LSS part 2

 

Video by mysterious780

Where You Are by Whitney Houston(1987)

I saw the news this morning/Saw your face accross the screen/And as I poured my coffee/I picked up a magazine/(Chorus)But as I turned the page, and looked inside, there you were again/Oh these lonely times, they never seem to end – /You’re too far/I know I should be there where you are
Today I did some shopping /Just had to clear my mind again/(I can’t stop thinkin’ ’bout cha)/I hopped into a taxi, seemed…/In a moment I was home… home again/(Chorus)But as I turned the key, and stepped inside, my heart could not pretend/Oh those feelings, not those feelings – not again/You’re too far/I know I should be there where you are
Tossing and turning in my sleep /I can’t be without you, now/I’m gonna catch the next plane out /I got to get to where you are/No matter how near or how far/Or then if you’re a star/Ooohh…/(Chorus)But as I turned the page, and looked inside, there you were again/Oh these lonely times, they never seem to end – /You’re too far/I know I should be there where you are/I know i should be there where — you are.

Video by ervicito77

Saving All The Love by Candi & The Backbeat (1990)


Ang sarap talaga ng pakiramdam pag natagpuan mo ang bagay na matagal mo nang hinahanap. 🙂 Sa dami na ng kantang sinalaksak ko sa ipod ko, pinagkakabisihan ko na ngayon ang paghahanap ng mga kantang siguro eh limot n’yo na o kaya eh indi na inabot ng iba…haha matanda na nga yata ako. Yung iba sa mga nahanap ko eh courtesy of Shine-shine* (special mention 🙂 ) Pag meron pa naman akong bagong koleksyon, parang sirang plaka ako kakaulet hehe. I love the lyrics kase. I go for lyrics talaga. Minsan, kahit indi mashadong maganda yung melody basta patok yung lyrics, keri na yon sa’kin. 😀

Sana magustuhan n’yo. 🙂

If you like the song, just leave your e-add para send ko sa inyo. 🙂

 

Teka lang…!

 

Naranasan mo na ba…

  • Na mapatulala sa isang bagay habang malalim na nag-iisip? Yung tipo bang indi sinasadyang mapapako ang tingin mo sa isang bagay na may ilang metro ang layo sa’yo at mararamdaman mo na lang na may pumipitik na sa harap mo para magbalik na sa earth ang isip mo?
  • Na sa sobrang excitement eh, indi mapakali, kinikilig ang buo mong katawan na halos mapautot ka na hanggang sa mapatakbo ka na sa cr?
  • Na sobrang conscious mo sa mga taong madadaanan mo, ingat na ingat ka na indi matapilok sa harap nila and as expected, there you are…pahiyang marami ka lang naman at nagpapasalamat sa pakikisama ng sahig/kalsada, paa mo at sapatos pati na ng pagkakataon sa nangyari.
  • Na kung kelan pinagdadasal mong wag mangyari ang isang bagay o sitwasyon, eh para ka pang pinag-tripan ng tadhana dahil talaga namang mangyayari ito kahit ilang santo pa ang dasalan mo.
  • Na umaga palang, nag-uulan na. Feel na feel mo ito kaya kuntodo ang outfit mo pagreredi sa mas malakas na buhos ng ulan, tapos pagdating ng alas dose ng tanghali…kay taas ng araw. Parang walang ulan na nangyari nung umaga at ikaw lang ang nag-iisang naka-jacket at scarf sa opis nyo.
  • Kung kelan may importante kang lakad ay saka ka pa pinag-overtime ng boss mo? Late ka na nga sa lakad, badtrip pa sila sa’yo.
  • Kung kelang berdey mo, saka ka pa na-no budget?
  • Na makita ang pinakamagandang shoes sa paningin mo. Matagal mong hinanap. May pambili ka naman eh…kaso lang wala ang size mo! (amp, nakakaasar sobra!) Kahit saang branch nila nagpunta ka na pero wala talaga!
  • Kung sinu’ng mahal mo, siyang ayaw sa’yo. Parang kanta lang…sad but true.
  • Kung kelan may interview ka, saka ka pa na-trapik, walang masakyan, worst—nasiraan yung sinasakyan mo. Kung kelang indi mo gustung ma-late.
  • Nasa tamang edad ka na para makanood ng isang R18 na palabas sa sinehan. Nang papunta ka na sa ticket booth, hinarang ka ni manong guard dahil menor de edad ka pa base sa sopdrink na hawak mo na may logo ng Jollibee? Too bad, wala kang dalang ID para ipagtanggol ang sarili mo. (hehe)
  • Pumunta sa Jollibee, umorder ng isang PEACH-MANGO PIE sabay bibigyan ka ng kahero ng 4 Chicken Joy meal (with toy), 2 Aloha Burger, 3 Burger Steak meal, 5 Regular Yum with cheese, 4 Sundae cone at 3 Peach Mango Pie. Haayys, swerte ang tawag dun diba? (go figure)
  • Mahigpit na pinagbawalan ang pagtelebabad sa gabi dahil may pasok ka pero sa pamimilit mo, eto ka..hirap na hirap sa pagkabit ng extension ng telepono sa kuwarto mo. Halos i-camouflage mo pa yung cord niya sa puting pintura ng pader n’yo at patago mong nililipat yung koneksyon ng telepono habang natutulog na sila. Pero isang maulang gabi, dumating ang dalawang PLDT man (Tatay at Kuya ko) at nahuli ang illegal na koneksyon mo. Ayun at pinutol ng kutsilyo ang mga minamahal mong telephone cord. Paano ba malungkot? Sa tulong ni Pao, bumili kami ulit ng cord (sadyang matigas ang ulo —wag tularan.) at nagkabit ulit. This time, sa bubong na pinadaan direcho sa mismong box ng PLDT haha.
  • Ayaw kang palabasin ng lahat ng miyembro ng pamilya mo kaya sa bubong ka na dumadaan papunta sa bahay ng kaibigan mo para duon mag-shortcut palabas? Shempre, dun ka rin babalik para indi ka mabuking.
  • Ang panggising sa’yo ni Inang Reyna ay mga nagliliparang basyo ng plastik na (1.5 ml) sopdrink, sandok, takip ng kaldero at mga bagay na pwedeng paliparin hanggang sa pinto ng kuwarto mo? Sa takot ng mga kaibigan mo na bumaba mula sa kwarto, nagka-catwalk sila papunta sa bahay ng isa pang kaibigan para doon bumaba saka babalik sa bahay n’yo na kala mo talaga maagang nagising tapos sasabihin sa nanay mong, “Aling Merle, indi pa ba nagigising si Ron?” Ang mga hinayupak talaga. Ako tuloy ang hirap na hirap bumaba dahil lalong nagalit sakin ang nanay ko. 😆
  • Makipagwentuhan hanggang abutin ng sikat ng araw? At dahil parang nasa mini-oven ang temperatura ng kuwarto ko, dapat bago tuluyang mag-smile ang haring araw, tulog ka na or else suffer ka sa matinding init.
  • Tumambay sa bahay ng kaibigan na may alagang 6 foot na sawa na pinangalanan niyang “Sassy”. Habang nagwewentuhan ay pagapang-gapang ito sa kama niya at padaan-daan sa paanan mo. Pag nalingat ka, malamang isusubo ka nun ng buhay.
  • Na mag-3 way kayu ng mga kaibigan. Apat sa inyo ang me 3 way, kaya halos labindalawa na kayung nag-uusap sa isang linya na parang nasa stock exchange pag sabay-sabay na nagsalita. Indi pa nagsawa sa pagwewentuhan sa labas at nakuha pang mag-usap sa telepono.
  • Muntikan nang mawasak ang pagkakaibigan n’yo nang minsang nag-inuman, seryosong usapan, talking about life…future na nauwi sa STABILITY ng barkada. So much for stability dahil pinag-awayan naman. Pag naaalala ko, indi ko maintindihan kung ang pinag-awayan talaga eh yung meaning ng stability o kung meron talagang stability ang barkada basta ang alam ko, yung dalawang involve eh indi lang naman ng nagpansinan ng ilang araw dahil dun.
  • Nung uso pa ang sulatan, kahit simpleng bagay na pwede namang pag-usapan pag nagkita eh isinusulat pa. Yan tuloy, indi nakaligtas ang aksidenteng (o mali talagang) pagkakasulat nito.

QUILTY (guilty) ka lang kasi eh. “

Hanggang ngayon indi pa rin namin makalimutan ni Zapped ang word na pinauso ni Pao hehe.

Yung iba dito based from personal experience. 😀 Natutuwa akong alalahanin silang lahat kasi sobrang na-enjoy ko ang kakulitan ng mga karanasan na ito. Lahat naman siguro ay may kanya-kanyang katigasan ng ulo at naging pasaway kahit konti, kasi ako aminadong marami (hehe), indi sa proud ako ditu… kahit papano mababaw palang ito kumpara sa iba. Pasalamat ako kina Inang Reyna at Amang Hari, buti na lang at naintindihan nila at medyo pinagpasensyahan 🙂 ang lahat ng ito at hanggang ngayon.

Kayo din ba nagkaroon ng moments na ganto?

 

The Past

 

Indi mawawala sa usaping pagdadalaga/pagbibinata na minsan ay may makakasagupa ka. (parang sabong lang..) Mga kaibigang naging kaaway at mga kaaway na naging kaibigan. Sabi ng nanay ko, indi daw magandang nagtatanim ng galit pero sana maintindihan niya at ni Kuya Jesus na shempre depende naman iyon sa sitwasyon. Depende kung anu ang nangyari at kung sinu ang involved kaya mo nagagawang magtanim ng kung anu-anu sa puso mo.

Wala pa kong nakikilala na wala ni isa man naging kaaway. Kahit na yung “pinakamabait” na sa mga iyon ay mayron na ring naka-engkwentro sa buhay nila. We can’t please everybody.

Problema rin ito ng mga naging at kasalukuyang Presidente natin. Kahit henyo, indi kayang gawin yon. Ito ang challenge natin sa buhay eh. Napakarami ng dapat gawin. Makikisama ka hanggang sa kahuli-hulihang hininga mo. At sa ibang pagkakataon, bibigay ka na lang. Para namang may ibang choice ka diba? Yon ang masaklap dun. Yan ang buhay…punung-puno nga ng kulay at kahit na minsan madilim ito, parte pa rin ito. Wala nang palusot at reklamo.

Indi naman ako war freak o di kaya’y naging sakit sa ulo ni titser o ng mga magulang ko nung medyo bata-bata pa ko pero indi ko rin maintindihan kung bakit maraming gustung paiksiin ang pisi ko. Pampalubag-loob ko na lang na siguro nga ay nagkakataon lang talaga na nagsasabaw-sabaw kaya pakiramdam ko, galit kaaway ko silang lahat sa akin.

Kung meron man akong tinanim nung panahon na ‘yon, ngayon…malaking puno na siya may labindalawang taon na rin (binilang ko talaga). Indi ako proud sa tinanim kong puno na ito. Indi rin magandang irason na dahil tao lang ako. Napatawad ko na siya/sila pero indi ko malilimutan na minsan sa buhay ko, nakilala ko sila, pinagkatiwalaan, kinaibigan, pinakitaan ng mabuti pero sa sobrang bored nila kaya siguro nila ako ni-betray, binastos, pinagkaisahan, walang kiming tinapakan at bonggang-bonggang binaon ng buhay.

Pagkakataon ko na ito para alalahanin sila.

Ang mga nag-stampede sa akin nung ni-roll ang dice.

Yung ka-height ni mahal na may pinatawag sa bahay namin na lalaki na nakausap ng nanay ko, para sabihin na indi ako pumapasok at nauubos ang pera ko sa yosi.

Sabi nga ng isang dating kaibigan, dapat daw sinabi ko sa’yo na…”Sorry ka kasi mas maganda ako sa’yo.” haha, nakakatawang banat.

Sa mga bading na madalas magrampa sa harap ko sabay magpaparinig na, “Yan ang pokpok ng David”, sabay tingin sa akin.

Indi magandang pakinggan. Na-hurt ako pramis pero indi ko lang pinansin kasi alam ko namang indi totoo. May pinag-aralan ako kaya alam ko kung ‘gang saan ang lebel ko. Salamat sa compliment.

Yung akala kong kaibigan ko pero pati siya, nagsasalita ng oh soo super nice things about me. Mukhang mabait pag mag-isa pero isa palang backfighter. Isa siyang “Hipon”, tanggalin mo lang ang ulo, keri na pagchagaan.

Sabi ko sa sarili ko noon, kukunin ko ang nag-iisang tao na nakakapagsaya sa’yo. (Ang sama ko noh? Eh sila naman kasi.) Ayun nga, nakuha ko. Salamat sa kanya.

Eto naman, lazy-eyed na nga, may gana pang mang-irap pag dumadaan sa harap ko. Indi ko maintindihan kung gaano kalaki ang galit nila sa akin para gawin ang mga bagay na yon. Samantalang bago yon…madalas kami magwentuhan, kumakain pa nga siya sa amin, pareho kami ng interests, ang saya ng samahan namin.

Nakabawi naman ako agad. Pinaringgan ko rin sila kasi that’s the name of the game eh. Oh what a sweet revenge.

Yung isa naman na kapatid ni Hipon, kalalaking tao nagkakalat ng mga chismax. Kung anu-anung lotion ang ina-advertise. Indi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit niya yon sinabi at kung simpleng pagwewento lang ang ginawa niya, bakit nagkaron ng malaking sigalot? I was hurt, para nila akong pinaglaruan.

Kinompronta ko naman siya. At indi ko alam kung dahil sa hiya o natural na eengot-engot lang siya kaya napapangiti at pakamot-kamot sa ulo na lang siya nung kinausap ko. It’s too late to apologize. Harm done at nung nagkita kami ulit after few years, pangiti-ngiti na lang siya.

Kasama na nga yata ang buong mag-anak ni Hipon dahil pati pinsan niya na super idol at trying hard Mariah Carey impersonator, extra lang naman sa ishu pero kung makaasta eh para siyang sundalo na atat na atat makipagbarilan sa mga npa. Ang kyuut ng mga lumalabas sa bibig niya, ansarap i-zip ng bibig. One time, sinubukan kong tumayo sa harap niya at nag-abang ng mga masasayang wento na lalabas sa bibig niya tungkol sa’kin. Kaso bigo ako, indi siya makapagsalita. Umalis siya after 5 minutes (kabisado ko talaga..) tapos dun bumira habang naglalakad. Haaayys.

Indi ko na lang siya pinag-aksayahan ng panahon. Mas marami akong importanteng dapat pagkaabalahan tulad ng mga labada at plantsahin. Nung huling nakita ko siya, malaki ang pagkakahawig ng kilos at salita niya sa mga hustisya. Feeling close that most of the time left me with vague expression like…huh?! It’s my time to shine hehe.

Ang kapatid ni mahal na umupak sa kaibigan kong babae na minsang dumalaw sa akin sa street namin. Para silang bash brothers ni mahal sa pag-upak. Kala mo away-inmate lang. Indi ako nakaawat dahil may mga kakosang kasama. Indi pa nakuntento sa pang-ookray sa akin at talagang humanap pa ng outlet para mailabas ang lahat ng galit sa puso nila. Pa-sushal ‘tong astiging bading na ‘to. Lahat na nga yata nakaaway niya sa sobrang approachable niya. Ayaw masapawan. Laging bumibida…indi naman invited. In the end, after almost 4 years lumapit siya sakin para lang sabihin sakin na indi naman daw niya intention na gawin yon sakin. Yung pinsan lang daw niya ang nag-umpisa. Indi ko mapigilang indi mapailing at mapangiwi sa inaasal niya sa harap ko. Alam ko pa rin naman ang totoo sa indi at sigurado ako sa pakiramdam ko na indi totoo ang sinasabi niya sakin.

Dahil sa kanila, nagkaron ako ng trust issues. Napakahirap magtiwala at pakiramdam ko, indi ko na kailangan ng maraming kaibigan. Mas ok na sakin na iilan lang na pinagkakatiwalaan ko. Mas nakilala ko ang sarili ko at nalaman kung sinu ang tunay kong kaibigan. Ang buhay parang showbiz. Marami kang makikilala na makikipag-close sa’yo sa iba-ibang dahilan. Yung iba dyan, pa-plastikin ka lang. Sisiraan ka. Hahanapan ka ng butas para ikasira sa iba. Kapag naalala ko yung Fiesta sa lugar namin, two months after ng debut ko. Sinabi sakin ng kaibigan ko na yung souvenir na angel figurine nung berday ko, ayun at nakakalat daw, mga basag na pinagpapasa-pasahan. It was one of those days where you can’t handle it anymore. Wala na ‘kong choice but to breakdown. They have gotten the best of me. Sa parteng ‘yon, may puntos sila. But not enough for me to give up. Kahit na sa ganung paraan kami naghiwa-hiwalay, alam ko may dahilan ang lahat. Mas maraming magagandang bagay ang nangyari sa buhay ko pagkatapos nun.

Bago ako nakaalis, nakita ko pa ang iba sa kanila. Kung anuman ang nangyari sa iba sa kanila, wala na akong pakialam. Basta pag nasasalubong ko sila, wala na lang akong nakikita at naririnig. Like they don’t even exist to me. Sila na yata ang pinaka-worst people na nakilala ko sa buong buhay ko. Kung anuman ang na-gain nila sa mga ginawa nila, they deserve it.

Ang mensahe ko sa kanila…

Maraming salamat sa inyo. I have learned so much from this experience. Naging strong ako, ang galing kasi ng training ground ko. Dahil sa inyo, naging pinakapaborito kong values ang “Patience”. Natuto akong magpahalaga ng mga taong nagmamahal sa akin. Salamat sa pagbibigay nyo ng kulay sa buhay ko. Inding-indi ko malilimutan na naging parte kayu nito at nabigay-daan para makilala ko ang SOULMATE ko. Para naman sa mga kaibigan na indi umiwan sa ‘kin mula nung umpisa at hanggang ngayon – – – you’re my bestest friends for life! (KATCH-PAO-RYE-JIM-LEN-HELEN) 

“Forgiving does not erase the bitter past. A healed memory is not a deleted memory. Instead, forgiving what we cannot forget creates a new way to remember. We change the memory of our past into a hope for our future.”

LSS (Last Song Syndrome)

 

Kagabi habang bising-bisi ako sa pakikipag-YM-an, naka-slow jam mode ako. Bigla kong namiss ang mga songs na ito sa playlist ko. I came across this song na naharbat ko sa isang cd ni mine. Nung gabi ring yon, kinuha ko ang lyrics at ang tamang pamagat. (For the longest time, akala ko “I WISH” ang taytol nito.) Alam ko, sad song siya…pwede kang maiyak kung maka-relate ka ng konti pero anuber…LSS ko ‘to, walang pakelaman hehe…

Click here to listen and download

 

“I Wish I Wasn’t” by Heather Headley
[Verse 1]
I’m home alone again
And you’re out hangin with your friends
So you say

Somehow I know it’s not quite that way
It’s getting pretty late
And you haven’t checked on me all day
When Icalled you didn’t answer
Now I’m feeling like you’re ignoring me
I wish that you were home
Holding me tight in your arms
And I wish I could go back
To the day before we met
And skip my regret

[Chorus:] I wish I wasn’t in love with you
So you couldn’t hurt me
It just ain’t fair the way you treat me
No you don’t deserve me
Wasting my time thinking bout you when you ain’t never gon change
I wish I wasn’t in love with you so I
wouldn’t feel this way

[Verse 2]
When you touch me my heart melts
And everything you did wrong I forgive
So you play me and take advantage
Of the love
that I feel for you
Why you wanna hurt me so bad
I believed in you that’s why I’m so mad
Now I’m drowning in disappointment
And it’s hard for me to even look at you
And I wish that you were home
Holding me tight in your arms
And I wish I could go back
To the day before we met
And skip my regret

[Chorus]

[Bridge]
Said you care about me
But from what I see
I ain’t feeling that
So I disagree
Gave you all my love
And understanding
And you’re treating me like your enemy
So leave me alone
Don’t want nothing from you
Just go back where you came from
This house is no longer your home
You are not welcome no no no more

[Chorus]


[Verse 3]
Hear you knockin’ at the door again
I’m wonderin’ should I let you in
I open up the door and see
The flowers for me
So beautiful in your hand
Please stop begging me to take you back
I’ve always been a sucker for romance
And before you know
it I concede
You’re all over me
Oh no here I go again
I wish I wasn’t in love with you
So you couldn’t hurt me

Nice song.

Rate: 4 stars (****)

Enjoy!

Anubaaaaahhh!!!

problematik lang...
problematik lang...

Mashado kang kampante. Ilang beses mong tiningnan ang paligid at nakasiguro kang walang problema. Siguradong mahimbing ang tulog mo. Makakahilik ka pa all you want sa sobrang pagka-ok ng paligid mo.

Until you woke up the next day. Kakadilat pa lang ng mga matang halos nakadikit pa sa talukap, naamoy mo na ang problema. Nagmamadali kang pumasok sa CR, iniisip na isa itong panaginip. Indi ka pa totoong gising, parte pa rin ito ng panaginip. Pero sa huling patak ng ihi, kinilig ka pa…ngayon, sabihin mong nananaginip ka pa rin.

Well life has a funny way of sneaking up on you
When you think everything’s okay and everything’s going right
And life has a funny way of helping you out when
You think everything’s gone wrong and everything blows up
In your face.

(IRONIC by Alanis Morrissette)

Madalas na itong nangyayari sa atin. One day, everything seems fine and all seems well but the next day it’s a total mess. Parang may nag-roll ng dice. (Jumanji) Sinu ba ang gustu ng problema? (Magtaas ng kamay!) Malamang lahat ay sasagot ng “Wala.” Ke problema sa kaibigan, ka-opisina, kapitbahay, eskwela, pinansyal, pag-ibig, o simpleng problema ng ibang tao na pati ikaw na walang magawa o gustu lang magkawang-gawa eh nakikiproblema na rin. Sinu nga ba ang imbentor ng problema na yan? Pwede bang voluntary na lang ang pagkakaron ng ganyan at pwede ring indi obligado ang sinuman?

Bakit nga ba kailangan pang marublema, problemahin at makiproblema? Bakit yung ubo, lagnat, sipon, sugat at allergies may gamut na nabibili sa botika? Bakit sa problema wala? Ang daya naman. Kung anu pa ang mahirap pagalingin, dun pa walang madaling lunas kundi ang lumungkot, bumigat ang pakiramdam, sumakit ang ulo kaiisip, bumagsak ang katawan at ilang beses na mapaiyak sa bigat na dinadala. Indi naman parating makakaisip ka ng solusyon eh. Ang iba, nagiging Lydia De Vega >> mabilis na tinatakbuhan ang problema. Tapos nadadagdagan ang mga friends tulad nina Buds (Budweiser), Miguel (San Miguel), Carls (Berg) at Jose (Cuervo). Merong nilulunok na lang ang mga problema na indi nginunguya, at nagpapaagos na lang kung san dalhin nito. Napakadalas na masasabi mo na lang na, “Hindi ko na kaya!” O ang sikat na sikat na linyang, “Ayoko naaaa!!” Na parang pelikula lang. Parang pabor na indi pwedeng tanggihan.

Minsan naiisip natin na sobrang unfair ang layf o masyado itong naneneryoso kasi indi mo rin pwedeng biruin. Pero pag siya ang nagbiro wala tayong choice kundi maiwan sa bagyong dala niya. Indi pa marunong mag-sorry ah, take note. Parang utang na loob mo pa na dinalaw ka niya pagkatapos na pagkatapos mong magtatawa ng mga nakaraang araw. Biglang bawi. Biglang bigtime badtrip.

Sa lahat ng mga bagyo na nadaanan ko, indi ko matandaan kung paanu ko yon nalampasan. Siguro instinct na lang na pag may mga pagkakataon na malayo pa lang nafo-foresee mo na ang magiging problema, agad-agad gagawa ka na ng paraan para maiayos. Pag medyo pakiramdam mo tumapang ka na ng onti, makikipagsalubungan ka na sa kanya…magbunung-braso pa kayo. May mga tayms din na positive thinker ka lang, na minsan feeling mo magkukusa din itong umalis kahit indi gamutin. (Parang bulutong lang o kaya eh beke.) Kadalasan, masarap din magpasaway ng medya-medya, parang pinaglalaruan mo pa ang mga lekat. O kung katulad kitang galit sa stress, nagbibingi-bingihan na lang. Minsan sinasadya ding indi na lang tingnan. (Pangit na approach ito, wag tularan.)

Pag may bigat ka raw na dinadala sa iyong puso, napakahirap ituloy ang buhay. Para ka kaseng stuck up sa isang lugar. Hangga’t indi iyon nareresolba, indi ka makakawala sa anino ng past na iyon kahit pa ipakita mong ok ka na. Lalabas at lalabas pa rin ang totoo. Madali lang mapaniwala ang iba sa gustu mong makita nila but at the end of the day, sarili mo pa rin ang niloloko mo. Kung paano ito maaayos, depende pa rin sa’yo. Lahat depende sa’yo. Pambihira talaga yang problema na yan, siya na nga ang nang-abala indi man tumulong sa pag-aayos ng gusot na dala niya. Iiwan ka pa sa ere tsk tsk.

Sabi nga nila, kanya-kanyang diskarte yan. Ke magaling ka, indi o naggagaling-galingan lang…ikaw pa rin yan eh. Kung makahingi ka man ng tulong sa mga kaibigan o kinauukulan, nasa diskarte mo pa rin kung paano mo mama-mate ang sitwasyon mo.

Kaninang umaga, I didn’t see it coming. Sumabog ito ng walang pasabi. Bigla na lang itong bumulaga. Kahit pala ano’ng iwas ang gawin ko, reresbak talaga ito. Walang oras, araw o okasyon na pinipili. Short notice. Nakakabwisit. Pwede namang maasar kasi yon na lang ang pampalubag mo sa sarili. Kahit na alam ko na ang posibleng paraan na gagawin, bakit ngayon para akong biglang natitigilan? Yung mga naka-ready na sagot ko, ngayon wala na naman akong masabi. Tongue tied? Naunahan lang ako, mamaya babawi ako. Ilang minutes lang, pababayaan ko lang siya mag-monologue saglit baka isipin napaka-defensive ko mashado. Sa wakas nakasingit din. Nailabas ko na rin. Napaintindi ko na sa kanya…pero bakit may kasamang luha? Bakit ako umiiyak? Isa na ba itong senyales ng pagkatalo? Indi pa ko umaatras. I know i had my share of mistakes but this is my endeavor and i intend to make a stand for my happiness relies in it. Mahirap man maintindihan pero this means a lot to me kaya siguro ako naiyak. Indi ko na napigilan maging emotional. Sa ibang bagay at sitwasyon, pwede akong maging malakas maliban dito. Sa pagitan ng mga taong mahalaga sa puso ko at sa iisang kaligayahan ko, napakahirap pumili. Kailangan ba talagang mamili? Kasi ayokong gawin yon. Ayokong may masaktan. Mabuti na lang at tumigil na siya. Indi na maganda ang itsura ko, para kasi akong nanood ng maalaala mo kaya. Ayoko nang matanong kung bakit bigla na lang akong umiyak.

Natapos na usapan. Kahit papano, nalaman na nila at sana naintindihan na rin. Indi ako umaasang ganun kabilis na matatanggap. Dadating din tayu dyan. Indi ako…kami nagmamadali. May bukas pa at buti na lang indi ito nauubos. 🙂

Haaayys anubaaaahhh! Problema…layuan mo ako!!