I saw the SIGN ;)

Walang himala pero ang imposible ay posible lalo na kung meron kang determinasyon na maabot ang goal mo. Pwedeng-pwede. Eh ikaw lang naman ang nagsasabing wala ng pag-asa at hindi mo kaya.

Advertisements

IMG_7794

Mga besh!

Kamusta na? Namiss ko kayo! Yung dalawang pirasong avid abangers sa entry ko! Mwah-mwah! Tsup-tsup! Pasensya na at ngayon lang ako ulit nakapag update. Inabot ng isang taon! Sorry naman! Sabi ko naman sa inyo kase pag inagiw na kayo kakaabang dito sa blog ko, dalawin n’yo ako sa Facebook page ko kasi dun, wala akong palya sa pag-update. Pero kung entries ang gusto n’yo, aba’y wala hahaha!

O siya, eto nga ang nangyari for the past year! Grabe mahabang istoryahan. Di ko na ididetalye kase, wehnonamanyun sa inyo. 😛 Ang importante, andito na aketch at nakapagpost na ulit.

Kung natatandaan n’yo na nung Mayo 2016 nagpost ako ng Problema, well, isang taon kong pinagpaguran ang solusyon sa problema kong yan. Siyam na buwan akong nag-foodtrip at tatlong buwan akong nagpakahirap para finally ay mawakasan na ang pakikipaglaban ko sa timbangan.

At eto na nga, pagkatapos ng ilang litrong pawis at maraming foodtrip na tinanggihan. Mga kanin na dinedma, mga softdrinks na tinabig, mga sweets-chocolates at pastries na inisnab….I am 15 pounds lighter — and still counting.

IMG_8295

Hindi imposible, mga besh. Walang himala pero ang imposible ay posible lalo na kung meron kang determinasyon na maabot ang goal mo. Pwedeng-pwede. Eh ikaw lang naman ang nagsasabing wala ng pag-asa at hindi mo kaya.

Yan din kase ang palagi kong sinasabi pag masarap ang ulam namin at pag nayayang kumain sa masarap na kainan. Sinasabi ko sa sarili ko na bukas, next week, next month, NEXT YEAR na ko magpapapayat. Eh mga besh, di naman nauubos ang bukas. Pero yung mga kasya sa’yong damit, konting-konti na lang. Aantayin mo pa bang ultimong undies kailangan mo nang mag-upgrade sa LARGE, worst EXTRA LARGE bago ka matauhan?

Hindi ka naman magpapapayat para lang maging maganda ka sa paningin ng iba. Hindi yan magandang rason. Ayaw mo nun, masusuot mo na ulit ung mga damit mong matagal ng naka-stock sa cabinet mo? Hindi ka na magtatagal sa pagbihis pag aalis dahil sa kakahanap sa damit na hindi mahahalata ang mga bilbil mo. Hindi ka na malulungkot pag nakita mo ang sarili sa salamin kundi magbbounce ang good vibes sabay wink.

Saka isa pa, what is hingal sa konting paglalakad? Instead, mas mag-eenjoy ka pa sa paglalakad dahil exercise din yun. Wais ka na rin sa pamimili ng kakainin. Health is wealth. Hindi lahat ng Bochog, Malusog. Saka wala naman masama kung hindi ka na makikiuso. Kung para naman sa kalusugan mo, bakit pa diba? Isa pa, hindi porket may asawa ka na or may anak ka na, wapakels ka na sa sarili mo. Marami kasi akong naririnig na, sinasabi naman daw ng asawa nila na kahit tumaba sila or maging dabyana eh love pa rin naman daw sila kaya keri na lang. Luh?

Gagawin mo yun, Besh kasi Love mo ang sarili mo. Hindi lang naman yung love nila ang basis mo sa relasyon n’yo at ng weight mo. Iniisip mo ba na kaya lang nagpapapayat yung iba eh kasi takot silang iwanan ng mga asawa nila?? Really?? Besh, parang mas nakakatakot yung magkasakit ka. At an early age yung highblood, mataas ang cholesterol, sugar…mga ganyan. Gusto mo lang maging healthy. Bonus na lang yung naging sexy ang kinalabasan, well, pinagpaguran mo naman yun kaya flaunt it!

Gaya nga ng sinabi ko, di naman nauubos ang bukas. Kaya pwedeng-pwede ka magsimula bukas na bukas. Kahit nakakapagod most days, masarap sa pakiramdam, the feels ay magaan at nakaka-good vibes. Try mo kase.

IMG_7798

Sabi ko na eh…

36-cat

Hindi naman kagulat-gulat. Di rin naman ako nagtaka.

Well, ano ba ang ine-expect mong reaksyon? Violent reaction?! Hmm, malamang cguro kung plot twist ka sa series na mina-marathon ko, pwede pa. Pero kung hindi, eh wag ka na mag-expect.

Sa panahon ngayon, lahat ng balita kahit nakakagulat, hindi na bago kaya nasasanay ka na lang. Isa pa, kung hindi ka na rin naman interesado, cguro mapapa….”Ahh talaga…” ka na lang.

Nakaka-offend ba? Yung hindi na mabigla ang mga tao sa bago mong update? Kase bakit naman? Sa mundong punumpuno ng update ang buhay ng bawat isa at meron ka pa ngang anim na fb reactions to choose from kasama na yung non-offending unlike or dedma na lang choice. –Yun eh kung friends tayo sa social network sites pero kung hindi, eh ano’ng pinuputok ng butse mo jan? LOL.

Nakakatawa talaga ang mundo ngayon. Hind na nga kayo friends in real life at cyber life, pilit ka pa ring ina-unfriend like patay ka na tapos papatayin ka pa. LOL ulit.

Halika, magsisihan tayo. LOL pa more.

Sinulat ko ‘to kasi natatawa lang ako. Biruin mo, napa-update ako ng blog dahil dito. Tenkyu! Ipagpapasalamat ito ng dalawang pirasong reader ko sa WP. Inaagiw na eh. Nung Mayo pa ko huling nag-update. Sensya na. Ang hirap mag-maintain ng blog lalo na kung past time mo lang naman talaga ito. Updated yung FB page ko. Dun mo ‘ko dalawin pag may time ka. For sure, mamimiss mo na naman yun kasi past time din ang tawag jan. Magpa-KSP.

Pero alam mo ba? Totoo yung sinasabi nila na may pakpak ang balita. Meron talaga. May pakpak at malaking bibig. Pano mo naman yun maiiwasan? Kumbaga sa nagmmove on, naka move on ka na’t lahat sabay may babanat at huhugot. Eh di nalaman mo pa tuloy. Well, kasalanan mo pa ba yun? Wala namang mundo na kayong dalawa lang ang laman. Sa ayaw at sa gusto mo, apat kayo jan at hindi mo alam kung kaninong bibig ang may pakpak.

Boom!

Binigyan lang kita ng idea. Maling pader kasi ang tinatakpan mo. Dapat talaga ang gawin sa mga butas, vinu-vulca seal. Oh well, bakit mo pa tatakpan? Huli na. LOL ano ba yan. Yung mukha na lang pala ang dapat takpan. Hahahaha! Sorry na.

Di ko na dinagdagan ang ipag-aalala mo. Kung ine-expect mo pala na may pakpak din ang bibig ko. Ulk! Sabi ko nga sa’yo, di naman ako interesado. Party mo ‘yan, cguro kahit naimbita ako, may saktong okasyon din ako ng saktong araw na yan. LOL. Ang makabagong rason sa panahon ngayon. Lalo na sa mga taong paasa. (Humugot lang).

Sana mag-enjoy ka jan. San ba yan? May snow ba jan? LOL. Di ko sure. Malay ko. Ewan ko. LOL.

Problema :(

Di na talaga nauubusan ang problema sa mundo.

Oh well.

Marami talagang problema. Iba’t-iba para sa lahat. Eh bukod sa budget na pawang generic na, yung pinoproblema kong tummy fats…heto nga’t nag-upgrade na sa pisngi, braso at pata ko. Yan ang main concern ko. Yan ang magnified ngayon at nasa state of emergency. Pero tuwing gabi, sa kusina namin, parang merong makinarya ng mga pagkaing bawal at detrimental sa mga pangarap kong maglaho ang mga taba na ito. Pwede ka bang i-donate? Ang dami talaga d’yan, hirap na hirap tumaba. Eh heto ang mga unwanted-ever kong mga taba, please lang, iyong-iyo na ito FOC!!

lose weight

Para sa nakararami, ang problema kong ito, maliit na bagay daw. Hmp, akala nio lang ganun-ganun lang ‘yun. Akala nio lang, maliit na bagay. Pero kapag ikaw na, eto na, kainan na…mapapasabi ka na lang na, “Ano’ng araw ba ngayon? Hmm, next week na lang ako magsisimula. Pangit magsimula ng alanganing araw. Kakain na lang ako ng konti.” At lingid sa kaalaman mo, nakaka-tatlong Linggo ka nang ganito. Naglolokohan na kayo ng sarili mo. Hanep lang.

Nakaka-relate ba kayo?

Nung isang buwan, nagpyesta ako. Taray pa ng mga linya kong mala-taga mo sa bato…”Magddiet na lang ako pagbalik ko dun. Kasi sayang lang ang effort. Pagbalik dun, simula agad-agad. Hahaha!!” Sarap kiluhin ng mga kanin na kinain ko. Ngayon, na-kanino ang huling halakhak? Malamang andun sa timbangan na ni hindi ko malingunan, dalawang Linggo mula nung nakabalik ako galing bakasyon.

weight pros

Bakit ba ang hirap? Yung gustung-gusto mo naman pero hindi pa sapat yung gusto na yun para simulan mo na. Para, hawiin mo na yung mga walang kapararakang umuubos ng oras mo para simulan ang dapat at ang galing mo pa talagang gumawa ng mga rason para ipagpaliban. Tapos magbbrowse ka ng mga litrato mo nung kaunti pa lang ang gusto mong mabawas sa’yo. Ngayong mas marami na parang wala ka nang balak. Parang nag-aantay ka na lang ng himala. Ng Divine intervention. Gustung-gusto mo pero nakaupo ka pa rin d’yan. Ganto na lang ba tayo?

Gusto kong i-challenge ang sarili ko.

Nagawa ko nga dati eh. Bakit hindi ko magagawa ngayon? Diba?

Sabi nila, kung gusto mong may mabago, simulan mo sa sarili mo.

Eto na nga.

Mamaya, haharapin ko na ang matagal ko nang iniiwasang timbangan namin. Gagawin ko na ang dapat. Sisimulan ko na para hindi na yung puro gusto lang. Kikilos na ko. Hindi na ko tatamarin. Para hindi na lang puro sana. Kailangan ko nang i-push ang sarili ko kasi wala namang ibang gagawa nito para sa’kin. Para sa’kin din naman ‘to. Ako rin naman ang makikinabang sa resulta nito.

Kaya ko ‘to. Pramis ko yan sa inyo.

Babalitaan ko kayo. 🙂

lose-weight-woman

Ano’ng napala mo? Ha?

Isa sa pinaka-pahiyang marami sa buhay ng tao ay yung mahuli ka on the spot at wala kang kalaban-laban. (I know, right.)

Yung lilingon ka pakanan-pakaliwa pero wala kang makitang pwedeng sisihin kundi ikaw. Ang sarili mo. Kaharap ang nakahuli sa’yo na ang tangi mo na lang pwedeng gawin ay ang yumuko.

Yumuko sa kahihiyan. Tumahimik. Humimlay.

At yung katotohanan na yung iniingat-ingatan mong tiwala niya sa’yo, eto ngayon, basag-basag sa pagitan ninyong dalawa. At tahimik kang humihiling na sana. SANA HINDI NA LANG NANGYARI ‘TO.

Abot-hininga. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Di mo sure kung ang next move nito ay yung pisikal na. Ano bang gagawin ko, tanong mo sa sarili habang nagddrumroll ang pintig ng puso mo.

Shit kasi. Ang tanga ko. Bakit di ko naisip agad yun?

Imbes na pagsisihan ang ginawa, mas naiisip mo pa kung bakit hindi mo naagapan na mahuli ka. Eh di sana wala ka sa posisyon na ito. Gisado.

Nakakainis no?

Samantalang nung enjoy na enjoy ka habang nakikipaglandian-huntahan o kung ano-ano pang pwedeng itawag jan eh hindi mo naiisip na baka lang. BAKA LANG biglang magbiro sa’yo yung mga demonyong kalaro mo at finally, mahuli ka na sa kalokohan mo.

Meron ka bang PLAN B? Like alam mo ba ang eksplanasyon dito pag na-hotseat ka? Naisip mo bang pwedeng mangyari yun sa’yo. One time. Jackpot prize. House and lot. Sa Sementeryo.

O, bakit ngayon natatakot ka na? Kinakabahan. Di mo kasi pwedeng sabihin o kahit sa hinagap na isipin at umarteng parang hindi ito nangyari. Parang walang nangyari. Di mo pwedeng itago ang katotohanan na lumandi ka o nakipaglandian ka ng panakaw lalong lalo na kung huling-huli ka pa. Di ito file sa cellphone/computer na pwede mo lang bastang i-delete. And it will just go away…

You wish.

Sa totoong buhay, pag nahuli ka. Lagot ka. There’s no other way out.

Tanga ka eh. Gago ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. May utak ka sana ginagamit mo. Kaya wag kang umangal kung mahirap. Kung nakakainis na at kung nakakarindi na.

Magpasalamat ka na lang. Pasalamat ka dahil buhay ka pa. Pasalamat ka kasi kahit hindi ka deserving, binigyan ka pa rin ng pagkakataon.

Kaya mag-isip isip ka. Dahil hindi bottomless ang pagkakataon na yan.

Bukas makalawa, ang mga tanga, magigising din sa katotohanan.

At hindi lahat ng party, masaya. (—Third Party) #patawaLang 😛

Ok? Ok.

Kalandian Fest Generation Z 2015 (iGen/Post Millenials) wutever…

Sa panahon ngayon, mahirap nang makasiguro kung yung kalandi-an mo ay pawang nagsasabi ng totoo o jinojoketime ka lang. Shempre, sino ba naman ang tatangging landiin lalo na pag may itsura naman ito at f na f mo rin na type na type ka nito.

Maliban dito, kahit alam na alam mo naman ang background ng kalandi-an mo, cge ka pa rin sa kalandian kasi pag dumating ang di inaasahang tamang panahon, pwede mo namang isagot na, “Eh kasi di ka naman nagtanong.” O diba? Pak na pak lang.

Ang totoo n’yan, generally speaking, ang babae, hindi agad-agad nahuhulog sa patibong. UNLESS, type ka nito at laman-tyan ka, yung tipong di ka pabigat sa budget. Bagkus, siya ang makikinabang sa budget. Ay, Go!  Keribels, landian na ‘to.

O, teka…di ko nilalahat.

Pero wag na tayong magpaka-plastik. Sus, lahat naman sa panahon ngayon, alam na. Wag na tayong magpaka-mahinhin at magpaka-santa kasi ang totoo, lahat tayo, may tinatagong LANDI sa katawan. We just have to find the right person to unleash it.

It just so happen na may kilala akong expert sa panlalandi. (Excuse me friend, hindi ito compliment.) Kasi may tamang oras at panahon at STATUS ang paglalandi. At hindi ito dahil sa kaya at pwede mong gawin sa oras na gusto mo. Dahil for sure, meron ding mga tao na nagfformulate na ng mainam na paraan para pumuksa sa mga pesteng malalanding tulad mo sa mundong ito.

Yes. Kailangan na silang puksain. Pagsama-samahin at sunugin. Yung sinusunog ng buhay para mas masaya. Ayoko ng may maiiwang buhay. Hahahaha! Burn baby burn!!

O, teka ulit…hindi ako galit. I’m just speaking on behalf of them Malalandi haters. Of course, sino ba ang kakampi sa mga malalandi? Ikaw?

Sabi ko nga bago ka lumandi, magpalandi o manlandi…paki-check muna kung single ka o kung single ba yung kalandi-an mo kasi mas masarap sa pakiramdam yung naglalandian na kayong dalawa lang at hindi yung di lang pala ikaw yung kalandi-an ng nanlalandi sa’yo kasi…#KarmaIsABitch te. It’s true! Try mo nga para malaman mo.

At sa tamang panahon, it will die down. Yang kalandian mo. Kasi it’s either of the following lang yan…

  1. Mahuhuli ka ng jowa mo or ng jowa ng kalandi-an mo.
  2. Magkakaron ng mas yummy yung kalandi-an mo kaya chugi ka na.
  3. Mala-lapse ka na kasi hello tumatanda talaga tayo.
  4. Mamatay ka dahil sa kalandian mo.
  5. Mamamatay kang malanding mag-isa.

At sa tingin mo ba may seseryoso sa’yo pag nagkakilala kayong malandi ka? Well, in the long run cguro mapapaisip siya kung for keeps ka ba eh baka pag nakakita ka na naman ng yummy eh ulit-ulitin mo lang ung mga pinaggagagawa mo at mandadamay ka pa.

Eventually, lahat tayo ay maghahahanap ng peaceful na kalalagyan (hindi ito ung ikaw, ang kabaong sa sementeryo…), alam n’yo na ‘to diba? Yung safe haven. Yung pakiramdam na yung humahalik at yumayakap sa’yo araw-araw eh hanggang sa huling hantungan na. Yung sinasabi nilang ‘May Forever.’ Well, eh kung papalarin ka lang naman.

Kase hello, sino bang hindi maghahangad ng ganito? Yung iba nga nagpapakamatay at nakikipagpatayan pa ma-achieve lang yan.

Kaya ang suggestion ko lang sa mga malalandi, kung gusto niong humaba pa ang buhay nio yung tipong aabot kayo sa finish line at machu-chugi of old age or dahil sa sakit hindi dahil sa nabuo na ang formula at isa kayo sa napuksa dahil sa sobrang kalandian lang. Nakakahiya naman mamatay ng walang saysay.

Saka Karma is just around the corner –waiting. In my experience, di pa siya natatakasan. Wala siyang patawad at kung matatauhan ka kung kelan malaki na ang damage na nagawa mo, eh sorry ka na lang. #sorrynotsorry. Magdusa ka.

Ok? Ok.

Ano na ba ang latest?

new

Anim na taon.

Ang tagal na pala noh? Mula ng huli tayong nagkasama-sama. Sa totoo lang, habang nag-iisip ako kung ano ang isusulat ko, napasilip ako sa weeeyybak dekada kopong-kopong at di ko namalayang, iniisa-isa ko na ang mga pahina.

Nakakatawa. Nakakatuwa. Nakakaloka. Ambabaw lang ng mga kaligayahan natin. Nagsisimula pa lang maging haytek ang mga bagay-bagay. At sa totoo lang ulit, di matutumbasan ng ka-bigtime-an ang mga araw at panahon na kuntento na tayo sa pagtambay sa labas ng bahay, magkwentuhan, mag-inuman at magbonding. Pag sinabing ‘bonding’, hindi ito yung may obligatory photo-op para i-update sa mga social net account. Ito yung bonding na solid, walang may hawak ng cellphone at punumpuno ng kalokohang usapan. Ito yung nawawala na sa panahon ngayon.

Ang saya balikan. Kung di nga lang bigla akong tinawag ng amo ko, baka natapos ko lahat basahin. Biruin mo nung panahon na yun…

Noon: Merong brokenhearted na dumadayo sa inuman every weekend, dala ang kakulitan, baong mp3’s, tictac-toe at libreng alak at yosi habang kinukulit ang mga tao at pakalat-kalat na parang residente talaga ng bahay.

Ngayon: Matapos ang ilang trial and error, nakatagpo na ng swak na swak sa banga. Sadyang totoo nga na lahat ng hirap, sakit at lungkot ay hindi rin permanente. Makakatagpo ka rin ng laan para sa’yo sa tamang panahon.

Mensahe: Nakakamiss ka na huy. Di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa natin sa mamahaling telepono na hinulaan natin ng maraming password kaya kahit yung may-ari di niya mabuksan. Hahaha! Nakakamiss yung kakulitan mo. Sana pag nagkaron ng pagkakataon, makapagkwentuhan ulit tayo. Pramis, ibabalik ko na yung wand mo kahit di mo na kailangan kasi, natagpuan mo na ung magic. It’s inside your fingertips hahaha! 😛

Noon: Sa Pinas pa lang, panay na ang yaya ng “Let’s Volt In!” hanggang makarating ng ibang bansa nakahanap pa ng Red-1, Blue-3, Yellow-4 at Pink-5. Umiinom kahit lasing na. Nakakatulog sa CR. Humihiga sa sahig at nagpapa-chalk. Nakakalimutan huminga ng normal. At nangyayakap pag hay na hay na sa alcohol habang nagpapasalamat na parang nanalo ng award sa Famas. At kadalasan, pinakamaayos at matinong kausap. Nagluluto para sa mga tamad magluto at magluluto pag may gusto kang ipaluto…habang shuma-shot.

Ngayon: Yung prusisyon na naudlot, sa simbahan din nagtapos. At meron nang bunga na kamukhang-kamukha ng puno. Sa tingin ko at ramdam na rin…Masaya. Fulfilled. Complete. Minsan pag malungkot tayo, akala natin bottomless kasi exagge tayo mag-isip pag malungkot. At gagawin ang lahat makalimutan mo lang yun sa kahit anong posibleng paraan. Pero ang totoo, kailangan mo lang maghintay at magpasensya. Kasi pag dumating naman ung araw na ok ka na, hindi mo na halos maalala na naging ganun ka pala kalungkot dati. Let’s just be thankful for everything and hope for the best.

Mensahe: Minsan mas masarap magkape sa labas. Try natin. Tapos kwentuhan. Gaya ng dati, yung inabot ng closing time hehe…pero di na yun pwede. Yung hanggang madaling araw pero malay natin diba? 🙂

Noon: Merong magulo at makulit. Mas madalas na makulit na maingay pag naka-volt in. Number one sa may pinakamalakas na tawang pagdating ng madaling araw paos na. Sumasayaw ng “Owa” (Owang galing, galing mong sumayaw…galing mong gumalaw…) at Ang Ganda daw niya. Pero pag normal na araw, tagabantay ng unan at kumot habang nagssenti sa kanta ni Kuya Martin at Divo. Inlab. Hinamak ang lahat.

Ngayon: Kahit hindi naging sakses ang ilan. Naghintay pa rin at nakatagpo ng isa. Akala ko at lahat, siya na. Pero hindi. Kadalasan, kung sino pa ang fanatic ng pag-ibig, sa kanya ito mailap na mailap. At kahit ilang beses nang bigo, umaasa pa rin. Idol mo ba si Wency? 😛 Naniniwala ako na merong nakalaan para sa bawat isa sa atin. At hindi daw ito hinahanap…kusa lang dumarating. Baka isang araw, makasabay mo sa traffic. Ingat lang sa fine.

Mensahe: Kapag nahimasmasan ka na sa lablyf, kita naman tayo. Seryosong usapan. Bawal tumawa. Pag tumawa, magpapainom. At pag mas malakas na tawa, may kasamang pulutan. Ok lang ba? 😛

Noon: Ang Kanin ay pinapartneran ng ulam. Naghahanap ng kapareha. May nakita. May mga nakita pero…siguro hindi pa talaga. Wala pa talaga. Naglilibang sa pagttrabaho, panonood, pangongolekta. Mag-update ng Ipod. Foodtrip. Alaktrip. Chikahan at Barkadahan. Ok na lang sa ganun.

Ngayon: Ang Kanin pa rin ang priority na mapartneran. Marami nang nawala at nadagdagan pa. 😦 Pero wala pa rin nagbago. Ganun ka pa rin. Ganun na ganun, timbang lang ang kaibahan pero ikaw pa rin. Ang pinaghalong warm-nokebs welcome na nakaka-at home. Minsan, akala ng iba malungkot pag mag-isa pero hindi. Lalo na pag napapaligiran ka ng kaibigan at mga taong nagpapahalaga sa’yo. Totoo, maiisip mo rin na kelan kaya darating ang nakalaan para sa’yo. Pero ang kaligayahan, di naman nahahanap sa iba. Masaya ka kasi kuntento ka na. Kung may darating man, salamat. Kung wala….sana meron pa rin naman hehe. 😛

Mensahe: Andito lang ang music collection ko pag kailangan mo. Wag kang mag-alala, wala nang UNO Grill na kapalit tulad ng dati hahaha. Kwentuhan lang at inom, pwede na. Yun lang ha kasi di na ko nagrrice. 😛

Noon: Sunud-sunod ang lablyf. Pag natapos ang isa, may kasunod na agad. At pag nabbrokenheart, iinom lang ng malupet at magwawala ng very-very light…bukas ok na ulit at may bago nang kinakarir. Kung sa iba, motto lang ang “Try and try until you succeed.” At yung, “Collect and collect then select the best.” – Sa kanya, seryoso yun. Ang love, ay este, True and Lasting love ang goal niyang ma-claim sa buhay. Nagamit na ang iba’t-ibang strategy at na-enhance pa nga ang mga lumang technique. Bukod jan, kung malungkot ka at gusto mong sumaya, pag siya ang kasama, walang palya. Pag nag-volt in na yung si maingay at makulit tapos eto…cguradong mag-eecho ang tawanan sa buong bahay. Alam ng lahat yan.

Ngayon: Kasabay na yata ng pagkaka-edad ang ka-seryosohan sa buhay. Minsan ang pagbabago, kala mo yun lang pero ang totoo, para kang umikot ng 360 degrees and more. Mapapa-anyare ka na lang. One of the many things you do for love. May mga kailangan kang gawin. At hindi lahat, makaka-gets. Di mo naman kailangan i-please ang lahat ng tao eh lalo na’t alam mo kung ano ang makakapagpasaya sa’yo. Try mo para malaman mo ang pakiramdam.

Mensahe: Pag nagkaron ng pagkakataon, let’s catch up. Magtawanan tayo ulit. Magpakasenti tayo kasi majonders na tayo at jojonders pa sa mga darating na taon. Ang dami na nating naipon na kwento. Magbawas-bawas naman tayo pag may time. 😛

Noon: Hanggang ngayon, yang lablyf ang panay goal ng mga tao. Kung ilang beses na may dumating kasama ng pag-asa na panay din tanong kung “sana siya na nga…” Nakailang attempt ka talaga eh, napagkwentuhan natin yan madalas. Dahil ok naman ang work kahit nakakapagod, sana meron naman kapartner na pampawala ng pagod at iyon ang wini-wish mo sa wand namin ni tictac-toe. At sa ilang taon na dumaan, marami ring pagsubok. Alam ko rin yun. Pamilya, Trabaho, Lablyf…Kaibigan. Kakilala. Pero ang atapang-atao, di natatakot. Kapit lang at positibo ang pag-iisip. Ikaw lang kilala kong ganyan.

Ngayon: Tulad ng seryoso sa buhay at tictac-toe, nakahanap ka na rin ng para sa’yo. Thank God. At ang tagal n’yo na. Happy Puso. Happy for you. Di man naging successful sa career, God is Good…alam mo yan. Still alive and kicking. At suma-shot ka na ngayon ha. Minsan ipa-experience mo naman sa’kin yang bagong talent mo. 😛

Mensahe: Pag natuloy ang catch-up with serious black, sumama ka na. Alam ko, isang tawag ko lang sa’yo pag free ka, gogorabels ka talaga. Tenks. Tenks. Tenks. Kitakits tau minsan. “I mishu.” Sabi ng ngongo na nakakita ng piso sa daan. LOL! 😛

Noon: Akala natin pag nakahanap ka na. Nagkahanapan na kayo, may forever na. Totoo na ang forever. Pano’ng di ka mapapaniwala…eh tumagal talaga kayo. Ang tagal-tagal na, nakailang palit na ng teleserye tapos kayo pa rin. Naka-graduate na ng elementary at hayskul yung mga bulinggits na kapitbahay nyo tapos kayo pa rin. Nakailang jowa na yung ilang kabarkada nyo tapos kayo pa rin. Tapos sabay ayan biglang wala na kayo. 😦 wala palang forever. Katulad ng mga bagay na nag-eexpire. Mga istoryang umaabot sa the end. Mga karerang andun na sa finish line. Ganun talaga. Minsan ganun lang talaga. May mga nangyayari na di mo inaasahan. Mga nangyayari na di mo inisip na pwede palang mangyari.

Ngayon: Nangyari na ang nangyari. Tapos na. At parehong nakapagsimula na ng panibago.

Mensahe: Kung naniniwala kaung may forever, eh di wag kayo maghiwalay. Kapit lang. 😛

Opinyon ko lang naman…

cat opinion

Sabi nila, hindi naman masama ang umopinyon in general sa mga bagay-bagay. Yan ang pribilehiyo ng mga utak at bibig natin sa gitna ng mainit na pag-uusap. Pero hindi nagkakahulugan na ang mga ito ay TAMA at KARAPAT-DAPAT na pakinggan. Lalo na para sa mga taong alam naman ang kanilang ginagawa/walang pakialam sa mga opinyon na ito.

Dalawang klase lang ang alam kong mga ganito.

  1. Harapang opinyon (parang yung sa Face to Face).
  2. Patago, pasimple o pa-traydor (ang hard…) na paraan.

Yang Face to face na paraan, kadalasan yan habang nakasalang ka sa ‘hotseat.’ Cornered ka na. Tapos on the spot na aabangan ang reaksyon mo. Kung katulad ka ni Aling Rowena-Katipunera, direchahan kang sasagot, ke pabalang man yan o direktang sagot na, “Eh di ibig sabihin, wala kang ginagawa kundi abangan ang mga ginagawa ko?”Boom! Chismosa! LOL!

Yang mga patago naman. Laman yan nga mga Chat Apps. Alam n’yo yan!!! Alam natin yan. Yan ang mga opinyon na minsan below to the low the belt na tirahan na yan. All out. Eh kasi, yung topic, busy sa buhay at walang kaalam-alam sa mga pangyayaring nagaganap pero di rin natin alam na baka busy rin pala siya sa kahihimay ng opinyon niya sa mga buhay n’yo hahaha! Life is just fair sometimes.

Wag na tayo magtaka, peeps. Kasama yan sa ecosystem. Pag wala na kasi ang chismisan at kutuhan (as we call them during the old times), eh walang saysay ang buhay mo. Kaya pag hindi ka napag-uusapan, magtaka ka na.Biruin mo, sa dinami-dami ng chismosa sa mundong ginagalawan mo, wala man lang kahit isang nagkainteres na pag-usapan ka. Diba? How uninteresting and worthless can you get?

Pero di ko rin naman sinasabi na i-enjoy mashado ang fact na pinag-uusapan ka ng mga tao. Lalo na kung, 1. Di ka naman Artista. 2. KSP ka. 3. F na F mo pag pinagbubulungan ka. 4. Wala kayong kapitbahay. 5. Ibang lahi yung mga kapitbahay mo kasi obviously, di naman kayo magkakilala.

Minsan, aminin natin na mahirap lunukin ang katotohanan na somehow sa mga narinig mong facts ay totoo naman. Well, sino ba’ng gusto makarinig ng pangit na katotohanan?

Gosh, tapos maririnig pa ng ibang tao…eh pano kung maniwala sila???

Hahaha! Eh pano kung alam na rin naman nila? Tapos ikaw na lang ang in denial. Eh di WOW.

Sabi nga nila ulit, kahit ilang beses mo linisin ang harap ng bahay mo, loob, labas, pati kasuluk-sulukan ng mga ito…kung yung may ari, di naliligo! Eh di malinis ang bahay niya. Go figure.

Wag din natin kalimutan yung mga ibang panira ng moment. Tipong ang saya-saya mo. Good vibes. 11:11. Ikaw ang Bida sa Primetime Bida. Sabay magccomment ng “Three months na lang ngayon ang bumibida sa Primetime.” –Which means, di ka bida for life. Diba? Porket, di siya ang bida, kailangan pareho kayo. Ayaw mo shempreng isipin na hindi siya genuinely happy para sa’yo pero pwede mo naman na ipaniwala sa kanya na na-appreciate mo ang pang-eeps niya sa moment mo. Quits na lang kayo. 😉

May mga tao na mahilig ibagay ang karanasan nila sa iba na parang damit na kapag bagay sa kanila, for sure, bagay din sa’yo yan. Kaya maniwala ka na. Hahaha! Eh di WOW ulit! Porke-porke? Magtayo ka na ng Consultancy firm hahaha kung gayon.

Maraming klase ng mga tao. Marami ring klase ng approach. At marami ring klase ng paraan para unti-unting mawala ang mga masasamang elementao sa masayang kalmadong mundo. Pwede mo naman silang intindihin pag bored ka tapos nun tuloy ulit ang buhay.

Anyway, buhay mo talaga yan eh. Obviously, ikaw na’ng bahala d’yan. Diba?