Ilista mo na lang..

Nagalit ka na naman ba kanina? Eh kahapon? Nung isang linggo?

Ano naman ang napala mo matapos mong mailabas ang galit mo? Gumaan ang pakiramdam? Ahh di ok.

Sabi nila, pag galit daw dapat ilalabas. Hindi yung tinatago o tinitimpi kasi kahit gaano mo pa galingan ang pagtatago at pagtitimpi, darating at darating din ang Araw ng Kalayaan. Kung saan, doon magiging malaya ang bibig mo sa pagsasalita ng mga salitang pilit mong itinago para lang walang masaktan. Eh bakit ka pa nag-effort kung given na pala ang Independence Day?

Sa panahon ngayon…ay correction. Sa makabagong panahon ngayon, pag galit ka mas malakas ang dating pag may Audience Impact. Tama? TAMA!!!

Kaya’t kung gusto mo ng worldwide audience impact, sundin ang sumusunod na hakbang…

  1. Ipunin ang lahat ng poot at galit. Wag uminom ng tubig na malamig para di mahimasmasan.
  2. Para sa mas maraming poot, maghalughog ng mas marami pang impormasyon na makakadagdag at makakagatong sa galit na nararamdaman. Mas maraming sawsawero/a mas maganda.
  3. Hintaying manginig ang laman at mag-init ang katawan –lalo na ang ulo. Wag isigaw ang galit para di mabawasan.
  4. Pag pakiramdam mo, sapat na ang galit na ito, ihanda ang laptop/pc/cellphone na may mabilis na internet connection at saka mag log in sa facebook.
  5. Pagka log in. Mag-update ng status at siguraduhing naka-CAPSLOCK ang keyboard at tiyaking hindi mabubulol ang nakahandang STATUS NA PUNUMPUNO NG GALIT AT POOT. With matching curse at exclamation points para sa mas epektibong ekspresyon ng emosyon. Paalala: Wag ilalagay ang tunay na pangalan ng kaaway. Laging isaisip na dapat alam na ni Inday/Indoy na siya ang tinutukoy mo. Dahil galit na galit ka!
  6. And last but not the least, wag kalimutang ipaalala sa mga sawsawero/a na kailangan nilang mag-like at comment ng bigay todo sa bawat post mo para ma-sensationalize ang issue.

Ganyan na talaga ngayon. Kailangan malaman ng buong mundo agad-agad na badtrip ka. One click lang naman at alam na agad ng madla kung ano ang nangyayari sa’yo. Ano bang problema mo.

Sabagay, may mapag-usapan lang, talagang daming papatol jan. Ganun lang, shempre may kanya-kanya naman tayong pinagkakabisihan. Meron din naman kasing walang pakialam.

Kaya sige, magwala ka. Ilabas mo lahat jan sa wall mo. Sau naman yan eh. Impression lang ang maiiwan mo sa bawat makakakita ng mga salitang binitawan mo. At pagdating jan sa parteng yan, may kanya-kanya rin tayong opinion.

Di ka naman siguro KSP, diba?

Eh kung hindi naman pala, isara mo na yan. Mag log out ka na. Bumalik ka ng kusina, buksan ang ref at mangharbat ng ice cold coke at palamigin mo na yang ulo mo. Kahit naman mailabas mo yang galit mo, hindi mo na mababawi yung mga sinabi mo. Touchmove ka na. Nakita na nila. Kahit i-delete mo pa yan. Pag nahimasmasan ka na, maiisip mong sana di mo na lang ginawa yun pero tapos na. Ganun talaga.

Sa susunod na magagalit ka, ilista mo na lang sa tubig. Hayaan mo nang yung fate ang rumesbak sa kanya. Mas maganda pa rin ung paminsan-minsan, pairalin mo yung pagkatanda. Maturity wise. Manahimik ka na lang. Mas maganda yun kesa mag-ingay.

O siya, manood ka na lang ng paborito mong palabas. Tomorrow is another day.

Aja!

Advertisements

Nan-LILIGAW

aww

Isa na siguro sa pinakamababaw na pangarap natin ang mapa-kilig hanggang sa maihi ng taong pini-peg natin. Jackpot prize na nga na matatawag kung mapapasa’yo ang linyang, “Crush lang kita noon, tayo na ngayon.” Ayiee. Sarap talaga mangarap.

Sa crush-crushan talaga nagsisimula sa lahat (at minsan, jan na rin natatapos). Sila ang magandang rason ng matamis mong ngiti tuwing gigising sa umaga. Hindi pa nga nagsisimula, nag-uunahan na ang mga ilusyon mo kung papa’no mabubuo ni crush at matatapos ang araw mo. Inspired overload.

Sana lang araw-araw ganun.

kilig

Eh pano pa kaya kung biglang nagkatotoo ang hula at bigla kang napansin ni Crush???! (O, teka…pano pa lang ang sinasabi ko, nae-excite ka na agad jan.)

Alam naman nating lahat na madalas sa hinding…..HINDI talaga ito nangyayari. Kaya nga ba sumikat ang kanta ng Smokey Mountain noong 90’s…alam n’yo yun diba? Yung…”Nakakalito ang mundo…kung sino’ng mahal mo, siyang ayaw sa’yo…wag sanang masayang itong damdamin kong laan sa’yo..” –sadness overload. Kaya tuloy merong nag-mmove on kahit crush pa lang.

suitors

Nagrrely na lang tayo sa mga pumuporma. Yung mga nabihag ng ibayo mong kariktan (naks, balon!)…yung mga may gusto sa’yong di mo mashadong peg at yung mga nagpaalam at di nagpaalam na MANLILIGAW.

textonline

Actually, sa panahon ngayon, bibihira na lang ang nanliligaw ng totoo na may kasamang tunay na effort. Eh sa dami ba naman kasing means of communication, na-olats ang Landline phone na dati’y namamayagpag sa kasikatan. Pwede ka nang mabola maligawan thru social networks (FB, Twitter, IM’s, Wechat, BBM at kung ano-ano pa na pwedeng-pwede ka ma-reach anytime.) at hindi na kailangan pang kunin ang number mo, -Username lang okay na.

Swerte na nga kung meron talagang umaaligid eh. Pano kung wala naman? Parang mas mainam na nga yata na wala kesa naman etong mga umaaligid sa’yo, di mo malaman kung NANLILIGAW ba talaga o NAN-LILIGAW lang. Ano ba talaga, Kuya?

Eh pano kung yung Kuya na na-timingan mo ay yung kakilala ng friend of friend of friends (3rd degree talaga…) na nung una’y nakikipagkwentuhan lang hanggang sa mararamdaman mong biglang nagpapa-cute na? Yung tipong huhulaan mo pa kung eto na ba yung part na nanliligaw na siya o….baka nag-aassume ka lang. Good luck sa hide and seek n’yo.

Eh kung yung Kuya na sadyang bored lang sa buhay? Marami siyang idle time kaya may panahon siya para i-harness ang talent niya sa pambobola ng walang kamalay-malay na ikaw habang kilig na kilig ka jan. F na f mo naman talaga kasi very promising ang performance ni Kuya and can somewhat lead to a “long term” relationship.” (Psst, gising na Inday!)

Minsan, pag mashado kang ingat-ingat na makadale ng gagong palpak bf, you’d put up walls. Naniniwala ka kase sa mga nababasa mong quotes. ”…to see who cares enough to tear them down.” Di mo alam, may mga Kuya din na up na up for this challenge. Lalo na pag yung tipong di ka mabasa. Kasi, jan na yan mag-eeffort eh. They want to prove something for themselves. Ang siste, pag na-tear na ang walls…at yung dating di mabasa ay malinaw na…that’s when you know na isa ka lang sa extra challenge sa buhay niya.

Sad but true. Tapos ikaw na, fallen na…is left with a question mark, “Anyare??”

huh

Nadale ka ni Kuya’ng NAN-LILIGAW.

Di’ba? Ang hirap na ngayon makahanap ng seryosong siraulong tatagal sa isang relasyon. (LOL, pessimistic?!) Kumbaga sa sugal, swertihan na lang talaga. Minsan nga kala mo, naka-jackpot ka na, yun pala may expiration date pa rin.

Bilog ang mundo eh. Di mo alam kung kelan ang sked mong matalo. Pero pag nanalo ka naman minsan, MANLIBRE KA! Minsan lang yan darating. Galingan mo na. At para sa iba, antay-antay lang…maniwala na lang tayo sa sabi ni ate’ng NA-LIGAW-an…”Never give up. Great things take time.

I, thank you. ;P