Mabuhok na usapan

I lab my hair. Una sa lahat dahil indi siya kulot o wavy o natural. Unat na mainipis, ang tanging namana ko sa aking tatay. (Sana man lang nabahagian ako ng konti pang height tapos nagkailong man lang ako kahit papa’no. Indi yung sinasabi nilang parang may ilong lang ako sa liit kase.) In fairness, ok na ko sa straight hair.

Nung bata ako, wento ni mama sa’kin…indi daw ako mahilig magsuklay kaya’t naha-hayblad siyang palagi pag sinasabihan akong magsuklay. (Sabi ko na eh, ako ang maysala ng pagkakahayblad niya at indi ang mga lintek na taba eh.) Tapos, nasa gitna daw ang hati ng buhok ko…parang si Nora Aunor nung kasikatan nito.  (Bakit, nasa uso naman diba?) At dahil halos lahat ng mga bata ay dumaan sa year of the kuto, ayunn..kinuto rin ang straight hair ko kaya nga nagpasya si mama na ipa-shete ito. Dati naman kase, wala ako pake kung mahaba o maiksi ang buhok ko. Basta kung saan masaya si mama, dun ako. Eh kasi siya naman ang nagsusuklay nito.

Nung grade 1 ako at naging long hair na. Napagtripan ni mama na lagyan ako ng bangs. Yan, bangs. Kaso mo sa sobrang busy niya, indi na rin niya namalayang, umabot na sa kalahati ng mata ko ang haba nito kung kaya’t galit na galit si Mrs. Escobar (titser ko nung grade 1) na sinabi sakin na siya ang gugupit ng bangs ko pag indi ko pa ito pinagupit. Dahil sa eksenang yun, pinahaba na lang ang bangs para maging one length daw. Ayan, parang si Pocahontas lang. Nasanay na lang ako sa Pocahontas-like hairstyle hanggang sa makatapos ako ng hayskul.

Mula nung maraming pumupuna na meron daw akong maganda buhok (buhok lang madalas na mapuna..), naging sobrang maalaga na ko dito.

Indi ako nagko-conditioner kasi natatakot akong malagas ito. At naniniwala akong indi ko kailangan nito dahil straight naman ang buhok ko.

Meron pakong gata ng niyog day pag weekend. Yung lulutuin ito hanggang sa maging oil siya (tapos yung napritong niyog, pinapapak hehe..). Pampakintab daw ito ng hair. Ibinababad ko ito ng buong maghapon saka babanlawan ng conditioner lang (indi na shampoo) para daw umepek. Ang siste, amoy gata ako buong araw hanggang kinabukasan (kasi indi agad natatanggal ang amoy nito kahit na ano’ng shampoo mo dito.) Amoy lola daw sabi ng barkada ko dati.

(Indi ako ang nasa pikcherr..)

Sinubukan ko rin ang Mayo day. Yung medium size na mayonnaise kahit ano’ng brand (haller, indi sandwich spread ah!) tapos yung parang conditioner ang dating na iispred mo sa buhok at scalp. Samahan mo na ng massage. Ibabad kung ilang oras mo gustu. (Umiwas sa mga nagmemeryenda..) Tapos banlawan ng conditioner. Kapareho ng gata, dalawang araw rin tumatagal ang amoy nito. This time amoy palaman ka naman.

Sabi pa nila, nakakakintab din ang pagsusuklay ng 100 beses bago matulog para daw lumabas ang natural oils na tinatawag. Ginagawa ko ito madalas.

Sinubukan ko rin yung mga hot oil creams tapos babalutan ko siya ng hot towel. Mabisang pampakintab din daw ito.

(Parang ganyan…)

Nung nausong hairstyle yung parang telephone wire, yung ate ko nagpa-home service pa. Pero si ako, ayaw ni mama. Sabi niya baka masira lang daw sa gamut yung buhok ko.😦 Kumusta naman, si ate ok lang na masira ang buhok sa gamot tapos ako inde? So, in short…wala ako nagawa, buhok niya ‘to eh.

Nung nag dalana dalaga na ako, hinayaan na ni mama sakin ang pagsusuklay. Basta bago ako magpapagupit, kelangan tatanungin ko muna siya AT indi talaga pwede ang kulot. No way Hosey! Kaya ayun, kahit na gustung-gustung-gustung gustu ko pa. Inde talaga magawa.

(Sana magkabuhok kami…)

After ng movie nina Claudine Barretto at Piolo Pascual na “Milan”, dun nagsimula ang Hair Rebond. Panalo. Straight na straight ever. Matayog pa sa lahat ng matayog ang hair ni Ate Clau nung time na yon. Kaya’t nagkaron ng sagot sa problema ng mga may kulot at kinky na buhok. Ilang libo lang at makakamit na nila ang straight na buhok na pangarap nila. Ang daming nagpaparebond, syet! Ang gaganda ng hair nila. Dati kasi bigtime ka na pag nakapagparebond ka na. Shempre, ang mahal kase. Pero nung tumagal at sa dami ng mga parlor na gustung kumita, bumaba ng hustu ang rate ng rebond. Kelangan lang talaga makapunta ka sa parlor na magagaling ang gumagawa para indi ma-murder ang buhok mo.

Kaya nga kahit na straight na ang buhok ko, sinubukan ko pa rin kahit na sinasabi ng dating boss kong si Ma’am Joy…masisira daw ang buhok ko kasi natural na straight naman daw ito. Mas madali daw itong mapuputol. Shempre naman natakot ako kaya pinostpone ko muna pero eventually, ayun tinuloy ko pa rin.

In fairness, maganda ang resulta. Kung dati parang wala akong buhok dahil manipis lang naman talaga ito. Pagkatapos irebond, para na nga yatang lalong nawala. At mashadong maraming rekutitos. Dahil umpisa pa lang, indi mo na ito papaliguan ng 3 araw para maabsorb daw ang gamot. Kesho, indi daw pwedeng itali. Indi rin pwedeng isabit sa likod ng tenga kasi magkakawave daw. Indi pwedeng indi magko-conditioner echetera…echetera. Mas matrabaho pa tuloy kesa sa dati. In fairness pa rin, maganda siya. Maganda talaga. Sana daw naging buhok na lang ako. (At lis maganda pa rin diba?)

Ayun nga, isang taon na pala mula ng pinagupit ko ang buhok ko. Pag meron kase akong major decision na gagawin, buhok ko ang pinapain ko. To justify my decision, ipapagupit ko ito ng maiksi. Para na rin makapagsimula ulit ng bago. Nakakarami na kong major decision kaya’t ilang ulit nang humahaba ng shoulder length ito. Palaging ganun. Sana naman indi masayang ang pinangrebond ko at iba naman ang ipaputol kung sakaling meron major decision na gagawin…(ibang buhok na ang ipaputol this time!)

“Even a single hair casts its shadow.”

Ito ang crowning glory natin kaya alagaan natin maigi.

Tara! Pa-parlor na!🙂

Aling Baby

12 thoughts on “Mabuhok na usapan

  1. nakooo nakooo timely itong entry mo ateng…

    kapag nababadtrip ako buhok ko pinagdidiskitahan ko.. ayun nga parang gusto ko sya ipagupit ng maigsing maigsi para ma iba naman uli… hmmm yun nga lang nasasayangan ako sa sa rebond thingy… sayang talaga…..

    kaya papabawas ko nalang bangs ko o kaya..magbunot ng kulot na kilay hahah

    hay nakoooo… nakakapraning

  2. hehehhe bkit nga kapag nakak stress buhok ang pinagdidiskitahan… harhar…

    nwei, ako aling baby dm ko n ngw sa hair ko… at ito ganun pa rin xa… hehe… pag tumubo kc uli gnun pa rin nmn… kaya didma na…

  3. hindi na sana ako mag ko komment kase mostly sa mga lalake,walang kung ano anong masyadong issue sa buhok.basta shampoo lang ng shampoo kada ligo.ang ganda talaga sa babae nung mahaba ,malambot at tuwid na buhok.huwag mo lang siyang makakasakay sa jeep at magkatabi kayo dahil papagaspas yun sa mukha mo.may nakatabi ako dating ganyan.kulang na lang lunurin ako sa buhok.whahaha!

    1. minsan kasi pag sobrang damaged na ang buhok sa dami ng treatment, kailangan mo nang ipagupit.
      di mo naman kasi madadaan sa hot oil, hair reborn or palaklakin mo ng conditioner yan. let it go.
      tutubo naman ulit yan. at next time, wag mo na mashado pa-stress-in ang buhok mo.

    1. there’s a scientific explanation for that, check mo na lang sa google teh hehe sorry na.
      alam mo sa dami ng makabagong hair treatments ngayon, meron nang solusyon jan sa problema mo. reallyy. pera lang ang need mo para sa mas kalmadong anet.😉
      wag kang mag alala, maraming straight-haired like me ang naiinggit sa mga kulot kaya quits lang talaga. life isn’t that unfair after all.🙂

    1. kung ang ibig sabihin ng “dati” na tinutukoy mo ay yung toddler ka hanggang sa elem years, eh, forgets mo na un.
      hair and nail grows with age as well. isama mo pa ang iba’t-ibang polusyon at hair treatments na pinagdaanan ni hair eh talagang touch-move na yan. all we can do is give ’em a break. pahingahin mo muna siya. accept mo muna ang flaws nia hanggang sa maka-recover ulit siya. tapos next time, be gentle na lang. maraming paraan. google mo lang.😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s