Kai(langan)bigan

Marami sa atin ang makaka-relate dito:

Nakakaalala lang ‘pag may kailangan…

Pamilyar diba? Ke ikaw ang naaalala o ikaw ang nakakaalala…pareho lang yun sa pakiramdam: disappointing.

Kung ikaw ay maramdamin tulad ko, natural lang na sasama ang loob mo. Shempre nga naman, sinu ba naman ang gustung maalala lang pag may kailangan? Na kapag sa ibang normal/masayang pagkakataon, para bang naiisip na niyang masaya ka naman sa buhay mo kaya isasali ka na lang niya sa ibang pagkakataon na tulad ng  ‘pag malungkot ako, wag kang mag-alala…I’ll call you. ‘

Although pwede mo rin naman isiping compliment ito (pampalubag loob mo sa sarili mo), kase nga naman ibig sabihin nito…sa iyo niya ipinagkakatiwala ang solusyon sa problema niya. At iyong mga kasama niya sa oras na okay siya, indi niya pwedeng asahan sa mga ganitong sitwasyon.

Pero kahit na….

Tawagin nyo na’ng Advocate ako ni Ate Charo, Mel Changco at ni the late Ms. Helen Vela (kung pagdadrama lang talaga) pero sa tingin ko indi makatarungan ito. Para sa akin, sa kahit ano pa’ng nangyayari sa buhay mo ke masaya – lugmok at pasan mo pa ang mundo, indi ito sapat na rason para mamili ng pagkakataong makibalita. Maraming bagay ang pwedeng mabago ng panahon pero ang turingan n’yo bilang magkaibigan, indi maapektuhan nito. Diba?

Ang pagkakaibigan ba ay may kontrata? Nakasaad ba sa kontrata na ito ang listahan ng mga dapat at di dapat gawin upang maging isang tapat na kaibigan? Ang alam ko, kahit na indi kayo magkita ng matagal. Mag-usap. Magkumustahan. Nandun pa rin yon eh. Nasa puso. Parang permanent marker, indi nabubura. Indi nababago kahit lumang-luma na.

Indi naman siguro lahat ng nakakalimot, may amnesia. Abala lang siguro sa napakaraming bagay. Walang oras. Laging nasa trabaho. Pero kung nalaman mong, wala naman palang amnesia…kahit abala, nakukuha pang magkaron ng ilang libreng araw na wala sa trabaho at may oras pa sa paggagala, gimik at kung anu-anu pa nang wala man lang ni ha o ni ho sa’yo. At heto na nga meron siyang problema at kailangan ka niya, ayun…may oras na siya.

Ok lang ba ‘yon sa’yo? No hard feelings?

Indi naman mabigat mashado,  ok lang yun. Pero shempre kahit papa’no, may konting kurot yun. Aminin natin ‘yan.

Guilty rin ako sa parteng ito. Minsan, nangyayari din talaga ito nang indi mo namamalayan kaya alam kong nakakasakit ito. Hangga’t maaari, dahil ayokong mapunta sa sitwasyon na ito…pinipilit kong iwasan. Kahit pa unintentional, masakit pa rin yon. Sana maging sensitive din tayo sa feelings ng iba lalo na ng kaibigan. Indi sa lahat ng pagkakataon, they ‘re at their best to understand and be that friend na alam mong makakaintindi sa’yo no matter what. Relationships are at best if we learn to give and take. Compromise. Kase indi lahat ng okay sa’yo, okay rin sa kanya at sa iba. Be realistic. Every time we do something, try to visualize it if you were in their position before making a move. Pag nasaktan ka, – it means masakit talaga yun. Indi masokista yung friend mo para iassume mo na indi siya masasaktan.

Indi naman ibig sabihin na kailangang magkasama kayo every now and then at ibigay mo ang lahat ng free time mo sa kanya para lang masabi na mabuti kang kaibigan. Enough na yung once in a while mag-catch up. Indi kailangan ng schedule. Pangit naman yata kasi kung you complain too much on things pag siya ang kausap mo tapos mababalitaan niya na when you’re around people, okay ka naman na parang kay friend mo pa nanggagaling ang negative stuffs about you.


Friends are like sisters or brothers. They’re more than family kase pwede mong sabihin sa kanila ang lahat-lahat. They live in your comfort zone. They know you more than anybody does kaya let’s treat them with royalty (naks!). Just be thankful that you have them in your life.

Treat your friends as you do your pictures, and place them in their best light.

Aling Baby

Bratatat at Pakikisama 101

Kapag kase sunud-sunod na ang salitang lumalabas sa bibig ng kausap mo, parang bratatat na ang tunog nito sa pandinig mo.

Noong bata pa ko, eto ang madalas pam-brunch ng nanay ko sa’kin. Brunch kase tanghali na ko nagigising kaya yung sermon na para sa umaga, sinasabay na rin niya sa tanghalian. Sa sobrang panay-panay nito araw-araw sa buong bakasyon, minsan namememorize ko na ang mga ito at paminsan din namimiss ko pag wala siya sa bahay. Don’t get me wrong, makulit lang talaga ako dati at pasaway kaya kailangang ulit-ulitin ang sermon. In fairness, tumatak naman ang mga ito sa isip ko. Yun nga lang, mas madalas na yung gustu ko pa rin ang nasusunod kaya yan…bratatat ang abot ko tuwing paggising.

Aminin natin…ang bratatat lang ni nanay ang acceptable para sa atin at kapag ang ibang tao na ang gumagawa nito, lalong lalo na kung indi mo kaanu-ano ay sadyang indi maganda sa ating pandinig.

Kapag nakaranas ka nang manirahan sa ibang lugar kung saan iba’t-ibang tao ang dapat mong pakisamahan, malalaman mo kung gaano kahirap ang sumali sa Pinoy Big Brother. Dahil indi biro ang makisama at palawakin ang pang-intindi mo sa ibang tao lalung-lalo kung nasanay ka sa bahay n’yo na ikaw ang iniintindi at nagagawa ang lahat ng gustung gawin. May mga bagay pa rin na kailangan mong isang-alang-alang para sa ikabubuti ng lahat at ikatatahimik ng sitwasyon even if it means sacrificing your own interest.

Sa bahay n’yo, you have your own space. Me privacy. Kahit ano gawin mo, bratatat lang ni nanay ang maririnig mo tapos maya-maya ok na kayo…sabay-sabay na kau kakain ng tanghalian at hapunan. Sa ibang lugar, kailangan mong magt’yaga sa space na allotted lang sa’yo. Kung indi ka sanay matulog ng maingay, kailangang masanay ka na or kung di mo keri – – gumawa ka ng paraan kase indi mo naman pwedeng sabihing tumahimik silang lahat kase matutulog ka na lalo na kung indi lang ikaw ang nagbabayad…bente kayo kaya matulog ka d’yan. Kung makulit ka talaga at ayaw mo ng maingay, umupa ka ng sarili mong kuwarto at dun makukuha mo ang privacy  na katulad ng kuwarto mo sa Pinas.

Kung sa inyo indi ka obligadong maglinis, gagawin mo lang ito pag nagalit na si nanay…sa ibang lugar indi. May iskedyul sa paglilinis ng kuwarto, kusina at banyo kaya matuto kang gawin ito sa ikauunlad ng bayan. Makisama ka kasi indi lang naman ikaw ang gumagamit ng mga ito.

Kung sa inyo, taga-kain ka lang at neber pa kayo nagkita ng mga kawali, sandok at kalan…pwes sa ibang lugar para makatipid, kailangan mong matutunan ito. Lalo na kung nakikihati ka pa sa pagkain ng grupo. Lahat kayo nagta-trabaho kaya pag off mo, wag na magtanong…magkusa na lang para wala nang maririnig na bratatat galing sa ibang kasamahan.

Kung sa bahay n’yo ay indi ka obligadong magpadala o magbigay ng panggastos, pwes sa ibang lugar…indi pwede ‘yon. Kailangang makisama at makihati sa anumang gastusin lalo na kung mapakikinabangan naman ang mga ito. Indi usapan dito na kailangang mas malaki ang ambag ng may mataas na sweldo dahil pare-pareho lang kayong may responsibilidad sa mga pamilya at mga atrasong kailangang ayusin.

Kung nung elementary at hayskul ka ay malimit na lider ka ng grupo, sa ibang lugar pwede kang maging lider o minsan merong mas naglilider-lideran pa sa’yo kaya keri ka lang. Sa ikatatahimik ng lahat, hayaan mo yung isa or magsuggest na lang ng idea para kahit na indi ka hands on, makatulong na rin.

At kung sa bahay n’yo, indi umuubra ang magulang sa pangingialam sa buhay mo…sa ibang lugar mas maraming makikialam sa buhay mo. Dapat ipaalam mo na sa kanila na wag kang pakelaman dahil merong mga taong dinidibdib pag indi sinusunod ang mga plano nito sa buhay ng iba kahit pa indi na kailangang gawin o panghimasukan at feeling magulang at kapatid.

Dapat din nating isipin palagi na wala tayo sa ating sariling bansa para gumawa ng mga bagay na alam nating makakasama. Tulad ng pakikipag-away, paglabag sa batas, pangungutang ng sobra-sobra, mga asal na ikasisira ng reputasyon mo at ng kapwa (buti sana kung wala kang ibang kalahi na pag-iisipang kapareho mo.) at ang iba pang gawain na mas in na in sa bansa natin.

Indi lang pagsasakripisyo na malayo sa pamilya at bayan ang usapan sa pangingibambansa. Ang literal na pagsasakripisyo sa mga nakasanayan at lahat-lahat na ay kasama na rin dito. Kailangan mong mag-adjust ng bonggang-bongga para sa sarili at sa ibang tao. Obligado ka dahil walang ibang paraan para maintindihan ang sistema kung indi mo uunawain ang mga ito sa pagsisimula sa sarili.

At ang katotohanan na dapat ding malaman na “Lahat ng pagsasama, kapag nahahaluan na ng isyu sa pera…nasisira. Marami nang nasira at patutuloy na nasisira dahil dito. Masakit at nakakahiya mang isipin  pero ito ang totoo. Ang realidad ng buhay sa ibang lugar. Mga pagbabagong indi mo alam kung saan nagsimula. Mga isyung indi mo alam kung paano’ng nagkaron. Mga salitang indi mo inakalang manggagaling sa taong pinahalagahan mo. Mga simpleng bagay na naitanim ng matagal na panahon at ngayon, eto inaani na’t ipinambabato pa sa’yo. Indi mo alam huli na pala ang lahat.’

Kadalasan ang magagawa mo na lang ay tanggapin at harapin na nangyayari talaga ang mga ganito at indi kung sino man ang may kasalanan, mas makakabigat kung pipilitin pang alamin ang mga ito. Para ke pa? tapos na. Nagbratatat na. Nand’yan na ‘yan. Move on na lang at maging lesson na lang ito sa buhay natin. May mga gusot na mahirap na’ng plantsahin kaya sige na…learn from it nalang at charge it to experience.

Kung mahirap iwasan na makapagsalita ng indi maganda sa kapwa lalo na pag mainit ang ulo…try natin umalis sa eksena, magpahangin sa labas, kalmahin ang sarili…alam ko mahirap ang pakiramdam na ito lalo na kung gustu  nang sumabog ng galit sa dibdib. Ang sa akin lang kase, ang masasakit na salita kapag nabitiwan mo na…indi mo na ito mababawi. Ang sakit nito, indi basta-basta nawawala. Kung naging importante man ang taong ito sa buhay mo, indi na siguro kailangang magbato pa ng indi magandang salita para lang masaktan din siya. Sapat na ang sitwasyon n’yo ngayon para dagdagan pa.

Have a peaceful Ramadan, U.A.E.

Aling Baby