Naapakan ba kita? Sorry ah..

 

 

 

Ano ba ang mas masakit?

 

Literal na naapakan?

O…

Ang mga salitang totoo man o indi na pawang nagpagulung-gulong sa buo mong pagkatao?

Maraming ibig sabihin ang salitang apak. Indi ito simpleng alay-lakad o party ng mga tsinelas at sapatos. Isa ito sa ugat ng napakaraming isyu na mas madalas gawin kesa pag-usapan.

In all fairness, parehong masakit ang literal na matapakan at mapagtulungan ng mga salita at gawa lingid sa kaalaman mo…mas malala kung alam mo ito at pinababayaan mo lang.

Kadalasan, ang mga lalaki at mangilan-ngilang babae ang mas gusto ng apakan sa pisikalang paraan. Para wala nang mashadong salitaan at matapos na ang lahat in a matter of 30 minutes to 1 hour depende kung sinu unang mapagod. Anyway, pagkatapos naman nito, parang wala nang nangyari at balik na ulit sa dati, ang importante lang eh mailabas lang yung pangangati ng mga kamao at mabasag na ang mababasag dahil yun naman ang highlight ng usapan.

Para sa kababaihan, ang usapang apakan ay katulad ng ibang mortal sin na kailangang dumaan sa napakaraming proseso. Simula sa salitaan, parinigan, chismisan, kampihan, iringan, dedmahan, at sa iba—pisikalan. Pwedeng mauwi sa pag-aayos at kung minsan naman ay binabaon na sa limot.

Naapakan ka na ba? Maliban nung sinuot mo yung bago mong sapatos  na bago matapos ang araw ay indi mo mabilang kung ilan ang buminyag nito sa apak. Lahat talaga ng bago ay kailangang mabinyagan, yan ang culture sa atin. Basta ang isang bagay na kalalabas lang sa plastic  at wala pang marka ng gasgas — asahan mo, marami na ang bibinyag dyan.

Sa buhay natin, marami tayong makikilala. Ang iba sa mga ito magiging kalapit natin, kaibigan, ka-close kumbaga. Ang iba naman… iba ang trip, depende sa gusto at hilig nila. Dun tayo magpokus sa mga “Big Foot.”

Siguro naman may nakilala ka ng Big Foot sa iskul.

Sila yung mga pinanganak na may imprentahan ng pera at mga kutis mayaman at aware sila sa mga bagay na ito kaya bigay todo sila sa pang-aapak ng ibang mga kaklase na para sa kanila ay pwede nang ihilera sa mga yaya niya. Indi ko naman nilalahat. Shempre, meron pa rin namang mababait na tulad nila, pero aminin natin…konti lang talaga. Kung ikaw ang tipo na pang-drama, yuyuko ka na lang pag inaapi ka. (Wag tularan) Dapat ikaw yung tipo na mambabasag ng mukha pag tinangka ka niyang ihilera sa mga yaya niya when in fact, ang lebel mo eh pang-mayordoma. 😆 Alam naman natin na pag usapang basagan lalo na ng mukha eh, tumitiklop na ang mga yan na parang makahiya.

 

May Big Foot din shempre sa neighborhood.

Ang Pamilya Zaragoza, kine-claim nilang mayaman sila pero dun din naman nakatira sa hood na tinitirahan nyo, diba dapat kung mayaman eh BF Homes, Ayala-Alabang-Forbes Park? Yung pag me bagong gamit eh kulang na lang mag-anawnsment sa buong barangay na parang Oplan Alis Disis, samantalang naka-jumper naman ang kuryente at kung susumahin ang yaman nila at ng pamilya n’yo…Mas mayaman lang naman sila ng isang libo sa inyo. 😆 Ika nga sa Sprite commercial…“Magpakatotoo ka!” Sabi nga nila, pag indi pinansin…mapapagod din ito ng kusa at titigil na rin sa ginagawa. Mauubos rin yung isang libo nila at papantay na rin kayo ng yaman.

 

Sa trabaho naman, walang excitement pag walang Big Foot in da haus.

Sila yung mga matatagal na sa trabaho, sipsip sa management, ninong sa kasal yung may-ari kaya yung power nila sa kumpanya ay overwhelming na para bang malaki ang stocks niya sa kumpanya. Pag ikaw na bago ang siyang pinag-initan…indi ito titigil hangga’t indi ka nagde-decide na mag-resign, kulang na lang ipag-type ka pa niya ng resignation letter. Nakakainis sila diba? Yung kutuhan sa kalsada dinadala pa nila sa opisina. Kung mahina ang loob mo, aalis ka talaga. Minsan ang mga ito, kailangan nilang makompronta at magkaron ng taong indi magpapatinag sa kanila. Pag nagawa mo yun, titigilan ka na rin nila at hahanap na lang ang mga ito ng pwede nilang paglaruan.

 

Sa mga common acquaintances, shempre indi rin mawawala ang manaka-nakang pambi-Big Foot ng ilan.

Meron dyan, ang intro parang humble. Sa una-pangalawa-pangatlong meeting humble talaga…nakaka-elib. Ang galing, meron pa palang ganun pero yun pala pag tagal sa ibang paraan, Big Foot din pala. Dinadaan sa wentong pang hanging habagat, summer na summer ang paligid eh parang biglang gusto mong kunin yung jacket mo sa lamiiig ng usapan.

Dapat dyan, wag mo na lang pansinin tutal naman, wento lang. Shempre pag personalan na, ibang usapan na yan. Maghanap na lang siya ng pwede niyang apakan. 

Me ibang Big Foot na gusto nila, iba ang arrive nila. Yung tipong unang kita palang kailangang maka-intimidate na sila. Ifa-flash sa’yo yung mga gamit niya pero shempre pa-humble – pahinhin para mas nakakabilib talaga pero isang paraan pala ito para takpan yung totoong ugali nila. Mahilig silang magsalita ng indi magandang bagay sa iba in a nice way. (meron ba nun?) At pag may ginawa kang against sa kanila, kailangang pagsisihan mo ito kahit naman alam mong tama lang naman ang sinabi mo. Meron silang espesyal na paraan ng pangto-torture ng feelings hanggang sa magtanda ka.

Tara nga’t i-peel off natin yang maskara nila para malaman natin kung kulay ginto nga bang talaga ang mga bungo nila. 😆 Ang mga ganitong tao, indi binibigyan ng importansya. Yan ang sikret. Pag alam nilang indi sila importante sa’yo, wala nang rason para magkita pa kayo diba? 😉 Parehong masaya ang layf n’yo.

Meron ding mga Big Foot na mukhang paa na dahil underdog sila sa halos kalahati ng buhay nila, nung nagkaron ng pagkakataon…mas matindi pa sila sa karaniwang big foot natin d’yan. Lahat naman ata ng tao pag nabigyan ng power over someone or something, nao-overwhelm at umaabuso.  Nabubulag. Nakakalimot.

Ang mga germs na ito,  indi binebeybi…kini-kill lang. 😆 Seriously, dinededma lang. Pag mas marami kasi ang bumebeybi sa pag-uugali, pakiramdam nila it looks good on them. Nasasanay. Humahaba ang sungay. Kaya dapat malaman din nila na indi magandang pinagpapareha ang striped shirt at printed pants kahit gaano pa ito kamahal.

Mahilig ako mam-Big Foot…ng mga Big Foot. Inaapakers ko sila para mabawas-bawasan naman. Dati yon. Ngayon, indi na mashado. Observer na lang ako. Nagmimiron na lang kasi napag-isip-isip ko na Time is Gold. Marami pa kong pwedeng gawin sayang lang ang oras ko sa kanila.

Kaya sa susunod na may maka-engkwentro kayong mga Big Foot along the way…wag na kayong makipagtagisan ng galing sa kanila kasi pag ginawa mo yun, talo ka pre. Makakabuti para sa lahat na wag na itong pansinin (pag kinakailangan lang hehe..) at ipagdasal na lang natin na sana magpatuloy pa rin ang blessings para sa lahat. Kasi kung mag-iisip pa tayo ng masama para sa kanila, madadagdagan lang ang kasalanan natin diba? 

Hangga’t nasa tama ka…dyan ka lang. k?

 

HAPI NU YIR SA LAHAT!!!

 Fireworks

 

 ab

Advertisements

P(f)ride

 

 fried

Sabi nila, basta anumang ulam na pinirito…it’s bad for the health. Bukod sa pampataas ito ng cholesterol na eventually ay mamumuo at magka-clog sa mga daluyan ng dugo na bumabyahe papuntang puso, isang malaking abala sa sirkulasyon ng dugo sa lahat ng parte ng ating katawan ang idudulot nito.

Keber diba? Masarap ang bawal.

Kesehodang kung anu pa ang gagawin nito sa sistema ng ating katawan ang importante, indi ka naging KJ at natikman mo na ang mga ito bago pa man mag-decide si Big Boss na bawiin na ang pinahiram niyang buhay.

As the saying goes, “Never take life seriously, no one gets out alive anyway.” – – – Ang galing ng palusot na ito, masunod lang ang kagustuhan, nakakaisip agad ng mga sayings hehe.

Kahit anong Fried ay pawang masama.

Kapag pinalitan mo naman ng P for Pride ay senyales naman ng isang negatibong pag-uugali.

 

Tanong lang, “Meron bang taong indi nagkamali kahit minsan sa buhay niya?”

Wala siguro noh? Kung meron man, yun yung nagfifiling mabait all their life at indi nakikita ang  white lies as flaws. Sila yung mga nagkamali at nagbago at napaniwala nila ang mga tao sa paligid nila na nagbago na nga talaga kahit na maraming nakakakita na binabalik-balikan pa rin nito ang mga dating gawain. Astig ka pre, pero indi kita idol hehe.

 

pride

Ang Pride ay ang paglutang ng lahat ng parte ng katawan sa ere, wag na wag lang kahit isang tuldok na maitapak ang paa sa lupa. Parang tore ng Babel na ayaw magpatinag sa kinalalagyan. Tinalo pa ang hari ng mga hari, reyna ng mga reyna o kahit pati na ang prinsesa ng banyera.

Wala namang tao na indi nagpairal ng pride kahit minsan sa buhay niya. Sa iba-ibang pagkakaton, mararamdaman mo na lang na sa isang sitwasyon, biglang ayaw magpatinag ng prinsipyo mo. Para itong sapilitang pagkapanalo sa lotto na lahat ng taya/eksplanasyon sa harap mo ay inding-indi matutumbasan ng pagkaperpekto ng sa’yo. In short, sarado na ang balota next time na lang kayo bumawi.

Shempre, marami sa atin na nadadala lang ng emosyon kaya napapairal ang pride. Mga ganitong litanya,

“Alam mo, indi naman talaga ako ma-pride na tao eh kaya lang pinipilit nila akong gawin ito. Akala ba nila gusto kong gawin ito?”

Naks, parang dialogue lang sa mga teleserye.

 

Meron naman yung iba na kahit indi naman kailangan, nakikipag-contest ng pride sa mga taong indi naman sila inaano.

 “Ay nako, bakit ko naman siya papansinin eh indi nga sila ok ni bestfriend ko. Pakelam ko sa kanya diba?”

Naks, mas bagay talaga kung mestisahin ang nagsasalita at indi jologs ang datingan. Well anyways, indi pa rin reasonable kung jologs, nagmamaganda o born maganda o born with a golden spoon para pairalin ang pride.

 

Alam n’yo bang meron ding iba na ginigisa ang pride to get even? Ang after effect nito sa tao eh, tattooed on your mind talaga.

Sila yung mga lumulunok ng pride sa harap ng maraming tao pero after a while parang superhero na bumabangon at lumalaban at to the point na yung nilunok niyang pride ang ipapalunok niya sa’yo but still manages to deceive people na nakakaawa talaga siya.

Still nakakaawa pa rin. Ito yung mga modern types of pride. Kaya dapat aware kayo sa mga ganyan. In the near future kasi baka may makasalamuha kayong ganyan kaya beware friends!

 

Para sa mga taong, pride ang bumubuhay sa kanila.

Ito yung ibubuka mo palang ang bibig mo para mag-ekspleyn, palayo na siya sa’yo. In short, concern siya sa’yo. Ayaw niyang mapagod ka pa sa pagsasalita kasi may nakahanda nang sagot para dito…Talk to the hand.

Tsk tsk tsk…very bad. Hopeless case na sila. Pwedeng indi na nila malaman na indi maganda ang ganitong gawain o kung marealize man nila, huli na ang lahat. Ipagdasal na lang po natin sila.

 

Para naman sa mga unang tingin pa lang eh ma-pride na ang dating, kawawa naman kayo. Meron kasi dito na indi naman kaila sa kanila ang ganitong pag-uugali, pero indi naman nila ito ginagawang habit.

Indi lang talaga sila pleaser o parang clown na kailangan well-entertained ang lahat. May boundaries ang relationship para sa kanila at indi para ihain totally sa mga tao ang lahat-lahat kasi in the end, you wouldn’t know who to trust. Maraming pwedeng mangyari at yung mga taong vocal sa pagsasabing, “I got your back.” Pwedeng sila mismo ang magbe-betray sayo, we’ll never know. 

Pero meron din naman na mukhang ma-pride lang. To keep the bad guys away hehe.

Ito yung mga ilang beses nang na-betray kaya salang-sala na ang mga taong pinagkakatiwalaan nila kesehodang negative ang impression ng tao sa kanya, kesa mamplastik siya. Pagiging totoo sa sarili na somehow may bad effect. Bad pa rin pero anuber wala namang perfect eh. 

Eksheli, marami pang klase ng pride sa mundo at kung iisa-isahin ko, matatagalan tayo bago matapos.

Ang pride kahit saang anggulo mo tingnan, masamang pag-uugali pa rin ito.

Mahirap harapin.

Mahirap alisin.

Kung anuman ang solusyon para mabawasan (kasi be realistic, indi na ito matatanggal.) eh it’s up to us. It’s how we deal with it. Makakatulong siguro kung didistansya ka sa mga tao at bagay na mas nagiging dahilan para makagawa ka ng indi maganda. Dadating din ang panahon na kahit indi maibalik sa dati ang lahat…at least lahat masaya na. Time heals all wounds diba? Pero ang peklat indi na naaalis unless me pam-BELO ka. 😉

 

abcde

 

Bumuboses lang ako.

PAALALA: Ang post na ito ay naglalaman ng mga kamias at sampalok extracts sa sobrang kaasiman kaya kung wala kang hilig magbasa ng mga wentong pang Charo Santos at Mel Tiangco, wag ka nang magbalak ituloy ang pagbabasa. 😉

 sad

 

Tatlong buwan na mula nung huli tayong masayang nagkausap. Sa dami ng mga nangyari, ayoko na sanang ipaalam pa ang lahat ng ito para lang idagdag sa mga iisipin. Maliban dito, wala nang iba pa.

Indi ko alam na kung anu-ano na pala ang mga naiisip nyo na nagpalala ng sitwasyon.

Nagkausap tayo pagkaraan ng tatlong buwan. Magkahalong kaba at tuwa ang pakiramdam ko. Indi ko mawari kung dahil ba sa tagal na indi nakapag-usap o sa ilang buwang pagkukulang. Sinigurado ko muna kasi na meron akong maibigay bago ako nagbalak makipag-usap. Masakit man isipin pero sadyang totoo na isa ito sa mga rason ng mga pag-aalala.

Masaya ang bungad ko sa inyo. Iba talaga pag naririnig ko ang mga boses na iyon. Yung pakiramdam na marinig mo ang mga taong may malaking bahagi sa iyong pagkatao. Namiss ko ang mga boses na iyon. May halong galak at eksaytment ang tono ko.

Unti-unting nagbago nung narinig ko ang unang tanong…

Ikalawang tanong…

Ikatlo…ikaapat – – – parang ayaw ko nang marinig.

Kung gaano katatag itong puso ko sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, ganun na lang kadaling natunaw at nadurog sa bawat tanong at salita na narinig ko.

Bakit ba kailangan ko pang sagutin ang mga ito?

Wag nyo sanang isipin na wala akong nakahandang sagot sa mga ito.

Indi ko lang alam kung handa na kayong marinig ang mga sagot mula mismo sa bibig ko.

Ang sakit kasi.

Dahil ba sa ilang buwan na nagkulang ako kaya biglang nasasabi nyo ito sa akin?

O dahil may mga taong “napakaperpekto” kaya nakikita nila ang mga bagay na mali sa mata at sa isip ng mga tao?

Sa ilang buwan na iyon, katumbas na nun ang pagkatao ko?

Bakit nung sinasabi kong “Dito ako masaya”, parang indi nyo ito naririnig?

Indi ba pwedeng maging masaya naman kayo para sa akin? Kahit ngayon lang. Kahit plastic lang? Tutal, indi ko naman makikita kung anu ang totoong reaksyon nyo.

Wala naman akong hinangad kundi mapabuti ang lahat. Indi rin ibig sabihin nito na kinakalimutan ko na ang obligasyon ko kung iyon lang talaga ang dahilan ng ipinagkakaganito ninyo.

Indi rin naman madali ang buhay na sinugal ko dito at kung uuwi ako gaya ng paulit-ulit na sinasabi nyo, anu ba ang engrandeng pagbabago ang sasalubong sakin pagdating ko dyan?

Indi ako magiging masaya sa desisyon na iyon.

Mahirap maintindihan.

Mahirap tanggapin.

Umaasa pa rin ako kahit alam kong indi pwedeng mangyari yun.

Alam ko sa buhay nyong lahat, naramdaman nyo na rin yung makuha kung anu ang hiling ng mga puso at isip nyo. Kahit mali sa paningin ng ibang tao. Nagiging mali lang naman ang mga desisyon kung indi ito kayang panindigan.

Indi ako nagmamalaki. Wala akong gustong patunayan. Noon pa, alam nyo na indi ko ito ipinipilit sa inyo.

Gusto ko lang maging masaya.

Kung susundin ko ang prinsipyo ninyo, magiging masaya na kayo.

Naisip nyo ba kung magiging masaya rin ako sa gusto nyo?

Kailan ba naging mahalaga ang boses ko? Kung anu yung nasa isip ko. Kung anu ang sinisigaw ng puso ko?

Kayo ang buhay ko.

At kahit na ano pang masasakit na bagay ang naririnig ko, kahit kailan indi ko kayo ginustung ihiwalay sa buhay ko. Indi ko yun kayang gawin sa inyo. Alam kong yun ang iniisip nyo.

Mahal ko kayo. Lahat ng bagay na pinahahalagahan ninyo, mahalaga rin para sa akin. Naiintindihan ko ang gustu nyo para sa akin.

Pero…buhay ko rin ang pilit ninyong ihinihiwalay sa akin.

Bata pa nga ako sa paningin ninyo. Siguro nga, bata pa rin para sa inyo hanggang mag-singwenta ako. Pero ang mga desisyon na hinaharap ko rito, indi kaya ng isang bata na harapin – – – pero nakaya ko.

Kinakaya ko kasi yun ang natutunan ko sa buhay. Natutunan ko sa inyo.

Kailangan kong paghirapan ang mga bagay na gugustuhin ko kasi indi ganun kadaling makuha ang mga ito. Masiguradong walang sinuman ang maagrabyado. Maging mabuting tao sa kapwa. Responsable sa mga bagay na ginagawa. Tumanggap ng pagkakamali. Humingi ng tawad. Magpatawad at maging thankful sa lahat ng biyaya.

Humihingi ako ng tawad sa inyo, kung nasaktan ko man kayo sa naging desisyon ko. Kung indi man nasunod ang nais nyo para sa akin. Alam ni Kuya Jesus kung gaano ko kayo lahat kamahal. Sana pagdating ng panahon, maintindihan nyo rin kung bakit ito ang pinili ko. Indi ko kayo gustung saktan.

May natitira pa bang lab dyan sa puso nyo para sa akin? Kasi ako kahit kailan, sa pagitan ng mga pagkukulang at pagwawalang-bahala…indi nawala ang pagmamahal ko sa inyo. Dala-dala ko ito kahit saan ako makarating. Siguro, kahit sa kabilang buhay pa.

Meri Krismas po sa inyo.

 

Musta bakasyon?

 

Kung meron man akong pinakagustung gawin pag may holiday eh eto yung pakiramdam na walang ginagawa. Yung alam mo na bakante ang buong araw mo at pwede kang magpa-appointment somewhere out there, pwedeng tamarin, pwede ka sa biglaang lakaran at mag-tamad day.

Sa halos limang araw na bakasyon na dumaan, indi ako shur kung nabigyan ko ba ng hustisya ang ilang araw na yon na halos isang taon ko ring hinintay. Kunsabagay, sakto lang din talaga kasi kalilipat lang namin at sa dami ng mga unforgettable at forgettable moments…We deserve this break. Kaso lang, naritong nagkarpintero, kargador at nagpaka-atchay naman ako ng  ilang araw. Isa pa, excited din kasi sa bagong room. Maliit pero punumpuno ng peace of mind. 😉

Naisip ko lang, indi ko talaga ma-take eh…parang nasayang ko yung bakasyon na dumaan.

Pag alam kong walang pasok, naka-otomatik na ang body clock ko na magpuyat. Tila ba napakahaba ng gabi. Lahat ng pwedeng gawin, magagawa ko na parang may pasok na kinabukasan sa dami ng activities. Mas masaya sana kung meron pang internet na kasama kaso mo, wala kaya ang dami ko tuloy na-miss sa blogosphere.

Naritong maglagalag at mamasyal na rin sana sa mga tourist spots dito sa Dubai para may maidagdag sa pics collection, kaso naman indi kagandahan ang mga schedule ng mga kasama ko. Pag kinalkula mo, dalawa lang kami ni Peebee makakaalis — ang saya diba?

Kung nahilig lang sana kaming gumimik at mag-inom all night long,  kaya nga lang indi rin. Mas gustu pa naming manood ng random movies kesa maramdamang sober at tipsy kaya ayun, movie marathon na lang kami.

Tinamad din kaming mag-mall tour dahil sa dadalawang piraso lang kami, wawa naman ang maiiwan sa bahay.

Oks lang, kahit indi natuloy yung mga out-of-bahay lakads na pinagpaplanuhan nang gawin couple of months earlier…sa dami ng pwedeng gawin sa bahay, sulit na sulit pa rin ang 5 days vacation na naganap. Sinu bang maiinip sa……..

  • Magwentuhan habang nagsa-soundtrip.
  • Maglaba habang nagkukulay ng buhok.
  • Magluto ng ulam na ilang buwan mo nang kine-crave kainin.
  • Makipaghabulan sa mga pusa (Mariah, Rihanna at Dishwalla) sa loob ng bahay para lang indi sila umakyat sa mga kama habang hinihintay maluto ang ulam.
  • Makakita ng ga-palad kalaking butiki ng alas kuatro ng madaling araw na singtapang ni Andres Bonifacio dahil nanunugod ito at walang takot na lumalapit samin habang namamaos na kami kakasigaw kada hakbang niya.
  • Makipag-bonding sa aming next door neighbor, nagkaron pa kami ng mini picnic chorva sa dining area nila.
  • Hulihin si Stuart Little (daga) sa maliit na sulok na tinataguan niya malapit sa kusina namin na siya namang ginawang laruan ng tatlong pusang alaga namin. Sa takot ni Stuart, nagpe-play dead talaga siya hanggang sa tuluyan na siyang kinuha ng Diyos ng mga daga.
  • Alalahanin ang mga kolektor ng bahay, tubig, kuryente, mayordomo, mukhang alahador  na nagpapaupa sa kabilang bahay, utang sa tao-hayop-bagay-lugar-at-pangyayari habang kumakain ng bubog at umiinom ng coffee with fire. Sinu ba namang indi mag-eenjoy sa gantong bakasyon diba?
  • Magkulitan, magwentuhan, mag-asaran, magchismisan, mag-laughing trip.
  • Masaya sana kung nandun si Master of Salvation Dance — si Kirky, kaso mo, nagbabakasyon din siya sa Iran. (Taray!)

Kung susumahin ang ilang araw na yun, indi naman nakakahinayang na lumampas lang ang mga ito na indi man lang kami nakapasyal o nakagala, ayus lang naman talaga.

Kadalasan kasi yung mga bagay na nakakapagpasaya sa atin, ito yung indi kinukwentang parang pautang — priceless kumbaga.

Isa pa, marami pa namang araw para mapuntahan ang mga ito mas masaya kung kumpleto kami para mas memorable ang datingan.

Marami pa namang okasyon ang darating ngayong buwan na ito at paniguradong makakaisip pa rin kami ng mga pwedeng gawin sa mga araw na darating.

Excited na ko sa Pasko at Bagong Taon. 🙂

Ang wish ko lang para sa lahat, maging masaya, peaceful at matiwasay ang Pasko at Bagong Taon na darating sa piling ng mga mahal natin sa buhay. Kahit parang walang Pasko sa bansang ito, nasa puso pa rin ito ng bawat Kristiyanong nandito. Nakakamiss talaga ang mga gantong okasyon sa Pinas. There’s no place like home.

Ok, tama na ang drama-dramahan dito.

Ika nga eh, “Kahit na anong mangyari, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!”

Mauuna na kong bumati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! 🙂

 

abcde

Spoiled ka ba?

 

Bata pa ko, may senyales na ko ng pagiging independent. Nasa labor room nun ang nanay ko at buong araw ko na siyang pinapahirapan dahil nga sa indi pako reding lumabas. Pinuyat ko lang naman siya sa pag-aantay sa akin kasi alas dos ng madaling araw ako nag-decide na sumilip sa earth. Sneaky talaga kasi wala yung kumadrona. Indi nila shur kung natutulog ba o nagmi-midnight snack habang nagchi-chismisan kaya walang nag-aassist man lang sa kanila. Nung naramdaman ng nanay ko na unti-unti nang lumalabas ang ulo ko sa pwerta niya, kinalampag nila ng katabi niyang nagle-labor din ang mga gamit dun para marinig sila. Shempre naman diba sa sahig lang naman ako pupulutin kung nagkataon. Ayun, sa gulat ko siguro sa ingay na ginawa nila at sa takot na mabagok ang ulo, kaya bumalik ulit ako sa loob. Literally bumalik talaga ako. 😆 Nagtakbuhan daw ung mga nars at kumadrona nung narinig sila at matiwasay akong nailabas.

Kaya kung gustu nyo’ng alamin kung ilang beses ba ako pinanganak…

Dalawa lang naman.

Sabi ng mga kapatid ko, spoiled daw ako kasi bunso. Pero sa tingin ko naman, indi kasi wala nga halos oras sa akin ang aking beloved parents dahilan sa pagkakayod marino nila. Lima kaming magkakapatid, shempre lahat yun mag-aaral. Minsan, nauuna na kaming kumain sa kanila at naaabutan na lang nila kami nanonood at malapit nang matulog.

Nung kinder ako, ate ko ang tumutulong sa paggawa ng assignment ko at kuya ko naman ang sa pagsusulat at pagbabasa. Maaga nga raw ako natutong bumasa. Sa takot ko ba naman sa titser ko nung Kinder at Grade 1 eh talagang pinilit kong matuto. Shempre kung magkakaron man ng sumbungan, nakauwi na siguro yung titser ko bago pa makarating ang nanay ko. Madalas din ako makalimutan sunduin sa skul. Indi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakita ang eskwelahan namin ng madilim habang nagdadasal na ang mga madre at nakaka-imagine na ko ng kung anu-anung maligno sa mga bintana ng classrooms sa 3rd at 4th floor.

Nagko-commute kami ng kuya ko pauwi kahit na malapit lang ang skul sa bahay namin. Kasi delikado tumawid sa haiwei kaya pinapag-jip na lang kami. Pero nung nakatuntong na ko ng Grade 4, umuuwi na ko mag-isa. Laman kasi ng arcade ang kuya ko kaya sinasabihan na lang niya ako na umuwi na pagkatapos ng klase ko. Nagkaron din kami ng kuya ko ng yaya para magbantay samin. Pero ako, laki sa ate. Ate’s Girl ba ang tawag dun? Mas malapit kasi ako sa kanya kesa kina mama dahil na rin siguro sa madalas na siya ang available na umattend ng kung anu-anung event sa skul namin.

Simula Grade 2 hanggang Grade 6 eh indi naman sa pag-aanu pero napasama rin ako sa Honor Roll. Nagulat na lang ang nanay ko nung binigyan ko siya ng sulat galing sa adviser ko na pinapupunta sila ni papa para sa commencement exercises. Shempre, kagulat-gulat talaga yun kung bising-bisi sila sa pagta-trabaho at wala silang kamalay-malay sa buhey-eskwela ko tapos sabay ganun parang aba panung nangyari yun?! Pero oks lang yun, understanding naman ako eh. Kung indi din sila nagpursige sa pagta-trabaho, indi nila kami mapapagtapos lahat. Pa-bonus ko na lang sa kanila yung mga medal ko, kung nasasangla nga lang sana ang mga ito hehe.

Nung hayskul, mejo humirap ang kumpetisyon. Nakakasama pa rin ako sa mga top chorva pero indi nako nakakapag-uwi ng bacon. Puro pampalubag loob na lang na “buti nga napasama pa eh.” – mga ganun. Okay lang naman yun diba?

Nung college, indi rin ako nakaligtas sa curiousity stage na tinatawag nila. Natengga rin ako pansamantala dahil nga sa pagte-testing ng decision-making ko sa buhay ko. Malay ko bang ganun ang mangyayari diba? Shempre naman tao lang ako (parang ang bulok ng dahilan ko hehe…), panu ko malalaman yung tama kung indi ko mismo naranasan ang mga ito diba? Nasa sa atin naman ang sagot sa mga tanong eh. Malaking factor pa rin ang guidance ng pamilya at faith kay Lord para malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Kahit nung lumaki na ko (yung tipong pwede nang magpamilya), sinasabi pa rin sa kin ng kapatid ko na spoiled daw ako.

Anu bang meaning ng spoiled?

“Having the character or disposition harmed by pampering or oversolicitous attention.”

Iniisip ko kung alin sa mga nauna kong niwento at kung saang parte dun makikita na spoiled brat ako.

Meron ba? Parang wala naman diba? Parang mas lamang pa na kulang sa atensyon kesa sa spoiled chorva. Pero indi rin naman kasi nandyan ang mga kapatid ko at kahit papano, nagkikita pa kami nina mama kahit nung nasa Saudi pa si papa.

Indi naman kami mayaman.

Saang bagay naman kaya ako pwedeng sabihang spoiled?

Siguro yung pagiging bunso, yun na siguro ang basehan nun.  Para sa’kin, may freedom lang na mag-decide para sa sarili. Dun lang siguro nila ako inispoil. Napasobra nga lang talaga kasi kinarir ko naman ng todo.

Mas lamang pa rin ang pagiging thankful kesa galit o tampo. Marami kasi akong natutunan along the course. At kahit mas madalas na wala sila nung time na yun. Ramdam ko pa rin yung love ng pamilya…ng magulang sa anak. Mahal ko sila kasi kahit mahirap, indi sila sumuko at indi nagpabaya. Isa yun sa maraming bagay na hinahangaan ko sa kanila. Nasa puso ko kahit saan ako mapunta.

Siguro nga spoiled ako.

Spoiled na pala, indi ko lang mashadong napupuna o iba lang talaga ang depinisyon nito para sa akin. At kahit na anu pa ang kinalabasan ng mga nangyari, it’s meant to happen. Walang sisihan.

Lab yu Ma….Pa. 🙂