B.A.W.A.L.

b5 b6 b7 b8

Ang daming bawal. Lalo na pag may sakit.

Daming di pwedeng kainin. Lalo na pag nagpapapayat.

Daming naka-block na sites. Lalo na pag nasa opisina. (Malamang. Hellooo. Magtrabaho ka kase.)

Bawal. Bawal. Bawal.

Bata ka palang, pag narinig mo na yan sa nanay at tatay mo, alam mo nang pag sinuway mo, isang hataw at maraming bulyaw ang kahihinatnan mo.

Kahit sa eskwelahan lalo na pag nasa Private/Catholic School. Asahan mo na ang sandamakmak na bawal na isasabuhay mo sa buong labing apat++ na taong pumapasok ka dito. Mga bawal na kinalakihan mo na. At mga bawal na madalas sa hinding dinedma at kinwestyon mo.

Pero ayan na tayo eh. Alam na ngang bawal eh. Ipipilit mo pa. Ayan ang napala mo.

May mga bawal kasi na talaga nga namang di na kailangang i-memorize dahil marami nang napahamak dahil dito.

Pati nga yung ‘Bawal Tumawid’ sign eh, in-update na sa mas nakakatakot na version para lang hindi dedmahin ng mga tamad umakyat ng overpass.

bawal

Eh…kasi mas gusto nila ang peligro at challenges sa buhay. At literal na naniniwala sa saying na, ‘Life is too short…’ -to take the Overpass. Mga ganyan.

Eh dati, marami pang takot sumuway sa bawal.

Eh ngayon, pag bawal…Wehnonamanngayon? (Wag tularan…)

Saka helloooo. Usong-uso yang bawal noh.

Sa relasyon pa lang eh. Ang dami nang bawal. Dinaig pa ang nanay at tatay mo sa dami ng nasa listahan.

b4 b2 b3

Bawal ma-late. Bawal makalimot ng important dates. Bawal tumingin sa iba. Bawal ma-late ng reply. Bawal biglang di makareply (kahit hellooo, nasa opisina ka talaga at nagttrabaho ka.) Bawal ang unwanted peeps sa contacts ng cellphone. Bawal makipagusap sa iba (lalo na sa taong ayaw ng jowa mo). Bawal umalis ng walang paalam at kahit nagpaalam, maraming tanong. (Parang interrogation). Bawal magalit. Bawal mag-umpisa ng away. Bawal hindi makipag-usap kahit galit. Bawaaahhl…..

BAWAL HUMINGA. 😐

Buti pa nga sa kulungan, pwede yung mga hindi pwedeng nabanggit ko kanina. Pwera lang ang tumakas. Well. At least sa pakiramdam, para ka na ring nasa preso.

At tulad ng mga rason na napapanood ko sa mga teleserye. Yung mga dialogue ng jowa/asawang niloko at jinombag na’t lahat…”Mahal ko siya. Di ko siya kayang iwan. Hindi ako mabubuhay ng wala siya.

Hellooo. Pag iniwan ka ng Oxygen at wala ka nang makain…te, saka mo yan i-dialogue. Over ka.

Pero ganun talaga.

Ang mabuting mamamayan ay marunong sumunod sa mga panuntunan…for the sake of Peace and Harmony.

At kadalasan, di na lang pinapansin kung tama ba o mali na sundin ito. Kasi nga nakasanayan na ang pagiging passive.

Pero, ito ang tandaan…Di lahat ng masunurin ay mabait. At hindi lahat ng mabait ay masunurin.

May mga bawal-bawalan lang na masarap i-implement kasi minsan, masarap ang feeling ng ikaw ang boss-amo. Pero kung gagawin mo itong Saligang Batas sa relasyon ninyo, aba, wait a minute…mumultuhin ka nyan te. At lahat ng kala mo, ok lang ay mapapagod at magsasawa rin. Hinga-hinga rin pag may time.

Life is too short nga daw diba? Sabi nung mga tumatawid sa Edsa. Eh kung mabubuhay ka kakasunod sa mga bawal-bawalan…konti lang ang masasali mo sa “Been there, done that” moments mo.

Live life to the fullest!

And be thankful everyday.

🙂

“Sumweldo na ba kayo?” (Dubai version)

salary-y-u-no-bank-in-yet

Kinsenas. Katapusan. They come and go.

Kakahawak mo palang, planado na ang mga pupuntahan nito. Kaya tuloy isang linggo pa lang, eksayted ka na sa susunod na sweldo.

Pano ba naman kasi, mas eksayted pa ang mga bayarin at ang mga nakaabang dito kesa sa’yo. Kaya minsan, para na lang itong isang something’ na nangyayari kada buwan. Well. Buenas pa rin yung mga regular na sumasahod. Yung tipong rain or shine, papasok ang kaban sa plastik card na nakadisplay lang sa wallet mo. Pero sa iba, ang pagdating nito ay parang deklarasyon ng himala.

Oo. Himalang dumating ito on time at himalang dumating ito ng panigurado. Sa totoong buhay dito sa Dubai, may mga taong masaya pag sweldo at may mga taong nag-aabang ng bagyo sa kalagitnaan ng Hulyo sa disyertong bansa na ito.

God bless all of you…kayong mga naddelay ang sweldo.

Kaya nga kung nakatisod ka ng magandang trabaho sa isang stable na kumpanya, aba’t halika at ipagpasalamat natin yan kay Kuya Jesas. Isa yan sa maraming blessing na hindi mo sinasali sa bilang kasi busy ka sa kakareklamo sa boss mong pasaway at mga ka-opisina mong chismoso/a.

Una sa lahat, hindi naman sila ang pinunta mo dito. Yung trabaho. Yung sweldo. At yung peace of mind na paniguradong darating ang inaabangan ng mga nag-aabang sa buwanang sweldo mo. Hindi yung wala ka na ngang sweldo, imbes na maging concern eh tatanungin ka pa kung ano ang pinaggagawa mo sa pera mo at wala kang maipadala…? Eh malinaw na ibig sabihin ng walang sweldo, wala ka ring pambayad ng bahay, pamasahe at pangkain. Na tiyak talagang bawal magkasakit. Eh pag ganun ba, papadalhan ka naman ng panggastos?? Diba hindi?

Eh sa Pinas, pag wala ka, pwede kang umutang sa mga nakakaluwag. Dito, may mga nakakaluwag pero nakakahiyang lapitan at shempre, di naman sila mag-aannounce ng, “O, wala ba kaung panggastos? Heto ang ipon ko, utangin mo muna…

Wow. Hello.

Hellooooo….

Lahat may obligasyon. Lahat may something. –Rason.

At hindi ganun kadali na basta ka na lang lilipat ng trabaho kasi may proseso dito. At pag may proseso, ibig sabihin made-delay ang obligasyon. GANUN TALAGA DITO. At lalong hindi yun reasonable sa mga walang-idea’ng-abangers lang.

Hindi pwede ang basta-basta. Dapat may Plan A to Z kung kinakailangan. Dapat sigurado dahil kung hindi, uwian ang bagsak mo. Uwian at walang kasiguruhan.

Pero wag mawalan ng pag-asa. Darating din ang blessings. Lakasan lang ng loob at tibayan ang faith. Minsan, ang mga ganitong sitwasyon ang nakakapagbukas ng isip natin na pansamantagal pansamantala lang talaga lahat. Pag kumikitang kabuhayan, ipon na. Di ka habambuhay na bata. Isipin mo rin kung ano’ng plano mo sa pagtanda.

Kaya nga…halika, tumaya na lang tayo sa lotto at nang magsiuwian na tayo sa Pinas!!

😉