Ang gulo talaga natin noh? Pag sobrang pagod na sa pagta-trabaho o pag-aaral, napapasigaw tayo ng “wala bang bakasyon dyan??!” Para bang kulang na kulang ka sa dalawang araw na magkasunod na walang pasok at nagdadasal kang sana limang araw ang off at tatlong araw ka lang papasok. Amshur, maraming aagree dito. (Sige pag naging Presidente ako ng Pinas.) Kumusta naman ang payslip at baon mo, eh di kapiranggot din.
Parang ganto yan eh, pag may pasok…gustu mong magbakasyon. Pag mahaba na ang bakasyon, gustu mo nang pumasok. Tsk-tsk-tsk…ano ba talaga, ate at kuya?
Teka, bago ito mapunta sa kung saang-saan…Iwi-WEBAKS ko muna ang sarili ko sa dalawang linggong pagiging bum at sapilitang indi pagbubukas ng blog! (indi ko pala kaya ng sobrang tagal.) Namiss ko kayo…namiss ko ‘to. Ang daming nangyari sa dalawang linggong dumaan.
Nung una, pahinga talaga ang nangyari na may konting event nung nag-berdey si Pao sa dalawang venue. Sa NBC Tent at Da Fort Embassy, naks talaga bigtaym. Pero feeling ko lang talaga Birthdays are overrated. Sa atin kasi pag bonggang-bongga ang pagkakaselebreyt mo, pasok ka kahit wasak ang bulsa mo…ayos lang. Mashado nang common ang mga ganun kaya binago lang ng onti. Eh, ang importante naman masaya diba? Thankful for another year kahit na palapit na palapit nang mawala sa kalendaryo ang edad…atlis pwede pa sa lotto at bingo diba? Kalabaw lang ang tumatanda Tito Pao! Haberdey!
Sabi nila, pagkatapos ng saya…lungkot naman. Nagkatotoo nga pero indi ko na idedetalye dito. Basta imadyinin nyo na lang yung eksena ni Judy Ann at Gladys Reyes sa Mara Clara nung naglalaba si Juday at dumating ang bad hair day na si Gladys. Walang kaabog-abog na nakipagtalo ito kay Juday. Indi pa ito nakuntento na nakasampal siya kay Juday, sukat ba namang pati yung huling batch na nilalabhan nito eh (last na nga eh kaya maitim na yung tubig dahil sa mga libag at alikabok.) ibuhos habang pinahihilamos ang mga damit kay Juday? Haaayys, yung pakiramdam ni Juday, ganung lungkot ang dinaanan namin. Pero ayos lang, walang saysay ang buhay kung walang mga ganun paminsan-minsan. Kadalasan, napapabuti pa nga eh.
Sa ngayon, tapos na ang eksena namin ng Mara at Clara. Hindi pa naman mashadong okay pero mas mabuti na kesa dati at bubuti pa sa mga araw na darating. 🙂
Uu nga pala, sa tagal ko nawala ni indi ko man lang natanggap ng persoblog ang award na ito galing kay Kuya Utoy…
Salamat Kuya! Ngayon, meron na kong pangkabuhayan showcase kaso lang off peak ang lemonade stand dito sa UAE kasi winter na.
Sabi nga share your blessings diba? Kaya heto ang iilan sa mga hinahangaan kong blogista na gagawaran ko ng award na ito bilang mga blogero’t blogerang may mga asim, kilig at juiciness ang bawat wentong nilalathala nila sa mundo ng blogosperyo. (Bawal ibalik ang award…oks lang walang pilitan dito hehe..)
Zapped (at dahil para kang bula sa blogosperyo…heto sana naman magpost ka na ulit.)
Kirksydney (Eto, tapos na ko sa hiatus mode ko. Nasan kana? Eto ang bagong assignment ko sayo kung nagawa mo na, ulitin mo ulit hehe.)
Nobodysgurl (eow sa baguhang blogista! Bibigyan na kita ng award para lalo kang ganahan sa pagsusulat. 🙂 )
Ana Banana (ang kapitbahay ko sa UAE at madalas maka-plurk.)
Gmac (idol ko ‘to sa photography eh…lam ko meron ka na award pero makulit ako bibigyan pa rin kita hehe.)
Mahalia (sana this time Ate Mahalia, inde na mag-error ang site ko pag niopen mo. Salamat sa pagbisi-bisita ha.)
Libay (balita ko, director ka na daw ah? Napaka-versatile mo talaga. Pang-ilan na ba ito sa award na nakuha mo?)
Utakmunggo (‘tebechay, pang-50th award mo na ‘to alam ko….at dahil sa kakatuwang post mo, eto ang award ko sayo.)
Watusiboy (isang asim award para sa wentong makabuluhan, sana tuloy-tuloy lang ang pagba-blog watusi…tama na ang hiatus mode.)
Kuya Utoy (shempre naman, gusto ko rin bigyan ka ng award na ito pero galing na sakin. Para sa mga stained glass windows + makukulit na captions, recipes at mga wentong nakakaaliw. Keep blogging Kuya! (turuan mo naman kami ng salitang pranses hehe..).
Napa-shortcut yata ako ng konti hehe…
Eto na nagbabalik na ko….
Padalaw sa mga mansion nyo ha!