ALPHABET OF HAPPINESS

abcnumber-2 radioactive-happiness-face


A–Accept

Accept others for who they are and for the choices they’ve made even if you have difficulty understanding their beliefs, motives, or actions.

B–Break Away

Break away from everything that stands in the way of what you hope to accomplish with your life.

C–Create

Create a family of friends whom you can share your hopes, dreams,sorrows, and happiness with.

D–Decide

Decide that you’ll be successful and happy come what may, and good things will find you. The roadblocks are only minor obstacles along the way.

E–Explore

Explore and experiment. The world has much to offer, and you have much to give. And every time you try something new, you’ll learn more about yourself.

F–Forgive

Forgive and forget. Grudges only weigh you down and inspire unhappiness and grief. Soar above it, and remember that everyone makes mistakes.

G–Grow

Leave the childhood monsters behind. They can no longer hurt you or stand in your way.

H–Hope

Hope for the best and never forget that anything is possible as long as you remain dedicated to the task.

I–Ignore

Ignore the negative voice inside your head. Focus instead on your goals and remember your accomplishments. Your past success is only a small inkling of what the future holds.

J–Journey

Journey to new worlds, new possibilities, by remaining open-minded. Try to learn something new every day, and you’ll grow.

K–Know

Know that no matter how bad things seem, they’ll always get better. The warmth of spring always follows the harshest winter.

L–Love

Let love fill your heart instead of hate. When hate is in your heart, there’s room for nothing else, but when love is in your heart, there’s room for endless happiness.

M–Manage

Manage your time and your expenses wisely, and you’ll suffer less stress and worry. Then you’ll be able to focus on the important things in life.

N–Notice

Never ignore the poor, infirm, helpless, weak, or suffering. Offer your assistance when possible, and always your kindness and understanding.

O–Open

Open your eyes and take in all the beauty around you.Even during the worst of times, there’s still much to be thankful for.

P–Play

Never forget to have fun along the way. Success means nothing without happiness.

Q–Question

Ask many questions, because you’re here to learn.

R–Relax

Refuse to let worry and stress rule your life, and remember that things always have a way of working out in the end.

S–Share

Share your talent, skills, knowledge, and time with others. Everything that you invest in others will return to you many times over.

T–Try

Even when your dreams seem impossible to reach, try anyway. You’ll be amazed by what you can accomplish.

U–Use

Use your gifts to your best ability. Talent that’s wasted has no value. Talent that’s used will bring unexpected rewards.

V–Value

Value the friends and family members who’ve supported and encouraged you, and be there for them as well.

W–Work

Work hard every day to be the best person you can be, but never feel guilty if you fall short of your goals. Every sunrise offers a second chance.

X–X-Ray

Look deep inside the hearts of those around you and you’ll see the goodness and beauty within.

Y–Yield

Yield to commitment. If you stay on track and remain dedicated, you’ll find success at the end of the road.

Z–Zoom

Zoom to a happy place when bad memories or sorrow rears its ugly head. Let nothing interfere with your goals. Instead, focus on your abilities, your dreams, and a brighter tomorrow.

Re-post* 🙂

Emailed by a good friend.


Advertisements

Di siguro…

 

basyang

 

Sa mahigit ilang libo’t ilang daang mga araw na dumaan sa buhay natin. Kung lalagyan natin ng klasipikasyon ang bawat pangyayari, pwede nating hatiin ang mga ito sa hanay ng mga masasaya, malulungkot, kakahiya, kakilig-kilig, outstanding, kanerbyos-nerbyos, first times, kasikatan, kabaduyan, kasula-sulasok, saktong moments, stress, depress, climax,wholesome, censored, sacred, monumental, fleeting at marami pang iba.

babies

Bago naman tayo binuo, nahulma, magpaikot-ikot sa mga uterus ng ating mga nanay at maiskedyul sa pag-arayb sa mundong ito. Wala tayong kaide-ideya kung anu ang magiging kasarian natin, sinu ang magiging magulang (at kung anu ang binabalak nilang ipangalan sa atin.), saang parte ng mundo tayo iluluwal, bakit ba tayo ipapananganak at ng anumang magiging buhay natin.

briefing

Walang briefing na naganap sa loob ng uterus. Basta kailangan habang nasa loob ka pa, dapat paminsan-minsan sisipa at susuntok ka para malaman nilang buhay ka at ma-excite sila sa iyong pagdating. Tapos pag nailabas ka na, wag na wag mong kalilimutang ngumawa dahil tears of joy yan ng mga sanggol na buong pusong nagpapasalamat sa inang nag-alaga sa kanya hanggang siya’y mailuwal (naks!).

new-born

Mula nang maipanganak tayo, wala pa ring dumating ni isa na kahit pa nag-katawang baby para magkaintindihan kung ano ba ang in store sa atin sa mundong ito. Sa kaaabang ng diaskeng orientation na yan, inabangan na lang ang mga darating kung anuman yun.

Kaya nga ba nauso ang TAMA at MALI eh. leftrightwrong

Bata palang tayo, right-way-wrong-way naituro na sa atin na ang direksyon na tatahakin natin ay sa kung anu ang tama at patas sa tingin ng Diyos at ng sangkalahatan. Shempre, meron bang magulang na nagturo ng mali? (Meron din siguro – – yan ang balance of nature eh.)

Sa ilang taon natin sa elementary, hayskul at kolehiyo alam na alam na natin kung sino ang manloloko, manggagamit, estapador, plastic, o kahit na ano pang klase ng masasamang gawain meron ang isang tao.

Meron tayong takot sa Diyos. cross

Respeto sa bawat isa. respect

Makagawa ng mabuti para sa kapwa.deed

Magpakatao. oblation

Ang daling sabihin noh? Pag bata ka, maiiisip mo na “Ganun lang pala ang dapat gawin ng isang tao para maging karapat-dapat siyang makasama si Papa God.” Ganun lang tapos kakandirit ka na papunta sa mga kalaro mo sa iskul.

As we grow older, yung realidad ng buhay…ikaw mismo ang hihimay-himay nito.

[Reaksyon ni Aling Baby: Uumpisahan ko palang himay-himayin, parang ayoko nang ituloy. Nood na lang tayo hehe.]

 

Lalakbayin mo ito mag-isa. Whether you like it or not.

 

Kasama na rin sina teacher_in_classroom titser, sister, ate canteen, manong guard, kuyang tindero, manong driver, ateng tindera at ang mga bumubuo ng komunidad malapit sa eskwelahan ninyo.

Makikilala mo ang mga taong kasabay mong tutuklas ng sinasabi nilang love PAG-IBIG o LAB. Magbibigay ng unang karanasan na indi mo malilimutan. Wala pa naman akong nakikilang indi na heartbroken ng kanilang first love. Indi nagkatuluyan at kung naging sila man, malamang ngayon pinagsisihan na nila na indi sila nakapamili muna bago nag-asawa.

Nariyang masasalubong mo sa daan ang mga taong magiging malapit mong kaibigan. friends Minsan, nasa elementary pa lang makikilala na natin sila. Madadagdagan pa pagtapak ng haysul at kung meron mang dumating pa nung kolehiyo, masasabi mong solid pa rin yung tropa sa hayskul. Maraming darating at aalis. Indi rin natin alam kung sinu ang mga totoo at siyang maiiwan sa tabi natin hanggang pagtanda. Kung bakit – -eh wala ngang nag-orient. Kahit naman biyayaan tayo ni Papa God ng maraming kaibigan, nasa sa atin pa rin at sa pag-aalaga sa pagkakaibigan tumatagal at lumalalim ang samahan. Walang anting-anting na dapat gamitin at minsan indi sa tagal ng samahan napapatunayan ito nasa pakikisama pa rin. Laging sa pakikisama.

Shempre, kung merong mapapalapit sa’yo sa lakbay ng buhay…meron ding indi.  argue Sila ang mga magiging humps, bukas na manhole, baku-bakung daan,putik at kung anu-anu pang pwedeng maging sagabal sa maayos na lakbay ng buhay. Walang taong walang kaaway. Kahit nga yung pinakamabait na meron pa rin sumusubok sa kanilang pagkatao. Sa lahat ng pagkakataon, meron tayong isa o dalawang taong indi makakasundo. Normal lang yun. Sa bawat sitwasyon na makakasalubong mo ang mga tulad nila, ang lahat ng matututunan mo sa eksperyens na yun ay makakatulong sa’yo sa mga susunod pang humps na darating. Pag umabot tayo sa puntong indi na kayang pang i-stretch ang ating pang-unawa, isipin na lang natin na indi masarap ang buhay sa kulungan. Indi masarap ang ulam at indi de-kutson ang kama. Indi lahat ng umaatras sa laban ay talo. Ibayo pa rin ang tapang na ito para harapin ang mga mapang-asar pero sa mata ni Papa God…panalo ka! 😉

Mga taong magbibigay sa’yo ng inspirasyon inspiration para sa kung anu ang gustu nating “maging” sa ating paglaki. Ang magkakaron ng impluwensya sa mga gustung abutin at marating.

Kung meron bubuo ng pangarap, meron din namang villain_icon wawasak nito. Yung mga taong hahamon sa tibay ng dibdib at faith natin sa Kanya. Nakakaloko pa nga ang mga ito dahil indi sila titigil hangga’t indi ka susuko. Malimit pa naman na sa unang pagkakataon ay sumusuko na agad tayo sa kanila. (Ganyan naman talaga pag pers taym eh, duwag pa tayo.) Pero pagkatapos matuto sa mga nangyari, nakakapagtakang kahit na ilan pang tulad nila ang dumating sa buhay natin ay indi na ito threat sa atin.

graduate_pic

Kapag natapos na ang pag-aaral. Nakapagtrabaho. Unti-unting naaabot na pangarap. Saka darating ang phase sa buhay natin kung tayo ba’y mag-aasawa na, mamimili muna, magbubuhay dalaga/binata, mag-iipon, mag-aanak muna, makikipag live-in, o mamumuhay nang mag-isa. Kung anuman ang magiging desisyon natin para sa future…kusa yang dumarating at indi hinuhulaan.

regret

Sa lahat ng pangyayaring ito sa buhay natin, kapag nararamdaman mo nang nakalampas ka na sa kalagitnaan ng life span mo. Indi maiiwasang maramdaman ang ilang panghihinayang sa mga bagay na napalampas. Pinabayaan. Indi sinubok. Indi tinapos. Mga pag-ibig na pinakawalan. Mga araw na sinayang. Mga salitang binitiwan.

Nakakapanghinayang man ang mga ito, fate na rin ang siyang may gawa kung bakit nangyayari ito. Para sa ibang naniniwala na “ito ang nakasulat sa ating tadahana.” Regrets pag pinaganda. Indi naman kailangang mabuhay ang isang tao na umiikot na lang sa mga bagay na pinaghihinayangan eh. Mas dapat na ituloy natin ang journey para itama ang mga maling nagawa.

Para sa akin, ang mga bagay na nawala ay indi pinanghihinayangan. Indi ko ito pinipilit ibalik o kunin dahil alam ko yun pa rin ang mangyayari sa ayaw at sa gustu ko. Tinatanggap ko na lang ang mga ito dahil naniniwala ako na ito ang isang paraan para matuto.

Kailangan bang sisihin ang magulang kung bakit pa tayo ipinanganak nang mga ito gayong ang hirap pala talaga ang mabuhay sa mundo???

DI SIGURO…. 😉

 

 

 

 

REKLAMADORO/A

 

 

whine

 

 

Mahilig ka bang magreklamo?

Madalas ba na kapag nasa mga sitwasyong indi ka komportable eh indi ka mapakaling irereklamo ang mga ito sa ibang tao at kay Kuya Jesus?

O sadyang OC ka lang talaga kaya konting kibot, reklamo agad ang laman ng isip at bibig mo?

Ang pagrereklamo ay karaniwang aksyon ng isang taong dehado at feeling dehado sa isang sitwasyon na ang kadalasang reaksyon dito ay ang humingi ng karampatang sagot at tugon sa mga kinauukulan para akshunan ang mga ito. Ang mga kinauukulang tao? Pwedeng kaibigan, kamag-anak, kapitbahay, ibang tao… o kaya pulis, barangay tanod, si Mon Tulfo at kung sinu-sinu pang pwedeng makalutas sa mga problemang ito.

Naging biruan na tuloy sa tuwing may kaibigang laging may reklamo sa buhay eh sasabihan mo ng:

“Magreklamo ka sa barangay.” O kaya, “Isumbong mo kay Tulfo.” Pang-asar sa mga ito na mababaw lang naman ang pinuproblema.

Minsan, ang pagrereklamo ay ginagawang ekspresyon o normal na asal sa mga problemang umaasa kang pag nag-whine ka eh kusa na lang itong maglalahong parang bula.

Ano ba ang madalas na inirereklamo natin?

Bukod sa trapik, baha, mainit na sadyang nangyayari at wala tayong kontrol sa mga ito.

Ang mga sitwasyong tulad ng walang mahanap na trabaho, malaking utang, walang masakyan, ayaw payagang umalis, walang load, walang nagtetext, naubos na gas…ito naman ang mga unexpected events na mas makakagaan kung iku-kwento mo ito sa iba pagkatapos mangyari tapos ok ka na.

Likas na sa atin ang maging reklamador paminsan-minsan. Lahat naman halos sa atin ay nagkaron na ng pagkakataong maging mahina para pairalin ang pagiging maselan sa iilang bagay na hinaharap at nangyayari sa paligid natin. Hmmm…aminin.

Sa kulturang Pinoy, napakahalaga ang pakikisama at pagiging “cowboy” o walang arte sa katawan lalong-lalo na at malaking porsyento sa ating bansa ay nasa middle class. Kadalasan, ang basis ng isang samahan ay ang pagiging down-to-earth ng mga miyembro nito kaya mas tumatagal ang samahan. Indi naman sa nilalahat ko pero alam naman natin lahat na mas mapapalapit ka sa taong mabait, mapagkumbaba at walang yabang sa katawan kesa sa mga maaarte, mayabang/mahangin at walang ibang inatupag kundi ang mga materyal na bagay na siguro madadala nila hanggang sa kabilang buhay.

Sa atin kasi kapag kinikilala natin ang isang tao, napakaimportante ng unang impresyon.  Kung sa una pa lang ay kakikitaan mo na ng pagiging “maaarte”, mahirap pakibagayan o kailangang lagi mong ipi-please ang isang tao…indi ba’t obvious naman na maghahanap ka na lang ng mas ok dito?

Anu-ano ba ang iba’t-ibang klase ng Reklamadoro/a:

  • May reklamadoro/a na aalarma lamang kapag ginalaw o ginamit mo ang mga gamit niya nang walang paalam lalo na’t kabisado pa niya ang ayos nito. Kapag nakarinig ka na ng, “Hay naku, nakakainis talaga pag pinapakialaman ang mga gamit ng iba ng walang paalam.” Yun na. Sunud-sunud na yan.

Para maiwasan ang mga ganitong eksena, dapat indi nakikialam sa gamit ng may gamit, lahat tayo ay may right to privacy.

  • Meron ding OC lang na pahihiramin ka naman. Ikaw pa mismo ang pakukuhain. Pero kapag indi mo ito naibalik sa ayos na ginawa niya, humanda ka na sa mala fireworks na reklamong abot mo.

Adjustment lang naman siguro ang solusyon dito. Indi naman mahirap kung ibabalik na lang sa ayos diba?

  • Merong mga reklamadoro/a na malamang lumaki sa Antartika kasi indi sila sanay sa mainit. Yung mga akala mo naman sa Pinas eh, centralized ang tinitirhan niya kung makareklamo. Magugulat ka na lang sa asal nito na para bang celebrity lang.

Dapat sa kanya bumili ng sariling aircon tapos itapat niya sa sarili niya kahit saan siya pumunta tapos dalhin na rin niya papuntang opisina. Intindihin na lang ang mga tulad nila. Kung madadaan sa usap, yon ang gawin o kaya wag mo na lang pansinin…mapapagod din yan sa kakareklamo.

  • May mga pantastik pa nga na kumikita naman ng sapat para sa isang nag-uumpisa pa lang pero sige pa rin ang reklamo niya sa kababaan ng sinusweldo niya. Me dialogue pa yan na, “Kung nade-depress tayo sa sweldo natin…isipin na lang natin si Chuva Chenes (yung kaibigan niyang mas mababa sa sweldo niya.) diba?”

Tama ba naman yun???! Parang mas ok pa yata kung sinabi niyang, “Atleast sumusweldo pa rin kesa sa wala.” Diba? Indi ka na nakasakit na-inspire ka pa.

  • Mga reklamadoro/a na likas nang indi sanay makisalamuha sa ibang tao. Yung tipong ang ibang tao pa ang mag-aadjust para sa kanila. Kadalasan, kung sinu pa ang indi marunong mag-adjust, sila pa yung mahilig pumuna ng mga indi maganda sa kapwa nila.

Minsan kasi, tingnan naman natin yung magagandang bagay na ginagawa ng iba para sa atin. Indi porket nakagawa sila ng masama minsan eh wala nang chance para bumawi.

 

Ang pagiging reklamadoro/a ay isang senyales ng pagiging mahina at negatibong pag-uugali. Nakikita natin ang pagkakamali ng ibang tao na para bang nasa loob tayo ng isang glass case na indi pwedeng masaling. Pawang mga pagkakamali ng iba ang lagi nating nakikita at sa bawat mali na ito, doble at triple pa ang singil na ginagawa natin para lang maramdaman nito ang pagkakamaling nagawa na para bang sa ating mga sarili, indi natin nakikita na tayo rin ay nagkakamali.

Napakahirap tanggapin kapag ang sariling kamalian na ang pinag-uusapan. Ito ang isang bagay na bibihira lang ang nagagawang umamin sa sariling pagkakamali. Sa mga teleserye at pelikula kasi, madalas na ipinakikita dito ang pagganti o pag resbak sa mga taong gumawa ng mali sa’yo. Dito umiikot ang istorya. Kung meron mang ilang eksena na nagpapakita ng paghingi ng tawad nung kontrabida at gayun din ng bida sa mga mali ring nagawa niya…maliit na porsyento lang ito ng kabuuang istorya na inabot ng ilang taon bago natapos.

Pare-pareho lang tayong mga reklamador sa mga buhay natin. Nagkakaiba lang tayo sa diskarte. Sa aking palagay, kapag palaging negative ang tingin natin sa ibang tao at bagay…negative vibes din ang babalik sa atin. Lahat naman ng ibinabato natin sa kapwa, bumabalik at bumabalik ito sa iba’t-ibang paraan. Indi para makaganti ang mga ito sa’yo kundi para malaman natin ang resulta ng mga nagawa.

Kung palagi na lang nating irereklamo ang iilang bagay na nangyayari sa atin, siguro inis na inis na si Kuya Jesus sa atin. Diba  mas maganda kung paminsan-minsan palalampasin natin ang mga ito? Tanggapin na lang na wala namang perpekto. Mas makakagaan ng loob kung indi natin ipapatong ang lahat ng galit at inis sa ating mga puso, minsan palawakin din natin ang ating mga isip para maintindihan ang mga ito. I-welkam natin ang shortcomings kasi makakatulong din ito sa growth at maturity natin.

Kaya sa susunod na may makilala kang reklamadoro/a…pakinggan mo na lang siya tapos mag-change topic ka na lang at pag may pagkakataon, sabihin mo na lang sa kanya na masarap mabuhay…wag mo itong sayangin sa sobrang pag-iisip ng mga bagay na wala sa’yo at magpokus sa imperfectness ng mundo. Let’s live life to the fullest. 🙂

 

When God loves a creature he wants the creature to know the highest happiness and the deepest misery He wants him to know all that being alive can bring. That is his best gift. There is no happiness save in understanding the whole.”