Sana(Ganun lang)Kadali…

Marami sa atin ang mahilig umisip ng paraan na madalian. Iwas hassle. Iwas gulo. Lusot agad.

Mga solusyon na indi pinag-iisipan. Mga palusot na walang basehan basta makaiwas lang sa mahabang diskusyon at indi mashadong ma-elaborate ang parte sa sitwasyon.

Bakit mo nga naman pahahabain pa kung ikaw ang naman ang masasalang sa gisahan?

Sino ba naman ang may gusto na pag-usapan at tuluyang mapuna sa lahat ng kapalpakan?

Ikaw ,gusto mo?

Karaniwan na sa atin ang mag-isip ng imposibleng ideya na makakasagip sa atin sa kritikal na sitwasyon. Parang ganito kasi yan eh, natuto ka sa pagkakamali mo pero ayaw mo na’ng ireplay pa ito sa harap mo at isa-isahin kung saan banda ka nagkamali. Yung ipo-pause dun mismo sa mali at yun ang pagdidiskusyunan. Para sa’yo, indi na mahalaga na ulitin pa ito kase nga naman, babalik ka lang sa pakiramdam ba na naging mahina tanga ka at sapat na ang mga paninisi para ielaborate pa ito ng maigi.

Lahat na ng paninising daliri (pointing finger) eh nakatapat na sa’yo. Umamin ka naman. Eto nga’t yukung-yuko ka na halos nasa ilalim na ng lupa eh di pa rin sila matahimik sa pagsasalita.

Kelan ba dapat na itigil na ang paninisi?

Pag nakarma na ang sinisisi? Pag nasaktan na rin ito? Pag may nangyari na ring masama sa kanya? Pag tuluyan na niyang di nakayanan ang ginawa?

Dito na kaya matitigil ang panininisi? At masasabi na napatawad na siya sa ginawa niya?
Ano ba ang tamang reaksyon ng may kasalanan para maabswelto siya sa ginawa? Yung maluha-luhang nakaluhod? Meron bang batayan dito?

May kasabihan nga tayo na, “Kung ang Diyos nga ay kayang magpatawad, tao pa kaya?” Pero bakit ang hirap para sa tao ang gawin ito?

Laging kailangan ng panahon. Laging may dapat gawin at ibalik. Laging conditional.

Sa buhay, ganun kahirap hugutin ang pagpapatawad. Kahit minsan magsasabi na ito ng, “Ok na yun, wag mo nang isipin.” Meron pa rin atubili na baka sinasabi lang niya ito para matapos na pero may natitira pa rin. Indi pa rin buo.

Sa totoong buhay, mahirap magkamali. O kung magkakamali ka man, dapat kaya mong panindigan ang lahat ng maaaring mangyari at maging resulta ng gagawin. Pero diba, lahat naman tayo nagkakamali? Lahat tayo nakaranas na mahusgahan sa mga nagawa ng basta-basta at indi napakinggan ang rason at dahilan? Ang hirap diba? Ang indi pakinggan at indi mapagbigyan o kahit mabigyan man lang ng ikalawang pagkakataon para maitama mo ito at mapatunayan na kaya mong ibangon ang sarili sa pagkakamali?

Pero bakit pag ikaw naman ang nagawan ng indi maganda, napakahirap para sa’yo ang magbigay ng pagkakataon? Tulad mo, ganun ba kahirap na ipagkatiwala ang pagkakataon na yun sa iba na tulad mo na nagkakamali rin?

Ang kumplikasyon ng buhay, magulo. Indi patas. Walang basehan. Nakikiayon lang sa gawa ng iba. Sabi kasi nila ganito. Sabi kasi nila ganyan. Wala bang minsan na naiisip natin na ibahin naman kung ano ang nakasanayan ng karamihan?

Tulad ng paggawa ng kung ano ang dapat? Ito kasi ang madalas na indi nagagawa dahil maraming kase. Gawain ng mga martir. Dahil yung huling martir na kilala natin, ayun at pinagbabaril sa Bagumbayan. Yung isang mas kilala ng lahat ipinako sa krus.

Kung mahirap ang tumanggap ng pagkakamali, mas mahirap ba ang tanggapin ang pagkakamali ng iba at magpatawad? Ganun? Ganun lang?

Maraming samahan ang nasisira nang dahil dito. At marami pa kung indi natin matutunan kung paano maging realistic paminsan-minsan.

Indi lahat ng samahan, laging ok at walang flaws. Maraming pagkakataon na susubukin tayo ng panahon at pagkakataon. Kasama dito ang pagtanggap ng pagkakamali at pagpapatawad.

Wala namang mawawala kung gagawin natin para maiba naman.

Diba?

 

Advertisements

Pader

Matibay na pundasyon. Simbolo ng isang samahan na binubuo ng matagal na pagsasama, puhunan ang hirap at saya, dinaanan ng maraming pagsubok, pinagtibay ng tiwala, indi agad nabubuwal, indi magigiba. Pader.

Indi nabubuo ang pader ng isang tao. Maaaring dalawa, lima, sampu – – pero iisa ang hangarin. Iisa ang direksyon. At walang anuman o sinuman ang pwedeng makasira nito.

Pero gaya ng ibang bagay at pangyayari, nagiging biktima rin ito. Rumurupok. Sinusubukan ng kalikasan. Sinusubok ang tatag. Tinitingnan kung hanggang saan ang makakaya. Inaalam kung sapat na ba ang tagal, tibay at pinagdaanan. Kinukwestyon ng sitwasyon. Nilalamatan. Inuuga.

Hanggang kailan kaya ito makakatayo sa pagitan ng mga pagsubok? Kaya mo bang protektahan ito sa abot ng makakaya o tuluyan mo nang hahayaan at papanoorin na unti-unti itong mabuwal?

Walang sinuman ang nakakaalam kung hanggang kailan. Pero kung iaasa mo ito sa paniniwala lang at pag-asa na indi ito mabubuwal – – kulang pa rin.

Indi sapat na maniwala at umasa.

Indi rin tama na iasa mo ito sa ibang kasama na siyang sumusuporta dito. Dahil indi mo alam kung hanggang kailan niya kayang kayanin ang bigat na sana’y lahat kayo ang papasan.

Indi titigil ang mundo sa pag-ikot kahit na piliin mo pang magpahinga na muna sa pag-alalay dito at sumabay na lang matapos na maisipan mo.

Lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin, may koneksyon sa bukas at sa isa pang bukas. Indi ito dumadating dahil sa sariling intensyon. May rason, may eksplanasyon. Indi ito coincidence o aksidente. Lahat nakasulat. Lahat nakatakdang mangyari. Indi man ngayon, indi natin alam.

Lahat ng magandang bagay, kahit gaano pa natin gustuhin na indi mawala at itago pa sa pinakasagradong lugar – – kung mawawala ito, mawawala talaga. Indi dahil gustu lang Niya na alisin ito sa buhay natin, kundi dahil merong mas magandang bagay na naghihintay sa atin.

Kung gagawin nating literal na aasang indi mabubuwal ang pader na binuo natin at inalagaan ng matagal na panahon, sapat na ba ang maniwala dito?

Sa kabila ng napakahabang panahon at kabi-kabilang pagsubok, ngayon mo pa ba kukwestiyunin ang sarili?

Ang pagpapatunay na indi ito basta-basta masisira. Di dahil ayaw mo o natatakot ka. Kundi dahil tinuring mo na itong mahalagang parte ng buhay o maaaring buhay mo na kasamang mamamatay sa oras na mabuwal ito.

Ang mapatunayan na walang sinuman ang pwedeng maging dahilan ng pagbagsak nito. Dahil ito ang paninindigan mo. Di kailanman kayang tumbasan ng kahit ano’ng halaga sa mundo.

Dahil ito ang buhay mo.

Ikaw.

Sapat na ito.

Sakit sa ulo >.<

Minsan pakiramdam ko parang inampon ko lang ang ulo ko.

Kase madalas kami magtalo.

At kapag ayaw niya magpatalo, ako pa rin ang talo

Kase sasakit siya pag indi mo pinagbigyan.

Sasakit siya at indi siya titigil hangga’t di ako susuko.

Napakagaling niya.

Minsan indi ko alam,

Kung siya rin ang nagpapahamak sa’kin

Sa mga desisyon na naiisip niya at sinusunod ko naman.

Ayoko lang talagang lumabas na bias,

Dahil overprotective ako sa puso ko.

Minsan kase wala na siya sa lugar.

Walang isang salita, pabago-bago.

Kahit ganun,

Wala na akong magagawa.

Opposite attracts talaga.

Indi man kami ok,

Indi rin naman kami pwedeng maghiwalay.

Penge na lang ng Panadol/Medicol.