“Pa-Canton Ka Naman!”

C
Taon-taon, pag sumasapit ang buwan na ito…hinding-hindi pwedeng walang magsasalita nyan. Walang palya. Ang kaibahan lang noon at ngayon…

  1. Joketime lang yan sabay bawi ng tawanan.
  2. Ngayon, meron nang visuals. Ipagpipilitan ang paghahanap ng kandila at kung ano-anu pang kahalayan kasabay ng nag-uunahang ideya, deskripsyon, at imahinasyon na tila di mo malilimutan. Kuyog ka. Di ka kasi nagpa-canton.😛 Maligayang Kaarawan! Salamat sa canton mo. LOL.

Parang ambastos noh? Oo. Lalo na kung marumi ang isip mo. Yung iba kase, bubungisngis lang tapos meron jan magtatakip ng namumulang mukha habang yung iba….”Huy!! Sssshhh!!” –Ang iingay eh. Ang hyper ng lahat sa topic na ganyan.

Pag ganyan ang usapan, meron akong kilalang nangangarir nyan. Tuluy-tuloy na yan, marathon. Epilogue. With actions, intonations, facial expressions na bigay na bigay gamit ang mother tongue na kahit di mo mashadong ma-gets, tingnan mo pa lang siya, alam mo nang kalokohan talaga. In fairness, benta. Ang daming suki sa tinda niyang mga berdeng t-shirts. Wala ng sukat-sukat, bili na agad. LOL.

Kelan ba naman kasi nalaos ang ganyang usapan? Mga old fashioned na nga lang yata ang tila madalas magpa-change topic kapag papunta na d’yan ang usapan. Tara na’t pag-usapan na lang natin ang bagyo at rally sa malacanang.

Maliban sa kanila, ang henerasyon ngayon, bukas na bukas na sa ganyang usapan. Yan ang katotohanan. Kung dati’y usapan lang, ngayon ginagawa na rin.

Ewan ko ba. Ang pagbebenta ng mga ganyang banat, nagiging malaswa/mahalay lang depende sa pagkakadeliver nito. Meron kasing mga tindero na sadyang naka-offend magdeliver ng gantong biro at meron din namang lumaki sa Boyoyong compound na kahit na alam mong owwver na ang mga sinasabi nito pero imbes na malaswaan, sasakit pa ang tyan mo sa kakatawa.

And the rest is of course, alam na alam na alam n’yo na yan.😉

O, yung mga may pa-canton d’yan. Ihanda na! Para di makantyawan.

hbd

Happy Birthday Arians!!!🙂

4 thoughts on ““Pa-Canton Ka Naman!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s