Sabi ko na eh…

36-cat

Hindi naman kagulat-gulat. Di rin naman ako nagtaka.

Well, ano ba ang ine-expect mong reaksyon? Violent reaction?! Hmm, malamang cguro kung plot twist ka sa series na mina-marathon ko, pwede pa. Pero kung hindi, eh wag ka na mag-expect.

Sa panahon ngayon, lahat ng balita kahit nakakagulat, hindi na bago kaya nasasanay ka na lang. Isa pa, kung hindi ka na rin naman interesado, cguro mapapa….”Ahh talaga…” ka na lang.

Nakaka-offend ba? Yung hindi na mabigla ang mga tao sa bago mong update? Kase bakit naman? Sa mundong punumpuno ng update ang buhay ng bawat isa at meron ka pa ngang anim na fb reactions to choose from kasama na yung non-offending unlike or dedma na lang choice. –Yun eh kung friends tayo sa social network sites pero kung hindi, eh ano’ng pinuputok ng butse mo jan? LOL.

Nakakatawa talaga ang mundo ngayon. Hind na nga kayo friends in real life at cyber life, pilit ka pa ring ina-unfriend like patay ka na tapos papatayin ka pa. LOL ulit.

Halika, magsisihan tayo. LOL pa more.

Sinulat ko ‘to kasi natatawa lang ako. Biruin mo, napa-update ako ng blog dahil dito. Tenkyu! Ipagpapasalamat ito ng dalawang pirasong reader ko sa WP. Inaagiw na eh. Nung Mayo pa ko huling nag-update. Sensya na. Ang hirap mag-maintain ng blog lalo na kung past time mo lang naman talaga ito. Updated yung FB page ko. Dun mo ‘ko dalawin pag may time ka. For sure, mamimiss mo na naman yun kasi past time din ang tawag jan. Magpa-KSP.

Pero alam mo ba? Totoo yung sinasabi nila na may pakpak ang balita. Meron talaga. May pakpak at malaking bibig. Pano mo naman yun maiiwasan? Kumbaga sa nagmmove on, naka move on ka na’t lahat sabay may babanat at huhugot. Eh di nalaman mo pa tuloy. Well, kasalanan mo pa ba yun? Wala namang mundo na kayong dalawa lang ang laman. Sa ayaw at sa gusto mo, apat kayo jan at hindi mo alam kung kaninong bibig ang may pakpak.

Boom!

Binigyan lang kita ng idea. Maling pader kasi ang tinatakpan mo. Dapat talaga ang gawin sa mga butas, vinu-vulca seal. Oh well, bakit mo pa tatakpan? Huli na. LOL ano ba yan. Yung mukha na lang pala ang dapat takpan. Hahahaha! Sorry na.

Di ko na dinagdagan ang ipag-aalala mo. Kung ine-expect mo pala na may pakpak din ang bibig ko. Ulk! Sabi ko nga sa’yo, di naman ako interesado. Party mo ‘yan, cguro kahit naimbita ako, may saktong okasyon din ako ng saktong araw na yan. LOL. Ang makabagong rason sa panahon ngayon. Lalo na sa mga taong paasa. (Humugot lang).

Sana mag-enjoy ka jan. San ba yan? May snow ba jan? LOL. Di ko sure. Malay ko. Ewan ko. LOL.

Kalandian Fest Generation Z 2015 (iGen/Post Millenials) wutever…

Sa panahon ngayon, mahirap nang makasiguro kung yung kalandi-an mo ay pawang nagsasabi ng totoo o jinojoketime ka lang. Shempre, sino ba naman ang tatangging landiin lalo na pag may itsura naman ito at f na f mo rin na type na type ka nito.

Maliban dito, kahit alam na alam mo naman ang background ng kalandi-an mo, cge ka pa rin sa kalandian kasi pag dumating ang di inaasahang tamang panahon, pwede mo namang isagot na, “Eh kasi di ka naman nagtanong.” O diba? Pak na pak lang.

Ang totoo n’yan, generally speaking, ang babae, hindi agad-agad nahuhulog sa patibong. UNLESS, type ka nito at laman-tyan ka, yung tipong di ka pabigat sa budget. Bagkus, siya ang makikinabang sa budget. Ay, Go!  Keribels, landian na ‘to.

O, teka…di ko nilalahat.

Pero wag na tayong magpaka-plastik. Sus, lahat naman sa panahon ngayon, alam na. Wag na tayong magpaka-mahinhin at magpaka-santa kasi ang totoo, lahat tayo, may tinatagong LANDI sa katawan. We just have to find the right person to unleash it.

It just so happen na may kilala akong expert sa panlalandi. (Excuse me friend, hindi ito compliment.) Kasi may tamang oras at panahon at STATUS ang paglalandi. At hindi ito dahil sa kaya at pwede mong gawin sa oras na gusto mo. Dahil for sure, meron ding mga tao na nagfformulate na ng mainam na paraan para pumuksa sa mga pesteng malalanding tulad mo sa mundong ito.

Yes. Kailangan na silang puksain. Pagsama-samahin at sunugin. Yung sinusunog ng buhay para mas masaya. Ayoko ng may maiiwang buhay. Hahahaha! Burn baby burn!!

O, teka ulit…hindi ako galit. I’m just speaking on behalf of them Malalandi haters. Of course, sino ba ang kakampi sa mga malalandi? Ikaw?

Sabi ko nga bago ka lumandi, magpalandi o manlandi…paki-check muna kung single ka o kung single ba yung kalandi-an mo kasi mas masarap sa pakiramdam yung naglalandian na kayong dalawa lang at hindi yung di lang pala ikaw yung kalandi-an ng nanlalandi sa’yo kasi…#KarmaIsABitch te. It’s true! Try mo nga para malaman mo.

At sa tamang panahon, it will die down. Yang kalandian mo. Kasi it’s either of the following lang yan…

  1. Mahuhuli ka ng jowa mo or ng jowa ng kalandi-an mo.
  2. Magkakaron ng mas yummy yung kalandi-an mo kaya chugi ka na.
  3. Mala-lapse ka na kasi hello tumatanda talaga tayo.
  4. Mamatay ka dahil sa kalandian mo.
  5. Mamamatay kang malanding mag-isa.

At sa tingin mo ba may seseryoso sa’yo pag nagkakilala kayong malandi ka? Well, in the long run cguro mapapaisip siya kung for keeps ka ba eh baka pag nakakita ka na naman ng yummy eh ulit-ulitin mo lang ung mga pinaggagagawa mo at mandadamay ka pa.

Eventually, lahat tayo ay maghahahanap ng peaceful na kalalagyan (hindi ito ung ikaw, ang kabaong sa sementeryo…), alam n’yo na ‘to diba? Yung safe haven. Yung pakiramdam na yung humahalik at yumayakap sa’yo araw-araw eh hanggang sa huling hantungan na. Yung sinasabi nilang ‘May Forever.’ Well, eh kung papalarin ka lang naman.

Kase hello, sino bang hindi maghahangad ng ganito? Yung iba nga nagpapakamatay at nakikipagpatayan pa ma-achieve lang yan.

Kaya ang suggestion ko lang sa mga malalandi, kung gusto niong humaba pa ang buhay nio yung tipong aabot kayo sa finish line at machu-chugi of old age or dahil sa sakit hindi dahil sa nabuo na ang formula at isa kayo sa napuksa dahil sa sobrang kalandian lang. Nakakahiya naman mamatay ng walang saysay.

Saka Karma is just around the corner –waiting. In my experience, di pa siya natatakasan. Wala siyang patawad at kung matatauhan ka kung kelan malaki na ang damage na nagawa mo, eh sorry ka na lang. #sorrynotsorry. Magdusa ka.

Ok? Ok.

Ano na ba ang latest?

new

Anim na taon.

Ang tagal na pala noh? Mula ng huli tayong nagkasama-sama. Sa totoo lang, habang nag-iisip ako kung ano ang isusulat ko, napasilip ako sa weeeyybak dekada kopong-kopong at di ko namalayang, iniisa-isa ko na ang mga pahina.

Nakakatawa. Nakakatuwa. Nakakaloka. Ambabaw lang ng mga kaligayahan natin. Nagsisimula pa lang maging haytek ang mga bagay-bagay. At sa totoo lang ulit, di matutumbasan ng ka-bigtime-an ang mga araw at panahon na kuntento na tayo sa pagtambay sa labas ng bahay, magkwentuhan, mag-inuman at magbonding. Pag sinabing ‘bonding’, hindi ito yung may obligatory photo-op para i-update sa mga social net account. Ito yung bonding na solid, walang may hawak ng cellphone at punumpuno ng kalokohang usapan. Ito yung nawawala na sa panahon ngayon.

Ang saya balikan. Kung di nga lang bigla akong tinawag ng amo ko, baka natapos ko lahat basahin. Biruin mo nung panahon na yun…

Noon: Merong brokenhearted na dumadayo sa inuman every weekend, dala ang kakulitan, baong mp3’s, tictac-toe at libreng alak at yosi habang kinukulit ang mga tao at pakalat-kalat na parang residente talaga ng bahay.

Ngayon: Matapos ang ilang trial and error, nakatagpo na ng swak na swak sa banga. Sadyang totoo nga na lahat ng hirap, sakit at lungkot ay hindi rin permanente. Makakatagpo ka rin ng laan para sa’yo sa tamang panahon.

Mensahe: Nakakamiss ka na huy. Di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa natin sa mamahaling telepono na hinulaan natin ng maraming password kaya kahit yung may-ari di niya mabuksan. Hahaha! Nakakamiss yung kakulitan mo. Sana pag nagkaron ng pagkakataon, makapagkwentuhan ulit tayo. Pramis, ibabalik ko na yung wand mo kahit di mo na kailangan kasi, natagpuan mo na ung magic. It’s inside your fingertips hahaha! 😛

Noon: Sa Pinas pa lang, panay na ang yaya ng “Let’s Volt In!” hanggang makarating ng ibang bansa nakahanap pa ng Red-1, Blue-3, Yellow-4 at Pink-5. Umiinom kahit lasing na. Nakakatulog sa CR. Humihiga sa sahig at nagpapa-chalk. Nakakalimutan huminga ng normal. At nangyayakap pag hay na hay na sa alcohol habang nagpapasalamat na parang nanalo ng award sa Famas. At kadalasan, pinakamaayos at matinong kausap. Nagluluto para sa mga tamad magluto at magluluto pag may gusto kang ipaluto…habang shuma-shot.

Ngayon: Yung prusisyon na naudlot, sa simbahan din nagtapos. At meron nang bunga na kamukhang-kamukha ng puno. Sa tingin ko at ramdam na rin…Masaya. Fulfilled. Complete. Minsan pag malungkot tayo, akala natin bottomless kasi exagge tayo mag-isip pag malungkot. At gagawin ang lahat makalimutan mo lang yun sa kahit anong posibleng paraan. Pero ang totoo, kailangan mo lang maghintay at magpasensya. Kasi pag dumating naman ung araw na ok ka na, hindi mo na halos maalala na naging ganun ka pala kalungkot dati. Let’s just be thankful for everything and hope for the best.

Mensahe: Minsan mas masarap magkape sa labas. Try natin. Tapos kwentuhan. Gaya ng dati, yung inabot ng closing time hehe…pero di na yun pwede. Yung hanggang madaling araw pero malay natin diba? 🙂

Noon: Merong magulo at makulit. Mas madalas na makulit na maingay pag naka-volt in. Number one sa may pinakamalakas na tawang pagdating ng madaling araw paos na. Sumasayaw ng “Owa” (Owang galing, galing mong sumayaw…galing mong gumalaw…) at Ang Ganda daw niya. Pero pag normal na araw, tagabantay ng unan at kumot habang nagssenti sa kanta ni Kuya Martin at Divo. Inlab. Hinamak ang lahat.

Ngayon: Kahit hindi naging sakses ang ilan. Naghintay pa rin at nakatagpo ng isa. Akala ko at lahat, siya na. Pero hindi. Kadalasan, kung sino pa ang fanatic ng pag-ibig, sa kanya ito mailap na mailap. At kahit ilang beses nang bigo, umaasa pa rin. Idol mo ba si Wency? 😛 Naniniwala ako na merong nakalaan para sa bawat isa sa atin. At hindi daw ito hinahanap…kusa lang dumarating. Baka isang araw, makasabay mo sa traffic. Ingat lang sa fine.

Mensahe: Kapag nahimasmasan ka na sa lablyf, kita naman tayo. Seryosong usapan. Bawal tumawa. Pag tumawa, magpapainom. At pag mas malakas na tawa, may kasamang pulutan. Ok lang ba? 😛

Noon: Ang Kanin ay pinapartneran ng ulam. Naghahanap ng kapareha. May nakita. May mga nakita pero…siguro hindi pa talaga. Wala pa talaga. Naglilibang sa pagttrabaho, panonood, pangongolekta. Mag-update ng Ipod. Foodtrip. Alaktrip. Chikahan at Barkadahan. Ok na lang sa ganun.

Ngayon: Ang Kanin pa rin ang priority na mapartneran. Marami nang nawala at nadagdagan pa. 😦 Pero wala pa rin nagbago. Ganun ka pa rin. Ganun na ganun, timbang lang ang kaibahan pero ikaw pa rin. Ang pinaghalong warm-nokebs welcome na nakaka-at home. Minsan, akala ng iba malungkot pag mag-isa pero hindi. Lalo na pag napapaligiran ka ng kaibigan at mga taong nagpapahalaga sa’yo. Totoo, maiisip mo rin na kelan kaya darating ang nakalaan para sa’yo. Pero ang kaligayahan, di naman nahahanap sa iba. Masaya ka kasi kuntento ka na. Kung may darating man, salamat. Kung wala….sana meron pa rin naman hehe. 😛

Mensahe: Andito lang ang music collection ko pag kailangan mo. Wag kang mag-alala, wala nang UNO Grill na kapalit tulad ng dati hahaha. Kwentuhan lang at inom, pwede na. Yun lang ha kasi di na ko nagrrice. 😛

Noon: Sunud-sunod ang lablyf. Pag natapos ang isa, may kasunod na agad. At pag nabbrokenheart, iinom lang ng malupet at magwawala ng very-very light…bukas ok na ulit at may bago nang kinakarir. Kung sa iba, motto lang ang “Try and try until you succeed.” At yung, “Collect and collect then select the best.” – Sa kanya, seryoso yun. Ang love, ay este, True and Lasting love ang goal niyang ma-claim sa buhay. Nagamit na ang iba’t-ibang strategy at na-enhance pa nga ang mga lumang technique. Bukod jan, kung malungkot ka at gusto mong sumaya, pag siya ang kasama, walang palya. Pag nag-volt in na yung si maingay at makulit tapos eto…cguradong mag-eecho ang tawanan sa buong bahay. Alam ng lahat yan.

Ngayon: Kasabay na yata ng pagkaka-edad ang ka-seryosohan sa buhay. Minsan ang pagbabago, kala mo yun lang pero ang totoo, para kang umikot ng 360 degrees and more. Mapapa-anyare ka na lang. One of the many things you do for love. May mga kailangan kang gawin. At hindi lahat, makaka-gets. Di mo naman kailangan i-please ang lahat ng tao eh lalo na’t alam mo kung ano ang makakapagpasaya sa’yo. Try mo para malaman mo ang pakiramdam.

Mensahe: Pag nagkaron ng pagkakataon, let’s catch up. Magtawanan tayo ulit. Magpakasenti tayo kasi majonders na tayo at jojonders pa sa mga darating na taon. Ang dami na nating naipon na kwento. Magbawas-bawas naman tayo pag may time. 😛

Noon: Hanggang ngayon, yang lablyf ang panay goal ng mga tao. Kung ilang beses na may dumating kasama ng pag-asa na panay din tanong kung “sana siya na nga…” Nakailang attempt ka talaga eh, napagkwentuhan natin yan madalas. Dahil ok naman ang work kahit nakakapagod, sana meron naman kapartner na pampawala ng pagod at iyon ang wini-wish mo sa wand namin ni tictac-toe. At sa ilang taon na dumaan, marami ring pagsubok. Alam ko rin yun. Pamilya, Trabaho, Lablyf…Kaibigan. Kakilala. Pero ang atapang-atao, di natatakot. Kapit lang at positibo ang pag-iisip. Ikaw lang kilala kong ganyan.

Ngayon: Tulad ng seryoso sa buhay at tictac-toe, nakahanap ka na rin ng para sa’yo. Thank God. At ang tagal n’yo na. Happy Puso. Happy for you. Di man naging successful sa career, God is Good…alam mo yan. Still alive and kicking. At suma-shot ka na ngayon ha. Minsan ipa-experience mo naman sa’kin yang bagong talent mo. 😛

Mensahe: Pag natuloy ang catch-up with serious black, sumama ka na. Alam ko, isang tawag ko lang sa’yo pag free ka, gogorabels ka talaga. Tenks. Tenks. Tenks. Kitakits tau minsan. “I mishu.” Sabi ng ngongo na nakakita ng piso sa daan. LOL! 😛

Noon: Akala natin pag nakahanap ka na. Nagkahanapan na kayo, may forever na. Totoo na ang forever. Pano’ng di ka mapapaniwala…eh tumagal talaga kayo. Ang tagal-tagal na, nakailang palit na ng teleserye tapos kayo pa rin. Naka-graduate na ng elementary at hayskul yung mga bulinggits na kapitbahay nyo tapos kayo pa rin. Nakailang jowa na yung ilang kabarkada nyo tapos kayo pa rin. Tapos sabay ayan biglang wala na kayo. 😦 wala palang forever. Katulad ng mga bagay na nag-eexpire. Mga istoryang umaabot sa the end. Mga karerang andun na sa finish line. Ganun talaga. Minsan ganun lang talaga. May mga nangyayari na di mo inaasahan. Mga nangyayari na di mo inisip na pwede palang mangyari.

Ngayon: Nangyari na ang nangyari. Tapos na. At parehong nakapagsimula na ng panibago.

Mensahe: Kung naniniwala kaung may forever, eh di wag kayo maghiwalay. Kapit lang. 😛

Opinyon ko lang naman…

cat opinion

Sabi nila, hindi naman masama ang umopinyon in general sa mga bagay-bagay. Yan ang pribilehiyo ng mga utak at bibig natin sa gitna ng mainit na pag-uusap. Pero hindi nagkakahulugan na ang mga ito ay TAMA at KARAPAT-DAPAT na pakinggan. Lalo na para sa mga taong alam naman ang kanilang ginagawa/walang pakialam sa mga opinyon na ito.

Dalawang klase lang ang alam kong mga ganito.

  1. Harapang opinyon (parang yung sa Face to Face).
  2. Patago, pasimple o pa-traydor (ang hard…) na paraan.

Yang Face to face na paraan, kadalasan yan habang nakasalang ka sa ‘hotseat.’ Cornered ka na. Tapos on the spot na aabangan ang reaksyon mo. Kung katulad ka ni Aling Rowena-Katipunera, direchahan kang sasagot, ke pabalang man yan o direktang sagot na, “Eh di ibig sabihin, wala kang ginagawa kundi abangan ang mga ginagawa ko?”Boom! Chismosa! LOL!

Yang mga patago naman. Laman yan nga mga Chat Apps. Alam n’yo yan!!! Alam natin yan. Yan ang mga opinyon na minsan below to the low the belt na tirahan na yan. All out. Eh kasi, yung topic, busy sa buhay at walang kaalam-alam sa mga pangyayaring nagaganap pero di rin natin alam na baka busy rin pala siya sa kahihimay ng opinyon niya sa mga buhay n’yo hahaha! Life is just fair sometimes.

Wag na tayo magtaka, peeps. Kasama yan sa ecosystem. Pag wala na kasi ang chismisan at kutuhan (as we call them during the old times), eh walang saysay ang buhay mo. Kaya pag hindi ka napag-uusapan, magtaka ka na.Biruin mo, sa dinami-dami ng chismosa sa mundong ginagalawan mo, wala man lang kahit isang nagkainteres na pag-usapan ka. Diba? How uninteresting and worthless can you get?

Pero di ko rin naman sinasabi na i-enjoy mashado ang fact na pinag-uusapan ka ng mga tao. Lalo na kung, 1. Di ka naman Artista. 2. KSP ka. 3. F na F mo pag pinagbubulungan ka. 4. Wala kayong kapitbahay. 5. Ibang lahi yung mga kapitbahay mo kasi obviously, di naman kayo magkakilala.

Minsan, aminin natin na mahirap lunukin ang katotohanan na somehow sa mga narinig mong facts ay totoo naman. Well, sino ba’ng gusto makarinig ng pangit na katotohanan?

Gosh, tapos maririnig pa ng ibang tao…eh pano kung maniwala sila???

Hahaha! Eh pano kung alam na rin naman nila? Tapos ikaw na lang ang in denial. Eh di WOW.

Sabi nga nila ulit, kahit ilang beses mo linisin ang harap ng bahay mo, loob, labas, pati kasuluk-sulukan ng mga ito…kung yung may ari, di naliligo! Eh di malinis ang bahay niya. Go figure.

Wag din natin kalimutan yung mga ibang panira ng moment. Tipong ang saya-saya mo. Good vibes. 11:11. Ikaw ang Bida sa Primetime Bida. Sabay magccomment ng “Three months na lang ngayon ang bumibida sa Primetime.” –Which means, di ka bida for life. Diba? Porket, di siya ang bida, kailangan pareho kayo. Ayaw mo shempreng isipin na hindi siya genuinely happy para sa’yo pero pwede mo naman na ipaniwala sa kanya na na-appreciate mo ang pang-eeps niya sa moment mo. Quits na lang kayo. 😉

May mga tao na mahilig ibagay ang karanasan nila sa iba na parang damit na kapag bagay sa kanila, for sure, bagay din sa’yo yan. Kaya maniwala ka na. Hahaha! Eh di WOW ulit! Porke-porke? Magtayo ka na ng Consultancy firm hahaha kung gayon.

Maraming klase ng mga tao. Marami ring klase ng approach. At marami ring klase ng paraan para unti-unting mawala ang mga masasamang elementao sa masayang kalmadong mundo. Pwede mo naman silang intindihin pag bored ka tapos nun tuloy ulit ang buhay.

Anyway, buhay mo talaga yan eh. Obviously, ikaw na’ng bahala d’yan. Diba?

Vs.

argue

Hindi ito acronym for Victoria’s Secret. Ito yung nilalagay sa pagitan ng dalawang tao o grupo na pinaglalabanan ang 1st Place at Grand Prize, House & Lot at Brand New Car.

Diba ang sarap sa pakiramdam kung may premyong ganyan sa pinaglalabanan? Bayad ang pagod at hirap at effort. At hindi yung nakakahiya naman kesa masayang lang mga ito sa wala.

Eh pano pag prinsipyo ang pinapagitnaan ng VS. na yan? May katapusan nga ba ang usapan na ito lalo pa’t parehong hindi magpapatalo para maipakita ang kahalagahan ng “Prinsipyo” na siyang ipinaglalaban? Hindi ba’t ang premyo n’yan ay Sakit sa Bangs? At sama ng loob na nauuwi sa mas lalong hindi pagkakaunawaan?

Masarap manalo. Oo, sino ba’ng ayaw manalo? Ke Lotto, Raffle, Bingo, Color Game kahit sa pustahan pa nga. Mas lalo na cguro sa mga diskusyunan. Wow, kay sarap manalo d’yan. Heaven ‘yan. Lalo na sa mga mga ma-Pride d’yan. Yan ang ika nga’y Cherry on top. I won! I’m Great! I’m the Best!

Eh di WOW.

couple-arguing-2

Ang sarap manalo talaga, lalo na kung ang goal mo sa usapan ay ‘Manalo’ lang without even listening or even hear what your “kalaban” has to say. Bira lang ng bira. Bato lang ng bato ng point. 10 points! 20 points! 30-50 points! Eh ang goal nga manalo lang. Kaya ang siste, ang diskusyunan, nauwi na lang sa contest. Family Feud. Deal or No Deal. Laban o Bawi?

Ang tanong dito: NAGKAINTINDIHAN BA KAYO? Na-gets mo ba yung sinasabi nung kausap mo? Pinakinggan mo ba talaga? O sadyang focused ka lang sa susunod na batch ng point mo? Eh teka…gusto mo ba talaga na ma-absorb niya yung mga sinasabi mo o dedma na lang? Kasa ulit.

Ang hirap kasi sa dalawang magkausap na hindi magkasundo, imbes na makinig, nagreready ng isasagot. Kaya tuloy kung saan-saan na napupunta ang usapan. Nawawala na dun sa subject. Minsan, umaabot na sa mga hindi kasali tulad nga ng mga tapos na dapat sana, tapos na. Labo-labo na lang. Mauwi na lang sa giyera. O siya sige kahit wala nang premyo basta magkaunahan na lang.

Siguro hindi naman ito yung kung sino ang dapat na magpatalo o sino yung mas may “K” manalo. O dahil kasi palagi ka na lang nananalo sa usapan, dapat ako naman, mga ganyan. Kasi una sa lahat, hindi naman ito Contest. Hindi naman ito labanan kung sino ang magaling sa debate. Hindi naman dapat mauwi sa mas malabong usapan. May isyu diba? At dapat ang goal n’yong dalawa, ma-bull’s eye yung isyu and not the other way around…kayo ang na-bull’s eye ng isyu n’yo. Ano ngayon kayo?

Kaya nga sinasabi nilang, Two heads are better than one eh. Pagtutulungan n’yo ang mga hindi pagkakaunaawan. Hindi yung nilamon na kayo ng sarili n’yong isyu. Kasi sa kadulu-duluhan, ano ba ang naayos? Di’ba’t naging magulo lang? Masaya ba?

Normal lang paminsan-minsan, makakaencounter ng ganyan. Hindi yan dapat tingnan as problema. Pagkakataon yan para mas lalong yumabong ang pagsasama. Ang misyon n’yo, gawan ng solusyon at pagtuwangan na malampasan yan kasi d’yan mo makikitang nagmamature ang samahan eh. May kanya-kanya man tayong opinyon sa mga bagay-bagay, hindi rin ito hadlang para mas maiayos. Dapat may respeto at malawak na pang-unawa sa bawat isa. Mahalaga yun. At napakasarap sa pakiramdam yung i-welcome ang parehong opinyon. Kase hello, sinu-sino lang ba ang magkakaintindihan sa mga bagay na yan bukod sa inyo? Kayo pa rin.

Mas marami pang ganyan ang darating.

At kung nagkakaunawaan, balewala lang yan lahat sa inyo.

Gorabels lang.

Finger-couple-love-in-high-quality-free-nice-hd-wallpaper

Aylabyu…<3

4

Sabi nila, ang aylabyu (I love you) ay overrated na. Sa sobrang gasgas na neto, nawawala na ang true essence ng totoong ibig sabihin nito. Parang ekspresyon na lang o kasama sa sentence parang “Hello.”

Pero para sa mga tulad naming inlababo lang at kasalukuyang dinuduyan ng kakaibang magaang pakiramdam (Hello, Cloud Nine!) at sadyang mga hopeless overly romantic…..ang Aylabyu ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yung pakiramdam ng seguridad, katahimikan at katiyakan na sa dinadami-dami ng nilalang sa mundo na naghahanap ng magiging kabiyak ng puso mo…yung sa’yo, eto, sinasabihan ka ng Aylabyu (plus unlimited kisses) sampung beses (or more) sa isang araw dahil sa Mahal ka niya. Aangal ka pa ba?

3

Kaya eto, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito para masabi ko kung bakit Aylabyu.

Aylabyu kasi nabawasan ang memory gap ko sa tuwing maaalala kong baka may nakalimutan ako sa kaka-paalala mo sa’kin.

Aylabyu dahil napahaba mo ang pasensya ko sa mga bagay-bagay.

Aylabyu dahil hindi ka nagrereklamo sa lakas ng hilik ko. Inaasar mo lang ako kahit pikon ako. Tsup!

Aylabyu dahil sa pagpapakilala mo sa’kin at sa mga pagkaing kadalasan hindi ko pa narinig o natikman sa buong buhay ko like sobraa!

Aylabyu dahil nakikinig ka pa rin sa mga kwento ko kahit tutok ang atensyon mo sa paglalaro ng PS4 at XBOX at nakaka-comment ka pa. (pero kailangan i-pause muna ang game.)

Aylabyu dahil sinusunod mo ang mga pangmatatandang paalala ko sa’yo.

Aylabyu dahil laging may ice cubes sa tindi ng pagmonitor mo ng stock sa ref.

Aylabyu kasi ambilis mo tumayo pag may nalimutan akong i-off kahit nakapwesto ka na para matulog.

Aylabyu kasi sinasabi mong masarap ng luto ko at obvious naman kasi ang laki mo na. 😉

Aylabyu kasi gusto mong sabay nating pinapanood ang mga series at movies na inaabangan natin.

1

Aylabyu kasi pareho nating alam na hindi tayo mahirap kausap. Kahit hindi tayo nag-uusap.

Aylabyu kasi natatawa ako sa’yo pag naiinis ka sa mga pasaway na kasabay natin sa daan. Nahahawa na rin tuloy ako sa’yo.

Aylabyu kasi ang haba ng pasensya mo sa pag-aantay na maisip ko ang gusto kong kainin.

Aylabyu kasi alam mo na kung kelan malamig na ang ulo ko para suyuin.

Aylabyu pag sweet at malambing ka lalo na pag tulog. 😆

Aylabyu kasi kahit ano pa ang ginagawa mo, pag narinig mo na ang “hay naku”, to the rescue ka na agad.

Aylabyu kasi nakikinig ka na rin kay Papa Jack! Hahaha!

Aylabyu kasi pag naiinis ka na ng totoo, bokot na ako. (Bihira lang kasi yun mangyari.)

Aylabyu kasi ansarap natin mag-usap at magkwentuhan.

Aylabyu sa pagitan ng mga hindi maipaliwanag na dahilan.

Aylabyu kasi yulabmi.

Aylabyu kasi alam naman nating hindi madali pero hindi rin yun naging hadlang para tumigil at sumuko. Sabi nga nila, normal ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pero may mga paraan at solusyon din naman. At ito ang magpapatibay sa kahit ano’ng samahan. Maraming madaling sabihin at gawin. Ang pagtatagal ng isang relasyon ay hindi nasusukat sa mga regalo, sa tagal, o sa ilang beses na pag-aaylabyuhan sa araw-araw. Wala naman makakapagsabi kung hanggang kelan magiging kayo o magiging kayo ng panghabambuhay. Ang sagot ay nasa inyo…to keep the love alive.

2

Aylabyu ulit, my lab at Salamat.

Salamat sa pabalik-balik-balik na nangyari. Salamat sa Cloud nine. Salamat sa mga mahihimbing kong tulog. Salamat sa dighay ng kabusugan. Sa mga lakaran na walang kapaguran. Sa mga kwentuhang kahit yung iba walang katuturan. Salamat sa atensyon. Salamat sa pagtulog mo ng mahimbing sa tabi ko. Salamat sa papuri sa mga araw na palpak ang luto ko. Salamat sa pagtikim ng konti sa matatamis na kinakain ko kahit di mo hilig. Salamat sa pagtatanong mo ng opinyon ko. Salamat mga stress-kwento mo tungkol sa trabaho. Salamat sa pagtawag mo para lang kulitin ako. Salamat sa pagiging on-time mo kaya bumibilis ang kilos ko. Salamat sa paghawak sa kamay ko kahit saan tayo magpunta. Salamat sa mga magagandang kanta. Salamat sa mga masasaya at di masasayang mga araw. Salamat sa mga halik at yakap at lambing. Salamat kasi kinumpleto mo na ang kulang sa buhay ko. Aylabyuuu…

Tulog

s2

Yung pakiramdam na ansarap ng tulog mo at feel na feel mong walang pasok ngayon kaya pumwesto ka pa ng maigi tapos maya-maya’y nag-alarm ang orasan. May isang araw pa palang pasok. At tila ayaw kang payagan ng unan at kumot mo na tumayo.

Haayy.

Ako, oo. Kaninang umaga lang.

Paniwalang-paniwala akong wala na talagang pasok at siguradong-sigurado akong Huwebes na kahapon kaya makakatulog ako ng mahimbing pa more. Yahuu.

Yun pala’y hindi. Nilingon ko ang mahimbing na tulog ng katabi ko. Ang lamig pa naman.

Haayy na lang ulit.

Yan ang dilemma ko tuwing umaga, nitong mga nakaraang labing-apat na linggo na (alam na alam ko, bakit ba?) Ang hirap aminin ang katotohanan ang madalas na maalimpungatan sampung minuto bago tumunog ang alarm ko ng ala-sais. Ang saklap. Yung sampung minutong parang isang minuto lang sa pakiramdam. Yung kakapikit mo pa lang, ayan na ang alarm. At sa tuwina, gusto kong isipin na isang malaking joke ang ganitong eksena tuwing umaga. Kung bakit kagabi, pasado alas dose na nung ayaw ko pa talagang matulog. Kaya tuwing umaga rerekla-reklamo naman ako. Haayy ulet-ulet…

s3

Tulad ngayon. Nagrereklamo ako. Kulang ang tulog ko. Kung maibabalik ko lang ang mga oras kagabi nung huli kong nilingon ang orasan, alas-onse diyes at dinedma ko lang habang nagmamadali akong isalang ang kasunod na episode ng series na minamarathon namin, isang linggo na naming nasimulan. Na kung hindi pa ako inayang matulog, sabay sulyap sa oras, juicecolored, alas dose impunto na naman pala. Kahit pa nagmadali ako mag-ready sa pagtulog, di ko na mababawi ang katotohanang pasado alas dose na. Ibawas mo pa ang ilang minutong goodnighting plus konting chika bago matulog. O diba, malamang alas dose y medya na cguro yun di ko na tiningnan ang oras. Tapos iikot-ikot pa ako bago makuha ang tamang pwesto. Buti pa yung katabi ko, ppwesto lang ng patagilid chak tulog na yun. Di kasi nahilik kaya di mo malalaman. Basta’t di na kumilos, alam na. Eh ako, kukumbinsihin ko pa ang sarili ko na makakatulog ako sa pwestong patihaya o yung nakatagilid para maka-akap, kahit ang totoo nito, sa gawing kaliwa, chak yun awtomatikong tulog ako. Sinayang ko lang ang ilang minuto na sana’y narating ko na ang dreamland.

Sa totoo lang, eksayted akong pirmi pag sumasapit ang Huwebes ng gabi. Biyernes kasi ang bawian ng tulog. Walang rason para gumising ng maaga. Pag nagising, pwede ulit bumalik sa tulog. At madurugtungan mo pa ang naudlot na panaginip bago ka naalimpungatan.

Kaso mo, tuwing Biyernes ng umaga, magigising ako pag nagpaalam na sa’kin ang may laro ng basketball. At mawawala na ang antok. Hindi tulad noon na nakakabalik pa ko sa tulog. Kaya’t wala na akong ibang choice kundi bumangon at mag-almusal at manood at umasang babalikan ako ni antok maya-maya lang. Si antok na kapag kailangan mo, wala pero present pag nasa opisina ka.

s1

Di ko rin nababawi ang tulog ko pag walang pasok (eksheli), lalo na pag nakapwesto na ko para manood na naman. Feeling ko, sayang ang oras pag itinulog ko pero pag may pasok di ko yan naiisip, pramis. Pag natutulog kasi ako ng alanganin, chak na gising ako hanggang madaling araw. Di rin naman pwedeng sumobra sa tulog kasi sakit naman sa ulo ang kalaban ko.

Pag sinwerte, may mga Sabado kaming tamad-day. Manonood hanggang sa antukin ng Alas dos ng hapon pagkatapos ng tanghalian. Siesta galore ang trip namin nun. Magigising lang pag oras na ng pananggabihan. Yun ang paborito kong araw. Dun ko lang nasasabing nakabawi na ko sa mga umagang antok na antok akong umaasang may additional 3 hours na tulog pa ko pag naalimpungatan bago mag-alarm ang orasan.

s5

At shempre, pagdating ng Sabado ng gabi, unti-unti nang nagssink in ang katotohanang back to reality na naman. Puyat + 6AM alarm = Antok.

Ok lang. Pampalubag na lang cguro yung ambilis naman dumaan ng isang linggo. At kahit napuyat ako kagabi dahil akala ko wala nang pasok, ok lang pa rin kasi totoong off na bukas. Yahuu.

Happy Weekend! Alarm-off. 🙂