Untog!

 

angry-woman-ani_mad

Sa literal na deskripshon, Ito ay karaniwang nangyayari sa mga indi nag-iingat. Pwedeng magka-bukol o duguan ang ulo depende sa impact ng pagkakatama neto sa isang matigas na bagay.

Anu na naman ba’ng koneksyon nito sa buhay naten?

Alam ko marami na sa atin ang nakaranas mauntog mula nung natuto tayong tumayo, lumakad at tumakbo nung mga bata pa tayo. Bata palang at murang-mura pa ang isipan pero ipinapakita na natin ang pagiging independent lalung-lalo na pag pinipilit nating ipaintindi sa mga nanay at tatay na kaya na nating tumayo sa sariling paa kaya indi na nila kailangan pang hawakan ka para marating ang pinto mula sa sala ng mag-isa. Sa umpisa, indi pa maniniwala ang mga ito na kaya mo sa higpit ng hawak nila sa kamay at braso mo habang ikaw naman ay pilit hinihila ang sarili palayo…sasabayan mo pa ng palahaw na iyak. At dahil sensitive ang mga tenga nila at sa gusto ring maipakita sa’yo na mali ka at tama sila….

Bibitiw sila sa pagkakahawak sa’yo.

Ang unang pwersa, mapapadausdos ka pa. Babawi ka para balansehin ang sarili. Isa, dalawa, tatlong hakbang…ayan, nagmamalaki ka na. Ang ganda pa ng ngiti mo. Pang-apat, lima, anim na hakbang…ayun o, una pa mukha mong tumama sa sahig sa pagkawala ng balanse, apat pa sanang hakbang palapit sa pinto.

bump-on-the-head

At sa pagkakadapa mong yun, subsob ang mukha at nauntog pa, ayun si nanay tatakbo palapit para yakapin ka at the same time sisihin kasi ang kulit mo, tapos yayakap-yakapin ka na. Si Tatay naman, sasabihan si nanay kung bakit kasi binitiwan ka pa eh alam niya namang yun ang mangyayari kasi indi mo pa kaya.

Ang daming iwas-untog sina nanay at tatay. Maraming bawal. Laging dapat ganito, dapat ganyan.

Grounded

Minsan naiisip natin, siguro past life nila eh Psychic sila kasi nai-imagine mo palang ang isang activity o bagay na gusto mong gawin at puntahan eh eto sila at nililitanya na ang mga do’s and don’t’s of a teenage life na parang may librong pinagkukunan. Bitter-bitteran ka dyan sa sulok habang iniisip na siguro indi nila na-enjoy ang kabataan nila kaya sila sobrang kulang na lang  eh ilagay ka na rin sa hawla habang nakatali ang leeg kasi parang ganun na rin sa pakiramdam yung ginagawa nila dahil sa dami ng indi pwedeng gawin.

Para lang wag kang mapahamak.

teenagers

Lahat naman talaga tayo, dumaan sa iisang proseso ng madugong “curiousity stage”. Kanya-kanyang diskarte yan habang nakapila. Pagdating mo kasi dun, sanga-sanga na yan eh. Lahat ng klase ng pwedeng eksperimentuhin, andyan lahat. Abot-kamay mo, samantalahin mo na habang wala sina nanay at tatay. Habang indi nila nakikita at walang pwedeng magsabi sa’yo na masama ito at magdudulot ito ng malakas na impact sa future mo. Ika nga eh, “Enjoy it while it lasts.” Sige lang, enjoy pa ang tropa eh. Ang saya, ganito pala ang pakiramdam ng walang nagbabawal at pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.

Meron pa nga dyan, sumisingit sa pila. Nagmamadaling makapasok at maisalang. Kahit na meron pang mahabang panahon bago sana nila pasukin ito eh, nagpupumilit nang makasubok. Sila tuloy ang kadalasang nabibiktima ng mga aksidente.

Aksidenteng makapag-asawa ng maaga. TEEN-MARRIAGE

Aksidenteng malulong sa mga bisyo. drug_addiction_

Aksidenteng mabuntis ng wala sa oras. pregs

At mga aksidenteng pwedeng buhay ang kapalit. accid

Sana isa sa mga litanya na pinaaalala sa atin nina nanay at tatay eh yung…

ClearAllHistory

Alam mo anak, ang buhay natin walang eraser o liquid paper na kapag nagkamali ka, anytime pwede mo itong burahin. Pwedeng magsimula ulit, oo. Pero marami nang pagbabago na kailangan mong harapin at tanggapin.” (Sana binanggit ni mama yung tungkol jan sa liquid paper na yan 😦  diba)

cant-erase-mistakes

Yang pila na yan na pinilahan ng lahat…lahat tayo napahinto sa ilang sanga na meron ang teenage life. Ito yung tinatawag nilang “kalakasan days” eh. Yung ilang mga dinadahilan na, “tao lang ako”, “charge it to experience”, “enjoy life to the fullest” at kung anu-anu pa na pwedeng ipalusot kapag gumagawa ng kalokohan. Ito yung delays sa byahe. Dahil yung ilang taon natin sa pagiging teenager, yun yung panahon na stranded pa tayo. Meron namang iba na tumutuloy pa rin sa byahe. Meron, tumuloy na sa byahe at mas malayo pa ang narating at meron ding nag-enjoy na mashado sa pagkaka-stranded, kinarir na ito ginawa pang kumikitang pangkabuhayan.

bump

Marami nang nauntog at nabagok dito (duguan na nga yung iba eh hehe..). Shempre, sa sobrang excitement at enjoyment na nararamdaman, minsan nakakalimot tayo sa mga paalala. Pag andyan na at nagbunga na ang pagkakamali, from feeling super matured ang isip…back to reality na,

Bata pa ako.

Hindi pa ko ready sa ganito.

Marami pa kong gustung marating.

Gustu ko pang makabawi kina nanay at tatay.

UNTOG pa rin ang makakapagpabalik sa atin sa realidad.

Ang masakit sa untog na ito, na-wrong move ka na eh…wala nang bawian. Parang papel na ginupit, indi mo na ito maikakabit. Pwede mong ipagdikit ng scotch tape, pero makikita at makikita pa rin yung punit. Markado na. At ang mga bukol at marka na ito ang siyang magsisilbing aral sa atin para ituwid ang buhay natin at ng mga magiging anak natin.

Kaya pala parang Psychic sina nanay at tatay.

Indi man lahat sa kanila ay nagkamali, dinaanan nila iyon at nakita. Ang mga buhay ng ilang kaibigan at malapit sa kanila na nasira at pinabayaan.

At sinu ba namang magulang ang gustung mapariwara ang buhay ng anak????

So far, wala pa naman.

Lahat ng magulang, ginagawa ang lahat pati na ang imposible para lang sa kanilang anak. Kaya sana bilang mga anak, makita natin ito indi bilang isang magulang na sinasakal o minamanipula ang buhay natin. Sa kagustuhan nilang maging maayos ang buhay at mailayo sa ka-chorvahan nito, napagkakamalan nating ayaw lang nila tayong sumaya.

Ang lahat ng sobra ay masama. Alam na natin ‘yan.

Kaya para sa mga matitigas ang ulo at nag-eeksperimento ng kung anu-anu….

Ayusin mo buhay mo.

😛

Aling Baby

Laro Tayo!

play

Pag narinig mo ang salitang “Laro”, awtomatikong iisipin mo na isa itong activity na pambata at kung ikaw na matanda, alangan na para sa mga ganitong bagay. Shempre, kung trenta ka na at nakikipag-chinese garter, piko at patintero ka pa…lalo na kung indi naman sportsfest sa opisina o kahit ba family day sa eskwelahan ng anak eh…ibang usapan na yan. Parang disturbing sa paningin ang ganung eksena, nakakakilabot.

Basta laro, ibig sabihin agad nito nakakapagod…siguradong masaya at magulo, maraming tawanan at tiyak na nakakaaliw. Walang seryosohan, katuwaan lang.

Laro, isang indi mashadong seryosong salita.

Sa board meeting ng isang kumpanya, indi mo maririnig ang sinuman sa mga matitikas na businessman na magsasabi ng, “Okay, gentlemen…umpisahan na natin ang larong ito.”

Si teacher na nagpapa-exam, never niyang sasabihing…”Ok, class laruin nyo na ang exam n’yo.”

Ang magulang narinig nyo bang nagsermon ng, “Anak, isipin mo palagi na ang buhay, laro lang yan. Mag-enjoy ka lang sa paglalaro ng buhay mo. Sige lang, ok lang yan.”

– – – Shempre inde!

At kahit na ang sermon sa simbahan, indi rin nakikipagtumbang preso o patintero sa atin.

May mga bagay lang na dapat laruin (indi ung bastos na laro 😆 ), at kadalasan, pag seryosohan na, isinasantabi na ang mode na ito para mas maging maayos ang usapan.

Ang salitang ito ay kailangang gamitin sa maayos na paraan. Sa laro kasi ng buhay, indi lang nagagamit ang salitang ito sa pambata o pambatang isip na aktibidad. Sa totoong buhay, napupunta tayo sa ilang sitwasyon kung saan kahit na alam natin kung anu ang tama, hinahamon natin ang sarili na gumawa ng ilang bagay at lumampas sa ating limitasyon. Tumutulay tayo sa alambre, kumakain ng apoy, sumusuot sa butas ng karayom, nakikipagpatintero sa disgrasya at kumakain ng bubog. Parang pamperya lang ang dating pero siksik sa risk. Ang consequences nito ay napakasayang isipin at kapag indi marunong sa diskarte, ang resulta…wag mo nang alamin.

no-worries

Sadyang may mga taong happy-go-lucky. Ang tanging goal sa buhay ay maging masaya, no dull moment, boring yung laging seryoso dapat laging on the go sa kalokohan at panggu-good time. Tamang chill lang. Pag usapang iskul, trabaho, responsibilidad at future…si happy-go-lucky, laging paiwas yan. Si walk-out. Bingi-bingihan at maang-maangan. Hangga’t may mga taong susuporta sa kanya sa lahat-lahat ng ginagawa niya maging ito man ay nakakasama sa kanya…tuloy lang ang buhay. Tuloy lang ang laro. Masaya rito tsong, join na kayo.

flirting-footsie1

Yung iba naman na mahilig maglaro ng lighter (apoy), kahit ba ang status nito eh single, in a relationship, married o it’s complicated…dumadating tayo sa punto ng life natin na mag-explore at magmasid-masid (buti nga sana kung nagmamasid lang..). Eh paano pa kaya kung nakikitikim na rin ng newbies sa main menu? Marami kang maririnig na “just for fun” lang o kaya, “nakikipagkaibigan lang naman” like I’m just being nice to him/her. Sabi nga ng lolo at lola ko…dyan nagsisimula ang lahat, sa mga pa-showbiz na “friends lang kame”. Para sa mga taong kayang i-manipulate ang temptation o yung tipong lumululon ng gaas kasama ang lighter, mga hassler ba’ga. Kayang gumawa ng kalokohan and can still look innocent (how do u do that, my friend??).

At for most people na nagpapatupok na lang sa apoy. Ang mga mahinang klase ng kahoy lalo na pag inanay na, for sure…spark pa lang ng lighter, lumiliyab na ito. Nakakalungkot man isipin, sadyang ang kahinaan ng mga tao sa larong lighter ang pinakauna sa listahan na pinag-uugatan ng maraming problema kasunod ang pulitika.

Meron ding mahilig maglaro ng relasyon. Pag nagsawa, gagawa ng dahilan tapos makikipaghiwalay. Papalit-palit na parang mga damit lang sa sampayan. Mga mahilig magpahaging tapos pag nahulog na ang loob nung isa, bigla na lang maglalahong parang bula. Lalung-lalo na kapag nakuha na ng mga ito ang gustu nila sa tao, biglang magbabago na ito at tuloy na naman sa pagdiskubre ng ibang ulam sa menu.

upset_frog

Kung meron mang mahilig maglaro…aba shempre indi mawawala ang mga Pikon, ang kabaliktaran naman ng mga mahihilig makipaglaro. Ito yung game na game sa mga kalokohan at good time, lalo na pag ibang tao ang isinasalang para pagpyestahan. Pero in turn of events na sila ang isasalang sa kumukulong kawali…parang biglang nagiging kabilang na sila sa mga rich and famous people na indi pwedeng biruin. Like, “Your highness, we apologize for pranks that are uncalled for. It won’t happen again.” Kailangan pa ba ng ganun pag nagbibiruan?? Kung requirement yun, heller wag ka na sumali kasi indi ka naman pala game sa kahit ano. Magkape ka na lang. 😆 at bumili ng mga kausap para never ang mga ito mag-aattempt na magbiro sa’yo. I wonder kung gano kasaya ang ganito.

Colorful+life

Maraming klase ng laro ang buhay naten, kaya nga diba sinasabing “Makulay talaga ang buhay.” Meron pa nga, ginagawang ulam ang buhay…pwedeng inaalat, mapait, masarap, anghang, at asim (yaiikks!). At kung laro man ang tingin ng iba sa buhay, dapat nating tandaan na indi tayo pusa. Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito kaya dapat gawin na natin ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa atin at sa mahal natin sa buhay.

Subukin natin ang ilang mga imposible (optional po ito), gawin nating makabuluhan. Wag tayong huminto at magpatupok sa lighter. Ang mga pagkakamali, kasali yan sa buhay indi para kutyain o maging masama sa paningin ng iba…may aral ang bawat mali at laging kasunod nito ang pagbabago.

Sabi ni Kuya Josh, humayo tayo at magpakarami…indi sa literal na paraan. Gawin nating tama. Make love not war diba? Pero indi naman yung bawat makilala mong maganda/guwapo eh mamahalin mo lahat na para ka lang namimili ng isusuot sa lakad. Kung minsan, nakakasama rin ang sobrang paglalaro ng love. Makakasama sa’yo, sa kanya at sa mga taong nagpapahalaga sa inyong dalawa (at dun sa ikatlo kung meron man.). Sa totoong buhay, meron talagang nasasaktan at nahihirapan mag-move on sa ganitong sitwasyon. Napakahirap mapunta dun. At napakahirap kung ikaw mismo yun. Kaya wag naman natin ito gawing laro.

Hinay-hinay lang sa paglalaro my friend. Alam ko darating din ang araw kung saan mapapagod ka na lang basta kung indi man ito maunahan ng tinatawag na “karma” at kapag bigla mo na lang naramdaman na parang nagsawa ka na, isa lang ang ibig sabihin nito….

sick_and_tired_green_guy

Tumatanda ka na oy. Mag-retire ka na. 🙂

 

Aling Baby

Dependent

 

sigh

Indi ito yung nilalagay sa BIR Form para malaman kung magkano lang ang dapat na ikaltas na buwis sa sweldo mo….

Kung ikaw ang tipo ng tao na laging nakadepende sa iba para sa sariling desisyon, kaligayahan, at ilang mahahalagang bagay na may koneksyon sa’yo at sa bigat na pinabibitbit mo sa mga taong malapit sa’yo…ikaw ay therefore nangangailangan na ng wheel chair. Kumusta naman, igalaw-galaw mo naman ang brain mo para indi ma-coma ‘yan.

Kung meron nga talagang pangrelyebo gaya nung sinasabi ni Ely Buendia ng Eraserheads, “Hindi na dapat maghirap, sa iisang iglap ang buhay mo ay sasarap wag nang mag-atubili kumuha na ng Superproxy…

Napakadali lamang gawin nito…mamimili ka lang sa friend’s list mo kung sinu ang pwede mong sandalan. Shempre, pipiliin mo yung taong indi madaling mangalay at mahaba ang pasensya sa mga ganitong bagay. Yung mga taong, ipinanganak na walang kasinghaba ang pasensya at panalo sa pang-unawa. (I better find me this type of friend…) Saka ihain mo sa kanya ang listahan ng hinanakit ng buhay mo (galingan ang pag-arte..) habang imbes na nanonood lang ng tv si friend eh indi niya napupunang inuupuan na niya ang mga problemang indi naman dapat na siya ang humaharap.

Marami sa atin ang pilit na tinatakbuhan ang mga hamon ng buhay. Hangga’t kayang ibato sa iba o umilag o di kaya eh pagtaguan ang mga ito eh siyang gagawin para lang makaiwas. Sinu ba naman kasi ang may gustu ng may iisipin? Parang puzzle na kailangang buohin imbes na nagre-relak-relak ka lang habang nanonood ng tv?

Aminin natin na kadalasan, kapag may mga taong parang santa claus sa buhay natin…para bang tumama ka sa sweepstakes at lotto at indi mo na iniinda ang mga problema. At dahil napaka-accommodating ni Santa, eh sinasagad-sagad mo siya sa mga hiling na akala mo may patago ka sa kanya. Kung minsan, tinutubuan ka rin ng amnesia kasi nalilimutan mo na bigla ang mga ito at parang gustu mo na ring magka-amnesia siya para malimutan na rin niya ang mga abalang ginawa mo.

Nalimutan mo na nga, binabalewala mo pa si Santa kapag araw ng sweldo. Para bang namumukhaan mo lang siya pero indi mo matukoy kung saan at kailan kayo nagmeet…samantalang kapag no budget ka na, ultimong amoy ni Santa na papalapit sa pinto, naamoy mo na.

Maraming mga ganito. Hyper na hyper at wento ng wento pag may kailangan. Pero pag nakuha na, parang ni pangalan mo indi na niya matandaan.

Dependent na sila lalo na kapag hinayaan na. Nasasanay at kapag sinimulang mong tumanggi, ikaw pa ang masama.

Normal lang ang mga ganitong sitwasyon. Napapasama ang mga tumutulong lang. Pero dapat nating tandaan na lahat ng bagay ay may hangganan. Indi sa lahat ng oras, ang mga mabait ay laging mabait. Minsan, they come across the word “ABUSO”, wag sana nating sayangin ang pagkakaibigan at samahan nang dahil lang sa mga ganitong bagay kase It’s not worth it.

Kung mas mahalaga ang materyal na bagay kesa sa pagkakaibigan, marami din namang iba dyan na ok ang ganyang set up, basta’t wag lang kakalimutan ang 10% interest at monthly installment pay.

Lahat naman tayo naging dependent ng magulang natin lalo na nung maliliit pa tayo. Pero sa pagdaan ng ilang taon sa buhay natin, umiikot ito at darating ang panahon na sa atin naman dedepende ang mga magulang natin para sa suporta.

Wala namang masama kung paminsan-minsan, dedepende tayo sa iba para sa suporta. Kadalasan, moral support…damayan. Nasa lugar lang. Pag kailangan ng tulong pinansyal, kung meron ka bakit naman indi diba? Pero kung pang-grocery at pambili lang naman ng mga anik-anik eh hihiramin mo pa…para yatang indi naman yun maganda. Tama, mali? Gaya ng nabanggit ko sa ibang entries ko at alam naman nating lahat na indi naman kabawasan sa pagkatao kung salat ka sa materyal na bagay.  Indi naman ito laro na pag may bago kang gamit, increase agad ang  happiness at experience points mo kada gamit na madadagdag. Walang ganun. Wag paniwalaan ang mga ganun.

Sa totoong buhay, nangangalay din ang mga tao at kung minsan nagiging punongkahoy  na lang sila sa kakasandal mo. Galaw-galaw naman. 🙂

see

 

Aling Baby