Hin(j)hans

 

Kung pipilitin n’yo akong ilarawan kung anu, sinu at paanu ang mga ito…walang sisihan kung indi man kayo magandahan sa sasabihin ko. Ito nama’y pawang personal na opinyon ko at walang mga malalaking sindikatong namilit sakin para gawin ito.

Ang mga Hin(j)hans (Jinejemon ko ang pagkakaspell upang protektahan ang aking kaligtasan.) ay literal na nakakalat sa buong mundo. Literal din na makikita mo sila kung saan-saan lugar tulad dito sa uae.

Makikita mo silang parang laging me kumperensya dahil sa grupo-grupo sila kung lumarga.

Kung saan may damuhan, doon maraming hin(j)hans. Tinuturing nilang parang isang napakalaking sala (slash) kuwarto (slash) luneta park (slash) Boracay ang mga damuhang ito kung kaya dun sila humihalata, nakikipaghuntahan, natutulog at umuupong parang nagsa-sun bathing lang.

Makikita mo rin sila sa mga gilid-gilid na daanan na pawang nag-aantay ng sunset habang kasama ang tropa na may kapareho ng goal, ang mag-unahan sa paghuli ng saktong oras ng sunset.

At kapag nakakita yan ng babae (kahit siguro poste na nilagyan mo ng palda) eh pagtitinginan ng mga ito na para bang first time nila nakakita ng babae…na naglalakad sa kalye. Baka pag narinig pa nila itong magsalita eh magtalunan pa ang mga ito.

Lalo na pag kasakay mo sila sa pampasehong bus, para kang nakalanghap ng daang libong sibuyas na buhay, namatay at nabubulok na. Kaya’t kung mahina ang sikmura mo, magdala ka ng panyo at ammonia. (Take note, mag-iingat sa pagreak pag nabahuan dahil katulad ng sibuyas ang feelings nila..sensitibo.)

Sa bus pa rin. Hangga’t kayang makipagsiksikan sa harapang bahagi ng bus, ito ang gawin para indi maines sa kakatingin ng mga ito na para ang mga mata nila ay me kakayanang tanggalin ang lahat ng saplot mo sa katawan.

Fashion. Old na old. Dekada 60’s – 70’s, parang araw-araw kapiling mo ang VST & Co. pati na sina Christopher de Leon at ang buong Goin’ Bananas dahil sa porma ng mga ito. Indi nalalaos ang checkered. At ang Polo long sleeves….di lang pang-opisina, pambahay, pang-isports pa! panswimming, pang-weekend porma, at kung anu-anu pa. (Sa atin pag naka longsleeves eh kundi aattend ng JS Prom, Kasal, o Binyag at pag tamang aasarin, puntang burol.) Idagdag mo pa ang hair do at bigote…kulang na lang vintage cars at kalesa.

Pagdating naman sa pagkain. Ok sa’kin ang biryani rice (yung indi luto kasi pag luto me lasa na..lasang Hin(j)hans), I lab da tsiken fried rice pero pag usapang masala at paratha…eexit na ko banda dito sa gilid. Indi maarte ang ilong ko, wala siyang sariling buhay pero pagdating sa amoy at simoy ng pagkain nila, parang nag-uusap ang ilong, lalamunan at sikmura ko parang me conspiracy dahil nagkukusa na ang mga paa ko palayo kung saan mas gustu ko pa lumanghap ng polusyon kesa dito. (Indi ako nag-eeksaj. Talagang indi ko lang type ang amoy.) Idagdag mo pa ang paraan kung paanu nila kakainin ang mahalimuyak nilang pagkain. Parang Neanderthals pa rin kasi. Although concern naman sila sa kalinisan ng paligid kaya lalatagan muna nila ito ng fresh dyaryos (yung kakadeliver lang ngayon ha!) tapos ayan, ilalagay na ang ulam at kanin sabay magkakamay. Parang Pinoy diba? Sarap kaya magkamay lalo na pag inihaw tapos tipong outing ang dating. Pero tayo kasi tipong an inch from the tip ng daliri ang ginagamit pag nagkakamay at indi yung parang namumulot ka gamit ang buong palad na parang batang indi pa napeperpek ang pagkakamay tapos isusubo mo ito na parang wala ng bukas. O diba, pampagana?

Kumustahin mo naman pag nag-uubo o di kaya bilang mapabahing. Konting pasintabi naman ng mga ayaw mahawa nito, takpan naman natin ang bibig ng panyo o kahit kamay basta magtakip kesa naman parang paagaw na baryang babahing ka ng patingala pa para lahat makasalo ng virus na baon. Lalo na yung umuubo na mararamdaman mo pa yung pwersa na humangin pa sa’yo. Pagdating sa virus, mapagbigay sila. Sineshare nila ito para lahat ng bacteria,masaya.

Tingnan naman natin sila bilang kapitbahay. Bukod sa simoy pa lang galing sa bintana, alam na alam mo na kung sinu ang nakatira base sa ulam nila ngayong gabi na parang ulam nila poreber en eber…hintayin mong lumabas ang mga ito para lang makipag-usap sa telepono…naka-polo long sleeves habang nakatapis mula bewang pababa.

 Subukan mong makipag-usap. Kahit na indi sila kasing-fluent ng mga kano at Briton, ‘hihirapan ka pa rin dahil kailangan mong babawan ang pag-iinglis mo. Ibig sabihin, kung fluent ka mashado ikaw ang mabobobo dahil lalabas na ikaw ang indi marunong mag-inglis kasi indi ka nila maiintindihan. Para ka lang nakikipag-usap sa elem students in inglis carabao ganun. Mas mababaw, mas understandable para sa kanila.

Tingnan naman natin sila sa loob ng opisina. Maeelib ka lang sa kanila dahil kahit na mababa ang sweldo, kinakagat nila itong parang pitbull. Kaya tuloy pati ang Pinoy binabarat na ang sweldo dahil pumapayag ang mga Hin(j)hans sa maliit na kita. Ang kaibahan natin sa kanila, tayo kahit magkano ang sweldo nagtatrabaho ng tama kung keri ang workload, dinodoble at tinitriple pa ang performance. Pero sila, tinutumbasan lang nila ang halaga ng sweldo nila. Pag mababa, maba-gal din ang kilos. Minsan, kahit nga mataas na mabagal pa rin ang kilos. At mas importante sa kanila ang posisyon kesa sa kita. Bakit? Gustu nila yung power…(kili-kili power?) yung mang mando na para bang galing sa bulsa nila ang sinusweldo mo buwan-buwan. Samantalang pareho lang kayung pasahurang empleyado. Bukod doon, nangmamando na nga kung magmando pa kala mo sila rin ang nagluwal sa’yo sa mundong ito. Indi sila marunong gumamit ng salitang “Please” o makipag-usap na yung tipong pareho lang kayung tao (bakit anu ba ang tingin mo sa sarili mo), yung ganun. Sumbungero, Chismoso, Hambog, at kapag sila yung tipong nakapag-aral akala mo na kung sino. Laging nakaabat sa maling spelling, missing words, kulang na amount, connect the dots, fill in the blanks, enumeration….Parang teacher. Parang laging me pa-exam at sa tuwina, pag sila ang me kailangan, ikaw pa ang papupuntahin sa kanila. Di’ba? Anu kaya sa pakiramdam ang may ganitong kasama sa trabaho?

In fairness, meron pa rin naman sa kanilang masasabi mong “pwede na”. May mababait at yung totoong masipag at may dedikasyon sa trabaho. Yun nga lang konting ingat pa rin kasi shempre sa oras ng kagipitan, indi mo rin maaasahan na they have your back baka ikaw pa ang ipanangga. At in case na meron din sa mga ito na nakikipagkaibigan lang, kwidaw ka. Kasi da mor na binibigyan mo sila ng atensyon at kahit na aksidenteng mapakitaan mo ng interes, para ka na ring nagbukas ng pinto ng bahay n’yo sa unwanted guests dahil aasta na ang mga ito na parang super close ever na kayo at sa bawat bagay na tatanggapin mo mula sa kanila siguradong meron itong kapalit. (wink!) Kaya konting ingat. Alalahaning ibang lahi pa rin sila at di dapat basta-bastang pagkatiwalaan.

Sa kahit saang parte ng mundo kailangan nating matutunan ang pakikisama sa pagitan ng napakaraming pagkakaiba at di pagkakaintindihan. Hangga’t kayang pagpasensyahan, ito ang gawin. At kung nasa katwiran ka naman, magsalita at sabihin ang panig. Para indi nila isipin na pwede nilang kayan-kayanin ang lahi natin. Likas na kasi sa ating mga Pinoy ang maging passive. Iiwas na lang para walang gulo. Alam na alam natin kung anu ang kapasidad natin sa ganitong sitwasyon kaya nga ba tayo na lang malimit magbigay. Yun nga lang, nakakangingit. Nakakainis at nakakasira ng araw kaso mas importante sa’yo ang trabaho mo kaya indi mo na lang papansinin.

Para sa inyo, mga Hin(j)hans…pasalamat kayo mababait ang mga Pinoy at pasalamat kami at kami’y mga Pinoy.

 

Aling Baby

Advertisements

Anyare??

Nakakagulat ka naman. Nung isang buwan lang parang kay gaan-gaan ng bawat araw para sa’yo. Kung nakikita man kitang nakakunot ang noo, pinakadahilan lang nito ay ang kainitan ngayon ng panahon. Madalas sa hindi, ok na ok ka..walang kaso ang mga bagay basta’t kaya at alam mong indi naman masama kung ito’y tutugunan.

Anu ba’ng nangyari matapos ng isang buwan? Meron bang bumagsak na bulalakaw at sa dinami dami ng tao sa mundo, ikaw itong siyang nabagsakan? Kasi ito na siguro ang pinakamalapit na pwedeng maging dahilan kung bakit sa ikli ng panahon na ito ang laki ng ipinagbago mo.

Para tuloy gustu ko nang magrally sa harapan mo at sabihing, “Kung sino ka man, lumayas ka na…ibalik mo siya samin.” Kaso, isa lamang ako sa napakaraming apektadong walang magawa kundi panoorin ang pinakapangit na palabas ngayon sa aking paboritong channel.

Naranasan mo na bang makasagap ng hindi kagandahang balita araw-araw at ang masama pa nito, ikaw ang siyang tagadala nito. Pano pa kaya kung indi pwedeng tumanggi? San ka lulugar? Ano ang gagawin mo?

Kaya nga eto, kahit na alam kong walang sagot hangga’t indi ko mismo magagawang humarap sa kanya para itanong ang mga ito para mabawasan man lang ang bilang ng tanong na nakapila sa isip ko. Kahit pa indi rin maganda ang sagot na maririnig, sagot pa rin ‘to diba? Kaso, wala rin akong lakas ng loob. Isa pa, sino ba naman ako para sabihan niya ng totoo?

Sa ganitong pagkakataon, tanging imahinasyon na lang ang pwedeng paganahin para magkaroon ng sagot. Sa tulong ng mga bagong gawi, konting wento ng iba, ang mga nangyayari sa paligid, ang mga sabi-sabi at ang realisasyon nito pag nakahain na sa mesa.

Kelan ka ba babalik sa dati? Babalik ka pa ba sa dati? Iilan na lang kaya ang matitira para makita ang pagbabalik mo sa dati? Kailangan ko na sigurong tatagan ang loob ko at maging handa sa marami pang pwedeng mangyari. Yan ang gustu mo eh. Yan ang tingin mong makakabuti para sa lahat. Sige, bibigyan ka namin ng panahon at magtitiwala na matatapos din ito at babalik na ulit ang aliwalas ng paligid kasi nakangiti ka na ulit. Sinserong ngiti na nagsasabing, ok na tayo.

Moral Lesson: Dapat nating tandaan na indi sa lahat ng panahon, laging ok. Laging masaya. Laging parang sobra-sobra na ang biyaya. Hangga’t maaari, sa ayaw at sa gustu natin darating ang masamang balita. Kailangan nating maging handa at sa pagkakataon na ito, kahit mahirap at masakit lagi natin isaisip na may dahilan kung bakit ito nangyari. Think positive, have faith, always pray and keep smiling.

God is good all the time.

Aling Baby

Buhay mo lang ba ang mahalaga?

Walang masama kung maghangad ka ng mabuti para sa iba..mas lalo kung malapit saýo, like kamag-anak o kapatid man yan. Kung ito man ang iyong paraan para ipaabot sa kanila ang malasakit at pagmamahal. Nature na yan natin. Hangga’t kaya, magbibigay at tutulong. Magpapaalala at gagawin ang lahat para indi masadlak sa masama ang mga ito.

But life has its twists and turns. Kung anu pa ang indi mo gustung mangyari ang siyang nangyayari. Ang hirap ng ganun diba? Wala kang choice kundi daanan ang malaking lubak na ito sa harapan mo. Ano ba’ng dapat mong gawin? Talunan? Mashadong malaki ito, pwede ka ring mahulog. Tatabunan mo ng lupa? Ganu karami? Kaya mo ba mag-isa? Kailangan mo ng tulong diba? Oo, kaya mo ito pero mas madali kung marami kang katuwang dahil kahit na malampasan mo yan, marami ka pang lubak na madadaanan. Hangga’t may unfinished business ka dun sa isa, susulpot pa rin siya sa mga susunod na pagkakataon.

Sa tinagal ko dito sa mundong ito at sa iba-ibang sitwasyon na kinaharap at nalaman ko, ibang-iba pa rin sa pakiramdam pag ikaw ang nasa kinatatayuan nito. Indi lahat ng alam mong solusyon dito eh applicable na gamitin. Kumbaga sa nireseta ng doctor, indi lahat ng gamot na binigay niya, makakagaling…makakabawas ng sakit, oo at kakailanganin mong inumin as scheduled para unti-unti itong gagaling. Sasamahan mo  effort at willingness parang tulung-tulong kayo sa ikakabuti mo. It’s all in the mind, íka nga. May gamot ka eh, alam mong gagaling ka kaya gagaling ka.

Maraming gamot para sa magulong sitwasyon at ang pangdidikdik ay indi isa dito lalung-lalo na kung ang nangdidikdik pala ang mas may kailangan nito. Kahit minsan, indi ko nakitang nakatulong ang mga masasakit na salita para lumiwanag ang isip ng isang tao Para yatang mas lalo mo siyang tinutulak sa pinakamadilim na parte ng sitwasyon niya kasi the very person na ineexpect niyang iintindi sa kanya, eto…minura na ata pati nanay ng nanay nýo pati siguro nanay ng nanay ng nanay nýo dahil iyon ang alam niyang paraan para umabot sa puntong mabuksan ang bungo mo at siya na mismo ang magkumpuni ng depekto nito. Pag niliteral mo, ito yung “mauuntog”mentality. Meron na bang nag-try na iuntog ang taong may kailangan nito at pagkatapos ba nito, OK NA SIYA?

May mga tao bang nag-iisip na “Kung de susi lang sana siya….” (hallllleeeeerrr!!)

Minsan kung sinu pa yung mga nagmamagaling at nag-iisip na napakalinis ng pagkatao niya, sila pa itong dapat na humarap sa salamin para makita na ang mismong ginagawa nila ang dapat nilang ayusin. Walang masama sa pagiging concern pero sa pamamaraan na normal at indi below the belt. Una, ikaw ba ang magulang? Baka naman pumapapel ka lang? Gusto mo lang ba ng award for best concern person of all time? Ilang aspeto ba ang tinatarget mo? Kanino mo ba ibibigay ang award na ito kung sakaling ikaw nga ang makakuha? Gagawin mong dantay na unan sa gabi? Patatayuan mo ng monumento? Pedestal? O meron ba’tong  redemption center na pwedeng ipalit sa milyong halaga? O pwedeng ipambayad sa happiness state transplanted sa sistema mo? Ano ba talaga ang makukuha mo dito? Panlinis sa reputasyon at kahihiyan? Para lumuhod at sambahin ka ng mga tao. Para ipamukha sa madla na isa kang bayani. Ikaw ang naglinis ng pangalan nýo sa mundo. Ikaw ang nagsalba sa kahirapan. Ikaw ang bagong bayani. Dapat kang ipagbunyi! Mabuhay ka at ang buong kaipokritohan nito!!

Meron bang parte sa utak mo na meron pa ring kakayanang umintindi? Kung titingnan natin ang panig mo at ng kabuuan nito, mas maingay ang saýo. Napakaraming salita na sana recorded na lang para pwedeng irewind at iforward sa mga parte na galing na galing ka pag nakita ng karamihan. Pag natapos kaya ito, yun na kaya ang ikatatahimik ng buhay mo? O baka naman meron pang naka line up dito? Kunsabagay, sa ganitong sitwasyon kahit na gumawa pa ng scientific analysis ang subject ng usapan at kahit pa bumuo ito ng 20 pages essay para ieksplika ang side niya, malabong-malabo na makukuha ang award na gustu niyang makamit.

Tunay lang na indi perpekto ang buhay. Kaya nga sana kahit sa hinagap, wag na nating hangarin maging perpekto ang mga taong malapit sa buhay natin kung alam na nating sa sarili mismo natin indi kailanman tayo magiging perpekto. Kaya nga inimbento ang mga mahahalagang aral tulad ng ACCEPTANCE, FAITH at LOVE diba? Indi yan nagagamit lang para makabuo ng magandang quote o mapagaan mo ang loob ng taong gusto mong gawan ng testimonial o pampakilig sa text message. Isinasabuhay yan ang ibinibinabahagi sa iba ng walang ibang hinihintay na kapalit. Kase before you know it, mararamdaman mo rin ang mga ito galing sa mga taong indi mo ineexpect. Diba ang saya ng ganung feeling?

Namiss ko kayo…

Salamat sa pagbisita.

Aling Baby