Fwends for life..

Katulad ng ibang normal na tao, may mga kaibigan din naman ako. Hindi nga lang siya umaabot ng thousand o hundred thousand.

Naalala ko tuloy yung biruan namin noon ng isang friend ko, na ang bilang lang ng tunay na kaibigan ko eh kung sino lang ang umabot sa yakap ko. Pag lumampas ka, sorry na lang. (hehe..)

Kung merong pihikan sa jowa, meron ding pihikan sa kaibigan – – at ako na yata yun. Sabihin nang suplada-mataray-maldita na nga pero namimili talaga ako ng kaibigan. Mashadong importante ang mga oras para masayang lang sa hindi naman worth it na samahan. Sasakit lang ang ilang sensitive na parte ng katawan (tulad ng ulo, utak at dibdib) para isipin pa ang mga bagay-bagay na dapat sana ay nagagamit sa pag-eenjoy.

Sabihin na lang natin na meron na rin kasing ilang hindi magagandang pangyayari noon at panaka-nakang hanggang ngayon na nagsilbing leksyon para sa akin na matuto at mag-ingat. Ganun naman yata talaga pag na-trial and error ka ng pagkakataon. No regrets na lang at lessons learned. Tapos next time, maging wise na at wag na rin basta-basta magtitiwala para wala nang marami pang isyu.

Eh shempre, pag friend kita hindi naman yung parang nanalo ka sa lotto sa sobrang swerte mo. Partly yes 😆 – – pag may problem, anytime…pwede mo ako kausapin, BASTA wag lang MATH please.  Seriously, pag wala naman akong importanteng ginagawa tulad na lang ng pag nasa opisina ako diba? Ngayon pa na can be reach na ko anytime (hehe..). Or pag gusto mo lang na may makausap kasi minsan may mga instances na gusto mo lang may makinig. Game ako dun. Pag gusto mo rin ng sermon, ayy, yan ang mga type kong gawin. Basta kaya ko, game ako d’yan. Isang “Hi!” lang, alam ko na pag merong something. Lalo na pag malalapit na kaibigan. Alam ko na.

Isa pang benefit ng pagiging friend ko ay ang pagiging tolerating ko. As in. Wag lang shempre yung mapapahamak ka o kaya yung super below the belt, sapok abot mo sa’kin. 😆 Basta, kahit ano’ng gusto mong gawin, gawin mo. Sigee..Okay lang yan. Gooow!! Oopinyunan ko lang muna pero go-go pa rin ako. Para sa’kin kase, papano mo matututunan ang mga bagay-bagay kung di mo muna susubukan diba? Kaya pag palpak ka, at least alam mo na. Next time pag gusto mo umulit, ire-refresh ko lang yung memory mo sa mga nangyari, tingnan ko lang kung umulit ka pa. Sasamahan kita sa trip mo (sasama lang, indi sasali), dito lang ako basta masaya ka, okay  na sa’kin yon.

Yun nga lang…pag inatake na ko ng katamaran lalo na sa mga lakaran, inuman at party to the max…wala ka talaga magagawa. Parang automatic shutdown, di pwede i-restart. Dumedepende talaga sa mood. Malaking factor. Kaya nga pihikan sa kaibigan ee, kasi yang mga bagay na yan ang di ko na kailangang i-explain kasi kilala na nila ako.

Ang mga kaibigan ko?

Merong muntik nang mawala. Merong naging weder-weder. Merong nawala at nagbalik. Merong pasilip-silip. Merong updated. Merong di nawala. Merong bagong dating. Merong laging nanjan. Merong imbisibol pero kapag ni-buzz or ni-ping mo, andun lang pala. Sila ang mga pinakatotoong kaibigan sa buong mundo. Alam nyo na kung sino-sino kayo.

Kahit di ko madalas sabihin…. Love na love ko kayo! Promise! At sobrang blessed ako dahil nanjan pa rin kayong lahat kahit na may topak man ako o wala. You all knew me inside out, upside down…always here thru whatever.  A true blessing from God.

“My sisters and brothers from another mother.”

Friends for life.

– – LoveLoveLove.

“True friendship isn’t being inseparable, it’s being separated and nothing changes.”

Advertisements

Pasko fever

Pinakapaborito ng lahat ang buwan ng Disyembre. Ang buwan na ito kahit na malamig ang panahon pag umuulan, iba pa rin ang lamig at simoy Disyembre. Simoy ng halos isang buwang selebrasyon at paghahanda para sa pagbibigayan.

Bukod sa kabi-kabilaang party, monito-monita, reunion, binyag at kasalan – lahat halos ay masaya kaya magandang pagkakataon na rin para makipag-ayos sa mga nakasamaan ng loob. Indi naman dahil sa required tayong magpatawad at humingi ng sorry, sa sobrang important ng season – mas gugustuhin mo na ring maayos ang lahat.

Pinakamasarap planuhin pag ganitong okasyon ang handa. Ang lehitimong excuse para mag-pass muna sa pagda-diet at indi indahin ang tinatawag nilang christmas weight. Matatanggihan mo ba naman kasi ang mga paborito mong pagkain na nakahain lahat sa mesa na parang wala nang bukas at kasalo mo pa ang mga mahal sa buhay. Priceless diba? At kahit na gaano pa kahirap ang buhay, nairaraos pa rin ang pasko sa kahit ano’ng paraan. Ganyan kahalaga sa atin ang okasyon na ito.

Bukod doon, bata-matanda nakakatanggap ng regalo. Nairerequest ang matagal nang hinihiling na regalo at ok lang kasi it’s the season of giving kaya kahit na mahal – mahal mo naman kaya ok lang. At nakakabusog sa mata na makitang masaya ang mahal sa buhay lalo na ang mga bata na siyang highlight sa buong taon ang magrequest kay Santa.

Eh teka, mawawala ba naman sa okasyon na ito ang FAMAS outfits? (FAMAsko) Shempre indi. Sa Christmas eve mass makikita mo ang lahat on their best outfits. Pano mo malalaman? Eh kitang-kita naman sa itsura ng damit pag bago at bagong laba lang diba? Amoy department store pa. At ang shoes, diba? Yun lang. Kahit alam na ng lahat, ok lang – Pasko eh.

Nakakamiss talaga ang Pasko sa Pinas. At kahit siguro may snow pa sa bansang kinalulugaran mo at natupad na ang pangarap mong white christmas, wala pa ring tatalo sa pakiramdam na makitang buo ang pamilya na kasama mo sa espesyal na araw na ito ng taon. Kaya nga ba marami ang nag-uuwian pag December, 6 months ahead meron nang nagpapabook para masigurado lang. Pag gantong buwan din kasi parang ginto ang halaga ng ticket, parang ayaw magpauwi.

Indi na naman ako makakauwi ngayong Pasko sa atin. Pang-apat ko na’to at sana naman sa Panglima, matuloy na.

Christmas is a necessity.  There has to be at least one day of the year to remind us that we’re here for something else besides ourselves.

 

Spoiled ka ba?

 

Bata pa ko, may senyales na ko ng pagiging independent. Nasa labor room nun ang nanay ko at buong araw ko na siyang pinapahirapan dahil nga sa indi pako reding lumabas. Pinuyat ko lang naman siya sa pag-aantay sa akin kasi alas dos ng madaling araw ako nag-decide na sumilip sa earth. Sneaky talaga kasi wala yung kumadrona. Indi nila shur kung natutulog ba o nagmi-midnight snack habang nagchi-chismisan kaya walang nag-aassist man lang sa kanila. Nung naramdaman ng nanay ko na unti-unti nang lumalabas ang ulo ko sa pwerta niya, kinalampag nila ng katabi niyang nagle-labor din ang mga gamit dun para marinig sila. Shempre naman diba sa sahig lang naman ako pupulutin kung nagkataon. Ayun, sa gulat ko siguro sa ingay na ginawa nila at sa takot na mabagok ang ulo, kaya bumalik ulit ako sa loob. Literally bumalik talaga ako. 😆 Nagtakbuhan daw ung mga nars at kumadrona nung narinig sila at matiwasay akong nailabas.

Kaya kung gustu nyo’ng alamin kung ilang beses ba ako pinanganak…

Dalawa lang naman.

Sabi ng mga kapatid ko, spoiled daw ako kasi bunso. Pero sa tingin ko naman, indi kasi wala nga halos oras sa akin ang aking beloved parents dahilan sa pagkakayod marino nila. Lima kaming magkakapatid, shempre lahat yun mag-aaral. Minsan, nauuna na kaming kumain sa kanila at naaabutan na lang nila kami nanonood at malapit nang matulog.

Nung kinder ako, ate ko ang tumutulong sa paggawa ng assignment ko at kuya ko naman ang sa pagsusulat at pagbabasa. Maaga nga raw ako natutong bumasa. Sa takot ko ba naman sa titser ko nung Kinder at Grade 1 eh talagang pinilit kong matuto. Shempre kung magkakaron man ng sumbungan, nakauwi na siguro yung titser ko bago pa makarating ang nanay ko. Madalas din ako makalimutan sunduin sa skul. Indi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakita ang eskwelahan namin ng madilim habang nagdadasal na ang mga madre at nakaka-imagine na ko ng kung anu-anung maligno sa mga bintana ng classrooms sa 3rd at 4th floor.

Nagko-commute kami ng kuya ko pauwi kahit na malapit lang ang skul sa bahay namin. Kasi delikado tumawid sa haiwei kaya pinapag-jip na lang kami. Pero nung nakatuntong na ko ng Grade 4, umuuwi na ko mag-isa. Laman kasi ng arcade ang kuya ko kaya sinasabihan na lang niya ako na umuwi na pagkatapos ng klase ko. Nagkaron din kami ng kuya ko ng yaya para magbantay samin. Pero ako, laki sa ate. Ate’s Girl ba ang tawag dun? Mas malapit kasi ako sa kanya kesa kina mama dahil na rin siguro sa madalas na siya ang available na umattend ng kung anu-anung event sa skul namin.

Simula Grade 2 hanggang Grade 6 eh indi naman sa pag-aanu pero napasama rin ako sa Honor Roll. Nagulat na lang ang nanay ko nung binigyan ko siya ng sulat galing sa adviser ko na pinapupunta sila ni papa para sa commencement exercises. Shempre, kagulat-gulat talaga yun kung bising-bisi sila sa pagta-trabaho at wala silang kamalay-malay sa buhey-eskwela ko tapos sabay ganun parang aba panung nangyari yun?! Pero oks lang yun, understanding naman ako eh. Kung indi din sila nagpursige sa pagta-trabaho, indi nila kami mapapagtapos lahat. Pa-bonus ko na lang sa kanila yung mga medal ko, kung nasasangla nga lang sana ang mga ito hehe.

Nung hayskul, mejo humirap ang kumpetisyon. Nakakasama pa rin ako sa mga top chorva pero indi nako nakakapag-uwi ng bacon. Puro pampalubag loob na lang na “buti nga napasama pa eh.” – mga ganun. Okay lang naman yun diba?

Nung college, indi rin ako nakaligtas sa curiousity stage na tinatawag nila. Natengga rin ako pansamantala dahil nga sa pagte-testing ng decision-making ko sa buhay ko. Malay ko bang ganun ang mangyayari diba? Shempre naman tao lang ako (parang ang bulok ng dahilan ko hehe…), panu ko malalaman yung tama kung indi ko mismo naranasan ang mga ito diba? Nasa sa atin naman ang sagot sa mga tanong eh. Malaking factor pa rin ang guidance ng pamilya at faith kay Lord para malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Kahit nung lumaki na ko (yung tipong pwede nang magpamilya), sinasabi pa rin sa kin ng kapatid ko na spoiled daw ako.

Anu bang meaning ng spoiled?

“Having the character or disposition harmed by pampering or oversolicitous attention.”

Iniisip ko kung alin sa mga nauna kong niwento at kung saang parte dun makikita na spoiled brat ako.

Meron ba? Parang wala naman diba? Parang mas lamang pa na kulang sa atensyon kesa sa spoiled chorva. Pero indi rin naman kasi nandyan ang mga kapatid ko at kahit papano, nagkikita pa kami nina mama kahit nung nasa Saudi pa si papa.

Indi naman kami mayaman.

Saang bagay naman kaya ako pwedeng sabihang spoiled?

Siguro yung pagiging bunso, yun na siguro ang basehan nun.  Para sa’kin, may freedom lang na mag-decide para sa sarili. Dun lang siguro nila ako inispoil. Napasobra nga lang talaga kasi kinarir ko naman ng todo.

Mas lamang pa rin ang pagiging thankful kesa galit o tampo. Marami kasi akong natutunan along the course. At kahit mas madalas na wala sila nung time na yun. Ramdam ko pa rin yung love ng pamilya…ng magulang sa anak. Mahal ko sila kasi kahit mahirap, indi sila sumuko at indi nagpabaya. Isa yun sa maraming bagay na hinahangaan ko sa kanila. Nasa puso ko kahit saan ako mapunta.

Siguro nga spoiled ako.

Spoiled na pala, indi ko lang mashadong napupuna o iba lang talaga ang depinisyon nito para sa akin. At kahit na anu pa ang kinalabasan ng mga nangyari, it’s meant to happen. Walang sisihan.

Lab yu Ma….Pa. 🙂