PALO

Ano’ng naging paborito mong pamalo? Hanger, patpat, sinturon, buckle ng sinturon, bamboo, walis tambo, walis tingting, sapatos, dos por dos, paddle, kawayan, panungkit, upuan, mesa (hehe) or simply hambalos na malupit ng kamay???

Ako, walang paborito sa kanila pero nung maliit pa ko at sa dala ng kakulitan…hanger. Dahil mas madalas na nasa gitna ng paglalaba at pagsasampay si mama pag nauubos ang pasensya sa ‘kin.

Halos lahat tayo nakatikim na ng palo.

Masakit diba? Minsan sa sobrang sakit, napapakamot ka na lang dun sa tinamaan lalo na pag sunud-sunod. Parang hazing lang. Bukod sa pinapalo ka na, meron pa ‘tong kasamang mga words of wisdom plus cursing. Pa’no ba naman…sa dami ng stress at sakit sa ulo dala ng buhay, pagdating sa bahay ang mag-ti-trigger ng galit at kawalan ng pasensya ay pag nakulitan sa’yong pasaway kang bata ka. Di talaga ito maiiwasan.

Sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama.

Pag makulit at indi nadala ng saway at pagpapaalala…asahan mo nang kung anu ang pinakamalapit na mahawakan nina nanay ang magme-matrix sa’yo at pag sinuwerte na nakailag ka, konting ingat dahil minsan pinapalipad na ito makaabot lang sa’yo.

Likas sa bata ang magkulit. Kasi nga nag-eeksplor pa lang at gustung butingtingin ang kung ano’ng makitang interesanteng paglaruan. Di rin maiiwasang me mababasag at matatabig na mga bagay nang indi namamalayan. Kaya nga ba laging palo-prone.

Ok lang naman paluin ang makulit lalo na pag indi nadadaan sa saway at mas mainam kung pagkatapos nito at nailabas na ang sakit at hapdi ng palo sa pamamagitan ng pagpalahaw na iyak…kausapin ang bata at iekspleyn sa kanya kung bakit para maintindihan nito.

Sa palagay mo ba, maiintindihan ng bata ang sinesermon mo habang pinapalo mo siya? Mas concentrated siya kung saan tatama ang susunod na hataw at kung papano’ng teknik ang gagawin niya para indi mashadong masasaktan kaya mas maganda paghupa ng galit at nahimasmasan na kayo pareho…mag-usap para sa susunod, maiwasan na’ng maulit.

Parte ng pagdidisiplina ang minsanang paluin ang bata kapag mali talaga at indi na masaway pero indi rin naman kailangang sa tuwinang magkakamali eh ito ang parusang laging igagawad. Ang mga murang isip na ito ay kalalakhan ang ganitong uri ng pagdidisiplina at kapag turn na nila bilang magulang…ito rin ang tiyak na gagawin nila dahil ito ang itinuro sa kanila noong sila ay bata pa. Isa pa, maraming epekto ang pamamalo sa paglaki ng bata. Pwedeng maging rebelde, introvert, magagalitin, nanakit agad pag nadedehado, pwede ring matatakutin lalo na pag na-trauma na, nagtatanim ng galit at naglalayas, nababarkada.

Kaya nga dapat na sila ay kausapin pagtapos ng disiplina-eksena. Indi naman dahilan na porke’t bata pa ay indi pa nito maiintindihan. Maraming paraan para i-ekspleyn sa kanya ang ginawa at sa ganitong paraan magiging malapit pa ang pagsasama at titimo sa isipan niya ang magiging resulta kapag inulit niyang gawin ito.

“Kung ano ang puno, siya ang bunga.” Nasa pagpapalaki ng magulang makikita ang karakter ng anak. Indi madali ang pag-aasawa at lalong indi madali ang pagpapamilya. Indi ito isang task na pwedeng iisantabi at indi sineseryoso dahil buhay ang pinag-uusapan dito at kinabukasan.

Walang award na matatanggap kapag naging mabubuting magulang sapat na’ng makita ang mga bunga na naging kapaki-pakinabang at napalaking may respeto, malasakit at pagmamahal sa pamilya at sa kapwa…mga karakter na walang katumbas na halaga.

11 days na lang Pasko na…..

Meri Pasko!!

Aling Baby

Eksayted

Eksayted na ko kase…

Malamig na naman ang panahon. Mararanasan ko na naman ang pakiramdam na halos lagyan ko ng balot at saplot ang buong katawan o sumiksik sa tabi ni labs para lang mabawasan ang panginginig dahil sa lamiiiig brrr.

Disyembre na. Malapit na ang Pasko. Kahit na wala sa Pinas, makikita mo sa bawat kabayan ang spirit of Christmas. Ganyan talaga eh, puro na lang daydreaming ng pasko sa Pinas. Narito na naman ang exchange gifts – Monito Monita – Kargo padala at ang food festival ang mga mapanirang diet na handa. (Ngayon pa lang pakiramdam ko 60 Kgs na ulit ako iniisip ko pa lang.)

Matatapos na naman ang taon. Isang dekada na pala ang dumaan. Ambilis talaga ng araw at oras parang nangangarera lang. Tatanda na naman tayong lahat ng isang taon. Sabi nga, bagong taon…bagong pag-asa. Sana naman maganda ang pasok ng Year of the Tiger. Nawa’y kalmutin nito ang masasamang vibes ng taon at lamutakin nito ang mga swerte at i-share sa lahat. 🙂

Makauwi for the first time in 3 straight years! 1,095 days ko ring indi nakasama ang mahal ko sa buhay.

  • Makikita ko na sina mum at pop, ate’s at kuya, mga pamangkin kong paniguradong mas malaki na kesa sa’kin at ang mga kapitbahay cheesers namin.
  • Chak na sandamakmak na event ang pupuntahan ko nito at daming kitakits ng barkada sa skul-opis-street friends at kung sinu-sinu pang naging ka-chokaran ko nung panahong tambay pa ko hehe.
  • Malamang siguro tatlong linggo akong walang tulog para lang walang oras na masayang.
  • Ang makakinig ng pinoy radio stations. Pag nasa abroad ka kasi mas maaappreciate mo yung sariling atin.
  • Makakalamyerda na rin sa mga lugar na tatlong taong indi napuntahan at makakakain na ulit sa mga kainang wala dito.
  • Makakakita na ulit ng tunay na tiangge at tunay na mandurukot at snatcher na tumatambay sa sakayan ng Harrison Plaza (I wonder kung sila-sila pa rin ang assigned dun banda sa’min hehe).
  • Makakasakay na ulit ng jeep at makakababa at sakay sa kahit saang pwedeng hintuan. Tumawid sa highway na walang stoplight kaya dapat me life insurance ka sakaling magkamali ka ng tawid lalo na pag wala kang keber sa paskil dito na, “Bawal tumawid, nakamamatay.”
  • Mawawala ba naman ang Mall tour?? Mas maraming mall ang dadayuhin ko pag-uwi chak yon. Ipashal sana ako ng Ate ko sa Divi kung saan uso ang malalaking plastik bayong.
  • Magkikita na ulit kami ni Jollibee in person at indi lang sa Youtube na sumasayaw ng nobadeh. Makakapasok na ulit ng Greenwich, Tropical Hut, Shopwise, Wendy’s, Mister Donut pati na yung bilihan ng Indian mango sa Libertad. Wet market na pag madaling araw eh merong kargador ng baboy na tumatakbo habang nakasampay yung yobab sa balikat nila kaya konting ingat kasi wala silang keber kung mabangga ka o matilamsikan ng pig’s blood hehe. Ang sago-gulaman na puno ng coloring at mas lasang tubig na keri na pantanggal uhaw.
  • Hmmm…san kaya ang summer get-away ko????

Makita araw-araw ang Union Coop hehe. Matagal-tagal din kaming indi nagkita. This is the moment, mukhang mapapadalas na naman dun.

Maging kapitbahay sina Te’bi, atleast indi na mashadong malayo pumunta sa kanila para makitambay pati na kina Abby. Pwede nang dayuhin anytime woohooo!

Eksayted na ko this coming weekend. Alam ko nakakapagod na naman pero ok lang, there’s not much to worry about. Pag hiniling mo talagang maging bisi-bisihan, indi lang simpleng pagkabisihan ang ibibigay sa’yo kundi buong linggong pagkakaabalahan. Mauubos lang ang oras ko kapag ni-stress out ko ang lahat ng ito. I still believe that there’s a reason for everything at for sure merong considerable reason kumbakit kami napadpad sa lugar na ito. Eniwei basta malapit sa inyo….masaya na kami dun. 🙂

‘Piwikend!

Aling Baby