Mabuti-Buti Naman

Naloka naman ako sa kaka-LOL this past week.

Mula nung kinarir namin ni ate ang “Final Fling Before The Ring” ng aming beloved clam-chum na si Ate Liwanag

Daming puyat at na-challenge tu da maks ang natatago naming creativity ni ate. Di ko alam na may talent pala siya sa pagdecor ng mga cabaret. Labshoo te. Tsup-tsup!

Ayun nga at nagkakulay ang bahay namin at napuno ng mukha ni ate liwanag ang paligid. Na-surprise naman talaga siya at di in-expect ang mga pangyayari. The fact na sobrang na-enjoy niya ito, is worth all the puyat and pagod. 🙂

Ang highlight ng party?

  • Shempre naman, ang ni-prepare na food ni Chef Mine, sold out talaga. Yung iba, dun na malapit sa table kumakain. Di na makaalis.
  • Ang designated mamba-BASAG na si ate, nag-Teach me how to dougie pa talaga….the entire night. Tagay lang ang pahinga.
  • Nakikitawa lang kami ni Bengali/Kerala. 😛
  • Sabi nga, “Laughing for 15 seconds will add 2 days from your life span.” – – I’m pretty sure nadagdagan kami ng 6 months to 1 year sa aming life span sa katatawa. Idagdag mo na ang sobrang kulet na si Pao-pao na laging nasisilaw sa flash ng camera. Konti lang kami sa room, pero parang isang baranggay kami sa sobrang ingay at gulo.
  • At ang topping the charts “Cupkeyk”  ni Ate Liwanag. Na dahil d’yan, nauso ang tanong na…”Nag-cupkeyk ka na ba?” “Kumapkeyk ka na ba?” Sensya na, We are under code of silence kaya bawal sabihin kung ano yan. 😛

Inantok lang ako kay Mang Jose, di kasi nai-fridge. Nag-aamok tuloy si ate. Daming galit habang umiinom. LOL.

Sabi ko nga, pwede ako mapuyat ng bonggang-bongga pero di ko talaga keribels ang walang tulog kaya yung weekend ko, punumpuno ng katamaran in short, Piglet mode.

Next weekend na nga ang “I do’s” nila,  ang Sakalan este KASALAN ng Taon! Excited much na nga kami for Ate Liwanag. Totoo na talaga, wala nang atrasan. “Have a happy married life, te!

Feeling ko lang ang dami nang nangyari this week. Bukod sa ilang beses nahulog ang BB ko (na sana daw masira na para makabili na ng bago. LOL), nag-update na rin ako ng ‘Relationship Status’ sa FB (importante yun sa’kin eh, bakit ba?) – From In a Relationship to In a Relationship with Mine na! O, diba? Para po sa mga interesado, tao po ang ka-relasyon ko at hindi guni-guni. Nilagay ko na kung sino para wala nang marami pang tanong-tanong.

Aside from that, 23 hours a day ang bbm group chat. Sa sobrang bilis, backread na lang ang lola mo dahil sa dami ng chika. Ok fine, binabagalan ko kasi magbasa. 😛

Tapos nagpatawag pa ng meeting si Ate Liwanag. Coffee talk talaga na nauwi sa Eat-all-you-can Karinderia buffet with surprise guest, si Kuya Mike Enriquez! (Parang imbestigador talaga.LOL!) Ganen ba talaga pag kakasal na? Hmmm..

Ah basta ang alam ko, si ate parang naka-drugs kasi konting bagay lang tawa na siya ng tawa.

  • Dun sa kamay na nagkorteng paa at iniimagine niyang paa ang pinangta-type niya sa bb. Tsk-tsk!
  • Tapos pinagtripan niya si kuya na mapayapang natutulog sa may unahan ng service/school bus namin.  (Pano ba naman, inuunan na ni kuya yung seatbelt niya.)
  • Bukod sa nagpauso na naman siya ng word, nangangarot  (dahil sa carrot cake na ni-order ni ate liwanag)…may biglang lumapit sa kanya. “Hi, Do I—“ yun palang ang nasasabi ni ate/kuya. Nung humarap si ate, biglang natigilan si ate/kuya “Sorry, I thought..I taw a putty tat?! at pahiyang maraming nagmamadaling umalis sa tabi ni ate. That left us like – -“Huh?! Ano daw?!

Malamang, kahawig ng long and curly hair ni ate  ang EX-jowa ni ate/kuya. Pinaniwala na lang namin ang mga sarili na yun nga kasi, ambilis umalis eh, di na namin natanong.

Parang ang haba na yata.

Ayun. Ok naman. Soo fetch lang.

Looking forward to another interesting weekend with fwends. (nag-update lang talaga.)

Fwends for life..

Katulad ng ibang normal na tao, may mga kaibigan din naman ako. Hindi nga lang siya umaabot ng thousand o hundred thousand.

Naalala ko tuloy yung biruan namin noon ng isang friend ko, na ang bilang lang ng tunay na kaibigan ko eh kung sino lang ang umabot sa yakap ko. Pag lumampas ka, sorry na lang. (hehe..)

Kung merong pihikan sa jowa, meron ding pihikan sa kaibigan – – at ako na yata yun. Sabihin nang suplada-mataray-maldita na nga pero namimili talaga ako ng kaibigan. Mashadong importante ang mga oras para masayang lang sa hindi naman worth it na samahan. Sasakit lang ang ilang sensitive na parte ng katawan (tulad ng ulo, utak at dibdib) para isipin pa ang mga bagay-bagay na dapat sana ay nagagamit sa pag-eenjoy.

Sabihin na lang natin na meron na rin kasing ilang hindi magagandang pangyayari noon at panaka-nakang hanggang ngayon na nagsilbing leksyon para sa akin na matuto at mag-ingat. Ganun naman yata talaga pag na-trial and error ka ng pagkakataon. No regrets na lang at lessons learned. Tapos next time, maging wise na at wag na rin basta-basta magtitiwala para wala nang marami pang isyu.

Eh shempre, pag friend kita hindi naman yung parang nanalo ka sa lotto sa sobrang swerte mo. Partly yes 😆 – – pag may problem, anytime…pwede mo ako kausapin, BASTA wag lang MATH please.  Seriously, pag wala naman akong importanteng ginagawa tulad na lang ng pag nasa opisina ako diba? Ngayon pa na can be reach na ko anytime (hehe..). Or pag gusto mo lang na may makausap kasi minsan may mga instances na gusto mo lang may makinig. Game ako dun. Pag gusto mo rin ng sermon, ayy, yan ang mga type kong gawin. Basta kaya ko, game ako d’yan. Isang “Hi!” lang, alam ko na pag merong something. Lalo na pag malalapit na kaibigan. Alam ko na.

Isa pang benefit ng pagiging friend ko ay ang pagiging tolerating ko. As in. Wag lang shempre yung mapapahamak ka o kaya yung super below the belt, sapok abot mo sa’kin. 😆 Basta, kahit ano’ng gusto mong gawin, gawin mo. Sigee..Okay lang yan. Gooow!! Oopinyunan ko lang muna pero go-go pa rin ako. Para sa’kin kase, papano mo matututunan ang mga bagay-bagay kung di mo muna susubukan diba? Kaya pag palpak ka, at least alam mo na. Next time pag gusto mo umulit, ire-refresh ko lang yung memory mo sa mga nangyari, tingnan ko lang kung umulit ka pa. Sasamahan kita sa trip mo (sasama lang, indi sasali), dito lang ako basta masaya ka, okay  na sa’kin yon.

Yun nga lang…pag inatake na ko ng katamaran lalo na sa mga lakaran, inuman at party to the max…wala ka talaga magagawa. Parang automatic shutdown, di pwede i-restart. Dumedepende talaga sa mood. Malaking factor. Kaya nga pihikan sa kaibigan ee, kasi yang mga bagay na yan ang di ko na kailangang i-explain kasi kilala na nila ako.

Ang mga kaibigan ko?

Merong muntik nang mawala. Merong naging weder-weder. Merong nawala at nagbalik. Merong pasilip-silip. Merong updated. Merong di nawala. Merong bagong dating. Merong laging nanjan. Merong imbisibol pero kapag ni-buzz or ni-ping mo, andun lang pala. Sila ang mga pinakatotoong kaibigan sa buong mundo. Alam nyo na kung sino-sino kayo.

Kahit di ko madalas sabihin…. Love na love ko kayo! Promise! At sobrang blessed ako dahil nanjan pa rin kayong lahat kahit na may topak man ako o wala. You all knew me inside out, upside down…always here thru whatever.  A true blessing from God.

“My sisters and brothers from another mother.”

Friends for life.

– – LoveLoveLove.

“True friendship isn’t being inseparable, it’s being separated and nothing changes.”

Sakay na!!

circle of friends

Sa halos isang taon na dumaan at sa gitna ng mga pangyayari, masarap pa ring isipin na bukod sa dami ng leksyong natutunan…ang mga bumaba at sumakay sa dyip na sinasakyan ko ay siyang may malaking bahagi ng mga pagbabago. Magkahalong malinaw at malabong pagbabagong patuloy na tumutulak sa akin para ituloy ang byahe.

Sabi nga nila, kung indi mo aabatan ang pag-andar ng araw at oras, indi mo mamamalayang ilang buwan na pala ang nagdaan at matatapos na naman ang isang taon. Magdadagdag ka na naman ng isa sa halos lumampas na sa kalendaryong edad. Ang mga pinagdaanan sa nakalipas na taon, ay punumpuno ng leksyon. Para bang may ilang bagong buto na naman ang tumubo sa’yo kapalit ng ilang mahihinang buto na naapektuhan ng osteoporosis.

Kung magse-self assessment ka, pwede mo na kayang sabihin na pasang-awa o pasado na sa kaledad base sa mga humps at lubak na tinalon at nalampasan??

Ako siguro….medya-medya. Mashado pang maaga para mag-assess at isa pa, ang ilang mga nakasakay ko sa dyip…nakakatuwa. Kahit siksikan na, parang gustu ko pang i-suggest kay Bro na mag-expand pa siya para mabigyan ng chance ang iba na makasama sa byahe. 🙂

Gustu ko lang i-share sa inyo kung sinu-sinu ang mga kasakay ko sa byaheng ito. Malaking bagay para sa akin na makasama ko sila at makilala sa pagkakataong tulad ng sa ngayon.

chocolate-cakeTaklesa. Si dyipmeyt. Minsan nagugulat na lang ako pag naririnig ko ang ilang komento niya sa mga bagay-bagay. Mga banat na panalo…(o, kaya mo yon???)Yung tipong mapapa- “Sinabi mo yun??!” – –  mga ganun ba. Minsan ikaw na ang bubusina para sa kanya lalo na pag nakekerid awey na siya. Pero kahit ganun…balanse pa rin. Kayang maging prangka at mabait sa parehong tao. Nabibigyan ng justice ang komento. Bagay na hinahangaan ko sa kanya. Indi naman siya ganyan dati. Sa dami na siguro ng nangyari, natuto na siyang maging vocal sa nararamdaman. (Carry on, dyipmeyt!) Mabuting anak, kapatid at kaibigan. Pwede na eh, ok na…lablayp na lang talaga. Thankful ako kasi nakilala ko siya at swerte ko dahil naging kaibigan ko pa. Hinay-hinay lang sa chocolates at lechon kawali. Lam mo naman, bawal yun.

jai-ho1

After Pink 5, ngayon lang ako ulit nagkaron ng konek sa isang star-mate. Kaya pala…ang dali lang naming nag-klik. Pagkatingin ko ng burpdeyt niya sa pp…yun na Jai Ho! We have a lot of things in common. Pag nagkatawanan na, wala nang hingahan talaga. Nawala na rin ang pagkamiss ko kay Lola Basyang mula nang nakilala ko siya. Modernized at mas maraming kwento kesa kay Lolah Bash. Ang kagandahan ng pagkakaron ng star-mate, tinginan at konting salita lang nagkakaintindihan na. Wala na mashadong palinawagan. Marami akong natutunan sa kanya…as in at alam ko, marami pa. Thankful ako sa pagiging understanding at  sa pagtanggap (alam na niya yun). Sana mamit ko ang buong angkan pag nakapashal na kami ni byahemate sa Pinas.

Stuart-LittleHoodmate. Kami ang una at huling nagkikita sa byahe (kasama si Mr. Sungit #3.)  Indi kami umuubra ni star-mate dito eh. Simbolo ba naman niya timbangan. Mabait. Good friend. Loving wife. (May alagang daga hehe.) Aydol ko ‘to eh…sa haba ng pasensya. Through her marami pa kaming namit ni star-mate na kaibigan. Hilig at magaling magluto, kaya nga ang sarap tumambay sa kanila pag weekend kasi parang piyestahan lang. Sana nga at matuloy na ang dream nila na magkaron ng baby. All the best hoodmate…sana magtuloy-tuloy na ang plans nyo ni hubb mo.

bugoy02Ang pinagsamahan namin ni Net-mate…ang isang magandang halimbawa ng “second chance”.  Kung minsan pag pumapaibabaw na sa isang sitwasyon ang galit, lahat ng madikitan nito ay nasisira at naguguho. Pwedeng mawala na lang ng ganun-ganun lang lalo na pag pinabayaan at hinayaan. Obviously, kami ni net-mate…took the risk. It’s lovelier the second time around. 🙂 Maraming naituro ang mga nangyari. I’m glad I took the risk. Kaya ituloy na ang mas masarap na kwentuhan. Coffee time. Chorvaness. Buuuugoooyy-ish. Tara, pashal naman tayo. 😉

turonTuron-Shanghay mates. Nung una kala ko magkapatid sila kasi parang package deal. Pag binanggit kasi si turon kasunod na agad ang pangalan ni shanghay. Nung una lang pala sila tatahi-tahimik, nung sumunod na okasyon ang kukulit din pala. Sinubukan n’yo pang tapatan si Gary Big kahit na alam nyong size palang patalo na kayo. 😆 Totoo nga ang sinabi ni hoodmate, mababait nga kayo at masayang kasama. Salamat sa pagwelkam n’yo samin ni star-mate.

paparazziPaparats-mate, sabi nila…”First impressions last.” Pero isa itong kalokohan. Ikaw lang ang tanging matino nung unang nakilala ko pero isa ka palang abnoi. Ang tino-tino kausap at walang kaalam-alam sa panggu-gudtaym. Magaling nga eh. Magaling kumuha ng pikchers, magugulat ka na lang na merong ganun. Mapapa- “kelan ‘to??!” ka na lang bigla. Bilib na sana ako sa kanya eh kaso indi pa rin nya nagagawa ang isa sa malaking project na binigay sa kanya. 😛 Sana minsan naman sumama ka sa mga lakarang pampalumpo at yung mag-eenjoi ka naman kahit papano. Ang dami mo nang namiss eh.

alvin-and-the-chipmunks

Mister Sungits 1-2-3. Binago nilang tatlo ang paniniwala ko na ang mga lalaki kahit me asawa, pilit na magpapakyut sa mga babae for pogi points. Pero itong tatlong mister namin…strangely odd. Ang susungit. Ang mahal ng smile nila at pag tinanong mo, isa-dalawa-tatlong salita lang ang sagot depende na lang siguro kung essay ang tanong mo baka sakaling mapahaba pa sa limang salita ang isasagot nila. Si Mr. Sungit #1, kung sensitive ka, wag ka nang magbalak magba-bye sa kanya pag uwian kasi…dedma lang siya. Laging seryoso at parang nakakatakot batiin kasi mukang laging bad mood. Si Mr. Sungit #2 naman pag uwian, nakapasak agad ang earphones niya na parang senyales na wala siyang balak makipagwentuhan whatsoever kahit kanino at kapag inistorbo mo siya sa gitna ng pakikinig niya sa paboritong kanta…humanda ka. Si Mr. Sungit #3, indi naman mashado – – slight lang. Tutulog lang siya sa byahe at para walang istorbo, ayun andun siya sa single seater katabi ng driver.  Pero palangiti naman at indi mashadong nakakatakot i-approach. In fairness naman sa kanila (bago pako makuyog dito..), nakakatuwa sila lalo na pag inaasar na. Kung kelang aasarin, dun pa sila ngingiti…o diba, ang kakaiba??

harry-potterPoke back harry. Si Harry kahit na indi ko palagi nakakasama, nakakausap at nakikita…lam ko wala pa rin nagbabago. Isa siya sa pinakamasarap asarin lalo na pag merong mabigat na iniisip. Ke sa personal o chat, pareho pa rin ang reakshun…pikon. Nakakamiss lang yung kakulitan at sobrang pamimilit na uminom naman ako at wag nang KJ. Lahat ng okasyon kasi yan ang sinasabi niya sakin. Wag mong kakalimutan Harry, “Sorrow knows how to swim…drink moderately.” Mishuu.

Holding-HandsAng paborito kong byahe-mate. Sa lahat siguro ng klase ng sasakyan, nakasama ko na siya.  Pwede na siguro akong makagawa ng libro tungkol sa haba ng byahe namin. Sa lahat ng saya, nakakatawa, madrama, horror/suspense, action/sci-fi, at aberya dala ng ka-chorvahan ng buhay…sabay naming dinaanan at yung iba, dinedma lang. Kahit na mainit sa mata ng mapanghusgang mundo, sige lang. Tuloy lang. Soulmates nga siguro kami kasi pareho naming pinakapaboritong kaaway at pinakamalapit na kaibigan ang isa’t-isa. Walang mabigat na problema pag magkasama naming nilulutas. Marami-rami na rin ang narating namin at dahil sa kanya, tuluyan na kong naniwalang opposites attract. The reason that keeps me sane. Kapag pakiramdam kong parang malapit na ang end of the world, siya ang nagpapaalala sakin na, “gutom lang yan.” Knows me inside out, upside down. Kaya sobrang thankful ako na ibinigay siya sa’kin. Mahaba pa ang byahe namin at nasisiguro ko…for life na ‘to. 🙂

Sila…sila ang iilan lang sa mga kasakay ko ngayon sa byahe. Kakaiba ito sa mga nakasakay ko na noon. Salamat sa libreng kwentuhan, tawanan, asaran, dagdag-kaalaman…salamat sa pagkakataon na nagkakila-kilala tayo.

Nakaikot na ulit ang mundo. Salamat sa inyo. 🙂

buddypokeAling Baby