Perfect combination

Hindi naman lahat ng kiniligan mo o yung relasyon mong nag-ala happy new year sa fireworks, sparks and everything ay ang parehong taong kapiling mo ngayon. Tama ba?

Meron ba talaga nito?

Inimbento lang yata ito para mawalan ng choice magkatuluyan kayo tapos kalaunan pareho n’yo mare-realize na ang dami pang dapat i-explore sa mga ugali n’yong pareho. Tama, mali?

Pero bakit ganun? Bakit nung kilig days ninyo, paniwalang-paniwala kayo na, “Eto na. siya na nga. kami na talaga. Salamuch dear Kupido, you did it right this time!” mga ganyan.

Di nagkatuluyan na nga.

Tapos, pagkatapos ng ilang taon. Dun mo pa lang malalaman na hindi lang pala kilig, cloud nine, spark, at yung mga pesteng mala-teleserye-fairytale-a-long-and-lasting-love ang lahat. There’s more in store…

Nagising ka isang umaga at pagkamulat ng mata, habang nagkakape… Eto ang katotohanan.

Na pagkaraan ng ilang taon may mga pagbabago ngang magaganap.

Sa mga nagsasabing ganun pa rin ang kilig — is a total BS! 😆 ! Sa totoo lang.

Kase habang tumatagal ang relasyon, paglipas ng ilang aylabyuhan, hayahay at makailang-ulit na naabot ang langit…pag nagka-anak na, nag-iiba na rin ang priorities. Kung noon, yung makita ka lang, sapat na. Ngayon, swerte nang magkatitigan pa kayo. 😆 Kasi mas madalas pag nagkatinginan kayo, either may iuutos siya or uutusan mo kasi siya o baka naalala na niya ung iuutos nia sa’yo.  O pag-uusapan n’yo ung mga bagay-bagay na tungkol sa bahay, trabaho, school ng mga bata, gastusin at minsan ung mga headlines balita.

Nakakatawa.

Nung bata pa kasi ako, hindi ko yan naiisip. Yung mga pangyayari pagkatapos ng happily ever after. Yung mga labahan, hugasan, mga kalat at yung cr na laging kailangan linisin. O, diba.

Kung noon, may mga specialty menu pa kayo. Ngayon hindi biro ang pag-iisip ng mga uulamin sa araw-araw. Yung pagba-budget. Pamamalengke, pagdivide ng mga income at expenses. Kilig pa more!

Swerte na nga lang kung may energy ka pang natira para maka-round 1 sa kalabitan scene sa gabi. Dahil kung hindi kulang ang tulog mo, kulang naman ang naipon mong energy sa buong araw sa dami ng trabaho sa opisina at sa bahay. Nakakakilig diba?

Kaya siguro hindi ko nakita kahit isang beses na naglambingan ang mga magulang ko kahit habang nanonood ng tv. Eh ni hindi ko nga sila nakitang nagkaron ng panahong manood ng tv ng wala lang, kung nagkaron man ng ganung pagkakataon, tinutulugan lang ni mama ung panonood dahil sa pagod sa buong araw na pagtitinda. At sa gabi, wala naman si Papa kasi panggabi ang pasok niya sa trabaho. Saka lima kaming magkakapatid so, wala na nga talaga silang time sa kilig moments.

Sa mga pelikula ko lang nakikita yung mga ganun. At mas madalas noon, sa imahinasyon lang.

Ang nega ko ba?

Pero hindi pagiging nega ito eh.

Ito ay sa totoo lang.

Sabagay, hindi naman lahat ng kiniligan mo o yung relasyon mong nag-ala happy new year sa fireworks, sparks and everything ay ang parehong taong kapiling mo ngayon. Tama ba?

Kung sino pa yung nakasama mo o naging jowa mo ng mas matagal pa sa Anna Luna at Agila (sorry, Millenials sa comparison. Di pa kayo buhay nitong mga teleserye na ito haha!) ay kadalasang hindi nagkakatuluyan.

Napapaisip lang din siguro ako. Kasi ang galing lang. Yung mga tinatawag nilang tinadhana. Di naman kasi lahat ng mga nagkatuluyan, sila rin ang nakatadhana. Diba? Katulad nung naririnig mong lyrics sa kanta na, pinagtagpoooo pero hindiii tinadhanaaaa. Sadyang mapaglaro itong mundo.

Sad but true.

Lagi pa nga nasisisi si kupido sa pagkakamali nito ng pagpana. May masisi lang talaga.

Yung mga dahilan kasi ng mga naghihiwalay eh ‘irreconcilable differences’, mismatch, hindi magkaintindihan, walang pagkakapareho, magkaibang paniniwala, etc. Pano’ng nangyari yun diba? Eh nung una, may mala-fireworks display ang buong paligid pag magkasama kayo. Yung bente-kuwatro oras sa isang araw na kulang pa pag magkasama kayo. Mga pangakong panghabambuhay. Mga binuong pangarap. Haaays.

Yan tayo eh. Parang ang dali lang malaman kung siya na nga at kayo na talaga. Pero sa pagdaan ng panahon at sa lahat ng mga pagbabago, wala siguro yan sa tinadhana o sa tamang pagpana ni kupido ang basehan ng pagtatagal ng relasyon.

Kahit na itanong mo pa yan sa kanya sa panliligaw-stage pa lang kung tatagal ka ba ‘ or kayo.

Sa tingin ko noon at hanggang ngayon…nasa sa inyo ang kasagutan. Gustung-gusto mo ba talaga ang taong ito? Worthy ba siya sa lahat ng pagsasakripisyong handa mong harapin kasama nito? Willing ka bang tanggapin ito ng buong-buo (literally at figuratively) ng buong puso kasama ng mga atay at balun-balunan mo? Sure ka?

Kung gayon at yan ang gusto n’yo. Goow. Hanggang forever pa nga kung talagang seryoso kayong tanggapin ang lahat-lahat and more. Harap-likod, taas-baba, gising at tulog, bagong gising, puyat, lasing, gutom, seryoso, may topak, ksp mode…yung pag-intindi, pagpapasensya, at pagpapatawad. At sa lahat ng terms at conditions na in-agree-han natin sa lahat ng downloaded applications, dapat alam din natin ang limitasyon at hangganan.

Mashadong malawak ang salitang mahal at pang-habambuhay. Pag masaya ka at sobrang inlababo, marami kang pwedeng idikit na description sa relasyon ninyo. Ang tanong dito, “Kaya mo bang panindigan ang lahat ng yan sa mga pagkakataong hindi kayo magkakaunawaan?” Dahil sa totoong mundo, walang perpektong relasyon, katulad ng ikaw at ako ay hindi rin perpekto. Ang kaya lang natin gawin ay maging matatag, marunong rumespeto ng kapwa, maging tapat at mapagmahal sa anumang aspetong haharapin ninyo at ng inyong relasyon. Sana malampasan n’yong lahat ng hamon na magkasama at magkatuwang. Magka-holding hands, naks.

Ang sarap kasing isipin na yung gusto mong kasamang tumanda, ikaw rin ang gustong makasama. Hmmm. 🙂

Just always remember, “Never reply when you’re angry. Never make promises when you’re happy. Never make decisions when you’re sad.”

anonymous

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

Mag-iwan ng puna