Teka muna..

Nung edad 16 ka, anu-ano ba ang mga pangarap mo?

Tila yata nayanig na ang kalmadong mundo pagpasok ng milenyo. Biglang nag-iba na ang takbo ng isip ng ating mga kabataan o baka naman tumatanda na talaga ako? At mashadong mahalay na para sa akin ang makarinig ng Aylabyuhan sa pagitan ng mga Nene at Totoy edad disi-otso pababa sa mga social network sites at helloo sa PERSONAL?

Ako lang ba? O totoo na talagang ITO na ang mundong kalalakihan ng munti kong anghel?

Sandali lang.

Bakit?

Papa’nong….

Hey! Mga bata! Mga Ineng! Mga Totoy! Maghunus-dili kayoo. Please. Kumalma muna kayo.

Ito ba ang bunga ng mga napapanood n’yo sa telebisyon? Na ang unahin n’yo sa listahan ng mga pangarap n’yo ay MAKAHANAP NG FOREVER??

Sandali lang. Umupo ka muna. Alisin mo muna sa pagkakayakap jan sa “mahal” mo ang mga kamay mo at makinig ka.

Bata ka pa. 

Pag-aaral muna ang atupagin mo.

Isang beses ka lang magiging ganyan ka-bata sa buong buhay mo. Bakit hindi mo muna samantalahin ang mga mahahalagang panahon na yan para ienjoy katulad ng ibang dalaga’t binatang kasing –edaran mo? Na hindi kailangan magmadali sa paghahanting ng ‘mahal.’ O kung merong ganun, hindi muna seryosohan. Wala pa dapat sa isipan ninyo ang pakikipag-relasyon dahil sa totoong buhay, sa mura n’yong edad, marami pa kayong dapat matutunan.

Mahaba pa ang byahe n’yo, wala pa nga kayo sa umpisa ng karera kasi dapat ineenjoy nio muna yang parte na yan. Ang highschool life. Kasi yan ang pinakamasayang mga taon sa buhay ng isang teen-ager. Alam namin yan at kung magkakaron lang ng pagkakataon, gugustuhin naming ulit-ulitan yan.

Hindi kayo pinaaalalahanan ng mga magulang n’yo kasi KJ lang sila. Kasi ang totoo, marami na silang karasanan ng pagkakamali na ayaw nilang pagdaananan ng mga anak nila.

Kung marami man ang naglalike sa mga post ninyo na sweetness at sobrang in-love, kasi ang totoo masaya sila para sa inyo pero hindi kayo nakaka-inggit.

Ang nakakainggit ay yung mga nakatapos at may mga pangarap na gustung abutin bukod sa lovelife.

Yung mga hinahabol ng mga kumpanya pagka-graduate.

Yung may mga maganda at stable na career.

Yung mga kalmado lang at ineenjoy ang buhay single na mas inuunang ikutin ang mundo, kesa maghanap ng magpapaikot sa mundo nito.

Oo, andun na tayo. Mashado nang overrated ang issue ng Forever. Kung meron mang pinalad na makahanap nyan sa murang edad, pakitanong mo kung hindi sila nahirapan at kung nakapaghain ng pagkain sa mesa ang pagmamahalan at nakapagpasok ito ng pera sa bulsa. Pwede mo rin itanong sa kanila na kung may pagkakataon silang baguhin ang mga pangyayari sa buhay nila, ano at bakit. At pakinggan mong maigi ang isasagot nila.

Oo, andun na tayo. Masarap ma-in love. Lalo na kung narating mo na at naabot ang mga pangarap mo. Ang sarap nyan i-share sa mahal mo.

True love can wait.

Love can wait.

At marami nang napahamak sa pagmamadali.

Kung sa tingin mo, nahanap mo na. Siya na nga ang forever mo at kung mahal ka nga niya, maghihintay siya. Sa tamang panahon. Na hindi pa ngayon.

Maglakbay ka muna. Marami ka pang dapat subukan at maranasan. At pag natapos mo na ang mga dapat mong gawin, saka mo tuparin ang pangako mo sa totoong nagmamahal sa’yo na hinintay ka para sa tamang panahon.

Sa tingin ko, sa ganyang paraan, magiging mas kahanga-hanga ka pa. 

Advertisements

Ano’ng napala mo? Ha?

Isa sa pinaka-pahiyang marami sa buhay ng tao ay yung mahuli ka on the spot at wala kang kalaban-laban. (I know, right.)

Yung lilingon ka pakanan-pakaliwa pero wala kang makitang pwedeng sisihin kundi ikaw. Ang sarili mo. Kaharap ang nakahuli sa’yo na ang tangi mo na lang pwedeng gawin ay ang yumuko.

Yumuko sa kahihiyan. Tumahimik. Humimlay.

At yung katotohanan na yung iniingat-ingatan mong tiwala niya sa’yo, eto ngayon, basag-basag sa pagitan ninyong dalawa. At tahimik kang humihiling na sana. SANA HINDI NA LANG NANGYARI ‘TO.

Abot-hininga. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Di mo sure kung ang next move nito ay yung pisikal na. Ano bang gagawin ko, tanong mo sa sarili habang nagddrumroll ang pintig ng puso mo.

Shit kasi. Ang tanga ko. Bakit di ko naisip agad yun?

Imbes na pagsisihan ang ginawa, mas naiisip mo pa kung bakit hindi mo naagapan na mahuli ka. Eh di sana wala ka sa posisyon na ito. Gisado.

Nakakainis no?

Samantalang nung enjoy na enjoy ka habang nakikipaglandian-huntahan o kung ano-ano pang pwedeng itawag jan eh hindi mo naiisip na baka lang. BAKA LANG biglang magbiro sa’yo yung mga demonyong kalaro mo at finally, mahuli ka na sa kalokohan mo.

Meron ka bang PLAN B? Like alam mo ba ang eksplanasyon dito pag na-hotseat ka? Naisip mo bang pwedeng mangyari yun sa’yo. One time. Jackpot prize. House and lot. Sa Sementeryo.

O, bakit ngayon natatakot ka na? Kinakabahan. Di mo kasi pwedeng sabihin o kahit sa hinagap na isipin at umarteng parang hindi ito nangyari. Parang walang nangyari. Di mo pwedeng itago ang katotohanan na lumandi ka o nakipaglandian ka ng panakaw lalong lalo na kung huling-huli ka pa. Di ito file sa cellphone/computer na pwede mo lang bastang i-delete. And it will just go away…

You wish.

Sa totoong buhay, pag nahuli ka. Lagot ka. There’s no other way out.

Tanga ka eh. Gago ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. May utak ka sana ginagamit mo. Kaya wag kang umangal kung mahirap. Kung nakakainis na at kung nakakarindi na.

Magpasalamat ka na lang. Pasalamat ka dahil buhay ka pa. Pasalamat ka kasi kahit hindi ka deserving, binigyan ka pa rin ng pagkakataon.

Kaya mag-isip isip ka. Dahil hindi bottomless ang pagkakataon na yan.

Bukas makalawa, ang mga tanga, magigising din sa katotohanan.

At hindi lahat ng party, masaya. (—Third Party) #patawaLang 😛

Ok? Ok.

Kalandian Fest Generation Z 2015 (iGen/Post Millenials) wutever…

Sa panahon ngayon, mahirap nang makasiguro kung yung kalandi-an mo ay pawang nagsasabi ng totoo o jinojoketime ka lang. Shempre, sino ba naman ang tatangging landiin lalo na pag may itsura naman ito at f na f mo rin na type na type ka nito.

Maliban dito, kahit alam na alam mo naman ang background ng kalandi-an mo, cge ka pa rin sa kalandian kasi pag dumating ang di inaasahang tamang panahon, pwede mo namang isagot na, “Eh kasi di ka naman nagtanong.” O diba? Pak na pak lang.

Ang totoo n’yan, generally speaking, ang babae, hindi agad-agad nahuhulog sa patibong. UNLESS, type ka nito at laman-tyan ka, yung tipong di ka pabigat sa budget. Bagkus, siya ang makikinabang sa budget. Ay, Go!  Keribels, landian na ‘to.

O, teka…di ko nilalahat.

Pero wag na tayong magpaka-plastik. Sus, lahat naman sa panahon ngayon, alam na. Wag na tayong magpaka-mahinhin at magpaka-santa kasi ang totoo, lahat tayo, may tinatagong LANDI sa katawan. We just have to find the right person to unleash it.

It just so happen na may kilala akong expert sa panlalandi. (Excuse me friend, hindi ito compliment.) Kasi may tamang oras at panahon at STATUS ang paglalandi. At hindi ito dahil sa kaya at pwede mong gawin sa oras na gusto mo. Dahil for sure, meron ding mga tao na nagfformulate na ng mainam na paraan para pumuksa sa mga pesteng malalanding tulad mo sa mundong ito.

Yes. Kailangan na silang puksain. Pagsama-samahin at sunugin. Yung sinusunog ng buhay para mas masaya. Ayoko ng may maiiwang buhay. Hahahaha! Burn baby burn!!

O, teka ulit…hindi ako galit. I’m just speaking on behalf of them Malalandi haters. Of course, sino ba ang kakampi sa mga malalandi? Ikaw?

Sabi ko nga bago ka lumandi, magpalandi o manlandi…paki-check muna kung single ka o kung single ba yung kalandi-an mo kasi mas masarap sa pakiramdam yung naglalandian na kayong dalawa lang at hindi yung di lang pala ikaw yung kalandi-an ng nanlalandi sa’yo kasi…#KarmaIsABitch te. It’s true! Try mo nga para malaman mo.

At sa tamang panahon, it will die down. Yang kalandian mo. Kasi it’s either of the following lang yan…

  1. Mahuhuli ka ng jowa mo or ng jowa ng kalandi-an mo.
  2. Magkakaron ng mas yummy yung kalandi-an mo kaya chugi ka na.
  3. Mala-lapse ka na kasi hello tumatanda talaga tayo.
  4. Mamatay ka dahil sa kalandian mo.
  5. Mamamatay kang malanding mag-isa.

At sa tingin mo ba may seseryoso sa’yo pag nagkakilala kayong malandi ka? Well, in the long run cguro mapapaisip siya kung for keeps ka ba eh baka pag nakakita ka na naman ng yummy eh ulit-ulitin mo lang ung mga pinaggagagawa mo at mandadamay ka pa.

Eventually, lahat tayo ay maghahahanap ng peaceful na kalalagyan (hindi ito ung ikaw, ang kabaong sa sementeryo…), alam n’yo na ‘to diba? Yung safe haven. Yung pakiramdam na yung humahalik at yumayakap sa’yo araw-araw eh hanggang sa huling hantungan na. Yung sinasabi nilang ‘May Forever.’ Well, eh kung papalarin ka lang naman.

Kase hello, sino bang hindi maghahangad ng ganito? Yung iba nga nagpapakamatay at nakikipagpatayan pa ma-achieve lang yan.

Kaya ang suggestion ko lang sa mga malalandi, kung gusto niong humaba pa ang buhay nio yung tipong aabot kayo sa finish line at machu-chugi of old age or dahil sa sakit hindi dahil sa nabuo na ang formula at isa kayo sa napuksa dahil sa sobrang kalandian lang. Nakakahiya naman mamatay ng walang saysay.

Saka Karma is just around the corner –waiting. In my experience, di pa siya natatakasan. Wala siyang patawad at kung matatauhan ka kung kelan malaki na ang damage na nagawa mo, eh sorry ka na lang. #sorrynotsorry. Magdusa ka.

Ok? Ok.

Musta?

how-are-you06
Isang simpleng tanong na kadalasan sa hinding panimula ng isang mahabang lakbay.
Maraming ibig sabihin ang pangungumusta. Depende sa sitwasyon. Okasyon. At sa kumporme (konek?)
Sa lahat ng pangungumusta, ang pinakapaborito kong isagot ay ‘Ok naman’ at dun na rin yun natatapos, depende sa nagtatanong.
Para sa mga literal at jumping jack na katulad ko, kung wala naman akong sakit, malamang ok naman ako…bakit ka pa nagtatanong? (Taray! Hehe) Pag wala naman akong gusto pang idagdag dito, convo ended na agad.
May mga tao kasing gusto lang makibalita. Mga simpleng nagpapa-update. May nakahandang hingin na pabor. Magandang pang-intro lang para sa mas hebigats na pabor. Kumu-confirm sa bali-balita. At mga totoong, sinserong, concern citizens na gustong rumeach out at catch up for lost times.
Browsing in the dark
Mase-sense mo naman agad sa umpisa pa lang na tanong. At sa panahon ngayon, kailangang may nakahanda ka nang sagot na depende rin sa pagkakatanong. Eh sa totoo lang, wala nang nahuhuli sa balita these days sa tulong ng facebook. So malamang, umabsent ka lang ng ilang update, mag-aalala na agad ang abangers mo sa news feed kung ano na ang nangyayari sa’yo. (Ano nga ba? Ilang linggo ka na kasing walang post! -mga ganyan.) Parang celebrity ka na ring wala nang privacy kaka-update mo ng status. At malimit, kung sino pa yung puro games lang ina-update, sila pa ang mas updated sa buhay mo. Kaya wag ka na magtaka.
Kaya nga ba pag may nangangamusta pa, iisipin mo kung alin sa post na yun ang topic na kasunod nun. Alam mo na dapat yan…member ka na since 2010,
Maraming nangyayari sa buhay ko at 90% nun, andun sa kabilang updated social network site na sinalihan ko — AkinNaLangYun.Com.AE. -kung ano ang nakikita n’yong nakapost sa fb at blog ko, ito yung mga bagay na validated to go on public. Pwedeng i-share. Pwedeng pagpyestahan. Pero mas marami pa ring di na dapat ibinobroadcast. Mas mabuti na kasi yung ganun.
Di naman bawal mangamusta. Minsan, nakakatuwa ring isiping may nag-aabalang magtanong at alamin kung ok ka nga ba. Masarap ding sumagot ng ok lang naman na kung mababasa lang nila ang kabuuan ng pagiging ok mo, makukuntento na sila sa simpleng sagot na yun.
Kaya sa mga iba jan na kumukumusta expecting na hindi ka sana ok, wag na ma-disappoint. Di lahat ng maiksing sumagot, malungkot. Hindi lang talaga interesadong sumagot yun or worst, you’re not worthy enough para malaman pa ang ibang bagay. Ganun talaga. Nangyayari yun sa totoong buhay.
Yeah-Right-On
Mind your own business na lang para everybody happy. 🙂

Tanong lang: Bakit ba?

what

Bakit kaya may mga taong pagkatapos mong pagbigyan, antayin, pagpasensyahan at intindihin….pag turn na nilang gawin yun, hirap na hirap? Anditong nagmamadaling makuha ang gusto, walang pasensya at hindi makaintindi?

Bakit kaya kapag alam mong hihintayin ka ng mga kasama mo, saka ka pa lalong nagbabagal kumilos at literally taking your time pero pag ikaw naman ang maghihintay, di ka magkandaumayaw sa pagmmessage kung nasan na ang mga ito at nakukuha mo pa talagang mag walk out dahil sa trenta minutong pag-antay kumpara sa halos dalawang oras kung magpaantay ka?

Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga taong pagkwentuhan at pagpyestahan ang buhay ng iba nang patago? Pero pag na-caught in the act na sa ginagawa, halos manguna sa pagmamalinis at pagpapakita ng magandang bagay maisalba lang ang sarili sa kahihiyang isa sila sa mga karaniwang taong tingin nila sa sarili nila, sila ang tama?

Bakit kaya may mga mahilig magbigay ng pabor at tulong na sadyang isang kabayanihan, isang tunay na kaibigan. Walang halong pagmamaramot. Pero kapag dumating ang araw na nagkamali ka. Hindi mo napagbigyan. Nakalimutan mong magbigay-pugay mag-alay ng bulaklak…bigla kang bibilangan ng mga tulong, pabor, utang at kung anu-ano pang mga bagay na ginawa niya para sa’yo?

Bakit kaya kahit ilang ulit ka nang umikot, baguhin ang pwesto ng tulog, bumaling, dumantay sa unan, i-full blast ang electric fan, isara ang lahat ng bintana, maglagay ng eye mask, magdasal o magbasa….di ka pa rin makatulog? –Ganun ba talaga pag bagong gising? 😛

Bakit kaya kung sino pa yung gustong gusto ng respeto at pinagpipilitan na karapat-dapat silang galangin at pahalagahan, sila pa itong hindi marunong gumawa ng gusto nila para sa ibang tao? Ano, dapat kayo lang? Kayo na. 😛

Bakit kaya pag sinasabi mong ayaw mong gawin ang isang bagay sa pansariling dahilan na hindi katulad ng sa ibang tao, iisipin na agad ng mga ito na maarte ka at pasushal. Hindi marunong makisama. Makasarili. Agad-agad? Husgado agad, wala pang imbestigasyon?

Bakit kaya kung sino ang inaakala mong mabait, matulungin, mabuting ehemplo, simple pero rock, magaan kasama, laging masaya, tawa ng tawa, banat ng banat, umeepal pag kinakailangan, sumusulpot kahit di mo kailangan, aaliwin ka, kasama mong makalimutan ang problema, bibong-biba, okay sa olrayt…….eh pakitang tao lang pala?

Bakit kapag sinasabi ng kausap mo sa umpisa pa lang ng usapan na opinion niya lang ang mga sasabihin niya…kalaunan ng usapan, ang opinyon na ito ay nagmimistulang gabay at mabisang paraan kung paano magiging mainam na solusyon ito sa problema mo? Bakeeet?? Bakit ganun???

Bakit kapag nakakakita ako ng mag-asawa-magjowa-mag-MU-magkaIBIGAN…umiinggit mode akong maghanap na rin ng kapartner. Lalo na pag puros saya at punumpuno ng pag-ibig ang mga pinagsasabi ng mga ito. Flowers and petals. Bed of roses. Parang gusto mong bukas na bukas rin manghahablot ka na ng someone para ipartner mo sa sarili mo. Tapos, isang araw malalaman mo na lang ang mga lokohan, pambababae/panlalalake, away dito-away doon, sigawan dito-bulyaw doon, sumbatero/ra, depression, pain, lies, betrayal, heartaches, miseries…regrets. Gusto mo na ring ipagpasalamat na single ka ngayon. In times like this, magtatanong ka pa ba kung bakit ka single? 🙂

Bakit kaya kapag kating-kati ang mga taong may malaman sa’yo, gagawin ang lahat (as in literally lahat-lahat-lahat) daig pa ang paparazzi, cctv, imbestigador, undercover agents -makuha lang ang mga impormasyong parang may kapalit na milyong halaga. Mapapaisip ka na lang kung bakit? Ano bang meron? Para saan ba yan? Project? Assignment? -Big deal??

Bakit kaya may mga taong kahilig mamuna ng kapintasan ng iba mailigtas lang ang sarili na siya mismo ay may mas malalang kapintasan? Bumabangka. Umeeps. Pumaprimetime bida. Nangangagaw ng dialogue at role. Sneaky, redhanded na nakukuha pang dumeny. For some reason, nakakabilib lang. Taas kamay ako sa inyo. Sa guts…..oozing confidence. But at the end of the day, may isang tanong lang ako…masaya ba? Masaya ka na ba? Bakit? (enumerate your answers.. :P)

Bakit sa bawat tagumpay ng ibang tao lalo na ng mga nasa hanay ng kinaiinisan natin, hindi natin makuhang maging masaya para sa kanila? Sa halip, mas marami pang naiisip na hindi kagandahang bagay na mas lalong nagpapatunay kung gaano ka kabitter sa nakikita mo? Bakit? May sakit ka ba?

Bakit imbes na mag-abang ka ng mga madadapa sa harap mo, hindi mo subukang tumayo. Maglakad-lakad. Smell the flowers. Love the weather. Hold the people you care about and cares for you close to your heart. Be the miracle. Smile. There’s a lot in store in this lifetime than waste your whole life trying to bring people down to the same black hole that you’re in. Labas na jan, friend. Grow up. Breakaway from the anger. Kase, sa totoo lang…nakakapagod yan. It would do you harm than good. Look around you. Konti na lang ang natitira. Cherish them.

God bless you.

BV??! GV!!!!

Nakita kita kanina, nung naglakad ako palabas saglit sa napakatahimik na kinalulugaran ko. Gusto ko kasing makarinig ng konting ingay na bihira kong marinig sa buong araw ng pagtatrabaho…yung ingay ng mga walang ginagawa. Hindi kasama sa agenda ko ang makita ka dahil katulad ng sirang plaka, alam ko na ang aura’ng makikita ko…yung pakiramdam na magugunaw na ang mundo…bukas.

Pasensya na lang ako, ikaw ang nabungaran ko kasama ng bigat na gusto mong ipasan sa mga taong wala kang amor. Iniwas ko na nga ang paningin ko, umaasang hindi mahawa sa nega vibes na parang virus na nakapaligid sa lugar ninyo.

Pero katulad kong likas na pasaway, sinabi na ngang wag pero napasagi ka pa rin sa gilid ng paningin ko.

Haayy, bakit ba hinahayaan mong mabuhay na walang kalatuy-latoy? Hindi mo ba alam na sa tuwing magsisimangot ka, iniimbita mo ang mga masasamang elemento na paligid-ligid? Dahil jan, ikaw mismo ang sumisira ng magandang araw, para sayangin ang mga minuto at oras na hindi mo na maibabalik.

Di lang naman ikaw ang may negatibong epekto pag nakikita ko. Meron nga malapit sa’kin, di nila alam na alam ko ang ginawa nila na umabot na sa pagkawala ng interes at tiwala ko sa kanila pero kailangan ko pa rin isiping may magandang intensyon sila kung bakit nila yun ginawa. Minsan, nahihiwagaan lang ako kung saan sila kumukuha ng tapang ng apog para humarap na para bang wala lang.

Sabi ko sa sarili ko, ayoko nang maging nega. Gusto ko nang umiwas sa mga taong nakikirason para magalit at paiksiin ang pasensya ko dahil lang sa pagiging imperpekto nila. Dahil una sa lahat, pareho-pareho lang naman kaming di perfect. Marunong na lang akong umiwas ngayon.

Siguro nga totoong temperamental ako. Bukod sa mga nega, inis ako sa mga taong mahilig magturo kung ano ang tama para sa’yo lalo na kung alam mong di sila ang tamang tao para umagaw-eksena sa paglilitanya porket “pakiramdam nila, andun sila mga grupo ng mga tama at mabubuting alagad ng planetang kinabibilangan nila.

At hindi porket mali ako, sila na ang tama.

Hindi porket okay ka, mang-eepal ka na, ganun.

Mamuhay ng walang pakialam sa iba. May kilala akong ganyan. Isa lang ang masasabi ko sa kanya gaya ng paboritong raising eyebrow line ni bff zapped noong 90’s – – “The nerve!!!

Totoong masarap magpatawad, lalo na sa mga taong hindi deserving. Kung paiiralin mo kasi ang pagiging tao mo, mas gugustuhin mong antayin ang karma niya para mapayapa ang loob mo lalo na’t mas deserving ito sa karma kesa patawarin. Kaso mo, masama rin ang mag-isip ng di maganda sa kapwa, kahit gaano pa kaitim ang budhi nito. Mas makakabuti pang dedmahin ang bad vibes na ito sa paraang proven at tested na….

Walkout-an mo sila.

Minsan, mas makakabuti na rin ang pananahimik at paglilimita ng koneksyon. Less talk, less mistake. Hindi mo naman kasi malalaman ang mga tama at maling taong pakikisamahan mo. Kadalasan, kusa mo itong natutuklasan sa mga sitwasyong di mo inaasahan. Pag andun ka na…saka ka magdesisyon.

O kaya, eto ang pinakamagandang gawin – – imbitahin ang lahat ng good vibes. Party-party na tayo. Forgive but never, ever forget. Learn your lessons and get on with your life. 

Eto na…

Ayan, eto na ang bagong post ko. Alam ko, nakaabat ka palagi kung nagpost na ‘ko. Gusto mo bang topic ngayon ay tungkol sa’yo? Gusto mo bang ikaw naman ang pag-usapan natin sa blog ko??

Wag na. Sayang ka lang sa effort. At sayang lang ang kaunting nalalaman ko sa pagsusulat kung gagawin ko pang isama ang existence mo sa blog ko.

Katulad ng maraming tao, hindi ako madasaling tao. Pero may takot ako kay Kuya Jesas, Papa God at Mama Mary. Siguro nga, di na ako aabot kahit sa gate pa lang ng langit (di gaya mo na siguradong sure na sure, wagas na sure na pasok ka sa kaharian ng kalangitan) dahil wala pa ko sa gate, pinapagalitan na Nila ako.

Nakakaalala lang pag may problema. Pag di na kaya at wala nang mas matibay pa na kakapitan. Di naman ako ipokrito. Nagpapakatotoo lang ako. Ayoko kasing mapabilang sa mga taong dasal nga ng dasal pero wagas din kung makahusga ng ibang tao. Bakit, tingin ba nila sa sarili nila – – santo?

Pero kahit papano, sure pa rin ako na mahal nila ako. At walang katapusan ang pagbibigay ng pagkakataon para magbago. Hindi tulad ng iba na akala mo’y Hukom-Bitay kung magpataw ng final judgment. Sino ka ba?

Siguro nga, para sa mga nagpapakatotoong tulad ko…para sa kanila, kailangan ko na ng pray-over. Yung Holy Spirit na babalot sa pagkatao ko dahil nasa lupa pa lang ako, meron nang mga taong updated sa bilang ng mga kasalanan ko. (Nakakailan na ba ako St. Whoever You Are? Paki-update naman ako cause I lost count na eh..)

At sigurado rin ako na habang binabasa niya ang post na ito, dagdag na naman ito sa bilang ng mga napakaraming kasalanan na nagawa ko sa buhay ko. Iba ka talaga. Marami ka na naman masasabi nyan. Aabangan ko na lang kung kaninong hulog ng langit na magbibigay ng mabuting balita.

Minsan, kailangan natin tatandaan at nararapat na isaksak nating maigi sa mga isip natin – na may mga taong kahit gaano pa kaganda ang itsura, kahit gaano pa ka-santo ang pag-uugali, kahit pakitaan mo ng maaayos o pakitunguhan mo ng naaayon sa nararapat (to be fair naman…) –may araw na makikita mo pa rin ang dapat na makita at ganito na lang ang masasabi mo….

“Ahhh ok…”  -Yan lang, sapat na. Wala ka nang ibang masasabi kasi speechless ka na eh. Pag may nasabi ka pang di maganda, dagdag na naman yan sa kasalanan mo sa mundo and for sure, ayaw mo nun diba? Basta yun lang.

O, ayan…pagpiyestahan mo na ulit ang laman ng blog ko. Ikalat mo sa buong sangkatauhan at ipagmalaki mo kung gaano katibay ang pananampalataya mo. Kung yan ang makakapagpasaya sa kaluluwa mo.

God bless you.