilit mo silang maniwala na okay ka lang kahit na isang linggo ka ng walang matinong tulog, halos tatlong araw na isang kutsara lang na kanin ang nakakain mo sa sobrang depresyon at ang pinakamahabang nasabi mo sa halos isang linggo eh, “Sige pre.” Pwede kasi yon magamit na sagot sa tanong and at the same time eh, pag magpapaalam ka na papasok sa opisina o kung san man ang punta mo.

Sa mga ganitong panahon ng buhay mo, pakiramdam mo sina Mang Miguel, Mang Jose at ang mga yelo lang ang nakakaintindi sa sitwasyon mo. Na maliban sa mga ito, ang lahat ng pinapayo ng iba ay pawang mga delusyon lang. Tulad ng “kalimutan mo na siya”, “tanggapin mo na wala na”, “matuto kang magpatawad”, “lakasan mo ang loob mo” at “umasa ka na balang araw kung kayo, kayo talaga.”

Ang mga payo na ‘to ay applicable lang sa mga pelikula at teleserye. Mahirap.. este, napaKA-hirap talagang gawin ito sa totoong buhay. Madali para sa mga nagkamali ang magsalita at para naman sa mga nagawan ng mali, kailangan talaga ng panahon para makalimutan. Kailangan ng pasensya. Hindi lahat ng bagay pwedeng idaan sa madalian.

Sabi nga nila, “Forgive but never Forget.”

Lahat tayo napupunta sa alanganin, sa ayaw at sa gusto natin. At sa lahat ng gusot na pwede nating daanan, walang shortcut dito…walang exception, walang espesyal o VIP na tinatawag. Hindi lahat ng tao makakaintindi. Meron d’yan na pagtatawanan ka lang. Merong tutulong kase may kapalit. Merong dadamay dahil nakikisakay lang. Makikinig kasi walang choice. Kunwari uunawa pero pag wala ka, pinagpi-pyestahan ang buhay mo. Kung minsan, kung sinu pa yung madalas magpayo, ‘yon ang kailangang payuhan.  

Marami tayong isyu sa buhay natin. Hindi na mahalaga kung sinu ang tama at mali. Kunsabagay, ang rason kung bakit nandito tayo ngayon sa kinalalagyan natin ay tayo rin at hindi ang ibang tao. Nangyari yan dahil ito ay konektado sa lahat ng mga bagay na nagawa, ginawa, sinabi at nasabi natin. Lahat tayo may pinagbabayaran na kasalanan. Diskartehan sana natin ng maayos, fair at maging realistic naman tayo ng konti. Hindi ito cartoon network. Sa totoong buhay, may nasasaktan at nahihirapan. Wag natin daanin sa mga baluktot na dahilan at sa mga pag-iyak ang problema dahil sa totoong buhay, walang awards night.

Kung gusto nyo ng pabigatan ng problema, daanin na lang natin sa timbangan hehehe…Ohh life talaga.

 

EMO-de at High Blood

 

Nakakahawa ang pagiging EMO-de ng mga tambay mula kagabi.

Naiwan kami ni Mayn at wala kaming ginawa kundi mag-chat at mag-soundtrip. Kahit kakaiba ang init ngayon ng maghapon, walang natinag sa aming dalawa para pumasok at matulog.

Umalis si Ivan para “sundin ang puso niya.”

Pumasok si Pao para maghanapbuhay.

Nagtulog si Katch kasi ginagamit ko yung laptop.

Umalis si Cheng at naglagalag.

Busy si Leo sa pag-transfer ng songs sa iTouch niya.

Pumunta si Lolo sa Karama para mag-grocery.

At ayun, kami ni Mayn kahit mainit…nakatambay sa tindahan.

Akala ko talaga pareho lang ng activities last weekend meron itong week na ‘to sa tindahan pero hindi. Bukod sa mga ibang taong nag-trip at malamang alam nila na hindi maganda ang ginawa nila; May isang grupo rin na hindi nagpahuli dahil umaga pa lang inumpisahan na nilang magsunog ng atay nila, ayun at ang nananahimik na si Lolo, (Hindi na nga umiinom, inaano pa nila..tsk tsk, nga naman talaga.) eh gusto pa nilang gawan ng hindi maganda.

 

Mga Friends naman…. hindi porke’t mga gagu ang mga tambay sa tindahan namin, hindi ibig sabihin nun na lahat kayo eh may karapatan na manggagu sa’min. NAMAN. Wala kayong “K” gawin yon kasi wala kaming pakialam sa inyo, mga chorva. AT kami-kami lang ang may “K” gumawa nun sa isa’t-isa kasi magkakaibigan kami. Ayos ba? At hindi dahil nakikisalu-salo together ang iba sa’min na makipagtagayan sa inyo eh ibig sabihin nun CLOSE NA TAYO. Talagang mababait lang ang mga Tambay dito pero sana wag n’yo naman abusuhin okay? Dahil wala kaming interes sa mga bagay na wala kaming mapapala, tulad ng mag-trip sa ibang tao to our hearts content. Ibahin nyo kami. Nakaka-highblood kayo.

Kaya nga heto ang kakaibang mood sa paligid ng tindahan. Sana isang araw lang ‘to kase hindi ako sanay na ganyan kayo.

Smile naman ‘jan, mga pre!

Buntonghininga

 

Nagtataka ako sa pag-iisip ng ibang mga tao. Kung bakit sinasamba nila ang pera. Oo nga, kailangan natin ang pera dahil sa panahon ngayon pera ang nagpapatakbo ng buhay natin. Pero diba kahit naman magkaroon tayo ng libu-libo kahit milyun-milyong limpak na salapi, hindi naman natin yon madadala sa hukay natin.

Para sa’kin, mas marami pang mas importante pang bagay maliban  dyan. Tulad ng totoong love, friendship, good health at dignidad. Hindi ‘yon kayang bilhin ng pera. Kasi priceless yon, walang value, walang amount equivalent (panu ba maging redundant hehehe..:)) .

Nakakasama lang kasi ng loob na may mga taong malapit sa’yo na hindi mo ini-expect na magiging ganun dahil lang sa pesteng pera na ‘yan. (Hindi naman ako galit na galit diba?:D) Kung hindi lang malawak ang pang-unawa ko sa mga ganung tao, malamang nasa bilibid na ‘ko,(Lord, ‘wag naman po.) Minsan ba naiisip nila na dahil sa sobrang pagmamahal nila sa mga kayamanan nila, unti-unting nawawala ang mga taong totoong nagmamahal sa kanila at ang mga taong nakapaligid sa kanila yon yung mga taong nandyan lang kasi kailangan nila ng makakapitan. Pero pag nawala na lahat, ano na mangyayari?? San na ngayon sila pupulutin? Sinu pa ngayon ang lalapitan nila?

Sana habang maaga pa, habang may natitira pang respeto sa kanila yung mga taong nagpapahalaga sa kanila, matutunan nilang maging sensitibo sa mga bagay na ginagawa at salitang binibitiwan nila bago pa tuluyan na mawala ang mga ito sa kanila. Hindi naman masamang maghangad ng konting ginhawa ng buhay. Minsan nga mas mabuti na yung nakakaraos ka at nakukuha paminsan-minsan ang mga bagay na gusto ko makuha kasi mga materyal na bagay lang yan. Pag tumagal, maluluma din yan, mawawala sa uso.Kukupas din, masisira at hindi na mapapakinabangan. Simple lang ang buhay, wag na natin gawing kumplikado.

May mga bagay na hindi na natin maibabalik sa dati pag nalamatan na, tulad ng tiwala.

Gumising ka na kaibigan, pera lang ‘yan. Kaya mo yang kitain ulit. Pero yung mga totoong tao na nakapaligid at nagmamahal sa’yo, pag nawala sila sa buhay mo, good luck kung makahanap ka pa diba?

Hay naku naman, ayoko na ng stress.

Gising Pre

 

Gising, Pre.

 

Tumatanda ka na, pre.

 

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na ang role ng crush mong matinee idol noon.

 

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng “PENDONG!”. Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napa-praning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginseng.

 

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

 

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

 

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon eh ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

 

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil sa gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

 

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

 

Alipin ka ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

 

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapag-swimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa’yo ang gin pomelo. Nagyon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

 

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

 

Saan ka ba pupunta?

 

Pre, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machine sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uuli-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa’yo. Balikan mo sila.

 

…………ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

Pssst..kaninong Phone ba ‘to?

Kanino kayang mga Cellphone ‘to?

Sossy naman, naka-Samsung U700 ‘tong friend natin. Parang mejo alangan sa size niya pero wala tayo magagawa eh…ito ang dream phone niya. But in fairness to him, it’s a slick phone. Sensitive nga lang ang keys pero useful naman siya kasi, nagamit namin yung pinagmamalaki niyang 3.15MP Camera nung nag-Jumeira Tour kase na-dedbat yung digicam na dala. At please, wag kayo…ang phonebook nito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, tulad ng supplier ng alak; yung number ng Ain Jamal (yung mini grocery na malapit sa’min.); at pag nag-expire ang visit visa nyo…aba meron din siyang contact na travel agents. Love na love niya talaga ang telepono niya, in fact gusto na nga niyang umuwi ng Pinas para lang maipakita sa kanila habang hindi pa natatanggal yung pagka-silver nito.

Pag ikaw nga naman ang naka-receive ng gift na Nokia E61i, kumusta naman eh magpasalamat ka diba? Kahit na pakalat-kalat lang ito sa kung saan-saan, halos muntikan na mawala at minsan puro na siya ash dahil sa yosi…wala, buhay pa rin. Heavy duty ‘to, kung pwede nga lang kabitan ng speakers ‘to eh malamang, mauumay ka sa lahat ng latest mp3 hits nito exclusively for brokenhearteds. Kaso nga lang kulang sa security, hindi dependable kaya kung anu-ano ang aksidenteng nagagawa. ‘Pag naiiwan nga ito sa aming table, nadadale naman ang load niya..pinapasa-load kase alam na wala sa sarili yung me-ari hehehe…

Ang mobile na dinededma pagdating na pagdating ng bahay. Ang sabi niya kase, after ng working hours niya…ayaw na niya maka-receive ng calls lalo na sa boss niya na walang patawad. Pati tuloy yung lovelife niya, kung kani-kanino tumatawag para lang makausap siya at yung ibang tropa…dun na sa lovelife niya tumatawag kasi nga alam na nila na nakatago pa rin sa bag niya ang mobile niya. Minsan ginagawa rin ‘tong sound system pag tinatamad maglabas ng speaker ang mga tambay, pagpasensyahan nyo nga lang ang mga nasa playlist niya dahil kundi luma, ito malamang ang latest downloads niya.

Ito naman ang phone na overused. Malamang siguro lubog na ang keypads nito sa kaka-text. Yung scroll key nito, worn out na rin kakatingin sa mga pictures nila ng lovelife niya. Pero kahit naman laging ubos at nagkakautang cia ng 2.65 dirhams sa Etisalat…mabenta naman ito sa mga Kodak moments. Ang mp3 playlist? Kailangan pa ba i-memorize yan?? Shempre, pam-party…anu ba naman. Tapos pag gusto lang niya magsenti, ayun…maririnig mo si Martin Nievera at si Divo > magkaibang version ng iisang kanta (Ngayong Nandito Ka) Siguro kasi, yon ang theme song nila…cheesy hehehehe…

Haay, makakalimutan ko ba naman itong cellphone na ‘to?! Eh dito ko unang narinig yung song na, “Shet, sobrang inet!! Abot singet!!” Nung nagpunta kami sa Mamzar Beach ng gabi, nag-last song syndrome tuloy ako nun hehehe… Muntikan na nga ng phone na ‘to humimlay eh. Nagulat na lang ako nung may dumating na speedex delivery sa office namin, (sosyal talaga pina-courier pa. Samantalang 3 blocks lang ang distance ng bahay namin.) Buti na lang at na-jumpstart pa ng technician namin. Ayun, alive and kicking pa rin.

‘Pag na-sales talk ka ng may-ari ng phone na ‘to, malamang you’ll end up buying the same brand, tulad nung nangyari sa may-ari ng U700. Fanatic ng Samsung ‘to, kase ba naman ang ganda talaga ng performance ng cp niya. Proven na daw kase. Malinaw ang pictures, malakas ang sounds ng mp3, stylish, mukhang mamahalin at handy…un nga lang, mahina ang ear piece hehe (wala talagang perfect sa mundo noh?) Kaya heto, naka-ilang headset na rin siya. Pero baka nga hindi na rin muna madalas magamit ito kase nga yung frequent caller niya eh naubusan na ng load forever….sana naman hindi.

Ito ang cellphone na pag nag-alarm, lahat ng tao nagigising sa lakas except sa may-ari hehehe… Buti nga sana kung regular na alarm sound lang eh, kaso pang-party talaga. (Alam nyo yung song sa Ginebra, Bilog ang mundo? Un na!) Lahat tuloy nagkaron ng phobia dun sa song na yon hehehe. Ang may-ari ng phone na ‘to, devoted sa trabaho…kaya hanggang sa bahay, parang call centre pa rin. Maya’t-maya ang callers niya. At kung kailangan n’yo ng car lift? Naku, maraming alam ‘to. Kahit saang mall may contact siya.

Sabi niya, ito raw ang Dream Phone niya…kaya naman kahit na halos mawasak na yung bulsa niya sa mahal, ayun..walang nakapigil sa kanya sa pagbili. Ang ganda diba, latest talaga…kaso madalas umungot ‘to sa kin eh…”Pre, ayoko na talaga ng cellphone ko. Naba-badtrip na talaga ako dito eh.” Pasaway kasi eh, hindi user friendly. Eh minsan nga, nagpaligsahan kami ni E61i na hulaan yung security code nito…ayun, kaka-try namin inabot ng 60 mins na disabled hehehe..pati may-ari hindi niya magamit. At naman, kahit na code locked ito…pag may message na dumating, CHAARAAANN! Mababasa mo lang naman agad. Sasabihin mo na lang sa may-ari…”Pre, hindi ko sinasadya na mabasa na I love you daw” hehehehehe… badtrip diba? Pero kahit ganun, maganda talaga siya pre…mahal yan eh…maganda talaga diba?

Ang use naman nitong phone na’to, voice mail. Bakit? Kasi walang choice yung may-ari kundi iwanan ang phone niya sa bahay dahil bawal sa trabaho. Kaya nga mag-iwan ka na lang ng voice mail at magtext ka para pagdating niya meron siya mabasa. Dapat alam mo na yan…wag na kayo tumawag kasi hindi niya dala yung phone niya. Pero lately, nagulat kami kasi nagpalit na siya ng phone. (sowee, wala ako mahanap na pic eh.) Sabi nga nmin ni iPhone, ibalik niya yung dati kasi maganda naman talaga un. Pauwi ng Pinas ‘to, pero bago umalis…humabol ang lovelife. Happy Five din sila. Malamang swerte kasi talaga sa kanya yung bagong phone niya.

Ang phone na ‘to mga pre, hindi pa ‘to totoong phase out. Hindi totoo yon, hindi rin ito antigo…ang sakit nyo naman magsalita. Kita nyo naman, nakahanap pa ako ng pic. Buhay na buhay pa ‘to. Napaka-useful nga dahil dito niya tinatago ang mga kaperahan niya, diba naman panu nagkakasha un dun? Minsan magugulat na lang kayo at may tumatawag sa kanya habang kainuman namin…panu, yung kainuman niya sa taas, iniwanan niya ayun, hinahanap na siya. Heavy duty naman ito, naman diba tatagal ba naman ito ng ganito kung hindi? Sige nga, isipin n’yo nga un hehehe.