B.a.b.a.e.

buddypoke

Ang sa akin lang: Ang artikulong inyong mababasa ay pawang obserbasyon at base sa mga karanasan at karanasan ng malalapit na kaibigan. Ang nilalaman nito ay indi naghahamon ng away o kahit gulo man lang. Kung ikaw ay lalake, makakatulong ito sa iyong pananaw at kung ikaw ay babaing malawak ang isip, makakatulong din ito pero kung ikaw ay pikon…walang personalan, trabaho lang.

Masaya kang babae ka.

buddypoke

Pagkapanganak palang sa’yo ni inang reyna, awtomatik na ginawa ka nang prinsesa ng buong kaharian ng bahay. Swerte kung wala nang isa pang prinsesitang dumating kung meron ok lang, pareho na tayo dukesa naman. (hehe..) Kumbaga sa panganay at bunso, pag nag-iisa kang babae…paborito ka ni tatay. Iwas palo ka kay nanay dahil hebigats ang kakampi mo, banggain nila ang haligi ng tahanan ewan ko lang.

buddypoke

Sabi nila, ang mga babae daw ay pabago-bago ng isip. Umoo na kanina, wala pang limang minuto binabawi na nito ang sinabi. At may kung anu-anu pang dagdag na sasabihin.

buddypoke

Mashadong maselan. Ayaw kumain sa karinderya o gotohan na nakapwesto sa gilid ng mga nakaparadang pampasaherong sasakyan. Ayaw maglakad pag mainit lalo na pag naulan. Ayaw maupo kung saan-saan. Ayaw ng sinisiksik. Ayaw ng nadadantayan o kahit na madikitan. Ayaw nang pinipilit lalo na kung indi kagandahan ang lugar na pupuntahan.

buddypoke

Demanding. Gustu laging nasusunod ang layaw. Lagi dapat pagbigyan at pakikinggan. Pag indi mo ginawa ang gustu, parang armalite ang bibig…bratatat ng bratatat parang nanay na nanenermon tuwing umaga at pag walang pasok.  Kung anu ang maisip gawin, yon ang kailangang nasa unahan ng listahan at daig pa ang hari na indi pwedeng mabali ang sasabihin.

buddypoke

Bintangera/Dudera. Konting bagay binibigyan ng kahulugan. Mahilig mag-ungkat ng tapos na. Hukay ng hukay kahit na agnas na sa katagalan ang isyu, sige pa rin ito sa kakabratatat. Makita lang na me kausap ka at mabanggit na pangalan ng babae (kahit pangalan lang ito at indi totoong tao…) parang telenobelang inabot ng limang taon sa tagal ng pagsasalita.

buddypoke

Imbestigador. Kakalkalin lahat mula friend’s list sa social network accounts, cellphone, wallet, bag, pabango, kikay kit (uu, me lalaking meron neto), pati laman ng ipod (baka nasa favorites mo pa rin kase ang theme song n’yo ng ex mo way back 20-30 years ago…musta na naman).

buddypoke

Your mother’s advocate. Daig pa si mader kung makatanong ng mga lakad. Oras ng uwi. Sinu ang kasama (baka naman me mga babae pa kayong kasama ha? Tipong kala mo biro pero seryoso pala.) Ang panenermon, walang pinag-iba ke mader…edad lang at wrinkles ang kaibahan. Minsan mako-confuse ka na kung ina mo ba o ina ng anak mo ang karelasyon mo kasi same-same lang. Okay na sana kasi kasing-galing ng nanay mo pagdadating sa pagluluto eh pati pag-aalaga sa’yo pero pati yata nanay mo kuhang-kuha, parang clone na niya.

buddypoke

CIA. Lahat na yata ng bagay meron siyang say(sinasabi). Wala kang kawala lalo na pag bukelya ka. Kumbaga sa court room, siya na ang lawyer, judge, stenographer, jury pati miron….kulang na lang sintensya para tapos na. Minsan nga kahit na siya ang mali, nagiging tama pa rin siya lalo na pag kaharap ang anak. Shempre, alangan namang awayin mo sa harap nila diba? Di mas lalong tumaas ang sintensya mo.

buddypoke

Mayaman. Dahil sa kanya, yayaman ka. Oo, yayaman ka sa utang. Kabibili nito ng kung anu-anu na “kailangan” daw sa bahay, ni baby, pampaswerte, nakita daw niya sa bahay ni kumare, matagal na raw niya pinapangarap magkaron ng ganito-ganyan, para daw indi siya magmukhang kawawa pag kasama ang mga amiga….at marami pang iba. Shempre, mahal mo eh. At para naman kasing me choice ka, pag humindi ka…papangit ang mood nito at magsasa-toyo na siya buong araw hanggang sa pumayag ka. Parang blackmail lang. Pero pag oo ka agad, bigla kang magiging pogi, mabait, swerte siya sa’yo at ikaw ang nakatuluyan niya, meron kang “bonus” mamaya pag-uwi, super mega maasikaso siya sa’yo at kulang na lang halikan ang iyong talampakan. Mga ganung bagay ba.

buddypoke

Nostradamus. Indi mo pa ginagawa, meron na siyang konklusyon para dito. Para bang in born talent niya ang magbasa ng pyutyur. Kung gayon, anu pang silbi ni Madam Auring at Jojo Acuin kung narito na mismo sa bahay n’yo ang pinakamagaling na manghuhula in town? 🙂 Indi ka na gagastos pa para pumunta sa Quiapo at maupo sa harap ng mga fortune teller dun o kahit magchaga na silipin ang horoscope sa dyaryo kung tuwing umaga bago ka umalis eh meron ka nang daily dose nito kasabay ng almusal mo?

buddypoke

Taga-palaman. Ang sinasabing numero uno sa pag-ispred ng cheeeeese (chismis) next to Boy Abunda. Sinu ba ang madalas na nakikita n’yo sa labas ng bahay kausap ng mga kapit-cheesers habang nagwawalis, nagkukula at nagsasampay? Kung meron umpukang sunog baga sa kabila, neber nawawala miski sa harap ng tindahan ang mga sari-saring kuru-kuro ng mga maybahay na malimit napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid nila bukod sa showbiz. At indi lang yan, kahit saang lupalop ng lugar…merong “girl talk” na nagaganap. Shempre, cheesers circle lang yan iikot.

buddypoke

In fairness naman sa Eve’s race…at bago pa ‘ko masaktan dito. Sampu lang yang nasa itaas, pero mas marami pa dyan ang advantage at positive side ng pagiging babae. (Tama? tama!!)

Kung walang babae, wala rin tayo, tama?

buddypoke

Kung walang babae, walang direksyon ang buhay. Walang matiyaga at malimit na magpapaalala ng mga dapat at indi dapat gawin. Ang unang magtuturo bilang magulang ng mga tama at mali at magtutuwid ng mga ito katulong ng ating ama.

buddypoke

Kung walang babae, magulo ang bahay. Kahit pa sabihin n’yo na maiingay sila habang naglilinis…at the end of the day, mag-aasikaso pa rin ito ng kakainin at isusuot kinabukasan. Indi nila kayang tiisin na gawin ang mga bagay na ito para sa mahal sa buhay.

buddypoke

Kung walang babae, walang magbabadyet. Ang hirap kayang pagkasyahin ang sweldo ni tatay para hatiin sa lahat ng gastusin sa bahay. Nakasalalay sa maayos na paghahanay na matugunan lahat ng pangangailangan. Shempre, kudos din kay tatay pag indi nagbawas sa intrega.

buddypoke

Pag nagakakasakit, sinu ba ang madalas na nandyan? Ang babae diba? Si nanay, si tita, si ate….ang matiyagang nagbabantay at nag-aalaga.

buddypoke

Likas sa babae ang pagiging maalaga, nurturing, being the softer side. Mas pumapangibabaw ang pagiging ina/babae sa anumang aspeto ng pagdedesisyon. Emosyonal at kahit na gaano katigas ang paninindigan, umiiral pa rin ang pagkababae nito. Oo nga’t maiingay, mahilig manermon, nagger, laging kunsumido…alam naman nating lahat na nagpapaalala lang ito sa tuwinang gagamitin ang power of mouth. Kapag maingay na kasi, awtomatikong napapasunod ka na lang. Sinu ba rito ang indi narindi sa ingay ni nanay sa loob ng bahay lalo na pag nahahayblad ito sa kakulitan natin?

buddypoke

Diba’t minsan, kapag wala ka na sa poder nila maaalala mo palagi ang mga paalala nito na kahit na sa pagitan ng tinis ng boses, na-gets mo yung gustu nilang sabihin? Yung message na gustu nilang magpenetrate sa utak natin?

Yun lang naman ang goal nila eh. Yung pakinggan at intindihin dahil alam nila kung anu ang mas makakabuti. Dahil walang ina’ng nag-isip na mapahamak ang mahal sa buhay. Yan ang babae. Isa na marahil sa purpose ng pagiging isang babae ang maging isang ina. Mabuting maybahay. Ang maging better half. Ang umalalay at sumuporta.

buddypoke

To be that woman behind that successful partner.

Mapa-lalaki o babae, may kanya-kanyang flaws. Indi naman mawawala yan eh. Kaya nga we learn from it day by day.

“One is not born a woman, one becomes one.”

buddypokeAling Baby

Adobeng Ulo

stubborn

Indi ito yung PDF File na program sa PC mo. At lalong indi rin ito ang paborito mong luto sa babuy at manok, maging ng kangkong.

Bato ito. Matigas na bato.

At sa kasong ito….Matigas ang Ulo. Parang yung sakin. Ganun.

Kung meron lang sigurong maximum na bilang kung ilang beses lang allowed na mauntog ang ulo at pag na-reach mo na yung maximum times eh kusa na itong ma-ko-comatose at magma-malfunction…matagal na rin siguro akong nakahimlay.

Ano ba ang basehan ng katigasan ng ulo? Bakit ba malimit na kapag indi ka sumusunod sa tama at payo ng mga matatanda eh akusado ka na agad nito?

Eh bakit pang naniniwala tayo sa mga payo na  “Kung ano ang bulong puso/isip mo, sundin mo. Sige na..kaw rin. We only live once.” (Lakas mambuyo, parang kala mo siya ganun din ang gawain.) Kung para lang pala itong trap na magbabaon sa’yo ng medyo may kalaliman kapag palyado ito at yung nagpayo sa’yo biglang magsasabi na, “Dapat pinag-isipan mo muna ito ng maraming beses bago mo ito ginawa.

Haller, alangan naman saktan mo siya diba? At isa pa, kung indi mo ito sinugod malamang indi mo malalaman kung ano kaya ang nangyari kung sakaling ikaw ang nanalo. Pero para saan pa ba kung pagkatapos nito eh branded ka na as “Adobeng ulo.” (masarap sana kung kinakain na lang ‘to eh.)

Ganyan naman talaga eh. Pag parang robot ka, isa kang mabuting anak. Lalo na’t sunod-sunuran ka sa lahat (as in sa lahat) ng gustu nila. Na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, me parental consent. Kaya kapag nagkamali ka kahit isang beses lang at sa tingin mo naman eh, mababaw lang ito (tulad pagbabago ng brand ng deodorant dahil sa kating-kati ka na sa sinaunang deodorant nila na tawas…) eh matigas na ulo mo. Kesho ang deodorant nakakaitim ng kili-kili, magmamancha sa armpit ng damit at mas lalala ang kaso ng body odor mo etc.etc.echeetera! Panu pa kaya kung medyo mabigat pa dun ang atraso mo, tulad ng pag-aasawa pagka-graduate? Aksidenteng makabuntis/mabuntis bago maka-graduate? Malamang parang natumbang domino ang lahat ng pinundar mong kabaitan at lahat yun mapapalitan ng “walang utang na loob” at katigasan ng ulo. Para kang umattend ng isang buwang misa sa haba ng sermonada de lemonadang abot mo kina ama’t ina.

Paano pa kaya ang ang buhay ng aminadong adobeng ulo? Bukod sa palagiang nasesermunan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagpapasaway, sa paningin nila…ikaw ang nawawalang itim na tupa na pagala-gala kung saan-saan. Black sheep ng pamilya. Ang sakit sa ulo na indi kayang gamutin ng biogesic, medicol, ponstan at panadol. Tipong padating ka palang sa bahay, nagsasakitan na ang ulo ng mga ito kahit na kakain ka lang naman tapos aalis ka agad. (hehe)

Misunderstood kase. At judged na agad without even knowing where you’re coming from. Basta pag pasaway – – automatic, matigas ang ulo…black sheep – – sakit sa ulo at pabigat. Period kandado-susi. Kaya tuloy sa inis, lalong nagpapasaway na lang at ginagawa na ang bintang sa kanya para quits (daw).

Nung naging galang itim na tupa ang kapatid ko, halos lahat kaming mga kapatid niya inis na inis sa ginagawa niya. Uuwi ng bahay pagkatapos ng ilang araw na paglalagalag tapos ang gagawin niya, manonood ‘gang madaling araw-kakain sa kaldero-matutulog ng 3 days straight-pagkagising niya, mangungupit-magbibitbit ng mga gamit sa bahay para ibenta…tapos mawawala na naman ng ilang araw. Paulit-ulit lang yon. Ang routine niya sa loob ng 7 taon.

Pitong taong sinayang niya. Pero si mama, indi tumigil sa pag-asa na magbabago si kuya. Kahit pa galing siya sa trabaho at malimit na sumasakit ang binti, hinahabol niya ang kapatid ko para iuwi ng bahay. Kinakausap-sinesermunan-iniiyakan. Lagi niyang tinatanong dito kung bakit ayaw pa niyang tumigil at ayusin ang buhay nito. Minsan pinakikinggan siya ni kuya kase tahimik lang ito. Minsan agresibo, sumasagot at nagwo-walkout. At pagkatapos nilang mag-usap, titigil siya sa bahay ng ilang araw at pag indi napuna, bigla na namang mawawala.

Indi kami tumigil ng pagdadasal para sa kanya. Nanghihinayang kami sa dapat sana’y narating na niya bilang isang Arkitekto. Nasa ibang bansa na sana siya at maayos ang buhay. Napakahirap makita na miserable ang mahal mo sa buhay.

Alam namin, indi natutulog si Kuya Josh. Lahat ng bagay ay dumarating sa tamang oras at pagkakataon. Pagkatapos ng pitong taon, nakilala niya ang isang babaing nagbago ng buhay niya at tumanggap sa kanya ng buong-buo at kakalimutan ang kung anuman ang nangyari sa buhay niya. Iba talaga ang LAB. Lab can move mountains. Kaya eto, nakatapos siya – nagpakasal – indi nga nakapag-abroad at na-pursue ang pagiging arkitekto pero may maayos ang saksespul na bisnes at umaaasang dumating na ang munting anghel na kukumpleto sa buhay nila.

Alam ko lahat tayo naging adobeng ulo na sa iba’t-ibang rason at pagkakataon. Walang levelling, ke magaan at mabigat man ito, pasaway pa rin yon. May kanya-kanya tayong dahilan at gustung patunayan at kung anuman yon, sana unawain din at bigyan ng pagkakataon. Suporta kumbaga. Walang natutong indi sumubok. Halos lahat ng first indi saksespul. Trial and error palagi ito kaya nga merong 2nd chance eh. Pambawi at para maging mas matalino at madiskarte.

Indi lahat ng nagpapasaway ay masasama. Yung iba dito, atensyon lang ang habol. Yung iba, for challenge…taking risk. Indi nila ito gagawin para pag nagkamali eh masabihan ng tanga or eengot-engot. Kung minsan kahit alam mo na ang sagot, pipilitin mo pa rin alamin ito sa sarili mo. Para ikaw mismo makaramdam ng gain at pain. Iba pa rin yung ikaw yon. Ramdam mo. Andun ka…ikaw yon.

Acceptance at trust lang po ang kailangan namin. 🙂

buddypoke(Japboi &) Aling Baby

Ganito ka ba?

clums

Lahat tayo ay may mga ugaling di maiwasang gawin. Indi dahil ito ay sinasadya, talagang nakasanayan na lang at imboluntaryong ginagawa ng katawan nang indi namamalayan o di alintana kung nakakairita man ito o nakakadistorbo ng privacy ng ilang tao na mapahiya ng tahimik o mailang sa ginagawa dahil sa katitingin nyo. (hehe)

Nakaka-relate ba kayo dito???

  1. Kapag nasa isang lugar kung saan maraming tao tulad ng sasakyan o kaya ay sa loob ng simbahan, o kahit saan na merong natatanaw na tao sa paligid na di mo maiwasang mapatingin sa mga kaharap o mga nasa tagiliran? Nawawala ang konsentrasyon sa ginagawa kapag merong paparating o dumaan sa harap mo kahit di naman kailangang tingnan, diba? Yung tipong awtomatikong lumilingon at napapatingin ka kahit ayaw mo at yung isip mo concentrated lang sa ginagawa. Nagmumukha tuloy na indi mo sineseryoso ang ginagawa dahil dito.
  2. Kapag nadulas, natapilok, me nabitawan o anumang aksidente kung saan mapapahiya ka sa harap ng mga tao (dahil wala namang nadulas na inde parang napunit ang mukha o ampanget na reaksyon.), di natin maiwasan na me isigaw na isang salita o ekspresyon para mas ma-emphasize ang pangyayari na ito sa buhay naten. Ititili ang salitang, “shet!” “Ay, kalabaw!” “Owsh*t!” “ay, p*ki mo malake!” at marami pang iba. 😆 diba? Imbes na wala nang nakahalata, mas marami pa tuloy ang lumingon at nakakita sa nangyari hehe.
  3. Ang pagtatanong ng mga tanong na ang sagot ay pawang nasa harapan na o mapapa-“OBVIOUS BA?”  na lang ang kausap o mga nasa paligid dahilan sa ka-obvious-an nito. Tulad ng pagtatanong sa taong kararating lang ng, “Kararating mo lang?” Magtanong ng, “Me tao ba sa CR?” sa taong kalalabas lang ng cr. Tanungin yung nag-init ng tubig kung kumulo na ba yung tubig. Magtanong kung me kanin habang nakatingin sa bagong saing na kanin. Mga nakaka-nosebleed na tanong na pwede namang wag nang sagutin pero kahit na ayan na nga ang sagot, nagre-require pa rin ung nagtanong ng sagot. Kainis diba? Pero talagang nangyayari ito minsan ng indi namamalayan.
  4. Kapag may mga eksenang tulad ng nag-aaway, banggaan, raid, o kahit anong me komosyon…gaano man kaimportante ang ginagawa ay imboluntaryong nagmamadali tayo para makiusyoso rito na para bang parte tayo ng pangyayari. Kahit gaano pa ito katagal, talagang indi mangangalay ang leeg at binti sa pag-aantay ng mga susunod pang mangyayari. At pag natapos na ito, indi pwedeng umalis sa pinangyarihan ng walang dalang impormasyon tungkol dito maging ito man ay tahi-tahi na lang, pagpipyestahan pa rin ito sa wentuhan ng mga kachokaran maya-maya lang.
  5. Kapag nakakita ka ng grupo ng tao na nagkukumpulan sa isang lugar, inde pwedeng indi mo aalamin kung anung meron dito. Gagawin ang lahat maging ang pag-akyat sa mataas na apakan para lang malaman ang dahilan ng mga tao sa pag-uusyoso dito kahit na wala namang mapapala.
  6. Katulad na lang pag merong nakatingala at me tinitingnan sa kalawakan, para bang nakakahawa na mapatingala din ng walang kalaban-laban (yun pala nagti-trip lang ang mga ito, naloko ka pa tuloy).
  7. Eh panu pa kaya kung meron humikab sa harap mo? Paayaw-ayaw ka pa pero wala pang 1 minute, humihikab ka na rin na parang mas inaantok ka pa dun sa nakita mo.
  8. Pag yung kausap mo biglang nagtanggal ng muta, for sure kunwari me nililingon ka pero pasimpleng kinapa mo na rin yung gilid ng mata mo baka ikaw ang meron kaya na-conscious siya bigla kung me muta rin siya.
  9. Minsan, pag yung kasamahan mo me kinakanta…una nakikinig ka lang tapos di namamalayan yun na yung kanta sa isip mo hanggang sa kinakanta mo na siya habang me ginagawa ka. (Tawag dyan LSS.)
  10. Eh kumusta naman yung naglakad kayo sa initan tapos nakita mo bigla yung isang kasama mo na me baskil (basa kili-kili) na dahil sa pawis. Shempre, bigla ka mag-aalala sa sarili at sa singaw na idudulot nito kaya sisimple ka na sa pagitan ng pag-uusap – – magkikibit balikat ka saka mo sasabayan ng isang kalabit lang sa magkabilang kili-kili tapos sabay kunwari pipisil-pisil sa ilong to confirm kung ikaw nga yung amoy na naaamoy mo.

Marami pang mga imboluntaryong gawain ang nagagawa natin nang indi natin namamalayan o kahit pa ano’ng iwas ang gawin eh wa epek. Minsan tuloy napagkakamalan tayong mga engot o mga ignorante dahil dito eh sa indi nga maiwasan eh. Kaya nga ba pinapraktis ko na ang delayed reaction o kaya yung malimit na pagtatanong kesehodang makulitan sakin hehe.

Kaya next time kapag na-encounter nyo ang isa man sa sampung yon sa taas, mag-pause muna bago mag-reak….dyan tayo nadadale palagi eh. Kapag ginawa na ang isang bagay bago pinag-isipan.

At para sa star-mate ko na nagsabing, “Bakit, porket FROOTS – – – fruits laaaaang??” (with matching patirik pa ng mata)….check mo muna kung indi lang fruits yung tinda bago mag-amok kei? 😆

buddypokeAling Baby