BloGalit

Ganito lang yan eh, sa pagitan ng galit at inis marami kang pwedeng masabi. Marami…parang pinaghalo-halo na yan na pwedeng umabot pa sa kaninu-ninunuan mo. Basta’t galit ka lahat pwede mo masabi kahit indi kailangan. Kahit walang koneksyon sa pinag-uusapan. Kahit indi kasali, nasasali. Lahat ng nananahimik, hinihila para sumali.

At sa bawat galit meron talagang natatamaan ng maraming bato. May nasasaktan. May dahilan man o wala. Totoo man o indi. May patutunguhan o wala. Ang importante sa taong galit, masabi niya ang lahat ng dapat sabihin irregardless kung tama pa rin siya o indi.

Meron akong sample dito. Ganito ka ba magalit?

Sa lahat ng ayoko eh yung mga taong sinungaling.

Bibigyan mo na nga ng pagkakataon, paiikutin ka pa rin at bibilugin ang ulo mo sa dami ng kasinungalingang pwedeng sabihin.

Ok na sana eh.

Di naman sa lahat ng pagkakataon, pwede kang magbigay. Pwede kang umintindi at pwede mong sabihin sa sarili mo na palalampasin mo na lang.

Lahat ng bagay may hangganan.

Di naman pwedeng lagi kang iintindi lalo na kung indi naman dose anyos ang kausap mo. Siguro nga may mga dose anyos pa na mas madali makaintindi.

Minsan indi sapat ang may pinag-aralan ka para lang masabi mong nagagamit mo ito just for the sake of it. Kahit tindera ng lugaw na walang pinag-aralan, kayang umintindi at magbigay ng respeto. Kahit ilang medal ang naka display sa bahay nio at nakapaskil na diploma kung indi ka naman naturuan ng magandang asal, balewala rin lahat.

Minsan ang pananahimik, may ibig sabihin. Kung may pinag-aralan ka, malinaw na malinaw na. Indi na siguro kailangan pang i-detalye.

Kung ang ibang tao, kaya mong paikutin, sila na lang. Wag ka nang umasang pati ako sasali sa noontime show na yan. Indi ako mahilig sa peryahan. Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay. Kung siguro ikaw marami kang oras, buti ka pa kasi ako kailangan ko yun, indi para sayangin. Mashadong importante ang oras ko para sayangin.

Nagagalit ba ako? Indi mashado. Naiinis pwede pa. Pero ilang minuto lang pagkatapos nito, tapos na. Wala akong ginagawang listahan ng mga taong indi ok sa’kin. Simple lang, binubura ko na lang agad. Maiksi lang ang buhay natin para gawing miserable dahil lang sa mga ganung klaseng tao.

Kung ayaw mo sa tao, pwede kang magalit sa kanila all you want. Isumpa mo. Ipagdasal mong may masamang mangyari sa kanila. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para sirain sila. Gogogo! Tapos nun tanungin mo ang sarili mo kung masaya ka na ba at kuntento ka na ba sa ginawa mo. Pag indi pa, ulitin mo hanggang sa marating mo yung bliss.

Ganun lang naman kasimple. Kanya-kanya tayo ng diskarte para sumaya.

At kung tapos ka na sa kalat na ginawa mo, panindigan mo na rin na wag nang linisin. Iwan mo na at hayaan mong ang mga kalat ang umayos sa sarili nila.

Dahil sa kabila ng lahat, ng mga sinasabi at ginagawa sa pagitan ng galit…walang naaayos at natatapos. Lalo lang gumugulo at lumalalim at mas mahirap lumabas.

Mashadong madilim sa lugar na ýon.

Nagbabayad ako ng kuryente, indi madilim ang paligid ko. Choice ko ‘to.

Ayun nga diba, di siya mashadong galit. Galit na galit lang.

Pero sana pagkatapos natin ilabas ang galit at sabihin ang mga nais sabihin, siguro naman sapat na ýon para manahimik at ituloy na ang buhay kasi kahit san natin tingnan ito, dun din ang punta mo…sa pagmove on. Tama na ang panonood sa prusisyon, uwi na at matulog – – Cause tomorrow is another day.

Wag natin pabigatin ang pasan na daigdig kung yon ang tingin mo sa buhay ngayon. Lahat ng bagay ay may hangganan. Wag mashado mainip sa pagtapos nito. Darating din yon.

 

 

Scoreboard

Lamang ka na ba? O nananalo na ang kalaban?

Ang tanong…’Kaya mo pa ba?

Kaya pa ba ng oras kung sakaling pilitin mo pang humabol?

Sa tingin mo ba makakahabol ka pa?

Kung iniisip mo ang pagod at hirap para lampasuhin ang kalaban,

Gugustuhin mo pa bang bumawi

— at manalo?

Lahat naman tayo yan ang goal, ang manalo. Ang malampaso ang kalaban. Ang matapos ito ng may karangalan.

Shempre, ano pa ba ang mas sasarap pa sa kapalit ng hirap kundi tagumpay, diba?

Meron na bang lumaban na indi naghangad na manalo sa huli?

Meron bang lumalaban para lang sa wala?

At meron din bang nagpapakahirap dahil gusto lang ng hirap kahit walang mapapala?

Lahat ng bagay sa mundo, conditional.

Lahat tayo nag-eexpect ng kapalit. Yung kayang tapatan ang hirap at sakit na bingay mo. Isama mo pa ang sakripisyo mo. Yung binigyan mo ng lahat. Yung sinasabi mong sapat na’ng nand’yan lang siya para sumuporta. At kahit sabihin pa nila na merong ganun. Merong nagbibigay ng walang hinihintay ng kapalit…ang paghihintay ng sagot ay isa na ring paghahangad ng kapalit.

Indi naman lahat ng sumusugal, nananalo. Meron pa bang mas sasakit pa dito?

Eh pano na nga kung ganun ang nangyari, kulelat ka na at malapit na sa pagkatalo? Laban pa rin? Magrerequest ka na ba na magpatalo na ang kalaban para lang makabawi ka?

Bakit ba ang dami kong tanong?

Wala akong sagot sa lahat ng tanong na nilagay ko.

Pwede ko na bang isagot na, ‘Indi naman sa lahat ng oras, ikaw ang panalo. Laging moment mo. Ikaw na ang swerte. Ikaw na ang buenas at magaling sa chamba. Kaw na..

Minsan, mas nakakadagdag sa perseverance ang matalo. Ang mabawian. Ang malampaso. Ang mapagkaisahan ng swerte ng iba. Ang di mabigyan ng pagkakataon.

Kasi katulad mo, naghintay din sila ng ganitong pagkakataon. At katulad mo, ang paghihirap at sakit para marating at makamit ito ay pareho lang. Pana-panahon lang ika nga ng mga oldies. Pero totoo.

Lahat ng bagay ay may tamang oras at pagkakataon. At indi porket talunan ka, ibig sabihin palagi na lang ganyan.

Darating din ang moment mo. Oo, di kasi pwedeng sabay-sabay. You can’t have everything. Where would you put it?’

Ok lang kung di ka manalo. Mahirap talaga pumusta. Marami kasi pwedeng mangyari.

At dapat sa lahat ng pagkakataon, handa ka. At kaya mong palampasin. Tanggapin.

Cause it’s the right thing to do.’

Choose-day

Kung saan-saan natin nababasa at naririnig ang tungkol sa choose-choose na yan. Kesho nasa atin daw ang power (power talaga) para mamili at piliin ang mga nararapat sa buhay natin. Ang seryosong pag-e-eenie meenie miney moe ng mga bagay-bagay. (Parang kanina pa umuulit ang mga salita na sinusulat ko…anyway,)

Aba shempre naman indi lang basta-basta kang namimili ng isusuot o di kaya eh kung anu ang sumpunging kainin pag gutom. Paminsan-minsan (umuulit talaga..sorry naman.) kailangang alam natin kung hanggang saan ang pagbibiro at pagseseryoso sa mga ganitong bagay. Kung sa buong linggo ng pag-iisip, wag ka nang magpaabot ng Choose-day’para tapusin ang pamimili.

Kaninang umaga, sa gitna ng pag-g-GPS ko kay ate papunta ng bus namin sa pick up point nila, nawala ang antok ko. Bukod kasi sa malamig naman, ang mga pana/officemates ko eh nagpabukas pa talaga ng AC. Balat-kalabaw much lang. (Oo, lamigin kasi ako kaya ganun.) Ayun, nawala si antok kaya napatingin ako sa mga kasabay naming bumabyahe papuntang Business bay, (ikokonek ko ito sa Choose-day, promise!) nakakita ako ng signs…maraming literal na road signs na nakasakay sa isang trak. Para sa isang katulad ko na mahilig sa signs, ang laki ng impact sa’kin ng mga signs na papalayo kasama ng trak. Oo, weird na kung weird. Naisip ko, Choose-day ngayon, kailangang mas piliin kong dedmahin kung anuman ang ibig sabihin ng papalayong trak na ‘yon. Ang sabi ko nga, One way at No Entry lang ang pinaniniwalaan kong road signs. Kung bakit, kasi dun malimit nahuhuli ang mga kakilala kong nagmamaneho. Pwede mo siyang dedmahin, basta walang parak. Pag meron, sorry ka. Yun lang.

So, pagsakay ni ate…lalo na nawala ang antok ko. Choice ko pa rin yon. Kung anuman ang meron ngayong araw na ito, malay ko. Sa pag-uusap namin ni ate nadamay si Sun (yung araw). Oo, yung araw na kaya kang silawin kahit super dark ng sunglasses mo. Pinapagalitan ako ni ate, pati kasi ang araw napapansin ko. Kung bakit kinakampihan niya ang araw, indi ko rin alam. Eh indi lang naman si araw ang napansin ko mula ng sumakay ako ng bus. Bukod sa sobrang lamig kanina…

  • Naka-pink si ranju, isang bagay na pwedeng magkaron ng ibang senyales ngayong araw na ito.
  • Ang pamumuna ni ate. Pati yata driver ng trak na may signs, gusto pang alamin. Partida, sabi pa niya lagi siyang tulala at malalim ang iniisip. (Kelan pa??!)
  • Lagi akong nainom ng ascorbic acid every morning at ngayon biglang indi na ko sigurado kung yun pa rin ba ang naiinom ko….halaa.
  • Marami rin akong nabasa na sinabi niya. May nabasa ako — utak, hirap, unfair, hangin, sakit, oras, choose, act—accept. Dun na kami tumagal at inabot hanggang sa opisina. Kung anu-anu ang tamang paggamit ng word na accept’.
  1. Diba ito yung ginagawa pag tumatanggap ng regalo at nagtetenkyu pagkatapos.
  2. Ginagamit din pagkatapos tikman ang paghambalos ng nanay mo sa sobrang katigasan ng ulo mo.
  3. Pag natalo ka sa ending, wala kang choice kundi tanggapin.

–mas marami pa siguro kung papuntang Abu Dhabi pa ang opisina namin.

Kung ang usual na araw mo ay pare-pareho, minsan magugulat ka na lang. Marami ka na palang nagagawa nang indi mo namamalayan. Kung choice mo magpakasubsob sa trabaho, mas maganda kasi mauubos ang oras mo at parang ang bilis ng isang araw pag puro yon lang ang ginagawa mo. Kung choice mo rin ang pag-aabang ng lunch time at breaks, eh ikaw na yan.

Basta ang alam ko, araw-araw iba-iba ang nangyayari. May masasaya, memorable, kakaiba, surprising, nakakakilig, mga araw na minsan winiwish mong sana indi muna matapos, mga araw na kombinasyon ng nakakatawa-nakakainis-nakakaiyak at nakakapagod, mga araw na kasumpa-sumpa at mga araw na kahit wala namang dahilan…bigla ka na lang mapapatulala at para bang nakarating na ng milky way ang utak mo sa pamamashal. Normal lang yun.

Tayo naman ang totoong may power kung ano ang magiging outcome ng isang bagay. Indi rin palaging totoo na indi mo ito kontrolado. Minsan, may choice ka naman pero mas pinipili mong wag gawin kasi yon ang gusto mo. O, diba choice mo pa rin?

I, not events, have the power to make me happy or unhappy today. I can choose which it shall be. Yesterday is dead, tomorrow hasn’t arrived yet. I have just one day, today, and I’m going to be happy in it.

Puso, araw mo na naman…

Kahit saan na naman ako magpunta, puro ❤ na naman ang makikita ko.

Kay gaan ng paligid, sumasabay sa klima. Malamig, masarap may katabi. Masarap magkape at makipagkwentuhan. Maraming masarap gawin.

Pag araw ng mga puso, legal lang na maging swit kayo ng jowa mo in public. Indi awkward ang may dala ng bouquet na indi parang runner up ka sa kakatapos na pageant sa opisina o eskwelahan. At halos lahat nag-eexpect na may date somewhere romantic.

Basta anything cheesy, pwede yan pag araw ni Puso. Walang corny at oa. Walang cheesy. At kahit magreact ang buong barkada sa kakornihan nio ng jowa mo, wapakels ka talaga dahil minsan lang ito sa isang taon kaya sagarin na.

Kahit marami rin ang nagsasabi ang pagiging overrated ng okasyon na ito, sold out pa rin ang mga bulaklak, chocolates at stuffed toys. Marami ka pa ring makikitang magjowa, arm in arm, holding hands at yung tipong wala nang bukas sa sobrang kaswitan.

Kahit saan ka lumingon, ayun sila…nagkalat. Kahit araw-araw ka namang nakakakita ng tulad nila, kakaiba ang araw na ito para kuyugin ka ng katotohanang….

Single ka o di kaya ay magkalayo kayo ng jowa mo para enjoyin ang araw na ito.

Dahil sa kanila, lalong lumalamig ang pakiramdam ng mga single. At lalong sinusumpa ang araw na ito.

Pero bakit nga ba? Bakit nga ba kailangang maging malungkot ang single na tao sa araw ng mga puso? Eh kung pagsasama-samahin naman sila, pwede nang makabuo ng isang institusyon? Diba? Isang malaking grupong pwedeng magpareserve ng isang bar para magcelebrate ng Valentine’s day dahil indi lang naman ito para sa magjowa lang. Isa itong espeshal na okasyong parang bertdeyan. Pwede naman un.

Indi ko rin alam kung bakit kailangang gawing big deal ang may jowa ka sa araw na ito. Bakit, pagkatapos ba ng Valentine’s ok na rin maging single ulit? Kung gayon, sabihan mo na rin siya na bumalik after a year  para indi malamig ang susunod na Valentine’s mo.

Haayyy Puso. Kahit lagi kang kaaway ng maraming tao, biro mo at meron pa ring nagpapahalaga sa araw mo. Kahit minsan, di ka maintindihan at kung anu-anu ang nagagawa mo sa buhay ng isang tao…nakukuha pa rin nilang ngumiti at bumati.

Ibang klase ka talaga.

Paano n’yo ba sinelebreyt ang araw na ito at sino ang kasama n’yo? At bakit?  Parang exam lang.

Kunsabagay, kahit sa ano pang paraan yan, matatapos rin naman yan.

Bukas 15 na at matatahimik na rin ang paligid. Balik normal na ulit.

Happy Valentine’s night.

Naiinip din…

Ang masasabi ko sigurong pinaka-nega kong ugali ay yung pagiging MAINIPIN. Lahat ng bagay na related sa pagkainip, nasa ‘kin lahat. Nasalo ko nung nagsabog ng inipness si Kuya Jesas. Gising na gising ako nun at malamang nanonood pa.

Lahat naman siguro tayo may bad trait na ganito, depende sa sitwasyon.

Pero ako, tulad ng sakit sa ulo, sakit ko na talaga ‘to.

Okay fine ang babaw ko. Aminado naman ako.

Dati rati, pag naiinip ako at pag sobra-sobra na talaga…nagiging galit. Oo, nagagalit ako pag naiinip. At minsan kung anu-anu na ang natatahi kong galit sa sobrang pagkainip. At walang mapapakalma sa’kin. Pwede sigurong ihatid mo na lang ako pauwi para matigil na at doon ko na ituloy sa bahay ang pagbabasag pagsusungit ko.

Nung tumagal, nag-improve naman siya. Indi na ko nagagalit ng sobra…umaalis na lang ako ng walang pasabi. Oo, walk out queen ako. At ilang araw na indi makikipag-usap hanggang sa makalimutan kong nainip ako ng sobra. OA diba? May ganun talaga.

Tapos, siguro dahil sa nagmature na rin ako kasabay ng edad ko…I don’t want to make this INIP-thing get the best of me. Para yun lang magagalit na ko? Para yon lang palalalain ko?! Whatta childish thing to do diba? (Oo, naiisip ko rin yon, ‘no naman akala nyo sa’kin..)

Kaya natutunan ko na dumating ng Filipino time. Oo, ung late ng isang oras. O kaya dalawa pag indi ko pa maiwanan ang ginagawa ko.

Kaya indi na ko naiinip, kasi sila na naiinip kakahintay sakin yon nga lang todo explain naman ako kung bakit ako na-late. Kesa naman mainip ako diba? Oo, bad yun. Minsan lang naman mangyari yon. J

Sabi nga nila, lahat ng sobra ay nakakasama.

Kung ano yung mga bagay na alam nating indi maganda, indi laging dapat idahilan na ganun ka na, kaya ang ibang tao ang dapat mag-adjust para sa’yo. May mga pagkakataon na pwede naman ito pero indi palagi at indi lang ikaw ang anak ng Diyos na dapat pagbigyan. Depende sa sitwasyon at sa mga tao kung keri nila ang pagkabitchy mo kasi kung indi, dun ka sa inyo at dun ka magpakabitch atleast bahay mo yun at walang makikialam sa’yo.

May limit lang at gaya ng ibang mature na tao, kaya mong dalhin. Kundi, baka sila na ang magwalk out sa buhay mo.

 

Kulang


Ganito pala ang pakiramdam kapag may kulang sa buhay mo. Mga bagay na akala mo simple lang pero napakalaking pagkakaiba kapag wala ito.

  • Parang damit na walang pangalawang butones
  • Pantalon na sira ang zipper
  • Tsinelas na walang kapares
  • Hikaw na walang pakaw
  • Sinturong kulang ng butas
  • Karinderyang walang upuan
  • Yosing walang panindi
  • Rice cooker na walang kuryente
  • Electric fan na walang elisi
  • Bintanang walang harang
  • Gate na walang tarangkahan
  • Bahay na walang pawid
  • Computer na walang monitor
  • Bukirin na walang pananim
  • Palaisdaang walang tubig
  • Aquarium na walang isda
  • Hawlang walang ibon
  • Bahay na walang bubong
  • Ulam na walang kanin
  • Radyo na walang speaker
  • Ipod na walang earphone
  • Extension cord na walang power
  • Ref na walang lamig
  • Planchang di umiinit
  • Cellphone na walang load
  • Swimming pool na walang tubig
  • Nagkakape na walang kasama
  • Ikaw na wala ako

Kung akala n’yo madali lang ang buhay mag-isa, akala n’yo lang yon.

Kaya pahalagahan natin ang mga tao at bagay na nasa paligid natin dahil indi natin alam kung kelan sila mawawala. ‘Wag na nating hintayin yung nakakalungkot na part.

Simple truth: Most of the time, we are the one who makes those simple things seem hard.

BBM night with Ate.

Ballpen

Literal akong tao. Madalas napagkakamalan na weirdo mag-isip dahilan sa kakaibang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Ewan ko sa inyo, pero sa akin, ito ang paniniwala ko.

Hindi lahat ng nakikita mo, porket nakikita mo totoo na ito. Minsan mas maganda pa kumonsulta sa bulag. Baka sila kaya nilang makita ang totoo sa paraan na alam nila kahit wala silang malinaw at kumpleto pares ng mata para makita na ang katotohanan ay indi lang basta nakikita.

Nung nawala yung paborito kong ballpen na alam kong nakalagay sa cabinet sa loob ng bahay, naisip ko, baka naiwan ko ito sa opisina o di kaya nahiram ng isang kaibigan, baka nahulog ng di ko namalayan. Importante sa ‘kin ang ballpen na yon at kailangan ko siyang mahanap.

Sa kahahanap ko sa nawawalang importanteng bagay na alam kong nasa loob lang ng bahay, naisip ko tuloy lumabas at hanapin ito. Hinanap ko sa opisina. Nagtanong ako sa kaibigan. Pinuntahan ko yung mga lugar na madalas kong puntahan. Pero wala. Nawawala na talaga.

Pinilit ko naman hanapin. Pero sabi nga nila, ‘Kung kelan mo daw hinahanap ang isang bagay, lalo itong hindi mahanap. Pero subukan mong wag hanapin at kusa itong lalabas.

Nakakahinayang naman. Ganun naman tayo eh. Human nature na natin ang panghinayangan ang mga bagay kung kelan wala na ito. Bigla kang nagkakaron ng mahabang listahan kung gaano ito kahalaga sa’yo pag alam mong wala na siya. Ngayon mo pipiliting mahanap at makita. Ngayon mo sasabihin ang napakaraming ‘sana’ mo.

Sana rin naisip mo yun ng mas maaga kase walang pagsisisi sa umpisa.

Hinanap ko pa rin si ballpen. Lahat na yata ng kasuluk-sulukan ng bahay sinilip ko na at hinalungkat. At habang isa-isa kong binubuksan ang mga kahon na pwedeng napaglagyan ko nito, nahihinto ako kakatingin ng mga lumang bagay na nakalagay sa mga kahon na itinago ng pansamantala kasi indi naman ito nagagamit.

Sentimental ako, maraming bagay na dapat sana matagal nang naitapon pero pinipilit ko pa rin bigyan ng pagkakataong magamit ulit kaya sila nakalagay dun. Doon ako madalas nagtatagal, dun din nauubos ang oras ko kaya ayaw na ayaw kong magbukas ng mga kahon na iyon kung indi lang ito ganun kaimportante. May mga taong tulad ko, indi ako basta-basta sumusuko sa isang bagay. Pagpasok ng 2011, challenge ko sa sarili ko, ‘To have faith in people.’ Mahirap yun lalo na sa mga taong may trust issues but watdaheck, pwede sumubok. Wala namang mawawala sa’kin.

Indi ko nahanap dun si ballpen pero nakita ko ulit yung matagal ko nang di nakikitang diary ko. Namiss ko siya. Kaya na-divert na naman ang oras ko, nagbasa naman ako. Ganun naman talaga pag nababasa ko yun, parang andun lang ako. Nakakatuwa lang balikan ung nakaraan. Nung simple pa ang buhay. Nung kumpleto na ang araw mo pag makita mo lang ung crush mo at makakwentuhan ang barkada. Tatambay muna ako sa past, pahinga lang bago hanapin ulit si ballpen. Ngayon ko lang na-realize, napakadetalyado pala ng pagkakasulat ko ng everyday event dun. Sayang sana tinuloy ko na lang. Ayan na naman si ‘sayang at sana’.

Pagkatapos ko magbasa, binalik ko na ulit siya sa kahon. Masaya raw balikan ang nakaraan pero indi advisable na magstay dun. Move on na raw. Sa totoo lang, napakahirap gawin nun – ang mag-MOVE ON. Kala mo lang parang natulog at nagising ka lang pero it’s so much more than that. Ilang tulog at gising na pareho ang pakiramdam? At indi mo alam kung hanggang kelan mo uulit-ulitin yon hanggang sa dumating ang araw na gigising ka at wala na ito at ok ka na. Ang hirap kaya. Ikaw kaya, gawin mo.

Maraming nangyari sa paghahanap ko kay ballpen. Sa tagal na ginamit ko siya, dumating ako sa punto at nalito kung ano nga ba ang tinta niya, black o blue? Diba may engraved itong pangalan? Biglang indi ko na matandaan. Minsan akala mo kabisado mo na ang isang tao, bagay o lugar dahil sa dalas nio magkita at sa palagian ka rito. Pero alam mo bang yung labas lang ang nakikita mo? Kung ano lang ang abot ng mata mo. Yun lang. Minsan kasi okay na sa’yo kung ano lang ang nakikita mo at naniniwala ka nang yun na ang kabuuan niya kasi kabisado mo na ito. Ang totoo, marami ka pang indi alam. At malalaman mo lang ang mga ito kapag alam mong parang nawawala na siya at pilit mong inaalala ang mga pagkakataong nakasama mo ito na minsang naging highlight ng araw mo.

Indi pala nawawala si ballpen. Nakalimutan ko lang pala kung saan ko siya nailagay. Magkaiba kasi yung nawawala at nakalimutan. Yung nawawala kasi, pwede mong hanapin kung importante talaga siya at pwede ring hayaan mo na lang mawala kasi pagod ka na sa paghahanap. Pag nakalimutan kasi, nandun pa rin siya sa lugar kung saan iniwanan mo, indi mo lang talaga maalala kung saan pero alam mong nandun pa rin siya.

At pag malapit ka na sa parteng maaalala mo na siya, unti-unting babalik sa’yo ang lahat ng bagay na alam mo tungkol dito. –Oo nga pala, black ang tinta ng ballpen ko kasi ayoko ng blue’ng pansulat. Wala pala siyang engrave kasi ilang beses na nawala ung may ganun kaya indi ko na inulit. Oo nga pala, Parker pala yung ballpen ko kasi yun lang ang kasundo ng notebook na ginagamit ko.

Indi ko pa rin nakikita si ballpen at hinahanap ko pa rin ito. Indi ako susuko. Masasabi kong ginawa ko na lahat ng makakaya ko bago ko tuluyang tanggapin na wala na siya. Kasi makahanap man ako ng bago, alam ko indi ito magiging katulad niya.

*2011.week6